NAPAHAWAK ako sa aking labi habang nakatingin ako sa salamin. Tila nakadikit pa rin ang labi ni Sir Franco sa aking labi. Ala una na ako nakauwi ngunit alas kwatro ako na tulog. Dalawang oras lang ang tinulog ko ngayon.
Kinapa ko ang dibdib ko hindi pa rin nawawala ang malakas ng t***k, daig ko pa ang may sakit sa puso. Hindi ko na pinansin ang mata ko na medyo nangingitim dahil sa puyat ko ang mahalaga sa'kin ay ang unang halik ng future husband ko.
"Fatty! Bumaba ka diyan nakaluto na akong almusal!" sigaw ni Ate Chenie sa'kin.
"Baba na Ate!" sagot kong sigaw.
Tiningnan ko ulit ang itsura ko sa salamin bago ako bumaba ng hagdan.
May nakahandang pagkain sa lamesa at pinagtimpla na rin ako ng kape ni Ate Chenie pagkatapos ay naglagay ako ng pagkain sa plato ko. Parang bigla ako naging conscious sa katawan ko kaya nawalan ako ng gandang kumain.
"Siya nga pala naka-video call ko si Mommy. Uuwi raw siya ng pilipinas para sunduin tayong dalawa." wika ni Ate. Pinatay niya ang gas stove at pagkatapos ay inilagay sa plato ang piniprito niyang tuyo. Naglagay siya ng suka para sawsawan at umupo siya ng nakataas ang isang paa sa inuupuan niya.
"Gano'n ba kailan daw ba uuwi si Mommy?" tanong ko.
Bihira na kasi umuwi si Mommy dahil hindi siya pinapayagan ng asawa niyang Amerikano. Isa pa may business din si Mommy sa ibang bansa kaya kapag umuuwi siya ng pilipinas ay bakasyon na lang. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin naaprubahan ang citizenship namin doon kaya kapag pumupunta kami sa ibang bansa ay tourist visa lang ang gamit namin.
"Sa susunod na buwan." sagot ni Ate. Pagkatapos ay pinagpatuloy niya ang pagkain. Biglang huminto si Ate sa pagkain at pinanood akong kumain. May napansin ako sa'yo.
I raised my brows. "Ano naman iyon Ate?"
"Hindi ka maligalig ngayon at higit sa lahat hindi bandehado ang kinakain mo ngayon. May sakit ka ba?" tanong niya.
Huminto ako pagkatapos at tiningnan ko ang pagkain ko. "Ang konti nga ng pagkain ko."
"Seryoso ka ba sa pagda-diet mo?" Hindi makapaniwala na tanong niya.
Umiling ako. "Hindi ako nagda-diet wala lang akong tulog kaya nawawalan ako ng ganang kumain."
"Ikaw Fatty, kakasahod mo lang may pa-disco ka pang nalalaman. Mag-ipon ka at huwag kang umasa kay Mommy."
Sumimangot ako. Ayan naman kasi si Ate nagsimula namang manermon sa'kin. Halos araw-araw nalang ay may sermon ako sa kanya. Minsan nakakarindi na pero hindi ko magawang magalit sa kanya dahil lahat naman ng sinabi niya sa'kin ay tama. Ako lang talaga ang sobrang tigas ng ulo.
Sa inis ko ay inilagay ko ang pritong hotdog at itlog sa plato pagkatapos sunod-sunod ang naging subo ko.
"Ay, sus! Nalintikan na hindi na sana kita pinuna." Muli niyang ipinagpatuloy ang pagkain ng almusal.
"Ganda mo talaga!" sabi ko sa sarili ko habang na nilalapatan ko ng lipstick ang labi ko.
Chin up with extra smile ako habang naglalakad palabas ng bahay pagkatapos ay agad akong sumakay ng tricycle.
Dalawa palagi ang binabayad ko sa tricycle dahil ayokong mahirapan sa paglabas at pagpasok sa loob.
Pagkatapos kong sumakay ng tricycle ay nag-abang na ako ng jeep para makarating agad sa trabaho ko.
"Fatima!" sabay tapik sa'kin sa balikat nang lingunin ko ang kumalabit sa'kin nakita ko si Mel ang isa sa accounting staff.
Ilang beses ko na siyang nakakasabay sa tuwing papasok ako sa trabaho. Siya rin ang naging kaibigan sa kumpanya.
Lumipat siya ng upuan at tumabi sa'kin. "Mabuti naman at nakasabay kita ngayon. Alam mo ba may chika ako sa'yo." sabi ni Mel.
Sa lakas ng boses niya ay napapatingin sa kanya ang ibang mga pasahero. Mabuti nalang at maganda siya. Maputi at sexy ang katawan. Bumagay din sa kanya ang kanyang kulot-kulot na buhok na hanggang kilikili niya. Kung ngingitian ka niya sigurong madadala ka sa ganda ng dimples niya. Ang sabi niya sa'kin kung wala raw siyang boyfriend baka kasama na siya sa mga babae na naging babae ni sir Franco.
"Ano naman 'yon?" tanong ko sa kanya.
"Alam mo magkakaroon tayo ng team building." kinilig na kilig pa siya sa sinabi niya.
"Talaga?"
"Masaya ang team building dahil makakasama mo boss natin. Malay mo mapansin ka ni Sir Franco."
Napangiti ako. Alam kasi niyang crush na crush ko si Franco. "Gusto ko siyang malasing." kinikilig ako kapag naiisip kong hinalikan ako ni Franco.
"Mama para po!" sigaw ni Mel.
Bumaba kaming ng jeep at naglakad papunta sa kumpanya. Dumaan muna kami sa comfort room para mag retouch ng make up pagkatapos ay sabay kaming sumakay ng elevator.
"Miss kasya pa kayo sakay na kayo." sabi ni Mel nang bumukas sa second floor ng elevator may dalawang babae kasi ang sasakay.
Pailalim tumingin sa'kin. "No, thanks! Sa kasama mo pa lang hindi na kasya." sabay tawa niya.
Pinindot ko ng close para hindi na sila makasakay. "Ang arte naman ng babae na 'yon akala naman nila maganda siya." sabay irap ko.
"Bakit naman kasi ganyan ang suot mo? Hindi ka ba nahihirapan sa suot mo?"
Pinagmasdan ko ang sarili. "Maganda naman."
"Maganda nga siya pero masikip sa'yo parang puputok na ang na siya. Subukan mong magsuot na medyo maluwag sa'yo."
"Hindi ako komportable kapag maluwag ang damit ko para kasing ang laki ko tingnan kapag nagsuot ko."
Nanlaki ang mata niya. "Coming from you? Tsk! Tsk! Bilib na talaga ako sa'yo."
Magsasalita pa sana ako ngunit bumukas na ang pinto ng elevator. "Sabay tayong kumain mamaya." sabi ni Mel bago kami naghiwalay ng daan.
Sinipat ko ang relong pambisig ko at alas siyete pa lang ng umaga at siguradong wala pa si sir Franco.
Napansin ko ang mainit na kape sa aking table at may nakadikit na sticker note.
"Thanks for comforting me last night." Franco.
"OMG!" nagtitili ako sa kilig dahil sa maikling mensahe na iyon daig ko pa ang nanalo sa lotto. Maagang pumasok si sir Franco ngayon para ipagtimpla ako ng kape. Ang sweet niya."
Hinigop ko ang kape at pagkatapos at inilapag ko muna sa table ko. Naglagay muna ako ng lipstick at pulbos at blush on pagkatapos inalis ko ang dalawang botones ng polo ko sa itaas upang lumantad ang maumbok kong dibdib. Feeling ko kasi ako na ang isasalang sa two hours sa comfort room na kasama si sir Franco.
"Mabuti na lang at nakapag feminine wash ako kanina. Mabango 'to. Yiee!"
"Sir Franco!" tawag ko.
Huminga ako ng malalim ng pinihit ko ang seradura ng pinto ng comfort room. Nararamdaman kong nasa loob siya ng comfort room hinihintay ko.
"Sir Franco— Ay! sorry!" sabay talikod ko.
Namula ang mukha ko nang makita ko si sir Franco na may kasamang babae sa comfort room at naghahalikan. Nakataas na ang palda ng babae at tanggal na rin ang butones nito. Expected ko ako ang nakasalang doon bakit ibang babae.
Bigla tuloy akong nawalan ng gana. Nakasimangot ako habang nagtatrabaho. Hindi ko na ininom ang kape na timpla niya pagkalipas ng kalahating oras ay lumabas ang babae ng comfort room. Nakayuko ito habang naglalakad palabas. Nakikita ko ang babae na 'yon sa information. Ilang saglit pa ay lumabas na rin si sir Franco na bagong ligo. Iyon pala ng purpose ng maliit na kuwarto may mga damit pala roon.
"Good morning, Miss Fatty!" masayang bati niya sa'kin.
Hindi ko siya pinansin bagkus ay nagpatuloy ako sa ginagawa kong trabaho.
"Nakita mo ba ang kape na tinimpla ko for you?"
"Hindi kape ang gusto. Ikaw ang gusto ko."
"Are you okay?" pag-uulit niya.
Tumayo ako at pagkatapos dinala ko ang planner ko para sa kanya.
"Sir Franco this is your schedule for the whole week. Maraming mga na bagong meeting especially for our investor na may meeting sa'yo. Paki-check na lang." sagot ko.
Nakakunot ang noo niyang kinuha ang planner ko at binasa ang nakasulat.
"May meeting pala ako Mr Arcilla?"
"Yes, sir." Pumihit ako patalikod at pagkatapos ay bumalik ako sa trabaho ko.
Hindi ko na muling kinausap si sir Franco hanggang sumapit ang lunch break.
"Miss Fatty, sabayan mo akong kumain ng lunch nag order ako ng maraming pagkain with in ten minutes darating na ang order ko." sabay ngiti niya.
Pilit akong ngumiti. "Thank you sir, may kasabay na akong kumain si Mel. Yayain n'yo lang yung babae sa information." humakbang ako palayo sa kanya at tuluyan na akong lumabas ng opisina.
Humahaba ang nguso ko habang kumakain ako ng lunch kasama si Mel.
"Hoy, Fatty, bakit ganyan ang itsura mo?" tanong sa'kin ni Mel.
"Nakakainis kasi sir Franco akala ko kanina ako na ang kakainin."
Nanlaki ang mga mata ni Mel. "What do you mean?"
Bigla akong umiwas. Bakit ba masyado akong nagiging bulgar magsalita kay Mel.
"Nothing. Kumusta na pala ang sinasabi mong team building? Hindi naman nabanggit sa'kin ng boss ko."
"Baka busy kaya hindi sa'yo sinabi." Pinagpatuloy niya ang pagkain.
Napukaw ang tingin ko sa babae na papasok ng cafeteria. Umarko ang kilay ko. Kung hindi ako nagkakamali siya ang babae kalandian ni sir Franco sa loob ng cubicle.
Bumili ito ng pagkain at pagkatapos ay sumabay siya sa mga grupo ng mga nagkakatuwaan.
"Si Melody talaga ang landi." sabat ni Mel.
Tumaas ang kilay ko. "Sinong Melody?"
"Yung kaninang pumasok sa information naka-assign. Hindi mo ba alam na may nakakita sa kanya kanina na maagang pumasok sa loob ng opisina ni sir Franco." tumingin siya sa'kin. "Hindi mo ba siya napansin na lumabas?"
Umiling ako. "Hindi ko siya nakita dahil busy ako sa trabaho ko ang dami kong naiwan na trabaho." alibi ko.
"Mabuti na lang at ganyan ang itsura mo dahil kung hindi baka isa ka na sa babae na dumaan sa kamay ni sir Franco. Malupit sa babae si sir Franco."
"Hindi ba talaga siya tumatalo ng kasing sexy ko?"
Ilang segundo akong tinitigan ni Mel. "Type mo si sir Franco?"
Tumango ako. "Gusto ko rin ma-experience ang makasama si sir Franco."
"Hay, naku! Gasgas na siguro 'yung kanya or baka may sakit na 'yan. Kung ako sa'yo iiwas na lang ako."
Hinawakan ko ang kamay ni Mel at tumingin sa kanya. "Tulungan mo akong maka-one night stand si sir Franco."
"Nahihibang ka na ba? Hindi ka niyan papatulan pwera lang kung lasing siya."
Natigilan ako. "Tama 'di ba magkakaroon ng team building? Lalasingin ko si sir Franco tulungan mo ako."
"Sige, pwede naman basta labas ako sa ibang gagawin mo. "
Tumango ako. "Gustong-gusto ko talaga si sir Franco kaya ako pumasok sa trabaho na ito dahil sa kanya."
"Speaking of the devil. Look who's coming?" sabay lingon namin sa lalaking paparating namin. Nakatitig ako sa kanya habang paparating siya pagkatapos at lumapit sa table namin. Ang ibang mga empleyado roon ay nakatingin sa'min ngunit wala akong pakialam."
"Are you done eating, Miss Fatty?" he asked.
Umiling ako. "Hindi pa sir. "sabay turo ko sa pagkain ko.
Tiningnan niya ang pagkain ko pagkatapos ay hinawakan niya ang braso ko. Para naman akong nasunog sa kamay niya dahil may kuryenteng dumaloy sa'kin.
"S-Sir?" nauutal sabi.
"Let's go! Miss Fatty we have an emergency meeting."
Sumenyas si Mel na sundin ko si sir Franco kaya kahit bitin ako sa pagkain ko ay wala akong magawa kung hindi ang sundin siya.
Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami palabas ng cafeteria. Lihim akong kinikilig sa itsura namin dalawa. Feeling ko kasi bida kami sa isang korea novela at ganitong eksena ang pinapanood ko.
Bumalik kami sa loob ng opisina ni sir Franco. Tumambad sa'kin ang mga pagkain sa lamesa.
"This is your urgent meeting. Kailangan nating ubusin ang pagkain na ito."
"Sinundo mo lang ako para samahan kitang kumain?" tanong ko.
Tumango siya. "Ikaw lang ang may kayang umubos ng lahat ng 'yan." umupo siya at binigyan niya ako ng plato at kutsara. "Let's eat. "sabi niya.
Kahit pala hindi ako nakakain ng marami sa cafeteria. Bubusugin pala ako ni sir Franco. Kahit galit na galit ako sa kanya hindi ko pwedeng idamay ang pagkain lalo na't may sinigang na hipon.
"Sige, pinipilit mo ako eh, " sagot ko.
Dahil sa pagkain nakalimutan ko ang galit ko kay sir Franco. Siguro kailangan niya muna ako busugin para may sustansya ako kapag ako naman ang kakainin niya.
"Ang sarap ng pagkain. " Napahawak pa ako sa tiyan ko habang hinihimas ko iyon. Sa dami ng pagkain halos lahat ng iyon ako ang umubos kaya parang puputok na ang tiyan ko.
"Gusto mo bukas ganito ulit ang pagkain natin?"
Tumingin si sir Franco. "Sigurado ba kayong palagi n'yo akong ililibre ng pagkain?"
Tumango siya basta kapag nagtanong si Dad about sa mga babae. Sabihin mong wala akong babae na dinadala rito."
I raised my brows. "Sinusuhulan mo ako para magsinungaling?"
"Hindi naman siya suhol gusto ko rin naman may kasabay sa pagkain."sagot niya.
Tumango ako. "Okay." sagot ko.
"Mula bukas hindi na ako sasabay sa'yo sa pagkain. Suhol pala ito para magsinungalinga ako."
INUNAT ko ang aking likod matapos ang walong oras ko sa trabaho. Alas singko ng hapon kaya isa-isa kong iniligpit ang mga gamit ko. Halos sumakit ang leeg ko dahil nakatutok ako sa computer. May ginawa rin kasi akong report kaya naging busy ako.
Binitbit ko ang bag ko pagkatapos ay lumabas na ako ng opisina. Sasakay pa lang ako ng elavator nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Pangalan ni Mel ang nakarehistro sa'kin.
Sinagot ko iyon. "Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"Nakauwi ka na?" tanong niya sa'kin.
"Hindi pa palabas pa lang ako ng company. Bakit?"
"Hintayin mo ako sa labas may sasabihin ako sa'yo."
Sumakay ako sa elevator ng huminto ito sa harap ko. Pagsakay ko ay nagkukumpulan ang mga tao sa kanang bahagi samantalang ako ay nag-iisa sa kaliwang parte. Daig ko pa ang may nakakahawang sakit kung kumilos sila.
"Dito na kami para balance." sarkastikong sabi ng babae na nakasakay sa elevator.
Inirapan ko lang silang lahat.
"Nandiyan ka pa ba?" narinig kong sabi ni Mel. Hindi pa pala kami tapos mag-usap ni Mel nang sumakay ako sa elevator.
"Pababa na ako hintayin mo na lang ako." sagot ko.
Paghinto sa ground floor ay lumabas ang mga nakasakay ko, sa inis ko nakipagsiksikàn ako sa kanila palabas.
"Aray!" reklamo ng babae.
Nabangga ko kasi siya kaya siya nasaktan. Ngumisi ako. "Sorry, I meant to do it."
"What the hell!"
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Coming from you? Duh," sabay irap ko.
Taas no akong naglakad palabas ng building. Paglabas ko nakita ko si Mel na nakatayo sa labas. Lumapit ako sa kanya.
"Ano ba ang sasabihin mo sa'kin?" tanong ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako. Agad kaming sumakay ng taxi.
"Magdi-disco bar tayo ngayon niyaya ako ng boyfriend ko."
"Hindi ba pwede kayo na lang?"
Umiling si Mel. "Sasama kung hindi. Hindi kita tutulungan na maka-one night stand ang boss mo.
"Sabi ko nga sasama na ako."
Ngumiti si Mel. Dahil maaga pa para pumunta kami sa disco-bar. Pumunta muna kami sa bahay ng boyfriend ni Mel para kumain. Ang boyfriend ni Mel ay manager sa Seillito.
Sabay kaming dalawa ni Mel na nagtoothbrush pagkatapos naming kumain. Hinintay ko si Mel at boyfriend niya na lumabas ng kuwarto.
"Let's go!" sabay hila niya sa'kin palabas matapos ang kalahating oras na paghihintay sa kanilang dalawa.
Katabi ni Mel sa driver seat ang boyfriend niya kung kaya't mag-isa ako sa likuran kung saan pinapamukha nila sa'kin ang pagiging single ko. Ang sweet kasi nilang dalawa.
Hindi ako ready sa biglang disco-bar na ito dahil hindi ako nakapagsuot ng pak na pak na damit. Balak ko sanang magsuot ng fitted na damit yung inilalabas ang dibdib. Gustong-gusto ko pa naman sumayaw.
Papasok pa lang kami sa loob ng bar hindi ko na napigilan ang sumayaw.
"Kapit kayo may lindol!" sabi ng lalaki.
Sa halip na mainis ako sa kanya ay sumayaw pa rin ako. "Mel, sasayaw lang ako sa stage." sabi ko sa kanya.
Tumango si Mel. Iniwan ko ang bag ko sa table namin at sumayaw ako sa gitna. Gumiling-giling ako at wala akong pakialam kung pagtawanan nila ako.
"Bakit may baboy dito!" halakhakan ng mga lalaki.
Lumapit ako sa grupo nila. "Tuwang-tuwa mukha ka naman inidoro."
Nagtatawanan naman ang mga kaibigan niya sa sinabi ko.
Lasing na ang lalaki. "Hindi ako pumapatol sa mga babae pero sa baboy na katulad mo baka sapakin kita." pananakot nito.
"Ayoko rin pumatol sa lalaking mukhang inidoro. Bagay sa'yo 'yan amoy tae bunganga mo." sabay talikod ko.
"Walang hiya ka!"susuntukin sana ako ng lalaki ngunit inawat siya ng mga kaibigan niya ngunit sadyang gusto akong suntukin ng lalaki kaya tinulak niya ang kaibigan niya. Susuntukin sana niya ako pero may humarang sa kamay niya.
"Don't punch my girlfriend."
Kinilabutan ako sa boses na iyon. Ang lamig ng boses niya at parang hinihila ang panty ko pababa. Slow motion akong tumingala upang tingnan ang may ari ng boses na iyon.
"Sir Franco?"
Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko habang nakatitig ako sa kanya.
"Girlfriend mo 'yan? Pare magpagamot ka na ginayuma ka ng baboy na 'yan." duro pa ng lalaki sa'kin.
Hinawakan ako ni Franco sa bewang.
"You have no right to insult my girlfriend." seryoso ang mukha niya parang mananapak siya.
Kilig na kilig ako sa ginawa ni sir Franco. Ang ibang babae tuloy na nakakita sa'min ay hindi makapaniwala na boyfriend ko ang gwapong si sir Franco.
"Thank you, Sir." sabay yuko. Nahihiya kasi ako sa kanya.
"Sino ang kasama mo rito?" tanong niya sa'kin.
Tinuro ko si Mel at ang boyfriend niya. "Sige po," pumihit ako patalikod at pagkatapos ay bumalik ako sa table namin. Ang akala ko ay uuwi na si sir Franco pero nagkamali ako dahil pumunta siya sa table namin.
"Kanina pa kayo sir dito?" tanong ni Mel.
Sinisipa ni Mel ang paa ko sa ilalim. At sumenyas sa'kin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Parang lahat ng kakapalan ng mukha ko ay naubos dahil sa kanya.
Nag-inuman kaming apat hanggang sa magpatugtog ng dance music. Tumayo ang magkasintahan upang sumayaw ng sweet dance. Halos gawin kung tubig ang beer dahil kaming dalawa lang ang naiwan sa table. Pinapakiramdaman ko kung aalukin niya akong sumayaw ngunit parang wala siyang balak na yayain ako kaya naman tumayo ako at humarap sa kanya.
"S-Sayaw tayo sir." nauutal kong sabi sa kanya.
Sinaid muna niya ang natitirang beer niya pagkatapos kinuha ang kamay ko. Para na akong may sakit na epilepsy dahil hawak ko ang malambot na kamay ni Franco. Mabuti na lang at naka-blush on ako. Hindi niya mahahalata ang pamumula ng pisngi ko.
Hindi ko na alam kung paano pa kami nakarating sa stage dalawa. Inilagay ni sir Franco ang kamay niya sa bewang ko habang ang dalawang kamay ko ay nakahawak sa balikat niya. Nakatingin kami sa isa't-isa. Hindi pa rin mawala ang bilis ng t***k ng puso ko. Napako ang tingin ko sa mapula niyang labi. Bigla akong nauhaw kaya lumunok ako. Nang malapit ng matapos ang kanta ay buong tapang kong hinila ang batok niya palapit sa'kin at pagkatapos ay hinalikan ko siya sa labi.
"Bahala na bukas."