LaC 013

1495 Words
Chloe's POV: “And let’s all welcome, our debutante! Ms. Chloe Valeria, together with her escort, Mr. Niki Rook!” I flashed my best smile as we walk outside our house, towards the middle of the crowd. A lot of cameras are flashing. Lahat iyon ay sinikap kong harapin hanggang sa Sinenyasan an ako ni Niki na maupo na. Inalalayan niya akong muli papunta sa sofa na nasa harapan. Ang theme ng party ay black at gold. The visitors are either wearing black or gold. Even the caterers are dressed in black. I’m the only one wearing red. I was listening to Avelia as she’s introducing my folks when someone caught my eye. I scoffed and clenched my fist. How dare him come here?! Ang kapal ng mukha niya! “Calm down. Don’t let your anger drive you. You’re in a party. This is your special day. Enjoy it. Forget about him.” I inhaled deeply before slowly letting it out and nodded at Niki. Right. Forget about him, Chloe. He doesn’t deserve your time so don’t waste it thinking about him. After the welcome remarks, as usual here comes the Cotillion de Honor or the Formal Cotillion dance that really stressed me out. I spent 2 months in this 10-minute dance just to perfect it. Of course, after the dance, it’s what the people are waiting for. Dinner! As the guests are being served, the AVP Presentation started. I also took that opportunity to greet my guests, my friends, my other side of family and took picture with them. “Grabe bess kakahingal mag-MC ah.” Bulong ni Veli pagkatapos niyang i-isang lagukan ang bottled water na inabot sakaniya ng isa sa mga waiter. “Ayan kasi. Gusto mo ‘yan diba? Panindigan mo ‘yan.” Sabi ko at tumawa. Pabiro niya akong hinampas at umiling. “Is everyone enjoying their food? Sana all! Charot! You can go back for a 2nd plate. Again, you can go back for a 2nd plate.” “Kumain ka na muna doon. Sumabay ka na sa parents mo.” Sabi ko kay Niki dahil hindi talaga siya umalis sa tabi ko. “Nako Rook kung hindi ko lang kayo kilala iisipin kong mag-jowabels na kayong dalawa. Grabe ka makabakod eh.” Gatong naman ni Veli at tumawa. “Shut up Marcus or I’ll tell my cousin you like him.” Banta ni Niki kay Veli ngunit binelatan lang siya nito. “Kahit ipagsigawan mo pa sa lahat wala akong pake. Dahil alam naman nilang hindi ko bet ‘yang pinsan mong ubod ng hangin.” Ani Veli at umirap. Napailing nalang si Niki bago tumayo at nagpaalam na pupunta sa table ng family niya. “Paaalala mo nga sakaniya ang hangin dinadala sa baga, hindi sa utak.” Pahabol pa ni Veli bago tuluyang makalayo si Niki. Sa loob ng isang oras ang tanging ginawa ko lang ay makipag kamustahan, makipag chikahan, at makipag-asaran kay Veli na hindi ko na nagawang kumain. “Huy hindi ka pa kumakain.” Paalala ni Veli at naghahanda dahil tapos na ang nakalaang 1 oras para sa dinner. “Oo. Mamaya nalang after ng party.” Sabi ko at ngumiti. Muli akong naupo sa gitna at pinapanood ang mga bisita. “Nabusog ba kayong lahat? Aba’y very good! Dahil kakailanganin niyo iyan mamaya para sa games natin later. But before that, let’s do the 18 roses! May I call on the first man sa buhay ng ating debutant, Mr. Louise Valencia.” Dahan-dahang naglakad si dad magmula sa dulo ng gold carpet, palapit saakin hawak ang isang pirasong red rose. Inabot niya iyon saakin niyakap ako. “I love you, Chloe. My one and only baby girl. You’re a grown-up now. I know you can make decisions for yourself, but always remember that me and your mom will always be here for you, to support and to guide you.” He whispered and smiled at me. Nagsimula kaming sumayaw ng magkayakap. “Dad don’t make me cry. Mahal yung foundation na ginamit saakin ni Avelia baka ratratin ako nun.” Biro ko at humiwalay sa yakap. “I love you too, Dad.” I added and smiled. Pagkatapos ni dad ay sunod ang grandfather ko sa side ni dad, ang grandfather ko sa side ni mom, ang dalawang kapatid ni mom, tatlong pinsan ko sa side niya, ang tatlong kapatid ni dad at ang dalawang pinsan ko sa side niya. Yung iba ay yung kaklase ko ngayon, at ang pang-huli ay ang escort ko. Si Niki. Inabot niya saakin ang natitirang pulang rosas nang nakangiti. Hindi ko pa man nakukuha ang bulaklak ay hinawakan na niya ang kamay ko at hinila palapit sakaniya. Nag-ingay ang mga bisita na ikina-init ng pisngi ko. “What the hell Rook?” Nahihiyang tanong ko at yumuko. I was stunned when he held my hand and placed both of it on his shoulders, then he snaked his on my waist. “You’re with an angel, Valencia.” Asar niya at nginisihan ako. “Correction, demon. Kaya nga ang init eh. Halatang fresh from the underworld.” Pagsalungat ko at inirapan siya. Kapal ng mukha neto. “May demonyo bang ganto ka-gwapo?” Tanong niya na ikinangiwi ko. “Eww Rook. Kadiri.” Sagot ko at bahagyang tinulak siya. Sakto naman ay tapos na ang music kaya bumalik na kami sa pwesto namin. “Lagot ka sakin mamaya.” He whispered. Hanggang sa makabalik siya sa pwesto niya, which is sa may bandang left side na likuran ko ay sinundan ko siya ng tingin. “Aw love is in the air! You feel me? Char! Anyways, let’s proceed to the 18 candles! May I call on the mother of our debutante, Mrs. Chelsea Valencia to light the first candle.” Mom walked towards us, holding a candle. After she lit the candle she gave her message, making me cry a little. “When your dad and I found out that I was pregnant, no word can describe our emotion that day. And when you were born, we both felt like we’re so complete. Every day I thank God for giving you to us, for making us witness your growth. And now, you’re 18. You know this already but let me say it again. I love you, Chloe. I will always love you.” And with that, she cried. I immediately stood up and hugged her tight. The crowd made an “aww” sound which made my mom laugh. “Stop crying, ma. You’ll ruin your makeup.” Pagpapatahan ko sakaniya at tumawa. Pasimple kong pinunasan ang luhang kusang tumulo mula sa mata ko. Pagkatapos ng iyakan session namin ay muling bumalik si mom sa pwesto niya. Sunod sakaniya ay ang mga tita ko, ang mga pinsan kong babae, mother ni Niki, at syempre ang best friend ko. “Hoy ikaw alagaan mo ang sarili mong bruha ka. Huwag mong iyakan ang mga taong hindi worth it. Huwag mong sayangin ang oras at ganda mo sa mga taong hindi mahalaga, okay? I’m lucky to have you by my side every time I need someone to talk to. Thank you for existing and making my beautiful life even more beautiful. Happy birthday bestie!” Ani Veli at nakipag-beso saakin. Niyakap ko din siya ng mahigpit bago muling naupo. Pagkatapos niyon ay ang 18 treasures na mga tita, tito at friends ko din ang nagbigay. And then ang pinakamasayang part for me, ang games! Napuno ng tawanan ang buong garden nang magsimula ang games. Kung ano-anong pakulo ang pinagawa ni Veli sa mga participants na lalong nakapagpasaya nito. May mga nag dance challenge, at kung ano-ano pa. “Psst mag-ready ka na. Malapit na yung Intermission number mo.” Bulong ni Veli. Tumango ako. Inalalayan akong tumayo ni Niki at maglakad papunta sa loob. Kinuha ko yung gitarang nasa tabi lang ng mini table sa may salas namin at bumalik. Saktong patapos na din ang games. “Hay jusko! Nakakaloka kayo ah! Hindi ba kayo hiningal kakatawa? Kasi ako, oo! Ako ang hiningal para sainyo!” Hingal na sambit ni Veli at muling tumawa. “Hay nako. Anyways! Napagod tayong lahat so let’s sit back, relax, and listen to the angelic voice of the Valencia Family, our debutante, Chloe.” I breathed deeply before looking at the crowd. Biglang kumabog ang dibdib ko, kinakabahan dahil ngayon lang ako kakanta sa harapan ng maraming tao. Come one Chloe, yu can do it! Paano ka magiging singer niyan kung sa harapan palang ng mga taong ‘to hindi ka na makaimik? Lumingon ako sa likuran, nagbabakasakaling andun si Veli dahil siya ang p****r ko, but instead I met Niki’s eyes. He smiled and nodded, making my heartbeat normal. Muli akong bumuga ng hangin at tumingin sa harap. I smiled and looked down to my guitar before gently strumming it. “This is a shout out to my ex.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD