LaC 009

1665 Words
Chloe's POV: “Are you and your boyfriend okay?” He asked out of the blue. Ilang segundo akong napatigil dahil sa tanong niya na iyon. “O-oo. Bakit?” Tanong ko. Tumango-tango siya at yumuko. “Ano kasi, nakita ko siya kanina sa corridor. May kinakausap na babae. No, actually nilalandi. May nilalanding babae.” Sabi niya. Sumeryoso ang buong mukha ko at huinga ng malalim. “Get out Mikael.” Seryosong utos ko. “You’re not helping. Hindi ko kailangan ng pang-aasar ngayon.” Dagdag ko. Pero nang mag-angat siya ng tingin ay nagulat ako ng makitang seryoso siya. It’s the first time I saw him that serious. “I’m not joking.” He said seriously. “M-maybe they’re just talking.” I tried to defend him. “May nag-uusap bang nakayakap sa bewang ng isa’t-isa?” Tanong niya. Napabuga ako ng hangin at sumandal sa upuan ko. Umiling ako at tinakpan ang buong mukha ko. “Hindi. Hindi eh. Kilala ko yun. Hindi niya magagawa yun.” Bulong ko. Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa mukha ko at tumayo. “Saan mo sila nakita?” Tanong ko kay Mikael. Nagkatinginan sila ng pinsan niya. Para bang nag-aalangan pa siya kung sasabihin niya ba saakin oh hindi. “Hey.” I snapped my fingers in front of them. “Don’t look at your cousin. The answer’s not on his face. Look at me. Where are they?” I asked. “At the back of their campus.” He answered. Tumayo siya at sinenyas na sundan ko siya. “I’ll be back.” Paalam ko kay Veli at sumunod kay Mikael. “Hiramin ko muna ‘tong fiancée mo.” Narinig kong bulong ni Mikael sa pinsan niya bago ako hinila palabas. Pero agad ding bumitaw at namulsa. Every step I take makes me feel nervous. Hindi mapakali ang isipan ko. Kumakabog ang puso ko. Hindi ko na alam basta kabadong-kabado ako habang tinutungo namin ang lugar kung saan niya nakita si Aaron at ang sinasabi niyang babaeng ‘nilalandi’ daw ni Aaron. “Are you sure you’re okay? Para kang titingin sa isang crime scene eh.” Tanong ni Mikael. “Ayos lang ako.” Iyon lang ang sinagot ko kahit na halata namang hindi. Get yourself together Chloe Valencia! Nang marating namin ang gilid ng campus ay napahinto ako sa paglalakad. Kinakabahan talaga ako. Paano nalang kung totoo ang sinasabe ng kumag na ‘to? Paano na ako? Anong gagawin ko? “Pwede naman tayong umalis. Tara na.” Aya niya pero umiling ako. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy. Saktong pagliko ko ay tumambad saakin ang boyfriend ko. Ang boyfriend ko ng limang taon. Ang boyfriend kong nakatayo doon…at may kahalikang iba. Natutop ko ang aking bibig at napahawak sa pader dahil parang biglang nanghina ang tuhod ko. Parang dinu-durog ang puso ko habang pinapanood silang i-enjoy ang isa’t-isa. “W-walang hiya ka.” Bulong ko. Hindi ko alam kung paano, ngunit narinig niya ata iyon at lumingon kung nasaan ako. Itinulak niya palayo sakaniya ang babae at itinago sa likuran niya. “B-babe…” Nauutal na tawag niya. Malalaki ang hakbang na lumapit sakaniya at binigyan ng mag-asawang sampal. Agad niyang pinaalis ang babae niya nang makitang pati ito ay balak kong sampalin. “Ang kapal ng mukha mo! Walang hiya ka! G*go! T*rant*do! Manloloko ka! Paano mo ‘to nagawa saakin?! Ha?!” Galit. Galit ang laman ng puso ko ngayon. Galit at sakit ang tanging nararamdaman ko ngayon. “B-bae wait let me explain—” “Explain?! T*ng*na Aaron ano pang ipapaliwanag mo ha?! Huling-huli na kita! Kitang-kita ko kung paano mo halikan iyong babaeng iyon! Kitang-kita kong enjoy na enjoy kang hayop ka! Manloloko!” Sigaw ko sakaniya at muli siyang sinampal. Lumayo ako sakaniya at dinuro siya. “Pinagkatiwalaan kita! Ilang araw akong hindi nakakatulog ng maayos. Three days Aaron! I was busy spending those three days and nights thinking what happened between us, if is it because of me that’s why our relationship is slowly not working while you’re busy kissing someone else!” Sigaw ko. “Babe please… let’s talk about it.” I laughed sarcastically. I even clapped. “Look how fast the situation changed. Parang kanina ako yung naghahabol sayo maayos lang ‘tong lintik na relasyon na ‘to.” Sabi ko. “We’re over. You hear me? Were f*cking over, Aaron. Don’t you dare go near me ever again.” I added and started walking away. Hinabol niya ako at hinawakan ang braso ko pero pabaibag ko iyong tinanggal at naglakad paalis. “Babe! Chloe please! Huwag naman ganito!” I scoffed. Those we’re my words. Kanina lang ako ang gumagamit niyan. Tiingnan mo nga naman ang tadhana. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko at hinarap sakaniya. “Chloe please! Mag-usap naman tayo oh. Huwag naman ganito. Don’t do this to me. Nasasaktan ako.” Ngumisi ako at tumawa sa sinabi niyang iyon. “Sana naisip mo iyan bago ka nangabit.” Sagot ko. “Chloe naman oh. What about our dreams? Our promises? Magpapakasal pa tayo, hindi ba? Y-yung mga pangarap natin, hindi ba nangako kang tutuparin natin iyon ng sabay? Huwag mo naman sayangin yung limang taon natin.” Aba’y g*go talaga ‘to ah! “Ano kamo?! Yung mga pangarap natin?! Ayun doon mo tuparin sa babaeng sinisipsip mo kanina! This thing between us ended when you started kissing another girl. Hindi ako ang sumayang sa limang taon na binuo natin, Aaron. Ikaw ‘yun. Kaya huwag mong ibato ang sisi saakin dahil hindi naman ako ang nagloko." Walang emosyon na sagot ko sakaniya. “I did everything, Aaron. I did everything to save our f*cking relationship. How about you? What did you do? Oh, I know. May nilandi kang iba habang ako nagpapakapuyat makaisip lang ng paraan paano ko maayos ‘to. Of all people, hindi ko inaasahang ikaw ang gag*go saakin.” Dagdag ko at tinalikuran siya. Pero bago umalis ay humarap ulit ako sakaniya. “Inuulit ko lang, Aaron Molina. We’re over. Break na tayo. Wala nang tayo. Tapos na tayo.” Pahabol ko at tsaka naglakad paalis. Naiwan siyang nakaluhod doon at nakatulala. Bawat hakbang ko ay kasabay ng pagtulo ng luha ko. I couldn’t stop myself from sobbing. Nabasa ko na ito sa mga nobelang binabasa ko, at narinig ko na din ito sa mga drama, misnan nga ay sa totoong buhay pa. Pero hindi ko inaasahang pwede din palang mangyari iyon saakin. Totoo nga ang sinasabi nila, nothing lasts forever. Even the sweetest chocolates expire. Even the most serious person, the one who promised to never cheat, broke his own promise. Napaka selfish ko ba na mas inuna ko pang ayusin ang relasyon na ngayon din pala masisira kesa sa pamilya ko? Karma ko ba ito? Dahil kung oo, ang masasabi ko lang, t*ng*na deserve ko ba talaga ‘to? --- Matapos ang makamugtong-mata na eksena kanina ay dumiretso ako sa banyo at naghilamos. Walang mangyayari kung iiyak lang ako ng iiyak dito. Malinaw pa sa sikat ng araw na hindi na ako ang mahal niya, na hindi na siya kuntento saakin. Dahil bakit magloloko ang partner mo kung kuntento siya saiyo? Kung wala siyang hinahanap or ine-expect saiyo? Tiningna ko ang sarili kong repleksyon sa salamin at huminga ng malalim. Ngumiti ako ng matamis at tumango. Kaya mo ‘yan Chloe. Fighting! Saktong paglabas ko ay nakita ko si Veli na aligaga at tila may hinahanap. Nang mamataan niya ako ay mas mabilis pa sa alas kwatro tumakbo siya palapit saakin at sinalubong ako ng yakap. Niyakap ko siya pabalik at dumukdok sa balikat niya. Charot lang pala. Hindi ko kaya. Oo walang mangyayari kung iiyak lang ako ng iiyak, pero t*ng*na ang sakit eh! Hindi ko talaga matanggap. Paano niya nagawa iyon? Paano niya nakayang lokohin ang babaeng tapat na nagmamahal sakaniya? Hindi ko masasabing ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na magagawa niya akong lokohin dahil nga overthinking is my habit. Pero ang ni minsan na hindi sumagi sa isipan ko ay ang magkatotoo lahat ng ini-imagine ko na mangyayari saamin. And I didn’t expect it to be this painful. Tanong ko lang ulit, do I deserve this? “Shh. Sige iyak lang. Ilabas mo lahat. Tapos ipangako mo after na ‘to, hindi mo na iiyakan ang g*gong ‘yun, okay? He’s not worth it. Huwag mong sayangin ang tubig mo sa katawan para sa katulad niyang gwapo nga manloloko naman.” Bulong ni Veli at hinimas ang buhok ko kasabay ng pagtapik-tapik niya sa likuran ko. Iginaya niya ako paupo sa pinaka-malapit na bench at inupo ako doon. Tumunog ang school bell, indikasyon na break time na. Anytime soon maglalabasan na ang mga students, at malapit sa cafeteria ang pwesto namin ngayon. Huminga ako ng malalim at naupo ng maayos. Pinahid ko ulit ang mga luhang parang ilog na walang tigil sa pag-agos. Bumalik kami sa banyo para maghilamos ulit. Nang masigurong okay na ako ay lumabas na kami upang magtungo sa cafeteria. Pero nang may maalala ay pianuna ko na siya. “Mauna ka na, Veli. You know my usual order. I’ll pay you later. May kailangan lang akong puntahan saglit. And yes, I’m okay.” I insisted. She couldn’t do anything but sigh and nod. I smiled at her and walked away. Dumiretso ako sa library at hindi ako nabigo sa pakay ko. He’s still sleeping, at break time? Does this person even eat? “Hey.” I said loudly. The librarian isn’t here so we could talk with our normal voices. We can even shout if we want to, but that will be too inappropriate. “If you’re going to offer me a rebound contract, I’m not interested. But you can ask Kael, he’s single and currently has no flings.” He responded, head’s still on the desk, his arms covering his face. “Let’s get married.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD