"Where's your bride?" paulit-ulit na tanong sa'kin ni Daddy nang pumasok siya sa loob ng kuwarto. Nasa loob ako ng hotel kasama si Daddy. Halos lahat ng bisita namin ay nasa hotel dahil bukas na ang kasal namin, ngunit ang bride ay wala. Bumuga ako ng hangin para pakawalan ang galit kong kanina pa gustong kumawala. "Ask to her sister." sagot ko kay Daddy. Hindi ko man lang pinag-aksayahan na tingnan siya. Nakatuon ang mga mata ko sa bintana ng kuwarto tinutuluyan ko. Naghalukipkip ng kamay si Daddy. "Bakit hindi mo alam? Ikaw ang groom dapat alam mo kung bakit wala ang bride mo. Dapat may naumpisahan na kayong wedding video." "Okay, i'll talk to her sister." sagot ko. Tumayo ako upang lumabas ng silid ko. Pagkatapos ay hinanap ko ang room ng kanyang Ate at Mommy. "Si Fatty ang hin