LaC 005

1785 Words
Chloe's POV: “Shoot!” Naisigaw ko nang hindi sadyang mabitawan ko ito. Napatakip ako sa bibig ko nang mabasag ito at kumalat sa sahig. Oh no! No! No! No! Agad akong naghanap ng pwedeng magamit na pandikit dito. Nakahanap ako ng mighty bond sa loob ng drawer ko kaya iyon ang ginamit ko. Maingat ko itong pinagdikit dikit bago marahang ibinalik sa box neto. Ibinalik ko na din ang mga albums at stuffed toys sa box tsaka ibinalik sa closet ko. I don’t know why, pero nang mabagsak ko ito ay kumabog ng malala ang dibdib ko. As in kumabog talaga, ramdam na ramdam ko yung pagtibok ng puso ko. Maybe because it’s really special and alam kong pinaghirapan niyang gawin iyon kaya naman pinahahalagahan ko talaga ang bawat bagay na ibinibigay niya. Nang mapatingin ako sa orasan ay nanlaki ang mata ko. 6:30 na agad?! Paanong hindi ko napansin iyon? Hay, nalibang na siguro kasi ako kaya hindi ko namalayan ang oras. Nagmamadaling pumasok ako ng banyo para maligo. Siniguro kong malinisan ng mabuti ang buong katawan ko para naman hindi ako mag-amoy hindi kaaya-aya mamaya. Pagkatapos kong maligo ay nag-toothbrush ako tsaka nag lotion. Paglabas ko ng banyo ay nagbihis na ako at tsaka naupo sa beauty table ko. Oo ang tawag ko diyan ay beauty table dahil andito lahat ng gamit ko pampaganda gaya ng make-up, perfumes, etc. Bihira lang ako mag-make up ah. Tuwing may special occasions lang like this para naman magmukha akong presentable. I applied light make up only before spraying perfume on my wrist and on my neck. Nagsuklay rin ako ng buhok tsaka pinatuyo ito gamit ang blower. Nang ma-satisfy na ako sa itsura ko ay tsaka ako tumayo at kinuha ang shoulder bag ko. Nilagay ko doon ang mga id’s ko, wallet, phone, panyo, powder and liptints, and most important of all, safety pins. In case of emergency, hehe. Tumayo ako sa tapat ng full body mirror ko at tiningnan ang kabuuan ko. Inunat ko ang mga gusot gusot na parte ng damit ko bago huminga ng malalim. Biglang sumagi sa isipan ko si Aaron. Ayun nanaman ang hindi maipaliwanag na kabog na tila nagpapahiwatig talaga na huwag na akong tumuloy. A knock on my door disturbed the thoughts in my head. “Anak, are you ready? We’re leaving na.” I heard my mom. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko tsaka naglakad papunta sa pintuan at binuksan iyon. “Yep. Tara na po.” Sabi ko. Ngumiti siya at inakbayan ako. Naka corporate attire si mom kaya parang nagdalawang-isip tuloy ako sa suot ko. “Mom, akala ko casual lang? Okay lang po ba itong suot ko?” Tanong ko sakaniya. “Oo naman. This is my casual okay.” Sagot niya at tumawa. Nag-ah nalang ako at tumango. “Ah my girls are ready. Let’s go, we have to arrive before them. Mas okay nang tayo ang naghihintay kesa sa sila.” Sabi ni dad at pinagbuksan kami ng pinto. I kissed him on the cheek before getting in the car. Nagtungo siya sa driver’s seat at pinaandar na ang kotse. I looked outside the window before checking my phone for any message. I got one message from Veli, a message from a schoolmate and a message from Mrs. Cordova. But none from Aaron. How is he? Kumain na kaya siya? Nakakapagpahinga pa kaya siya? Ipinagpalit na ba niya ako? Ay shemay! Ano ba Chloe?! Ayan ka nanaman sa p**o-overthink mo. Remember, may ime-meet kayong business partners. Hindi ka pwedeng mag-handle ng company kung lagi kang nago-overthink. Focus. Mamaya na iyan problemahin. “Chloe? Andito na tayo.” Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang tawagin ako ni dad. Ngumiti ako at tumango. Magkakasabay kaming lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng restaurant na nasa harapan namin. “Mr. Valencia, this way please.” A woman escorted us to a reserved table. Medyo tago ito at malayo sa ibang table. Magkakatabi kami nina mom at dad. Nagtaka ako kung bakit tatlo din ang upuan sa tapat namin kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at nagtanong. “Mom, I thought we’re meeting your business partners?” Tanong ko. “Yeah, we are. Mag-asawa yung ime-meet natin. And I think they’re bringing their only son.” Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa. Habang naghihintay ay inilabas ko ang phone ko at nag-check ulit ng messages. I sighed and sent Aaron a message. Nang ma-bored ay nag-scroll ako sa i********:. Nakita kong may IG story si Aaron and out of curiosity, I clicked it. Nagkunot ang noo ko nang makitang may lalaking nakatalikod at nakaakbay sa isang babaeng hindi ko mamukhaan kahit na medyo nahagip ang side view ng mukha neto. Aksidente kong na-exit ang IG ko kaya nagmamadali akong bumalik doon. Ngunit anng hanain ko iyon sa viewed stories ay wala na. Sinubukan ko ding i-search ang pangalan ni Aaron. Lumabas ang account ni Aaron, pero wala na yung story. Kung hindi ako nagkakamali, nakita kong 15 mins ago ang nakalagay sa story. “Ah, welcome Mr. and Mrs. Rook. Thank you for inviting us in a dinner date.” Agad kong ipinasok sa bag ko ang phone ko at nag-angat ng tingin. Na dapat pala ay hindi ko na ginawa. “Ikaw?!” Magkapanabay na tanong namin ni Niki sa isa’t-isa. A-anong ginagawa ng impaktong ‘to dito?! “Anong ginagawa mo dito, Rook?” Tanong ko. “Ikaw ang dapat tinatanong ko niya, Valencia. What are you doing here?” He asked me. Ay wow ibinalik saakin ang tanong. Napakahusay. “Oh, you two know each other. Great!” Masayang saad ng mom ni Niki. “Wait, siya ba yung nakita natin sa NBS nung isang araw?” Tanong ni mom. Nakasimangot akong tumango. “Hello, Mrs. Valencia. You look good. I like the necklace.” Bati ni Niki kay mom. Napanganga ako ng bahagya nang makitang nag-blush si mommy. Tiningnan ko ng masama si Niki na ngumisi lang saakin. Sabunutan kitang impakto ka eh. Naupo sila sa harapan namin. At kung minamalas ka nga naman, sa tapat ko pa talaga siya naupo. “Ano ka ba naman mare parang walang pinagsamahan ah. Drop the formality please.” Ani Mrs. Rook at tumawa. Nagtawanan silang apat samantalang kami ni Niki ay tahimik lang. Tahimik na pinapatay ang isa’t-isa sa pamamagitan ng tingin. At imagination din. “Here are your orders.” Naputol lang ang tila espadang tingin namin sa isa’t-isa nang may dumating na waitress at naglapag ng pagkain sa harapan namin. Ngumiti ako at tumango doon sa waitress ngunit inirapan lang ako nito tsaka bumaling kay Niki at binigyan ng matamis na ngiti. Ay wow serve before landi. “Let’s eat.” Ani dad at nagsimulang kumain. Ngumiti lang ako kay Mr. and Mrs. Rook nang tumingin sila saakin. Nagdasal muna ako bago sinimulan ang pagkain. Tahimik ang hapag, hanggang sa magsalita si Mrs. Rook. “So, Chloe…” Napatigil ako sa pagsubo nang tawagin ako nito. Ibinaba ko ang kutsara bago nag-angat ng tingin sakaniya. “Yes, Mrs. Rook?” I asked. “Oh please, just call me Tita Nicole.” Sabi niya. Tumango ako at ngumiti. “Ano po iyon, Tita Nicole?” Tanong ko. “I heard you’re turning 18 next week.” She said. “Ah, yes po.” Matipid na sagot ko. “Oo mare 18 na ang baby namin next week. Punta kayo ha? Walang busy-busy dapat andun kayo.” Muli silang nagtawanan samantalang kami ni Niki ay nanatiling tahimik. “So, about the wedding—” “Nicole.” Saway sakaniya ni Mr. Rook. “What? I thought they both know about their wedding?” Nabulunan ako nang marinig ko ang sinabi ni Tita Nicole. I started coughing really hard that it made mom panic. Inabutan ako ni Niki ng tubig habang nagpipigil ng tawa. Tiningnan ko siya ng masama bago tinanggap ang tubig. Mabilis ko itong nilagok. Nang mahimasmasan at ay bumuga ako ng hangin. “I’m sorry, what?” Gulat na tanong ko. “W-who’s getting married?” I asked again even though parang may hint na ako kung sino. Pero gusto kong sa bibig nila mismo manggaling. “Oh, I thought Chelsea and Louise already told you? You and Niki are going to get married.” My eyes widened. Like literally widened. Maski si Niki ay nagulat kaya nabitawan niya ang kutsara’t tinidor na hawak niya. “Wait, what?” Gulat na tanong din ni Niki. “Niki, honey, we already talked about this, right?” Tanong ng mom niya. Tumango si Niki tsaka muling humarap sa pagkain niya. “Oh, yeah right. Nabigla lang ako. I wasn’t expecting that I’m marrying a fre—schoolmate.” Umirap ako ng patago. Tsk nahiya pang sabihing ‘freak’. “But are you okay with it?” Tanong ng mom niya. “Yeah sure.” Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang tumingin sakaniya. Whut the hell?! “Can you give us a sec?” I asked. Bago pa man sila sumagot ay tumayo na ako at hinila si Niki palabas. Wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod saakin. “What the heck Niki?! Are you serious?!” tanong ko. He only gave me a serious face, answering my question. “Yeah.” Seryosong sagot niya. Napasuklay ako sa buhok ko. “Niki, I have a boyfriend! A marriage?! Talaga ba?!” Ani ko. Umirap siya at nag-krus ang braso. “Tch.Huwag ka ngang O.A. as if naman gusto ko ding maikasal sa nerd na tulad mo.” Sabi niya. “Excuse me, hindi ako nerd, okay? At ayoko ring ikasal. Lalo na kung katulad mong masama ang ugali ang mapapangasawa ko. Eww.” Nandidiring saad ko. “Bahala ka nga diyan.” Sabi niya. Sandaling natahimik ang paligid hanggang sa magsalita ulit ako. “Paano na yung mga jowa natin neto?” tanong ko. Nagkibit balikat siya. “Yung iyo nalang ang problemahin mo. Hiwalay na kami nung akin.” Sabi niya na para bang wala lang sakaniya na naghiwalay na sila ng girlfriend niya. “She cheated on me so, here I am. Single and available.” Dagdag niya bago naglakad palapit sa pintuan. Marahas akong nagbuga ng hininga at napahilot sa sentido ko. “You should have expected this. You’re an only daughter of a businessman and woman. Arranged marriage between business partners are normal.” Sabi niya bago tuluyang pumasok sa loob. I don’t want to admit this, but for the first time, I agreed with him. I’m an only daughter. I should have expected this to happen. But what about Aaron?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD