LaC 012

1498 Words
Chloe’s POV: “Are you sure okay ka lang?” “Avelia, for the hundredth time, yes. I’m perfectly fine.” Natatawang sagot ko at muling naglagay ng eyeshadow. Bumuntong hininga siya at pinagkrus ang mga braso niya. She stared at me for a couple of minutes before sighing again. “Sigurado ka nga?” I stared at her through the mirror and shaked my head. “Hala oo nga. Kakulit naman neto.” Sagot ko muli. “Makulit na kung makulit pero kailangan kong siguraduhin na ayos ka lang.” Maririnig ang pag-aalala sa kaniyang tinig. “Kilala kita since 3 years old. Mahilig kang mag-sarili ng problema at damdamin. Hindi naman masamang mag-share eh. Diba sabi nga, share your feelings.” Aniya. Natatawang humarap ako sakaniya. “Blessings ‘yun, Avelia. Hindi feelings.” Pagtatama ko sakaniya. “Ay, blessing ba ‘yun? Hindi feelings? Sure ka? Magkatunog kasi eh.” Kamot-ulong bawi niya at ngumiti. Muli akong napailing sa kakulitan niya bago muling humarap sa salamin. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko. I tried to flash a smile, only disappointing myself because what I saw is myself flashing a fake smile. Aaminin ko hindi pa rin ako nakakamove-on sa ginawa ni Aaron. Hindi ko kasi talaga inakalang magagawa niya akong lokohin. I mean if you look at him, wala sa istrua niya ang maging manloloko. Matalino, mabait, madiskarte, almost all of the good traits mahahanap mo na sakaniya. Kumbaga husband material. “Oh, akala ko ba okay ka lang? Eh bakit may tumutulong luha diyan sa mata mo?” Tanong ni Avelia at tinabihan ako. Umiling ako at tinakpan ang mukha ko bago sumandal sa balikat niya. “Masakit parin pala.” Pag-amin ko. Sinubukan kong linawin iyon kahit na hirap akong magsalita dahil sa paghikbi. “Kaya nga may kasabihan na expect the unexpected eh. Walang forever, Chloe. Lahat ng tao nagbabago.” Aniya at tinapik-tapik ang likod ko. “Maski ako ay hindi ko rin inasahan na magagawa niya iyon. Pero gaya nga ng sabi ko, magbabago at magbabago ang mga tao kaya kung ako sayo, mag move on ka na at humanap ng bago. Chariz.” Pagbibiro niya at tumawa. Natawa nalang din ako sakaniya at pinahid ang luha ko. Napasimangot ako nang makita kung gaano kadumi ang mukha ko dahil kumalat ang nilagay kong eyeliner at mascara. “Hala sino ka?! Mukha kang mumu!” Pang-aasar niya at hinampas pa talaga ko bago inabutan ng tissue. Tinulungan din niya akong ayusin ang mukha ko at linisin ang nagkalat na make-up. Sabi niya at siya na daw ang gagawa sa eye-look ko. Nung una ay tumanggi pa ako pero sabi niya ay magtatampo siya kapag hindi ako pumayag kaya hinayaan ko nalang. “Gagawin kitang reyna besh! Trust me!” Aniya at kinuha ang eyeshadow palette na nakalapag sa lamesa sa harapan ko. “Sure bang reyna? Hindi clown?” Tanong ko at tumawa. Nag-make face lang siya tsaka nagsimula. Tinalikod niya ako sa salamin para daw surprise. Naka-pikit lang ako the whole time. Tumagal ang eyeshadow session namin ng 5 minuto bago siya natapos. Ang usapan namin ay eyeshadow lang ang gagawin niya pero nagbago daw ang isip niya at siya nalang ang gagawa ng buong makeup look ko. “And…ta-da! Ready ka na ba?” tanong niya. Dumilat ako at tiningnan siya bago tumango. Dahan-dahan niyang inikot ang upuan ko hanggang sa tumapat ako sa salamin. “Oh, sino ‘yan? Di ko kilala ‘yan ah!” Biro ko at tumawa. Pero seryoso, hindi ko nakilala ang sarili ko. Parang nag-ibang anyo ata ako ngayon. Joke. “Oo nga ‘no. Taray natin ngayon ah!” Aniya at tumawa din. Parang mananapok yung eye-look ko ngayon, pati kilay ko pwede na atang panaksak sa tulis hahaha. Tumayo ako at humarap sakaniya bago siya niyakap. Maluha-luha niya akong niyakap pabalik. “Ano ba ‘yan 18 ka na. Sa susunod na aayusan kita ay kasal mo na. Ang tanda mo na bess.” Aniya at suminghot pa. “Grabe ka naman sa ang tanda ko na. Mas matanda ka sakin ng isang taon remember?” Paalala ko sakaniya. Humiwalay siya sa yakap at hinampas ako. “Huwag mo na nga ipaalala diba.” Sabi niya at pabiro akong inirapan. We both stopped when someone knocked on the door and opened it. Mom’s head peeked in. “Can I come in?” She asked. We both nodded. “Hala si tita nagpaalam pa. Nakakahiya naman po.” Sabi ni Veli at tumawa. “Sige po ah maiwan ko na muna po kayo. Aayusin ko lang po sa labas. Goodluck besh!” Paalam niya at lumabas na. Muli akong naupo at pinagmasdang sarili sa salamin. Lumapit si mom saakin at hinawakan ang balikat ko. “Look at you. All grown-up. Hindi na kita mab-baby.” Ani mom at suminghot. “Mom please huwag ka munang umiyak. Kaka-ayos lang saakin ni Veli baka maging dragona nanaman ‘yun kapag nasira ang look ko ngayon.” Biro ko sakaniya bago siya niyakap. “Mom you know naman na kahit 18 na ako, I’m still your baby.” I said. “I know. Kahit naman umayaw ka, you don’t have a choice.” She laughed and took a deep breath. “We’ll be waiting for you outside. Your party’s going to start. I hope you enjoy your day my princess.” She waved goodbye before leaving me alone in my room. I sat down once again and stared at my reflection. I’m wearing a red off shoulder gown. Mayroon itong slit magmula sa tuhod ko hanggang pababa. My hair’s styled in a messy bun, by Avelia of course. This is it, Chloe. You’re finally turning 18! This is what you dreamt of, right? A party, celebrating your legal age! Right. This is what I dreamt of. I wanted this to happen. But…why am I having this hard feeling? Like I’m not supposed to be celebrating, that I’m not supposed to be happy at all? “Knock knock?” Naputol ang pag-iisip ko ng may magsalita sa likuran ko. I looked at him through the mirror, before turning the chair to face him. “Rook.” Pagbati ko sakaniya. “Valeria.” Pagbati din niya at naupo sa katapat na upuan. Tumango lang din ako at pinagkrus ang braso ko. Tumingin lang siya sa paligid at hindi nagsalita. Ng dahil sa katahimikan sa pagitan namin ay rinig na rinig ang malakas na music mula sa garden namin at ang pagsasalita ng MC, which is ang best friend ko. “So, Avelia’s your MC for tonight I see.” He started. Tumango ako at tumingin din sa kwarto ko na para bang ngayon lang din ako nakapasok dito at hindi pa ito kabisado. “Yeah. She insisted.” Maikling sagot ko. Tanging pagtango lang ang isinagot niya at muling nilibot ang paningin. “Nice room, by the way.” He complimented. “Yung may-ari ba hindi mo ico-compliment?” Pabulong na tanong ko. “What?” “Huh? Ano? May lamok? Weh? Baka naiwan kong nakabukas yung bintana ko kanina kaya may nakapasok.” Ngumiwi siya at napailing. “You look good.” Napatingin ako sakaniya nang nanlalaki ang mata. Luh? Anong nakain ng impaktong ‘to? “Uhm, thanks. You too. You look good, with the uh, the tuxedo. And the tie.” I silently scolded myself for stuttering. Chloe why the hell are you stuttering? You’re just complimenting him! Be nice to him! And then I just realized, this is the first time we had a normal, peaceful conversation. “I think we should head out. You’ll be called in a few minutes.” Niki said while looking at his wristwatch before standing up. I also stood up and straighten my dress before looking at him again. He’s already at the door, and when he saw me looking at him he opened it. Huminga ako ng malalim bago naglakad palabas ng kwarto ko. Kasunod ko siyang naglakad hanggang sa maabot namin ang hagdan. He extended his arm. I looked at him before looking down to his arm. He nodded, so I clung my arm on his. We slowly walked down the stairs, him assisting me. “Huwag mong masyadong kina-career Rook. Baka isipin kong seryoso ka.” Bulong ko. “Ayos ba? Pwede ng maging artista?” Tanong niya at nginisihan ako. “Hmm, pwede na. Kaso hindi sila tumatanggap ng panget na nagngangalang Niki Rook eh. Better luck next life nalang.” Sagot ko at ngumisi din. Inirapan niya ako at sumimangot. “Tulak kita diyan eh.” Rinig kong banta niya. “As if magagawa mo. Sige nga tulak mo ko.” Hamon ko sakaniya. Palakas na ng palakas ang tugtog mula sa speaker sa labas kaya hindi ko na narinig yung isinagot saakin ni Niki. “And let’s all welcome, our debutante! Ms. Chloe Valeria, together with her escort, Mr. Niki Rook!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD