NAG-INIT ang ulo niya at nanggigigil ng maabutang hinahawakan ng isang tauhan ang dalaga.
"Anong ginagawa ninyong dalawa?!" Malakas na sigaw niya habang papalapit sa mga ito dahil siya lang ang may karapatan na hawakan ang dalaga. "Get off your dirty hand! Asshole!” At para namang napaso na biglang binitiwan nito ang babae.
“Sorry master.”
“Who told you to touch her?!” sigaw pa rin niya sa bodyguard na nakatalaga sa dalaga.
"Sorry master, muntik na po siyang madulas at na out of balance si Ma’am, kaya mabilis kong dinaluhan.” At kakamot kamot na lumayo sa dalawa.
“Nawala lang ako kung kani kanino ka na lumalandi! Kailan ka pa hinahawakan ng lalaking yon? At parang gustong gusto mo naman?!” naggagalaiting sigaw pa rin niya, dahil gustong marinig ang paliwanag ng dalaga.
"Ha?...w-what do you mean?” may pagtataka na nilinga ang lalaking malaki pa rin ang boses.
Samantala ay nabigla din si Dave kaya hindi agad nakapag react. Bakit ba siya umaakto ng gano’n, sino ba siya sa buhay ng babaeng ito?? Subalit dahil Montemayor ay agad na nakakapag-isip ng katwiran. At biglang bawi niya para ipamukha dito na walang ibang ibig sabihin ang kaniyang nasabi. “Nevermind, at bakit ka naririto sa ganitong oras? Hindi mo ba nakikita na madilim na? O baka naman plano mo akong takasan?” Malakas ang pagkaka sabi niya rito at sinadya na hindi bigyan ng pagkakataong makapangatwiran ang dalaga.
Nagugulohan siya sa mga pinagsasabi nito kaya tumalikod na lang dahil naiinis na rin siya sa lalaking tinalo pa ang babae sa kakatalak. Ayaw niya makipag usap sa taong ito na kumidnap sa kaniya. At teka muna bakit ganito manalita sa kaniya ang tarantadong to? Akala mo ay selosong asawa kung umasta. Siya ang dapat magalit dahil sa ginawa nito sa kanya, pinagsamantalahan at sinira ang buhay niya. Kaya sa inis ay humarap siya dito, “sino ka ba mister, nakalimutan mo ba kung bakit ako naririto o baka gusto mong ipaalala ko sayo ha?”
Para namang napahiya si Dave, sa ina asta kaya nanahimik na lang siya. Gustong tampalin ang sariling bibig kung bakit lumabas din ang mga ganoong salita. Nagtataka rin siya sa sarili dahil ng nakita niyang may lalaking nakahawak dito ay nakaramdam agad siya ng galit na hindi naman dapat. Ano ba ang nangyayari sa kanya ay hindi naman niya ito girlfriend at lalong hindi asawa. Pero bakit ganon nasasaktan siya at nagseselos nang makita na may lalaking naka alalay dito.
Si Trisha, ay inis na inis nang dumiretso sa kwarto na ukupado niya. Nag-lock rin siya ng pinto dahil bahagyang nakakaramdam ng pangangati. Siguro dahil sa hangin na may kasamang alat, mabilis na naghubad at pumasok sa loob ng banyo.
Sa labas ng pintuan ay parang tanga si Dave, palakad lakad. Gusto niyang kumatok pero ano ang kaniyang sasabihin sa dalaga. May pag sandal sa wall o lalapit sa pinto at aasta na kakatok ngunit hindi naman magawang ituloy. “Humn, teka nga muna bakit ba siya nalilito ay isa lang namang bihag niya ang babaeng iyon. At pagmamay ari pa niya ang bahay at lugar na kinaroroonan nila huh!"
Sa huli ay nagpasya na pumasok kaya hinawakan ang door knob at pinihit iyon. Subalit nakalock kaya napilitan na katukin na lang niya ang pinto. Kaya lang mukhang walang balak ang babaeng ito na pagbuksan siya. At nakaramdam siya ng inis kaya bumalik sa kaniyang kwarto at kinuha ng duplicate ng mga susi.
Agad na binuksan ang kwarto malakas na itunulak, ang nagulat na babae ay hindi agad nakagalaw. Sa halip ay nabitawan pa ang towel na nakabalot sa katawan at bumagsak iyon sa sahig. “Anong ginagawa mo rito, labas!”
Hindi naman malaman ng binata kung tatalikod o tatakpan ang mga mata. Kahit siya ay nabigla rin sa hindi inaasahang makita. Ngunit ng makabawi ay namaywang pa at tuwid na tumingin sa babae. “Bakit ako ang lalabas ay pamamamahay ko ito?” bagkus ay tinaasan pa niya ito ng kilay. Kahit ang totoo ay gusto ng mapa lunok sa nakikita.
"Bastos!” habang naghahanap ng pwedeng pantakip sa katawan niya. Subalit sa kasamaang palad ay wala siyang mahagilap. “Lumabas ka nga! Ano ba ang bastos mo!” sigaw niya sa binatang wala yatang plano na umalis.
“Ano ba ang inaarte mo ay nakita ko na lahat 'yan at nahawakan pa nga! At hindi lang yon nahalikan at nakain ko na nga ang lahat ng 'yan!” sigaw rin niya sa dalaga upang mapagtakpan ang pag-iinit ng katawan.
Nang makabawi si Trisha, ay hinablot ang puting kumot at binalot ang sarili. Hawak ng mahigpit ang puting kumot at mabilis lumapit sa lalaki saka ubod lakas na sinampal ito. "Bastos ka! pinagsamantalahan mo ako kaya mo nakuha at nahawakan ang katawan ko!” hindi pa siya nakontento ay pinagsusuntok niya ang dibdib nito. At habang panay ang tulo ng mga luha, ay hindi alintana ang ginagawa. Naghalo halo ang kanyang hinanakit at sobrang sakit na nararamdaman. Kaya’t ibinuhos niya ang lahat ng galit at kahit saan tamaan ito ay wala siyang pakialam. Pinagsisipa rin niya ito at kinalmot sa dibdib.
Samantala ay hinayaan naman ni Dave, ang dalaga hanggang mismong ito na ang kusang tumigil. Masakit ang kalmot, sampal at suntok nito sa kaniya ngunit hindi niya iyon pinansin. Sa halip ay nakaramdam pa siya ng awa habang tinitingnan niya itong luhaan. At sa kawalang alam gawin ay mabilis niya itong niyakap ng mahigpit.
“Sinira mo ang buhay ko,” hinagpis niya at pilit na kumakawala. “Wala akong alam na kasalanan sa'yo, hindi kita kilala bakit mo nagawa sa akin ito. Dalawampu't dalawang taon kung iningatan ang sarili ko at hindi ako nakipag relasyon sa kahit sino! Dahil gusto kung humarap ako ng malinis at ialay ang sarili ko nang buong buo sa lalaking nakatakda kung pakasalan. Maliit pa lang kami ay naipagkasundo na kami ng aming mga magulang pero winasak mo! I hate you! Sana pinatay mo na lang ako!”
Tumagos sa kanyang dibdib ang sakit, sa bawat salitang binibitawan ng dalaga. At biglang nabitawan niya ito saka nagmamadaling tumalikod at lumabas ng kwarto. Hindi napigilan ay pumatak ang luha niya at tumindi ang kirot sa kaniyang dibdib. Ang kaalaman na may ibang lalaking nagmamay-ari sa dalaga at nakatakda na itong ikasal sa iba ay literal ang sakit. At para mabawasan ang sakit na dinadala ay tumuloy siya sa bar. Kumuha ng alak at panay tungga na lumabas saka binabaybay ang kahabaan ng beach. Nasasaktan siya kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon sa dalaga. Subalit magsisi man siya ay huli na, nangyari na at hindi na maibabalik pa. “F*ck you, Dave! asshole!" malakas at paulit ulit na sigaw niya paharap sa karagatan. At nang mapagod ay napaupo siya sa buhanginan. "I'm so sorry…” paulit ulit niyang bulong. “Hindi ko sinasadya at sana mapatawad mo ako.” Ngayon ay hindi na niya mapigilan ang tila agos sa batis ang masaganang pagpatak ng luha. Dahil sa buong buhay niya ay wala siyang sinaktang babae. Kaya nga iwas na iwas siyang makipag relasyon sa iba dahil alam niyang nakatakda siyang ikasal sa kababata niya. At ngayon ay masahol pa siya sa hayop. Kung may mga babaeng nadala niya sa ibabaw ng kama ay hanggang doon lang. Sa mga oras na iyon ay nahihirapan siya dahil sa malaking kasalanang nagawa niya. Kung kakasuhan siya ng dalaga ay siguradong wala siyang kawala sa batas at sa pagkakataong ito ay walang silbi ang yaman nila.
Hatinggabi na nang magpasyang bumalik sa bahay. Nakapag desisyon na siya, bukas ay ipahatid niya sa Manila ang dalaga. Hindi na niya kayang harapin ito ngunit gagawa na lang siya ng sulat para makahingi ng tawad. Kahit alam niyang kailanman ay hindi siya nito mapapatawad.
Kinaumagahan ay ginising si Trisha ng mga katok. “Ma'am, be ready at ihahatid na kita sa Manila.” Iyon lang at tumalikod na ang bodyguard.
Nagugulohan man ay nagmadali na rin siyang kumilos. Hindi niya kailangan dalhin ang mga damit na iyon. Dahil hindi rin naman kanya, kaya iniwan niya sa ibabaw ng kama. Ngunit nasulyapan niya ang puting papel na nakapatong sa ibabaw ng maliit na table. Dinampot iyon dahil may nakasulat na pangalan niya, nilagay sa bulsa at nagmamadali nang lumabas.
Nasa himpapawid na sila ng maisipan niyang basahin ang sulat.
Miss,
Una sa lahat ay humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng nagawa ko. Alam kung kahit kailan ay hindi mo ako mapapatawad. Hindi ko sinasadya ang lahat, dahil sa kagustuhan kong ipaghiganti ang sinapit ng kakambal ko. Sa maling tao pala ako nagawa ng masama.
Ang plano ko ay pahirapan ka sa physical na paraan. Dahil gusto kung danasin mo din kung paano nawasak ang kapatid ko. Nagmahal siya ng sobra at sinaktan ng babaeng iyon. Dahil hindi matanggap ng brother ko ay nagtangka siyang magpakamatay.
He is comatose until now, at walang kasiguraduhan kung magigising pa siya. Picture mo ang nasa loob ng condo niya ng matagpuan siyang nag aagaw buhay. Sa sitwasyon ng kapatid ko ay wala akong ibang maisip kundi makaganti.
Subalit sa pagdaan ng mga araw unti unti akong nahulog sa iyo. Pero dahil sa kagustuhan kung makapag higanti ay binaliwala ko ang nararamdaman ko. Inisip ko na kung mawawasak ka ay magiging okay na ang lahat. Ang importante ay nakaganti na ang kapatid ko.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko noong araw na sinubukan mong tumakas. Lumalim ang pagnanasa ko sayo at sa tuwing nakikita kita. Hindi na rin ako pinaka tahimik hanggang hindi ko na nakayanan. Ginawa kong dahilan ang pangyayari sa kapatid ko para maangkin ka. Pero gusto kong malaman mo na hinding hindi ko iyon pinagsisihan. Dahil sa bawat araw na lumilipas ay natotonan na pala kitang mahalin.
Ang sabi mo ay nakatakda kang ikasal sa kababata mo at nasasaktan ako, please huwag kang magpapakasal sa kanya. Siguro nga, i fall in love with you, kahit hindi ko alam ang pangalan mo. Kahit hindi ko alam kung sino ka, But i’m so happy na kasama kita. Kahit alam kong buong pagkatao ko ay kinamumuhian mo.
Alam kong wala akong karapatan na humiling sa Diyos, pero susubukan ko. Sana ay dumating ang araw na magkita tayong muli. At sana sa mga panahon na iyon ay napatawad muna ako.
Gusto ko rin malaman mo na kahit nasa ganoong sitwasyon tayo ay ikaw lang ang babaeng nagparamdam sa akin ganito. Sa bawat oras na hindi kita nakikita ay wala akong ibang inaasam na sana ay paulit ulit kitang makasama, mayakap, mahalikan at maangkin.
Inaamin ko, I'm crazy in love with you.
Please forgive me.
Dave.
Walang patid ang daloy ng mga luha niya matapos basahin ang sulat. Bigla ang kaba sa kaniyang dibdib ng mabasa ang pangalan ng binata. At hindi siya mapalagay sa kinauupuan kaya sinubukan na tanungin ang isang tauhan na maghahatid sa kaniya.
“Mr Bodyguard, maari ko bang malaman kung anong family name ng boss mo?”
“I’m sorry Ma'am, pero hindi ko po pwedeng sabihin sa inyo."
Wala siyang nagawa kundi sumadal sa upuan at ipikit na lang ang mga mata upang hintaying makarating sa Manila.