ILANG araw na ang lumipas magmula ng malaman na ang fiance at ang taong kumindap sa kanya ay isang tao lamang. Hindi niya alam kung ano ang nararapat gawin, dahil sa mga oras na iyon ay punong puno ng galit ang puso at isipan.
“Hija, kailangan mong kumain, hindi nakakabuti sa katawan mo ang pagpapalipas ng gutom. Kung anuman ang problema mo ay magsabi ka sana dahil naririto lang ako upang makinig sayo.
“A-Ayos lang po ako, maya maya ay babangon na ako upang kumain. Huwag kang masyadong mag-alala sa akin, lately hindi lang po maganda ang ang pakiramdam ko.” pagdadahilan niya sa ginang.
“Nakahanda na ang iyong pagkain kaya pilitin mong kumain at nang makainom ka ng gamot.”
“Opo, Manang.”
“Maiba ako, tuloy na ba ang alis mo?”
“Baka hindi ho muna, may mga bagay pa akong dapat asikasuhin.”
“Sige, maiwan muna kita.”
Tumango na lang siya at muling ipinikit ang mga mata. Ayaw na muna niyang mag-isip, hangga't maaari ay gusto niyang kalimutan ang mga nangyari. Kahit man lang sandaling oras ay makapag pahinga ang pagod na isipan.
-
SA sariling mansion ay laging irritable si Dave, ang mga kasambahay ay unti-unti nang umiiwas a binata. Ang dating Master Dave, nila ay biglang nagbago ang pag-uugali.
"Hanggang ngayon ba hindi ninyo makita ang babaeng ipinahahanak ko?"
"Pasensya na Boss Dave, ilang beses na namin sinubukan hanapin ay walang kahit sino ang nakakakilala sa kaniya. Kahit ang mga litrato niya ay ipinakalat na ng sikreto pero isa man ay walang tumawag para sabihing nakita na at kunin ang pabuya."
"Bakit kasi ganyan ang kuha ng litrato niya puro nakatagilid."
"Hindi mo ba ba nakuhaan ng picture kahit minsan noong naroon kayong dalawa sa isla, Boss Dave?"
"Hindi ko nga naisip 'yon eh!" kaya wala siyang dapat na sisihin kundi ang sarili niya.
Ilang araw pa ang lumipas, at gusto nang sumabog ang temper dahil wala pa rin balita sa babaeng hinahanap.
“Boss Dave, may tumatawag yata sa cellphone mo?”
“Paki abot mo sa akin,” hindi man lang tiningnan ang caller at pasigaw na sinagot. Ngunit walang sumagot kaya lalo nang nag-init ang kaniyang ulo. “What the f*ck!” hindi ka ba talaga sasagot?”
“Nasaan ka?”
“D-Dad?” halos masamid siya ng mabusisan ang ama. At gustong kutusan ang sarili kung bakit hindi muna binasa ang name ng caller bago iyon sinagot? I’m sorry dad, nandito po ako sa bahay ko.”
“Pumunta ka dito sa mansion ngayon din!”
“Y-Yes dad, papunta na po.” nakaramdam siya ng takot dahil siguradon alam na ng parents niya ang kalagayan kapatid na si Dale.
“Boss Dave?”
“Let’s go! Sigurado akong alam na nila ang nangyari kay Dale.”
“Paano ‘yan Boss Dave, baka magalit ang daddy mo?”
“Sigurado ‘yon, nagtataka lang ako bakit biglaan silang bumalik ng bansa.”
“Baka naman may nakapag sabi na sa mga nangyari kay Master Dale?”
“Imposible dahil walang ibang nakakaalam, isa man sa kamag-anak ko. At ang hindi ko napaghandaan ay kung ano ang isasagot kay dad. Ang isa pa ay baka kasama nila si Jade, sigurado na hindi iyon tatahimik lang.”
“Wag mo munang isipin yon Boss Dave, baka naman wala pa talaga silang alam. At kaya ka pinapunta sa mansion ay dahil hindi kayo makontak na dalawa?”
“Sana nga tama ka dahil siguradong iiyak na naman si Mommy.” wala siyang narinig na sagot mula sa kanyang bodyguard. Hanggang makarating sila sa manision ang ama ay tahimik silang pariho.
“Come with me.”
“Bakit mo pa ako isasama Boss Dave, hindi naman ako kailangan doon.”
“Sino ba ang Boss sa ating dalawa?”
“Syempre ikaw, sabi ko nga sasama na ako.”
Inayos muna ni Dave, ang suot na damit at ilang beses pang huminga ng malalim saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob.
“Nasaan ang kapatid mo, Mark Dave?!” napahinto siya sa paglalakad ng marinig ang malakulog na boses ng ama.
“D-Dad, kailan pa po kayo dumating? Hindi nyo pinaalam sa akin na uuwi kayo ng bansa kaya hindi ako nakapag prepare. Pasensya na po, mommy daddy…
“I'm asking you! Nasaan ang kapatid mo?”
“Ahm, ano…
“Anong ano bakit hindi ka makapagsalita?”
Nakaramdam siya ng sobrang pag-alaala nang makitang namumula ang mukha ng ama sa sobrang galit. Kaya sa kawalang alam gawin ay napaluhod siya sa harapan nito. “Dad, I’m so sorry, hindi ko po sinasabi sa inyo ni Mommy ang totoo.”
“D-Dave, ano ibig mong sabihin anak?” wika ng ina na halos mangatal ang boses. Ito na ang iniiwasan niyang mangyari ngunit wala nang lulusatan pa. “P-Patawarin nyo ako, pero naroon po sa ospital si Dale…
“D-Dave, a-anak totoo ba ang sinasabi mo?” napatatayo agad siya nang makitang tila babagsak ang ina. Kaya mabilis niyang dinaluhan ito, at mahigpit na niyakap.”I’m sorry mom, please kumalma ka.”
“Anong nangyari Dave? Sabihin mo ang tunay na kalagayan ng kapatid mo?”
“S-Suicide po… ahm, kagagawan ng isang babae.”
“At sino ang babaeng ‘yon?”
“Hindi ko rin masyadong maunawaan ang sinasabi ng babaeng ‘yon. Pero sabi niya alam mo raw po ang dahilan.”
“Kumusta ang lagay ng kapatid mo at kailan pa ito nangyari? Anong dahilan mo bakit hindi mo man lang nababanggit sa amin ang tunhgkol dito?”
“M-Matagal na po ilang buwan na rin ang nakalipas nang mangyari sa kaniya ang pagpapakamatay.”
“Dalhin mo kami sa kinaroroonan ng kapatid mo.”
“Opo, Dad.”
Habang nasa biyahe ay walang isa man ang nagsalita, gusto niyang magtanong kung nasaan si Jade, Lath at Laurice. Ngunit wala siyang lakas ng loob, kaya ang ginawa na lang ay hinawakan ang palad ng ina. “I’m sorry mommy, hindi ko po ipinaalam sa inyo dahil ayaw ko na mag-alala ka. Hindi ko naman akalain na tumagal ng ilang buwan si Dale, sa loob ng ospital.
“Lumuhod ka ba kay Chairman Joshua, upang hindi niya sabihin sa amin ang totoo?”
Tumango na lang siya at yumakap sa ina, ngayon niya naramdaman na kailangan niya ang presensya nito. Ngunit dapat ba niyang ipagtapat dito ang ginawa niya sa isang babaeng inosente? Paano kung magalit ang ina, o ang dapat niya isipin ay paano kung kasuhan siya?
“Anak, ano ba talaga ang dahilan bakit ginawa ni Dale, ang pagpapakamatay? Baka naman may mas mabigat siyang problema.
“W-Wala po, sobrang nagmahal lang si Dale, sa maling babae. Hindi niya namalayan na pinaglalaruan lang pala siya.” wala siyang narinig na sagot mula sa kaniyang mama. Hanggang narating nila ang ospital, pagpasok pa lamang nila ay sinabihan na siya ng ama na ililipat sa Gonzalgo VIP Private Hospital ang kapatid. Sinunod na lang niya ang utos at pinuntahan ang opisina ng doctor na may hawak sa kapatid.
-
BORED na ang pakiramdam ni Trisha, kaya naisipan lumabas, sumakay ng taxi at nagpa hatid sa travel agency. Final na ang desisyon niyang bumalik na lang sa Europe. Kahit gusto niyang kasuhan si Dave Montemayor, hindi niya na lang ginawa. Pagkat malalantad lang sa pamilya nila ang buong pangyayari. At hindi niya alam kung ano ang maaaring gawin ng daddy niya. Maaari din masira ang pagkakaibigan ng mga magulang nila. Total nangyari na at gawan man niya ng aksyon wala na rin naman mangyayari. Hindi na maibabalik pa ang lahat, kaya pagdating sa agency ay agad na nagpa book. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas din agad, at naghintay ng tax. Ngunit biglang may nagtakip ng panyo sa kaniyang ilong.
“Umn…” nagpupumiglas pa siya hanggang unti-unting nanghina. At sa pangalawang pagkakataon ay nakidnap na naman siya. Hindi na lang nagtangka pang lumaban, wala rin naman siyang takas sa mga ito hanggang unti-unti nang nawalan ng malay,
Nagising siya sa hindi familiar na lugar, nang luminga ay napag-alamang nasa isang bahay bakasyunan siya. Panay ang linga sa paligid, ngunit walang ibang tao. Ang pinag taka niya ay hindi siya tinalian, nasaan kaya siya ngayon?
“Ineng nagising ka na pala, ang mabuti pa ay kumain ka muna. Alam kung nagutom ka sa layo ng biyahe nyo.”
“Nasaan po pala ang mga kasama mo dito?”
“Wala si Master, baka sa isang linggo pa raw siya darating.”
“Maaari po ba akong magtanong?”
“Sige, ineng ano ba ang gusto mong malaman?”
“Nasaan po tayo at ano pala ang pangalan ng master mo?”
“Narito tayo sa hacienda, at si Master….
“Manang, nasa linya si Boss.”
“Ah, sandali lang ineng.”
“Sige po.” hindi sinasadyang masulyapan ang lalaking tumawag sa ginang. At nakaramdam siya ng takot, namumukhaan niya ito. Kaya sa halip na mag stay pa doon ay nagmamadali nang tumalikod at bumalik sa kwarto. Bakit naroon ang lalaking ‘yon, hindi kaya isang tao lang ang nagpa dukot sa kanya? Ayaw niyang isipin ngunit kakaiba ang kaba niya, hindi kaya nakilala na rin siya?