Chloe's POV:
“We fought.” Bulong ko.
“Hay nako friend hindi na ako magtataka. Enemies naman na talaga kayo since cells palang kayo.” Kumento niya at sinuri ang kaniyang kuko.
“I’m talking about Aaron…” Bulong ko ulit.
“Wala namang araw na hindi kayo nag-away ni Aaron—” Napatigil siya sa pagsasalita at nanlalaki ang mga matang tumingin saakin. “Ano kamo? Kayo ni Aaron ang nag-away?” Tila gulat na gulat niyang tanong. Tumango ako yumuko.
“Hindi ka nagkakamali ng rinig. Sila ng boyfriend niya ang nag-away. Laugh trip nga eh.” Nag-angat ako ng ulo at binigyan ng masamang tingin si Niki na nakangisi. Inambaan ko siya ng suntok kaya agad siyang lumayo.
“You’re not helping Rook.” Ani Veli at talagang sinuntok sa braso si Niki. Ngumiwi siya at hinimas ang braso niyang tinamaan.
“Sino ba nagsabing gusto kong tumulong, Marcus?” Nakangiwing tanong niya at naupo sa upuan niya. Inirapan siya ni Veli at muling humarap saakin.
“Pero seryoso ba? Bakit daw?” Nagtatakang tanong niya. Tumingin ako sa paligid, siya naman ‘tong shungang gumaya. Nang makitang may kani-kaniyang ginagawa ang mga kakasle namin ay hinila ko palappit saakin ang bangko niya at bumulong.
“Last night, my parents had me in an arranged marriage.” Bulong ko. Tumango-tango siya pero nang ma-realize niya ang sinabi ko ay ganon nalang ang panlalaki ng mga mata niya.
“Jusmiyo marimar!” Sigaw niya. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at niyuko siya. Napatingin naman saamin ang iba sa mga kaklase namin dahil sa pagsigaw niyang iyon. Ngumiti lang ako sakaniya at yumuko din.
“G*ga ‘wag kang maingay.” Bulong ko sakaniya. Mabilis siyang tumango at nag-cross heart pa. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya.
“Ano ba ‘yan friend. Ano bang hinawakan mo at—” Napatigil siya sa pagsasalita ng mapabahing siya. Hindi pa siya nakakamove-on ay bumahing nanaman siya ulit. “Humawak ka ba ng bulaklak?” tanong niya at muling bumahing.
“Huh? Ah, oo kaninang umaga bago pumasok. Tinulungan ko si ate Delia pumitas ng bulaklak.” Paliwanag ko at napakamot sa ulo. Muli siyang bumahing.
“I’m allergic to pollen.” Bulong niya at muling bumahing. “May anti-histamine ka ba diyan?” Tanong niya. Kumuha ako sa loob ng bag ko at ibinigay iyon sakaniya.
“Eto oh.” Sabi ko.
“Ay meron. Parang planado mo ‘to bestie ah.” Sabi niya at tumawa.
“Tangeks tawag diyan laging handa.” Sagot ko at tumawa din. Pero agad ding nagseryoso ng maalala ko yung nangyari kagabi, pati yung kanina.
“Okay na ako. Go tuloy mo yung chismis.” Sabi ni Veli at kinamot-kamot ang ilong.
Kinunwento ko yung sakaniya yung nangyari kagabi tsaka yung encounter namin kanina ni Aaron bago niya ako makitang naglalakad papasok sa classroom. Hindi siya nagsalita at talagang nakikinig lang sa kwento ko hanggang sa matapos ako.
“Sa tingin mo, mali ba yung isinagot ko?” Tanong ko sakaniya. “I mean totoo naman eh. Kung ikaw ang tatanungin, gusto mo bang maikasal sa maagang edad?” Tanong ko sakaniya.
“Kung hindi lang din si Lee Dong-Wook ang mapapangasawa ko, mas mabuti pang maging single nalang forever.” Aniya at nag-flip hair pa. “Pero seryoso, ayoko nga ‘no. Napakabata ko pa para matali sa responsibilidad na hindi ko pa napaghahandaan. Mas bet kong maging young, wild and free until I’m ready.” Seryosong sagot niya.
“So, there’s nothing wrong with what I said?” I asked. She shaked her head no and smiled.
“No, Chloe. There’s nothing wrong with what you said. Pero yung inasal niya saiyo, ‘yun yung mali. Sige sabihin natin na gusto lang niyang makasiguro na kayong dalawa ang magpapakasal, or baka gusto ka lang niyang bakuran, pero hindi parin dapat ganon ang naging reaksyon niyo. Dapat inintindi ka niya. Lalo na ‘yan. Pagdating mo ng 21 eh ikaw na magha-handle ng company niyo. Siyempre gusto mong sulitin yung mga days, months, and years mo na malaya ka pa.” Mahabang saad niya. Bumuntong hininga ako at muling nangalumbaba. Umayos kaming lahat ng upo nang pumasok ang prof namin.
Nagsimula na siyang mag-discuss ngunit kung kailan naman kailangang-kailangan ko ang focus ay tsaka naman ito um-absent. Kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga magawang intindihin ang sinasabi ng prof. namin.
Sa huli ay sumuko na ako at pinakinggan nalang ang mga sinasabi niya. Hindi ko na pinilit ang sarili ko dahil alam ko namang walang mangyayari.
Matapos ang isa’t-kalahating oras na pakikinig pero hindi pag-iintindi ay natapos na din ang klase namin sakaniya. Tumingin ako sa relos ko upang tignan kung ilang oras pa ang natitira bago mag-break time.
Isang oras pa, kaya ‘yan.
“Huy ano na? Pansin ko lagi ka nang natutula. Kulang ka ata sa tulog. Sakto, absent daw ang prof. natin. Tara punta tayo sa library.” Aya ni Veli. Bago pa man ako makasagot ay hinila na niya ako patayo at kinaladkad. Oo, kinaladkad talaga dahil muntik na nga akong matapilok, hindi talaga siya tumigil sa paghila saakin.
“Masakit ha!” Reklamo ko nang tumigil na siya sa pagkaladkad saakin.
“Shh! Quiet! You’re in a library.” Sinimangutan ko si Veli at hinampas matapos akong mapagalitan ng librarian. Hindi ko napansin an ansa loob na pala kami ng library dahil nga naka-focus ako dun sa muntik ko nang pagkakatapilok kanina.
“Shh. Quiet daw. Matulog ka nalang.” Sabi niya at hinila ako papunta sa sulok tsaka sapilitang inupo.
“Hindi ako inaantok.” Bulong ko pero sinenyasan niya akong manahimik. Ibinaba niya ang bag niya sa tabi ko at naglakad palapit sa mga shelves. Napailing nalang ako at nangalumbaba. Pero agad ding nagsalubong ang kilay ko nang makitang nasa kabilang side ng table si Niki na nakadukdok! Anong ginagawa neto dito?!
“Psst!” Sitsit ko. Nung una ay hindi siya nag-angat kaya inulit ko iyon. Kamot-ulo siyang nag-angat ng tingin. Pero nang makita niyang ako iyon ay tinitigan niya lang ako. “Sinusundan mo ba kami?!” Pabulong na tanong ko. Agad siyang napataas ng kilay at nangalumbaba din gaya ko bago ngumisi ng nakakaloko.
“Nauna ako dito, Valencia. Ikaw dapat ang tanungin ko niyan. Sinusundan mo ba ako?” Malokong tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin at sinipa ang paa niya sa ilalim. Ngumiwi siya at inirapan ako. “Tsk. Ikaw na nga nangs-stalk, ikaw pa mananakit. Lakas mo ring babae ka eh.” Inis na bulong niya.
“Actually ako ang may idea na magpunta dito sa library, pero sige isipin nalang natin plano talaga ni Chloe sundan ka.” Biglang singit ni Veli kaya nahampas ko nanaman siya. “Aray ha! Si bestie mapanakit na.” Nakangusong reklamo niya tsaka naupo sa tabi ko.
“Huwag kang ngumuso, Avelia. Mukha kang pato.” Biglang singit ni Mikael. Mikael Rook, pinsan na bestfriend ni Niki.
“Lumayas ka dito, Mikael. Bawal ang hayop dito.” Mataray na sagot sakaniya ni Veli at inirapan siya.
“Kael. Kael ang itawag mo saakin. Masyadong common ang Mikael kaya dapat Kael.” Reklamo naman ni Mikael at naupo sa tabi ng pinsan niyang nakangisi padin hanggang ngayon. Mukhang abno amputik.
“Hindi ko tinanong, MIKAEL. Wala akong pake, MIKAEL.” Idiniin pa talaga ni Veli ang Mikael sabay irap. Humawak naman sa dibdib niya si Mikael at nag-kunwaring na-offend.
“Masyadong makasalanan ang bibig mong pato ka.” Kumento ni Mikael. Inamba ni Veli ang makapal na librong hawak niya.
“Lumayas ka ditong unggoy ka.” Gigil na utos ni Veli.
“Ang gwapo ko namang unggoy.” Mahangin na sagot sakaniya ni Mikael kaya tumayo na si Veli sa upuan niya.
“Hindi ka talaga titigil?” Napailing nalang ako nang magsimula silang maghabulan. Mabuti na lamang at nasa pinakadulo kami kaya hindi kami kita dito ng librarian.
Ilang minuto din siguro silang naghabulan hanggang sa mapagod sila at bumalik sa tabi namin.
“Bagal tumakbo. Maikli kasi ang binti. Pato nga talaga.” Kahit na hinihingal ay nagawa paring mang-asar ni Mikael. Ito namang isa hindi magpapatalo, ayun binato ng libro. Sapul sa dibdib.
“Magpasalamat ka hindi sa mukha tumama ‘yan.” Ani Veli at umirap.
“By the way Chloe.” Bigla namang sabi ni Mikael at humarap saakin. Tinaasan ko siya ng kilay. “Are you and your boyfriend okay?”