HINDI na bago sa'kin ang mga kalat tuwing umaga kaya naman pagkatapos kong mag hilamos ay hawak ko na agad ang walis tambo para maglinis ng bahay. Nagwawalis ako nang huminto ako sa malaking salamin sa kuwarto. Humarap ako doon at pinagmasdan ang mukha ko. "Oh, my beautiful face." Hinawakan ko pa ang mukha ko habang pinagmamasdan ko sa salamin. Nagkaroon na ako eyebags at may tumutubong taghiyawat sa mukha. Hindi ako nagkakaroon ng taghiyawat at eyebags noong dalaga pa ako dahil alaga ko ang beautiful face ko. Hinawakan ko ang mga mata kong may eyebags. Grabe pala itong hindi na kailangan ng eye shadow. Napansin ko rin ang buhok kong medyo nag dry na. "Kailangan ko na talagang magbalik alindog, hindi pwedeng pumangit ang Diyosa." Binitawan ko ang hawak kong walis at pagkatapos ay hin