WALANG kahit isa sa mga empleyado ang nagbabad ngayon sa dalampasigan. Alas siyete na kasi ang gabi kung kaya't ang iba ay nagsimula ng magbanlaw ng katawan para makapagpahinga. Ang iba kasi ay nalasing dahil sa dami ng alak na ininom kanina. Ang maputi kong balat ay namumula dahil sa sikat ng araw. Nagkaroon ako ng sunburn dahil sa pagbabad ko sa tubig at initan. Maghapon kasi akong nakipagkulitan sa mga ibang empleyado lalo na sa grupo nila Mel. Isinantabi ko muna ang paghanga ko kay si Franco dahil mas masarap kasama ang kapwa ko empleyado kaysa kay sir Franco na walang ibang ginawa kung hindi ang mambabae. Kaya naman ramdam ko ang pagod ng katawan ko ng humilata ako sa upuan. Basa pa ang buhok ko ngunit hinihila na akong antok. "Ohhh!" Naimulat ko ang mga mata ko nang makarinig ako n