"Ate Chenie, kinakabahan ako sa gagawin ko." hinawakan ko ang kamay niya upang maramdaman niya ang panlalamig ng aking kamay. Imbes na suportahan niya ako, binigyan niya pa ako ng isang malutong na batok. "Aray! Mommy, si Ate oh," hinawakan ko ang ulo kong binatukan niya. Imagine mo nakasuot ako ng wedding gown na may pak na pak na lipstick pagkatapos ay babatukan lang ako sa harap ng make up artist ko. "Chenie, tigilan mo ang kapatid mo." sabi ni Mommy. "Napakaarte kasi ng anak n'yo. Ginusto mo 'yan mangyari bakit nagrereklamo ka?" Halos masinghot na ako ni ate Chenie dahil sa paglaki ng butas ng ilong niya. "Hindi naman ako nagrereklamo. Ang sabi ko kinakabahan ako sa gagawin ko dahil kakanta ako sa maraming tao." "Bakit kasi gusto mong kumakanta? Akala ko ba ayaw mo na kay Franc