Chloe’s POV:
Tumingala ako sa kalangitan, nagbabakasakaling may mga bituin na makita ngunit bigo ako dahil blangko ang kalangitan. Uulan kaya?
Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko kaya napahinga ako ng malalim. Pinaypayan ko rin ang sarili ko. I composed myself and went in the restaurant. Ngunit nasa pintuan palang ako ay parang ayaw ko anng bumalik sa table namin.
Pinagtitinginan na ako ng mga tao kaya nagmamadaling lumapit ako sa mesa namin at naupo muli.
“Sorry for that.” I apologized. Parang nawalan ako ng ganang kumain kaya hindi ko na ginalaw pa ang pagkaing nasa harapan ko. Alam kong masamang magsayang ng pagkain, ngunit parang wala na akong lakas para hawakan ang kutsara’t tinidor.
“Iha, I’m sorry kung nabigla kita.” Paghingi ng tawad ni Mrs. Rook. I smiled a little and nodded.
“O-okay lang po. Uh let’s just not…talk about it.” I said.
“It’s okay. Hihintayin nalnag naming maging handa ka.” Wait, ipipilit parin talaga nila?
Ano bang meron at gustong-gusto nilang maikasal kami ng anak nila?! Maski sila mom at dad ay hindi nagsasalita upang ipagtanggol manlang ako!
“You still have a week to think, Iha. Our plan is when you turn 18, a few days after your birthday, ikakasal na kayo ni Niki.” Ani Mr. Rook.
“What?” Gulat na tanong ko.
“Napagplanuhan na namin ito ng parents mo, right Chelsea?” Napatingin ako kay maam na seryoso lang ang mukha.
“Yes.” Si dad na ang sumagot dahil parang ayaw sumagot ni mom. Marahas akong nagbuga ng hangin. THEIR plan? But what about MY plan?
“I’m sorry but I’m not ready to get married yet. And that’s final. I have plans for my life.” I said.
“Iha you can still do your plans. Ikakasal lang naman kayo, hindi ikukulong.” Napailing nalang ako.
“I—I’m sorry I have to go.” I said and immediately stood up and took my bag.
“I’ll drive you.” Automatic na tumaas ang kilay ko nang magprisinta si Niki.
“No thank you I can handle myself. Kaya kong umuwi mag-isa.” Malamig na sagot ko.
“Anak…” Bulong ni mom. Bumuntong hininga ako at tumango nalang. Nagpaalam si Niki sa parents niya at sa parents ko. Nauna na akong maglakad at lumabas ng restaurant dahil feeling ko ay nasu-suffocate ako sa loob.
That’s it. I don’t like the idea of me handling out business.
“Sakay na.” Sabi ni Niki at naunang pumasok sa kotse niya. Napairap ako bago lumapit sa kotse niya at binuksan ang pintuan sa backseat. “What am I? Your driver? Dito ka sa harap.” Utos niya. muli akong umirap at tsaka sumakay sa harapan. How un-gentleman of you Mister.
Buong byahe ay tahimik kami. Hindi nagkikibuan. Mas maganda yung ganito dahil wala na rin akong lakas para makipagtalo sakaniya.
“Dito nalang ako.” Sabi ko. Kahit hindi pa nakakpaarada ng maayos sa gilid ang kotse ay bumaba na agad ako. “Thank you.” Malamig na saad ko at naglakad palapit sa guardhouse.
“Good evening po, Ms. Valencia.” Bati saakin ni manong guard. Tumango alng ako at binigyan siya ng maliit na ngiti tsaka nagpatuloy sa paglalakad.
Mabilis kong narrating ang bahay namin. Pinagbuksan ako ng gate ng guard namin at nagtaka kung bakit ako lang mag-isa. Sinabi ko nalang ay nauna na akong umuwi dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko.
“Oh iha, bakit ikaw lang? Nasaan ang mom at dad mo?” Sinalubong ako ni ate Delia at inabutan ng baso ng tubig. Tinanggap ko ito at inisang lagok lang.
“Nauna na po akong umuwi. Hindi po kasi maganda ang pakiramdam ko eh.” Sabi ko at naupo sa sofa.
“Eh sinong naghatid saiyo?” Tanong niya.
“Si Niki po.” Wala sa sariling sagot ko.
“Ha? Iyong binatang kaaway mo simula pagkabata? As in si Nikimpakto?” Natawa ako dahil sa sinabi ni Ate Delia. Nung elementary kasi ako sa sobrang inis ko, binansagan ko siyang Nikimpakto. At iyon din ang pangalang ipinakilala ko kay ate Delia. Kalaunan lang niya nalaman na Niki pala talaga ang pangalan nung impaktong yun.
“Opo ate siya nga. Ewan ko nga dun bakit nagprisinta ‘yun.” Sabi ko.
“Gusto mo bang kumain? Ipaghahanda kita.” Sabi niya at akmang pupunta na sa kusina nang pigilan ko siya.
“Huwag na po ate, busog pa po ako. Aakyat nalang po ako sa kwarto at magpapahinga. Salamat po ah.” Ani ko at tumayo.
“Oh siya sige. Dadalhan nalang kita ng gatas sa kwarto mo.” Sabi niya kaya napasimangot ako.
“Ate Delia naman. Di na ako bata ih!” Nakasimangot na saad ko. Nag-pamewang siya kaya natawa ako.
“Hep! Ang usapan natin kapag 18 ka na tsaka lang ako titigil. Kaya hanggang next week pa ang baso ng gatas. Kuha mo?” Kunwaring masungit na tanong niya kaya tumango ako.
“Yes maam!” Sagot ko at sumaludo pa. Naibsan ng kaunti ang pagod at kung anong kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko dahil kay ate Delia.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong hinubad ang sapatos ko at coat tsaka dere-deretsong bumagsak sa kama. Kahit na wala anman akong amsyadong ginawa ay pakiramdam ko ubos na ubos ang enerhiya ko.
Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang telepono ko. Bumuntong hininga ako bago i-dial ang number ni Aaron.
“Hello?”
“Oh thank goodness you picked up! I was worried about you! Hindi ka nagparamdam ng tatlong araw, akala ko tuloy may masama nang nangyari saiyo.” Sabi ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
“I’m so sorry babe. Naging sobrang busy lang talaga. Ngayong araw lang ako nakapagpahinga. By the way, how are you? Hindi na kita nakumusta ng ilang araw.” Ani Aaron. I sighed and laid down on my bed and hugged my pillow.
“The last three days were good. But not today.” Pag-amin ko. “Today was such a tiring and stressful day. I didn’t expect it to be this since okay naman yung mga nakakaraang araw.” Pagkukwento ko.
“Go ahead. Tell me what happened.” He said.
“We went to this business dinner date with my parents’ business partners. Everything was fine I mean they’re having fun talking about business and stuff. Not until they brought up something about me marrying their son—”
“Wait, can you go back? You? Marrying their son?” He asked. Agad kong nasampal ang bibig ko. I wasn’t supposed to tell him that! Gosh Chloe you’re so stupid!
“Y-yeah. They planned it. It wasn’t just a normal business dinner. It was to set their son and me. They wanted us to get married once I turned 18. They all planned it!” I exclaimed. Muli ay nag-init ang sulok ng mga mata ko.
He was speechless. Naging tahimik ang kabilang linya. Nag-aalala akong baka nasaktan siya or baka kung ano na ang nagyari sakaniya kaya muli akong nagsalita.
“But I declined it. Hindi ako pumayag. I can’t imagine myself marrying at an early age. Napakadami ko pang plano, gustong gawin, at gustong mapuntahan. You know that, right?” I asked.
“Chloe, will you marry me?” I was taken back by what he asked. I wasn’t able to speak for a few seconds. It was like a cat bit my tongue. Or I bit my tongue.
“Aaron…”
“Will you marry me, Chloe?”