ISANG buwan na ang lumipas magmula nang ipahatid niya sa Manila, ang babaeng nagawan niya ng malaking kasalanan. At kahit ang pagsilip sa ospital ay hindi na niya nagawa. Maging ang mga magulang ay walang alam sa nangyari sa kakambal niyang si Dale. Kahit gustong ipaalam sa mga ito ang totoo ay nauunahan siya ng takot. Ang maisip na masasaktan ang mommy niya pag nalaman ang nangyari ay nakakaramdam siya ng sakit. Mahal na mahal niya ang ina at ayaw niyang makita na iiyak ito kapag nakita ang kalagayan ni Dale. Kaya nag desisyon siya na huwag sabihin at manatiling sikreto ang lahat.
“Master Dave, kanina tumawag ang daddy mo at nagtatanong kung bakit hindi raw matawagan ang iyong numero. Kahit si Master Dale, ay hindi rin daw makontak nila at ang bilin ay mag-return call ka raw sa kanila.”
“Sige po Manang, salamat.” kahit ang mga kasambahay nila ay walang alam sa nangyari.
Ngunit sa halip na tawagan ang mga magulang ay nag tungo siya sa mini-bar. Gaano na ba katagal ang ganitong sitwasyon niya? Magmula ng mapatunayan na maling tao ang nagawan ng kasalanan ay hindi na siya pinapatahimik ng konsensya. At kahit sa pagtulog ay nagigising siyang pawisan mula sa masamang panaginip. Kaya naman sa tuwina ay alak ang kaniyang kaulayaw upang pag nalasing ay diretso na sa higaan.
Isang umaga ay ginising siya ng sunod sunod na katok kaya napilitan bumangon upang buksan ang pintuan.
“Anong….” Nabitin ang kaniyang sasabihin nang makita kung sino ang naroon. Walang iba kundi ang private nurse ng kaniyang kakambal.
“What happen to him, bakit ka napasugod dito?”
“Pasinsya na sir, ilang beses na kitang sinusubukan tawagan pero kahit alin sa numero mo ay hindi ma-contact. Kailangan ka sa ospital dahil gising na ang kapatid mo at dapat mong makausap ang doctor niya.”
“Okay, maliligo lang ako at pupunta na agad doon.”
“Sige po sir, aalis na ako.”
Makalipas ang sampung minuto ay sakay na si Dave, ng kaniyang kotse. Medyo nakaramdam siya ng kapanatagan sa kaalaman na gising na ang kapatid. Kaya pagdating sa ospital ay dumiretso muna siya sa VIP room upang silipin ito. Naabutan niya na pinupunasan ng private nurse nito ang katawan ni Dale.
“Nurse, itigil mo muna iyan at sabihin mo sa akin kung anong oras siya nagising. Gano’n din ang sinabi ng doctor niya, bakit bumalik agad siya sa pag tulog?”
“Three hours ago, ay nagising siya at stable naman na raw ang kalagayan niya kaya mga ilang araw na lang ay maaari na siyang lumabas ng ospital. At ang dahilan ng pagbalik niya sa pag tulog, marahil dahil sa itunurok sa kaniyang gamot.
“Salamat nurse, maiwan muna kita at pupuntahan ko ang doctor niya.”
“Sige, sir.”
-
SA bahay ng mga Briones…
“Hija, mahigit isang buwan ka na dito sa bansa ay hindi ka pa pumapasyal sa mga Montemayor?”
“Plano ko na po na magtungo sa mansion Montemayor, baka isa sa mga araw na ito.”
“Mabuti naman pala, may nabalitaan nga ako na critical raw ang isa sa triplets. Kaya busy si Dave, wala ang mga magulang at kapatid niya dito sa Pilipinas. Siya pa ang namamahala sa mga negosyo kaya lalo nang nawalan ng oras ang batang iyon sa sarili niya.”
“Sino ho sa dalawang kapatid niya ang nasa ospital?”
“Ang bunsong triplets, hindi ko alam kung totoo na nagpakamatay o may nag tangkang pumatay sa kaniya. Kaya malamang na hindi naman nakakakain sa tamang oras si Dave. Gano’n ‘yon pag may problemang kinakaharap, nakakalimutan ang sarili.
Kinakabahan siya sa tuwing babanggitin ng ginang ang pangalan ni Dave. Bumabalik sa isipan niya ang lahat ng nangyari sa kaniya doon sa isla. Kung bakit naman kaparehong pangalan ng fiancé niya ang lalaking lumapastangan sa kaniya.
Maliit pa lamang siya ng umalis sila patungong ibang bansa at sa mga panahong iyon ay naging busy ang mga magulang. Kaya kahit minsan ay hindi man lang sila nakabalik ng Pilipinas. At habang lumalaki siya ay puro pag-aaral ang kaniyang ginagawa. No’ng magkaroon ng mabigat na problema ang ama ay tanging ito ang umuwi sa bahay nila sa Manila. Sila ng mommy niya ay nanatili sa ibang bansa hanggang tuluyan nang naputol ang communication nila sa pamilya Montemayor. Nag focus na lang siya sa kaniyang study at sa grupo ng kabataan na tumutulong sa mga batang wala nang mga magulang. Hanggang sumapit ang pagtatapos niya sa colegio at nagkaroon ng trabaho. At pagkalipas ng dalawampu’t dalawang taon ay bumalik siya sa Pilipinas. Dahil sa kagustuhan ng ama niya na makadaupang palad ang lalaking itinakda sa kaniya. Kaya ngayon ay wala siyang idea kung anong itsura ng lalaking kaniyang pakakasalan.
‘Kumusta na kaya ang lalaking magiging asawa niya?’ Kahit kasi picture ay wala man lang siyang nakikita, lagi lang sinasabi ng mommy niya na guwapo at mabait na anak raw ito. Pag nagtatanong siya kung may picture si Dave, sasagutin lang siya na mas okay daw na hindi niya makita ang binata para surprise pag-uwi niya sa takdang araw ng pagkikita nila.
Ngunit ang pangyaring iyon sa kaniya (isang buwan na ang nakalipas) ay wala na siyang mukhang ihaharap sa binata. Diring diri siya sa sarili at hindi niya kayang magpakita pa dito. Lalong hindi niya kayang magpakasal sa lalaking maliit palang siya ay nakatanim na sa puso at isipan na ang buong pagkatao ay para lang kay Dave Montemayor. At kahit naputol ang communication nila ay hindi iyon dahilan upang mabago ang nakatakda. Kaya anong gagawin niya ngayon, hindi rin kayang sumuway sa mga magulang. Pinalaki siya sa mabuting paraan at may mataas na respeto lalo na sa kapwa. Ngayon ay problemado siya kung dapat bang ipaalam sa mga magulang ang nangyari sa kaniya.
“Trisha, hija malalim na naman ang iniisip mo kung may dinaramdam ka o problema bakit hindi mo sabihin sa akin?” hindi man lang namalayan ang pag lapit ng ginang sa tabi niya.
“W-Wala po Manang, ang mabuti pa ay maiwan muna kita at may mahalagang dokumento lang akong gagawin sa laptop ko.” Wika na lang niya upang makaiwas sakaling mag tatanong pa ito sa kaniya.
“Sige hija, at pag nagutom ka ay magtungo lang sa dining may nakahandang pagkain doo para sa’yo.”
“Salamat ho.”
Nang nasa loob na siya ng kuwarto ay bumalik na naman sa pag-iisip. Hindi napigilan ang mangilid ang luha, napakasakit isipin na sa isang iglap ay gumuho ang lahat ng pangarap niya. Napakatagal na panahon niyang hinintay na matupad ang pangako para sa binatang nag-iisa sa kaniyang puso at isipan. Nagsumikap siya na marating ang tagumpay para sa tamang panahon ng pagkikita nila ni Dave, ay may ipagmamalaki siya dito. Wala silang yaman na kagaya ng binata, upang mapantayan niya ito kundi ang kalinisan at katapatan. Hindi man niya nakikita ang mukha nito dahil naka hide iyon sa mga website o social media. Pero nababasa naman niya kung gaano kataas ang antas nito sa buhay. Sa katunayan ay nasa linya ng mga batang bilyonaryo si Dave Montemayor, at maraming babae ang nagtatangka na mai-date nito.
Lagi rin laman ng kwentohan sa bahay nila ang mga nangyayari sa Pilipinas, lalo na at tungkol kay Dave. Kaya may kaunti siyang alam tungkol sa mga babaeng naggagandahan, sexy, mayayaman at sofisticated na nagtatangka na masilo ang binata. At ngayon ay wala na siyang karapatan pangarapin o isipin man lang ang isang Dave Montemayor, dahil marumi na siya. Hindi na napigilan ang mapaiyak hanggang napahagulhol. Kaya minabuting ibaun ang mukha sa unan ng hindi siya marinig ng kahit sinong kasambahay.
‘I hate you, sana pinatay mo na lang ako.’ Habang patuloy na tumatangis sa kawalang pag-asa.
-
ILANG araw pa ang lumipas at nakapag pasya na siyang bumalik na lang sa Europe. Dahil habang tumatagal siya sa bansang Pilipinas, ay lalong nadadagdagan ang sakit at paghihirap ng loob.
“Ma'am Trisha, akala ko bibisita ka sa mansion Montemayor?”
“Ahm, h-hindi na ho siguro Manang, isa pa wala na rin akong oras. Nakapag pa-book na rin kasi ako ng ticket pabalik sa Europe.”
“Hindi mo man lang ba sisilipin si Dave?”
“H-Hindi na ho.”
“Ang buong akala ko kaya ka umuwi ng bansa ay dahil kay Dave, iyon din ang nabanggit ng mommy mo no’ng minsang tumawag siya dito.”
Napaisip siya sa sinabing iyon ng ginang, bakit nga ba hindi at least makita man lang niya ang itsura ni Dave Montemayor.
“Pag-iisipan ko ho Manang, may ilang araw pa naman bago ang flight ko.”
“Puntahan mo siya hija, dahil nararamdaman kong kailangan ka niya ngayon.”
Napatango na lang siya bago nag paalam sa ginang. Mabuti pang mag ikot-ikot muna siya sa mall para malibang at bibili na rin siya ng mga pasalubong. Nagpatawag lang siya ng taxi dahil wala naman siyang sasakyan o kahit mayron pa ay wala naman lesinsya kaya hindi rin maaaring magmaneho. Padating sa mall entrance ay nagmadali na siya sa pagbaba ngunit may isang sasakyan na mabilis ang takbo at muntik na siyang mahagip. Nakaramdam siya ng sobrang takot at halos mamutla sa panghihina ang mga tuhod. Mabuti na lang at may mga bisig na sumalo sa katawan niya sa kamuntik ng pagkalupasay niya. Natanawan pa niya ang Red Ferrari, ang muntik nang makasagasa sa kaniya na hindi man lang nagawang mag minor.
“Ma’am, okay ka lang ba?”
“Y-Yeah, a-ayos lang,” sa nanginginig na boses ay nagawa pa niyang magpasalamat sa lalaki.
“Pasensya ka na kay boss Dave, masyadong malaki ang problema niya kaya tila wala sa sarili kung pagmamaneho.”
Nang marinig ang pangalang binanggit ng lalaki ay tila biglang lumakas ang kaniyang pakiramdam. Nagmamadaling humakbang papasok sa loob ng mall at humalo sa karamihan ng tao. Bakit parang nananadya ang pagkakataon, sa dinami dami ng taong muntikan sumagasa sa kaniya ay ang pangalang Dave?
“Ms. Ganda, sa’yo yata ito?”
Isang batang lalaki ang nag-abot sa kaniya ng panyo na pagmamay-ari niya. Nahulog pala iyon ng hindi namamalayan.
“Thank you, kiddo.” Saka nagmamadaling humakbang palayo. Pumasok siya sa Pasalubong Shop, at habang pumipili ng item na bibilhin ay pansamantalang nakalimutan ang sitwasyon. Nalibang siya sa mga naroroon, lalo na sa napaka murang presyo. Kaya naman hindi na namalayan ay napuno na ang cart, agad na nagtungo siya sa counter upang bayaran lahat ng ‘yon. Pagkatapos ay tulak tulak ang cart patungo sa exit, sa paradahan ng mga taxi.
Ilang minuto nang tumatakbo ang taxi na sinasakyan ni Trisha nang napilitan huminto dahil naabutan sila ng stop light. At saktong pagbaling niya sa pedestrian lane ay napansin ang matandang nahihirapan yata sa pag hinga dahil sa paghawak nito sa sariling dibdib.
“Manong, tulungan po natin ang ginang mukhang masama ang lagay niya.”
“Sige po ma’m, ikaw ang bahala.” Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at agad na dinaluhan ang may edad na ginang.
“Lola, bakit nag-iisa ka ho hindi ka dapat naglalakad ng mag-isa lalo at mainit pa ang sikat ng araw.” Ngunit hindi siya nito sinagot bagkus ay tumingal sa kaniya, siguro nagtataka bakit islang siyang magsalita. Kaya nginitian na lang niya ito upang hindi na magtanong pa. “Sumama ka sa akin lola, dadalhin kita sa ospital baka kung mapano ka pa dito sa ginta ng kalye.” Wika pa niya sa tahimik pa rin na ginang.
“Ma’am, pakibilisan ho at kailangan na natin umalis dito dahil nagta-traffic na at maya maya lang ay siguradong may darating nang police highway.”
“Pasensya na Manong, dalhin muna natin siya sa ospital.”
“Sige po, ma’am.” Nang maayos na sa pagkakaupo ang ginang ay agad na umusad ang taxi. May pagmamadaling lumayo sa lugar at naunawaan naman niya ito dahil baka mahuli pa ng traffic inforcer. Subalit pagliko nila sa unang ospital na nadaanan ay hindi sinasadyang napatingin sa isang papel na nakadikit sa wall. ‘Di yata’t picture ng ginang iyon, kaya saglit na pinahinto ang taxi at mabilis na bumaba upang kunin ang posting. Pagkapasok sa loob ng taxi ay inutusan ang driver na dalhin sa pribadong ospital ang ginang. Dahil ayon sa nakasulat sa papel ay mayaman pala ito at may sakit na Alzheimer disease.
“Lola, ayos ka lang po ba?”
Hindi pa rin ito sumasagot pero tumango naman sa kaniya, kaya ang ginawa niya ay tinawagan ang telephone number na nakasulat sa papel. Ayon sa kausap ay doon raw nila sa private hospital, ihatid ang may edad na ginang.
Few minutes later…
Huminto ang taxi sa tapat ng emergency at agad naman silang sinalubong ng mga nurse. Pinakiusapan niya ang taxi driver na hintayin siya at ihahatid lang ni ang pasyente sa loob. Mabuti at mabait ang driver dahil agad rin pumayag. Pagkapasok nila ay sinalubong sila ng isang babae at may edad na lalaki, nagpakilala ang mga ito sila raw ang pamilya. Hindi rin siya nagtagal dahil naghihuingtay ang taxi sa labas ng ospital. Malaki ang hakbang na naglakad patungo sa kinapaparadahan ng taxi. Nang hindi sinasadyang makasalubong ang lalaking kinamumuhian, nagmamadali ito sa paglalakad patungo sa elevator. At sa hindi malamang dahilan ay sinundan niya ito hanggang sa loob ng elevator. Hindi yata siya natatandaan ng lalaki o maaaring hindi napapansin dahil diretso lang ang tingin. Hanggang huminto sa ikatlong palapag at sumunod pa rin siya sa paglabas. Isang VIP room ang hinintuan nito at itinulak ang pintuan papasok sa loob. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya sumunod, ngunit binasa ang pangalan ng pasyente na nakasulat sa gilid ng pintuan. At gano’n na lang ang kabog ng kaniyang dibdib nang mabasa ang pangalang “Patient: Dale dela Fuente Montemayor” at napa atras siya sabay takbo patungo sa elevator. Hindi na niya napigilan ang mga luha nang namalisbis iyon sa kaniyang pisngi. Pagkapasok sa loob ng elevator ay para siyang babagsak sa panghihina. Hindi na rin niya namalayan kung paano pa siya nakarating sa naghihingtay na taxi. Kundi pa ito nagsalita na naroon na sila sa gate ng bahay nila ay saka pa lamang siya tila natauhan.
“Ma’am, ako na ho ang magpapasok ng mga pinamili mo dahil mabigat ang mga ‘yan.”
“S-Sige po Manong Driver.” Ang tangi niyang naisagot dito.
Sinalubong naman agad sila ng may edad na caretaker na tumatayong mayordoma na nila.
“Hija, bakit ganyang ang itsura mo, may nangyari ba?”
“W-Wala po manang sumakit lang ang ulo ko.” Saka siya mabilis na nagpaalam matapos abutan ng pera ang taxi driver. Pagkapasok sa kaniyang kuwarto ay humagulhol na siya ng iyak, at sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng sobrang galit.