"I'm so sexy! Sexy! Sexy!"
Gumigiling ako habang nakaharap sa salamin. Nakasuot ako ng bra at panty habang sumasayaw. May gagawin kasi akong pak na pak na dance challenge na nauuso ngayon sa sikat na short video ng iba't-ibang personalidad sa ibang bansa.
"Fatty!" umaalingawngaw na sigaw ng Ate Chenie , sa lakas ng boses niya para siyang tunog ng bumbero na umaalingawngaw tuwing may sunog.
Bumaba ako ng hagdan. "Bakit ate Chenie may sunog ba? tanong ko sa kanya.
Hindi maipinta ang mukha ni Ate Chenie nang makita ako sa itsura ko. "Magsuot ka nga ng damit para kang balyenang tinapon ng dagat."
Kung hindi ako sanay kay Ate baka nasaktan ako sa lantaran niyang panlalait sa'kin, siya kasi ang number one basher ko kahit sa mga inupload kong video ay siya ang unang nagpapabura kahit na marami ang natutuwa sa pinaggagawa ko. Ako lang naman kasi ang mataba na proud sa katawan ko.
"Akala ko kasi may sunog kaya bigla akong bumaba sa lakas ng sigaw mo ate." alibi ko.
Namaywang si Ate. "Ako ba Fatty ay ginagalit mo?" Nakataas ang kilay niya kulang na lang ay magdikit ito.
"Hindi po Ate." Umakyat ako sa second floor at pinagpatuloy ko ang pagsasayaw pagkatapos kong sumayaw ay inupload ko 'yun sa account ko.
"Ilang minuto pa lang ay fifty thousand na ang viewers ko. Ito ang gusto ko sa short video application na ito dahil marami ang sumusuporta at natutuwa sa'kin. Hindi katulad ng mga kapitbahay kong mga laitera na akala mo mga gwapo at maganda hindi naman uso ang toothbrush palagi amoy imburnal.
"Good morning everyone!" sigaw ko nang lumabas ako ng bahay namin.
May mga kapitbahay akong sumagot ng good morning may ibang nakatingin sa suot kong damit at pagkatapos ay nagbubulungan at tatawa. Hindi naman ako apektado sa kanila. Gusto ko ang suot ko kaya hindi ako nagpapaapekto sa kanila. May team building kami ngayon at sa isang resort gaganapin. Ito ang pinakahihintay kong araw dahil may plano kami ni Mel.
"Ang sexy mo naman sa suot mo." sarcastic na sabi ng kapitbahay kong si Nena.
Tiningnan ko si Nena. Nakasuot siya ng jogging pants at hood jacket na kulay pula. Balot na balot na akala mo ay hindi dinadapuan ng lamok. Kung titingnan si Nena parang mahinhin pero hindi alam ng mga kapitbahay namin ay apat ang boyfriend niyang pinagsasabay niya.
"Salamat." tipid kong sagot sa kanya.
Ngumisi siya. "Kulang sa tela ang damit mo sinadya ba 'yan?"
"Crop top ang tawag dito hindi mo alam? Tingin-tingin sa Mall para malaman mo kung ano ang uso hindi puro lalaki ang nakikita. " I scoffed.
Taas noo akong tumalikod sa kanya at nagpakendeng-kendeng na umalis.
"Sexy!" sabay sipol ng mga tricycle habang papalapit ako sa terminal.
Nakasuot kasi ako ng black crop na damit na may design at black maong short n sobrang ikli.
Ngumiti ako sa kanilang lahat. "Thanks!" sagot ko.
"Mel!" tawag ko sa nag-iisang friend ko. Hinahanap ko si sir Franco ngunit hindi ko siya makita.
Lumingon si Mel at pagkatapos ay pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "Naka-drugs ka ba?" taas kilay niyang sabi.
"Bakit?" Tiningnan ko ang sarili hindi naman ako nakahubad.
"Bakit ganyan ang itsura mo?"
Kumunot-noo ako. Wala naman akong natatandaan na may dress code sa pupuntahan naming team building basta ang sabi wear your best OOTD.
"Anong problema sa suot ko?"
"Bakit nakasuot ka ng crop top? "Hindi mo ba alam kung gaano kapangit ang suot mo na 'yan? Pagtatawanan ka nila."
Bakas sa mukha ni Mel ang pag-aalala habang sinasabi niya iyon sa'kin.
"Alam mo girl, kung gusto mong maging masaya dapat mahalin mo ang sarili mo. Maging proud ka sa binigay sa'yo ni God. Ang mga taong nakikialam ng ibang tao ayan yung mga taong hindi magiging masaya ang buhay, mga taong punong-puno ng inggit sa katawan."
Natahimik si Mel. "Kung sabagay may point ka din naman kaya lang nasa pilipinas tayo kung saan maraming pakialamero at tsismosa."
"Hayaan mo sila basta ako proud ako sa suot ko." Hinanap ko si sir Franco sa paligid ngunit hindi ko ito nakita marahil kasama ng Daddy niya.
Sumakay ako sa van na kasama si Mel. Karamihan sa mga kasama ko ay ang accounting department. Kahit medyo pansinin ang outfit ko sa kanila napabilib ko naman sila dahil nagawa kong magsuot ng ganitong damit.
Tatlong oras ang naging biyahe namin kaya bago kami gumawa ng task namin ay kumain muna kaming na magkakasama.
"Dito ka na lang sa'min sumabay kumain, mahihina naman kami kumain. wika ni Mel.
Tumango ako. "Sure!"
Pagpunta ko sa cottage nila ay tinawag ako ng janitor ng kumpanya.
"Miss Fatty, tawag po kayo ni Si Franco."
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang pangalan ni Sir Franco. Kanina ko pa siya hinahanap.
"Nandoon siya sa resthouse." sabay turo ng Janitor.
Tumango ako. "Thank you,"
Lumapit ako kay Mel para magpaalam na lilipat ako ng cottage.
"Mel, lilipat ako sa cottage ng prince charming ko hinahanap na ako e, namimis siguro ako." I mocked.
"Ang landi mo!" sagot niya.
"Kitakits nalang mamaya. " kumaway pa ako sa kanya pagkatapos ay dumiretso ako sa resthouse ni Franco.
Ang lapad ng ngiti ko habang natatanaw ko si Franco. Nakasuot kasi siya ng white sando at black short at may suot na shades. Napakagat labi ako nang maalala ko ang kiss namin dalawa. Actually ako lang ang nakakaalala ng kiss namin dahil si sir Franco hindi niya naalala.
Nakasimangot siya nang makita ako. "Bakit ganyan ang suot mo?"
"Hindi ko na alam kung pang-ilang tao na ang nagtanong ng ganyan. Proud ako sa sarili kaya ito ang sinuot ko."
"Psh! Parang dugong sa suot mo na 'yan. Wala ka bang pambili ng damit?"
"Hay, naku sir 'wag n'yo akong intindihin sa suot ko. Dito na ba ako sa inyo maglalagay ng gamit?"
Hindi niya ako sinagot bagkus ay pumasok sa loob at hinagis sa'kin ang towel. "Ilagay mo 'yan katawan mo."
Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko gustong sumunod sa kahit sino pagdating sa OOTD ko pero si sir Franco ang nagbigay sa'kin ng towel wala akong choice kung hindi sundin siya.
Matamis akong ngumiti. "Thank you, sir." sagot ko.
Pinulupot ko ito sa katawan ko para hindi makita ang tiyan ko at hita ko.
"That's better." sabay ngiti niya sa'kin.
"Sir saan ko ilalagay ang gamit ko?" tanong ko.
Kinuha niya ang bag ko at inilagay sa loob ng kuwarto kung saan naroon ang mga gamit niya. "Hindi naman siguro malikot ang kamay mo."
Ilang beses akong umiling sa kanya. "Hindi po sir." sagot ko.
"Good, kumain na tayong dalawa."
"T-Tayong dalawa lang ang magkakainan?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Huh?"
"I-I mean, tayong dalawa lang ang kakain?"
Namayway siya habang nakatingin sa'kin. "Oo, kailangan mong humiwalay sa pagkain sa kanila dahil matakaw kang kumain baka yung para sa sampung tao ay ikaw lang ang kakain."
Napangiwi ako. "Grabe ka naman Sir. "
"Concern lang ako sa ibang mga empleyado kaya napagdesisyunan kong ihiwalay ka ng pagkain para ma-enjoy nila ang pagkain."
Sumimangot ako. "Okay, sir!" sagot ko.
"Let's go!"
Sumunod ako sa kanya. Sa malaking lamesa na yari sa kawayan nakalagay ang mga pagkain. Tanging mga dahon ng saging ang naging sapin ng pagkain namin namin.
"Sir, hindi uso ang diet ngayon." sabi ko habang pinagmamasdan ko ang mga pagkain sa table.
May fried hipon, fried crab, fried na talong. ihihaw na liempo, bangus at tahong, kamatis, nilagang okra at sinigang na bangus may mga sawsawan na pagpipilian. Napahawak ako sa tiyan kong parang puputok mamaya kapag natapos akong kumain.
Bahagyang umangat ang kilay niya. "Kailan ka ba nag-diet?"
Napakamot ako sa tiyan ko. "Hindi nga pala ako nag diet. "
Naghugas kami ng kamay at pagkatapos ay sabay kaming kumain dalawa ng nakakamay. Hindi na ako nahihiya kay Sir Franco kung madami akong kumain. Sanay naman siya sa'kin sa tuwing nagsasabay kaming kumain dalawa.
"Ang sarap nabusog ako." sabi ko.
Halos gusto ko ng humiga sa kabusugan. Tama si sir Franco kung gaano kakonti ang kinain niya triple naman ang kinain ko sa kanya.
"Mamaya mag-uumpisa na ang team building. "wik ni Sir Franco.
Tumango ako. "Kaya ko 'yan sir, sisiw ang mga gagawin natin mamaya." kumindat pa ako sa kanya.
"LISTEN everyone, magtatanim tayong puno pero kailangan n'yo umakyat doon sa maliit na burol na 'yon 'wag kayong mag-alala hindi naman siya matarik akyatin kaya lang mag-ingat kayo sa paglakad dahil baka madulas kayo."
Nakatingala ako sa sinasabing maliit na burol na iyon dahil kailangan naming maglakad para makarating doon.
Hindi pa naman ako nakakarating doon ay parang hinihingal na ako.
"Miss Fatty, are you ready?" nakangising sabi ni sir Franco.
"Yung may mga sakit sa puso at high blood 'wag ng umakyat."
"Ako po may highblood." sabay taas ko.
"I see.. i-check n'yo ang blood pressure ni Miss Fatty kung highblood siya." sabat ni Sir Franco.
"Bakit kailangan pa akong i-blood pressure?" tanong ko.
Tumango si sir Franco. "Yes." pagkatapos ay tinawanag niya ang company nurse namin para i-check ang blood pressure ko.
"100/90 ang blood pressure n'ya normal naman ang dugo niya kaya pwede kang umakayat. Miss Fatty kaya mo 'yang umakyat lalakarin lang naman natin para makarating tayo sa taas."
Yumuko ako. "Wala na pala akong kawala." bulong ko.
"Okay, guys!" Let's go!"
Nag-umpisa na kaming maglakad paakyat ng burol sampung metro pa lang ang nilalakad ko ay hinihingal na ako sa sobrang pagod.
"Hanggang dito na lang ako." sabi ko.
Basang-basa na ako ng pawis na parang naligo ako sa ulan. Basa na rin kasi ang damit ko maging ang suot kong bra at panty ay basa.
"Malayo pa tayo Miss Fatty, kaya mo 'yan." sabi ng ibang empleyadong nilalampasanan ko.
Huminto sa'kin si sir Franco. "Kung hindi mo bibilisan sa paglalakad maiiwan ka rito may mga nagpapakita pa naman dito kapag mag-isa lang." pang-asar siyang ngumiti at naglakad.
Bigla akong tumayo at nagmadaling naglakad upang maabutan ko sila. Ito na yata ang pinakamahabang nilakad ko sa buong buhay ko.
"Finally, nakarating din." habol hininga kong sambit matapos naming marating ang burol nakaapat na bote ng mineral water ang nainom ko nang makarating kami rito.
"Kaya mo naman pala Miss Fatty." sabay tapik sa'kin sa balikat ng nurse.
Isang ngiti ang naging tugon ko sa kanya. Bago kami nagtanim ng puno. Nagkaroon muna ng briefing about sa burol na ito at mga puno na itatanim namin. Tinuruan din kami kung paano itanim ang mga puno pagkatapos ay nagtanim kaming lahat. Kung gaano ako nahirapan sa paglalakad kanina hindi ko naman namalayan na malapit na kami sa cottage nang pauwi na kami.
Nagpahinga kami ng kalahating oras at nagpalaro kami. Hindi na ako sumali sa kahit anong games. Pagkatapos ng games ay nag kanya-kanya ng magpalit ng two piece bikini para maligo sa dagat.
Ang lakas ng loob kong magsuot ng two piece bikini habang sumasayaw ako sa harap ng camera ngunit may mga taong pakialamera na akala mo mga gwapo mukha naman kuhol. Kung makapanglait ay akala mo perpekto mabuti nalang at dumating si sir Franco at tinulungan niya ako.
"My knight shinning armor." kinikilig kong sabi kay sir Franco matapos niyang komprontahin ang mga lalaking pinaglihi sa kohol.
"Hoy, Fatima!"
"Bakit, Melia?" tanong ko sa kanya. Binuo ko rin ang pangalan niya dahil tinawag niya ako sa buo kong pangalan.
"Wala ka na bang kahihiyaang natitira sa sarili?" Inis niyang sabi.
"Ano naman bang problema mo?" tanong ko.
Pinagmasdan niya ang kabuuan ko. "Tingnan mo nga suot mo? Ano bang feeling mo sa katawan slim?" namaywang pa siya.
"Bakit? Maganda naman ang two piece bikini ko."
"Hays! Mahiya ka naman kahit konti ikaw na lang ang pinagtatawanan ka ng mga tao rito sa beach. Fatima, concern lang ako sa'yo."
"Proud ako katawan ko dahil pinag-ipunan ko ito ng matagal."
"Hindi ko talaga alam kung saan mo nakuha ang tapang mong magsuot ng two pieces bikini." Pailing-iling pa siya.
Inirapan ko siya pagkatapos ay muling pinagmamasdan si Sir Franco abala siya sa pikipag-usap ako naman ay nilalantakan ang kalahating parte ng friend chicken. Hindi ko ito ginamitan ng kutsara bagkus ay kinakamay ko na lang ito habang kinakain ko.
Pagsapit ng hapon nagkaroon ng pa-games ang mga bossing namin hindi ako sumali maliban sa huling games nila. "Trip to jerusalem kasali ang mga boss natin," sabi ng emcee namin na ka-officemate rin namin.
"Ako!" Nagmamadali akong tumaas ng kamay. Sasali ako!"
Wala na akong pakialam kung anong sabihin nila dahil gusto kong sumali at gagawin ko ang lahat para manalo. Naramdaman ko ang labi ni sir Franco, gusto ko namang maramdaman ang jumbo hotdog niya kapag umupo ako sa hita niya. Trip to jerusalem ang palaro pero ang main goal ko ay nakaupo sa hita ni sir Franco kahit iyon lang ang premyo okay na sa'kin.
Nang magsimula ang palaro ay ginalingan ko talaga kahit na nga manakit ang tiyan nila sa kakatawa sa'kin ay wala akong pakialam.
"Ang nanalo si Fatty!" sigaw ni emcee.
Nakangiti ako hindi dahil ako ang nanalo. Masaya ako dahil sa wakas naramdaman ko yung matulis sa pagitan ng hita niya.
"Anong prize ba nito sir?" tanong ng emcee.
"Date with me." seryosong tumingin sa akin si sir Franco.
"OMG!" sambit ko.
Malakas ang sigaw ng mga babae kong katrabaho pero mas malakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatingin ako sa kanya.
"Emeged kenekeleg eke."
Hindi ko na alam kung paano sukatin ang ligaya ko sa sinabi ni sir Franco sa sinabi niya.
"Totoo ba 'yon sir Franco?" pag-uulit ng emcee.
Ngumiti si sir Franco. "Of course not, it's a frank!"
Bigla akong nanlambot sa sinabi ni sir Franco. Umasa pa naman ako na makikipagdate siya sa'kin.
Sumimangot ako."Nakakainis paasa."
"She's my secretary palagi na kaming may date sa opisina. Minsan kasama ko pa siya sa mga dinner meeting ng mga customer ko kaya hindi na kailangan ni Miss Fatty ng date. Kinuha niya ang puting sobre at tinaas niya ito. "Itong prize na ito ang kailangan ng lahat lalo na si Miss Fatty. " iwinagayway pa niya ang sobre.
Pilit na pilit ang mga ngiti ko. Alangan tumutol ako baka isipin nila apektado ako sa prank ni sir Franco. Alam kong maganda at sexy ako pero hindi ko ugaling maghabol sa iba. "Kay sir Franco lang—sa kanya lang ako hahabol."
"Miss Fatty. Kunin mo na ang prize mo." tawag niya sa'kin.
Tumango ako at pagkatapos ay tinanggap ko ang sobre. "Thank you, sir." sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Kiss! Kiss!" sigaw ng mga empleyado.
Sinuklay ko ang buhok sa gilid ng tainga ko. "Enebe. Nekekeheye nemen." pabebe kong sabi.
Nagulat ako nang biglang yumuko si sir at hinalikan ako sa pisngi. Naghiyawan ang mga tao na pinapanood kami. Ako naman ay parang ice cream na natutunaw sa harapan nilang lahat. Ngayon lang ako nahiya sa buong buhay ko. Parang kamatis ang mukha ko sa sobrang pula. Para akong zombie na umalis sa gitna at lumapit kay Mel. Siniko niya ako. "Ganda! Ganda ka teh? haba ng hair sarap gupitin." wika ni Mel sa'kin
Nakatulala pa rin ako kahit sinasabihan na ako ni Mel. halik sa pisngi lang 'yon. Kung tutuusin mas malala pa ang kiss sa lips na ginawa namin pero ito ang tumatak sa isip ko.
"s**t! Mahal na mahal ko na talaga siya."
Kinapa ko ang tapat ng puso ko at pinakinggan ko ang malakas na t***k ng puso ko.