ALA-UNA ng madaling araw at hindi pa rin dumarating si Franco. Ilang beses na akong tumatawag sa kanya ngunit hindi niya ito sinasagot. Lumabas ako ng bakuran at umupo sa gilid ng kalsada upang hintayin siya. Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Nararamdaman ko rin na kinakagat ako ng lamok. Kanina kasi nang magtalo kaming dalawa ay bigla siyang umalis kasama ng babae niya, at hindi na muling bumalik. "Coffee." May isang tasa na tinimplang kape ang nasa harapan ko. Umuusok pa ito dahil sa sobrang init. Inangat ko ang mukha ko upang tingnan ang may hawak ng kape at nakita ko si Andrew na nakangiti sa'kin. Nakasuot siya ng black jacket habang ang isang kamay niya ay may hawak din na kape. Tinanggap ko iyon. "Thank you." pagkata