Chloe's POV:
Pareho kaming natigil ni Veli nang humarang si Aaron sa dadaanan namin.
“Babe…babe please—”
“Stop right there, as*h*le.” Veli stopped him from coming closer to me. Her face is so red that she looked like a tomato. Anger can be read in her eyes. “Don’t you dare come closer to her. Hindi deserve ng mga manlolokong kagaya mo ang presensya ng isang Chloe Valencia. G*go ka pinagkatiwala ko siya sayo. Alam mong kapatid na ang turing ko sakaniya, at ganun din ang turing ko saiyo dahil mahal na mahal ka neto. Dati palang hindi na maganda ang kutob ko saiyo eh. Sana pala pinakinggan ko yung kutob na iyon at hindi ipinagkatiwala saiyo ang kaibigan ko.” Galit na saad niya kay Aaron at dinuro pa siya.
“Avelia please. Let me explain myself. I just need 5 minutes with her.” Ani Aaron at sinubukan ulit lumapit saakin pero tinago ako ni Veli sa likuran niya.
“No, Aaron. I’m not going to let you fool her again. I’m not going to let you feed her another lies. After you broke her heart? You think you still have the right to talk to her? No. Not on my watch. She’s not coming back to you. As long as I live, I’ll make sure of it. Let’s go Chloe.” She’s mad. Really mad. She’s different from the Avelia Marcus everyone adores. Because this is the real her. Her attitude towards you depends on your attitude towards her. And once she really cared about someone, she’ll protect them with her life. Gaya nalang ngayon.
“Veli, tama na. Tara na.” Bulong ko. Tumango siya at binigyan muna ng masamang tingin si Aron bago ako hinila palabas. Pero sadyang makulit itong isa at humabol. Nahawakn niya ang isang braso ko kaya napatigil nanaman kami sa paglalakad.
“Chloe. Parang awa mo na. Maawa ka naman saakin, saatin. We both know this wouldn’t be good for the both of us. Just give me a chance to explain.” Pangungulit talaga niya. Tiningnan ko lang siya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Please. Huwag naman natin sayangin ‘to.” Pagmamaka-awa niya. At talagang umiyak siya. Lumuhod pa siya sa harapan ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Pinagtitinginan na kami ng lahat.
“Tumayo ka diyan, Aaron. Hindi mo na ako makukuha pa ulit.” Seryosong utos ko.
“Chloe Valencia, I love you. I love you with all my life. I know I did a mistake and I deserve to be hurt. But not like this. I could understand if you wanted space, but please, let’s not break up. I promise I won’t do it again. It will never happen again. I’ll be the better version of myself. For you. So please, don’t end things between us.” I heard people around us made and “awe” sound, some even shouted that I should forgive him. I scoffed.
“I said stand up, Aaron.” Matigas na utos ko. Mabilis naman siyang sumunod nang hindi binibitawan ang kamay ko. Ngumiti ako dahilan ng pag-ngiti niya rin. Pero nang subukan niyang hawakan ang mukha ko ay umiwas ako, tsaka umiling. “Inuulit ko Aaron. Hindi mo na ako makukuha ulit. Ikaw ang sumayang. I warned you before, way back when you we’re still courting me, hurt me once, you won’t get a second chance. You’re saying that you promise it won’t happen again? Didn’t you promise me that you won’t cheat on me too? Sure. Be a better version of yourself, but not for me. For yourself, and to the next girl you’re going to be with.”
“W-what?” Tila hindi niya maintindihang tanong.
“If this is what cruelty is, then yes. I am cruel.” Tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin at tinalikuran siya. Bumalik ako sa tabi ni Veli at kumapit sa braso niya. Bago umalis ay muli ko siyang nilingon. “Sana…sana alam mo kung gaano ko katagal hinawakan ang salitang ‘kaya ko pa’ bago ko binitawan ang salitang ‘ayaw ko na’.” Dagdag ko at tuluyan ng umalis. Nakarinig ako ng bulungan sa paligid ngunit hindi ko iyon pinansin.
---
“Oh, anak you’re here—”
“I’m ready.” Bungad ko kay mom and dad na nakaupo sa sofa. Taka silang tumingin saakin tila ba hindi nauunawana ang sinasabi ko. “I’m ready to get married. Just tell me when it’s happening so I can re-schedule my other plans.” I said.
“T-teka anak slow down. Bakit parang biglaan naman ata? Akala ko baa yaw mo?” Nagtatakang tanong ni dad.
“If you’re doing this for us, we appreciate it, but you don’t have to. We won’t let you sacrifice your freedom for the sake of our company.” Sabi naman ni mom. Umiling ako at ngumiti.
“Mom, dad, I’m sure of it. Handa na po ako.” Nakangiting sagot ko.
“But what about Aaron? Alam ba ng boyfriend mo?” tanong ni mom. Ngumiti ako at yumuko. Mukhang na-sense nila na hindi maganda ang nangyari dahil tumayo silang dalawa at nilapitan ako.
“Ex-boyfriend, ma.” Bulong ko. Nag-angat ako ng tingin at ngumiti ng malungkot. “Wala na po kami ni Aaron.”
Nasapo ni mom at dibdib niya bago ako niyakap ng mahigpit. Si dad naman ay napahilamos sa mukha niya. Hindi niya maitatago saakin ang pagkuyom ng kamao niya. Hinawakan ko iyon at tsaka ngumiti.
“Kaya po pala nanlalamig na siya saakin simula nung isang buwan. Hindi na pala ako.” Hindi ko napigilan ang pagbasag ng boses ko. Inalo ako ni mom at niyakap ng mas mahigpit. Pati si dad ay sumali narin sa yakapan session namin.
“Ano tito daddy? Resbakan ko na po ba? Tawagin ko na po mga tambay sa kanto namin at sugurin iyong g*gong ‘yun? Sabihin niyo lang po ako mismo babasag sa bungo nun.” Napatingin silang pareho kay Avelia na biglang nagsalita sa likuran ko.
“Andito ka pala iha. Bakit hindi ka nagsasalita?” Gulat na tanong ni mommy. Napakamot naman sa ulo si Veli at tumawa.
“Ito talaga si tita mommy oh. Kakasalita ko lang po kaya.” Biro niya at tumawa. Pati tuloy kami ay natawa nalang din.
“Pero anak, are you sure of your decision?” They both asked me. I smiled and nodded.
“I got nothing to lose now, mom. I’m not in a relationship anymore. So yes. I’m ready.” I insisted. They both smile and nodded.
“Ako po tita mommy and tito daddy? Hindi niyo po ba ako tatanungin kung ready na po ako? Kasi hindi pa po eh. Hindi pa po ako ready makitang ikasal ang bestfriend ko since fetus este elementary pala.”
“Avelia umuwi ka na nga.” Natatawang sagot ko.