Chapter 7 " THE RECOLLECTION "

1146 Words
Kasalukuyang naglalakbay si Benjo pauwi sa kanilang probinsiya sa Pangasinan. Hindi niya maiwasang mapaiyak sa pagiisip sa kanyang may sakit na ina. Kamakailan lamang ay nakatanggap siya ng tawag buhat sa kanyang kapatid na babae na dumating na buhat sa Canada ang kanilang Ama. At kailangan din niyang umuwi sa lalong madaling panahon kung gusto pa nitong abutan ng buhay ang kanyang ina na kasalukuyang naka confined sa hospital dahil sa sakit na cancer. Nakaugalian na ni Benjo ang magsulat ng mga bagay bagay sa kanyang diary ng significant na pangyayari sa kanyang pang araw araw na pamumuhay. Wala sa loob niyang kinuha ang kanyang Diary upang isulat ang kanyang nararamdaman, halos Hindi niya namalayan na may tumulong luha sa kanyang mga mata dahil sa matinding emosyon para sa kanyang Ina. Nang matapos siya sa pagsusulat ng ilang detalye ay aksidenteng nalipat ang pahina ng diary dahil sa humampas na hangin sa bukas na bintana ng bus na kanyang sinasakyan. Nakaramdam si Benjo ng di maipaliwanag na takot ng mahagip ng kanyang mga mata ang nakasulat doon: ' ... i'm so sorry Ibarra kung hindi kita nagawang isalba ng mga oras na iyon, inaamin kong nagkaroon ako ng takot dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak mo sa akin ng tangkain kong iligtas kita...natakot akong baka pareho tayong malunod... I swear to God binalikan kita ng makaipon ako ng lakas ng loob pero pagbalik ko sa lugar kung saan kita huling iniwan ay wala kana doon... hinanap kita sa mga pagitan ng mga bato sa ilalim ng mga kuweba pero hindi kita natagpuan. Patawarin mo Ako Ibarra hindi ko nais na mapahamak ka. ' biglang natigil si Benjo sa pagbabalik tanaw sa nakaraan ng maramdaman niyang may tumapik sa kanyang balikat. " sir saan po kayo bababa? " saad ng kon doktor ng bus. Naalimpungatan si Benjo at dali daling bumaba ng makita niya ang malaking karatula sa bagong palengke ng Urdaneta City, Pangasinan. Sa kabilang dako ay nagkasundo ang mga miyembro ng FC na magliwaliw pagkatapos ng kanilang klase.Nagyaya si Lyndon na magtungo sila sa isang bar kung saan ay malaya silang mag wala doon sa pamamagitan ng pagkanta. Sinabi rin nito na siya ang bahala sa mga expenses. Unang pumasok doon sina Lyndon, Ruth, Shiela, at ang magkasintahang Necy at Elmer. Samantalang sina Christian, Felmer at Dandred ay nangakong susunod na lamang doon. Umorder si Lyndon ng isang case ng San mig lite at mga pagkain at pulutan. " halos isang buwan nalang mga Friendship ay ga-graduate na tayo but still hindi parin natin nakikilala si author "U" kung sino ba talaga siya at kung ano ba ang hitsura niya. Palagi nalang siyang may dahilan na porke may importante siyang meeting na dinaluhan. Kaya alam niyo guys parang gusto ko ng mag quit sa FC kasi puro naman siya pangako pero laging napapako. " mahabang sabi ni Lyndon na halatang tinamaan na ng espiritu ng alak dahil sa dami na rin ng kanyang nainom. " Ganun din ako, parang gusto ko naring kumalas sa Club " singit naman ni Ruth. Tahimik lamang na nakikinig sa kanila ang magkasintahang Necy at Elmer. " Bigyan muna natin siya ng pagkakataon, siguro naman ay nabasa na ninyo ang huling post niya sa atin na humihingi ng paumanhin, pero sabi niya ay makikita na raw natin siya sa pagbubukas ng bagong Museum and Gallery sa UST annexed sa Batangas City kung saan ay siya ang magiging guest speaker. " sabi naman ni Shiela. " Oh maniwala ka diyan, eh noong birthday niya nga sabi niya makikita na raw natin siya sa outing natin sa Pangasinan pero ni anino niya ay walang nagpakita. " naiiritang sabi ni Lyndon. " Ganito nalang guys kung okay lang sa inyo, sabay sabay nalang tayong mag quit sa binuo niyang Friends Club kapag hindi pa siya sumipot sa inauguration ng naturang Museum and Gallery " suhestiyon naman ni Elmer na sinang ayunan naman ng maraming naroon. Nasa gayon silang paguusap ng dumating ang tatlong FC member na kanilang inaasahang darating pero bigla silang natahimik ng makita nilang naroon din si Inez ang kapalit ni Ibarra sa FC. " hello! pasensiya na kayo kung nandito ako pero kung hindi ako welcome sa grupo eh aalis nalang ako " nakangiting sabi ni Inez. " Of course not, halika Inez come and join us after all isa ka rin namang member ng FC " si Lyndon, pilit ang mga ngiti na gustong i-comfort ang bagong replacement ni Ibarra. Si Inez bagamat maldita at intregera ay may angkin din itong talino at appeal sa mga lalaki. Nagtataglay ito ng magagandang features katulad ng pagkakaroon ng attractive smile at perpektong katawan na parang Modelo. " puwede mo ba kaming pagbigyan Inez? " si Lyndon, na nagpakawala rin ng mga pilyong ngiti. " Sure, ano yun Lyndon? " tugon naman ni Inez. " Baka puwede mo kaming bigyan ng kahit na anong song para sa amin." nakatawang sabi ni Lyndon na nagsisimula ng pumungay ang mga mata.Nang i-abot kay Inez ang mikropono ay hindi na ito nakatanggi pa. Nagpalakpakan narin ang lahat at naging mas komportable ang kanilang pakikitungo kay Inez. Kinanta ni Inez ang original song ni Angeline Quinto na ' At ang hirap ' at halos mapanganga ang mga ito sa ganda ng boses ni Inez na kuhang kuha naman niya ang version ni Lyca Estrella. Pagkatapos na kumanta ni Inez ay mas naging palagay ang loob nila sa kanya. Hanggang sa lumalim ng lumalim ang kanilang kuwentuhan at napunta ang usapan tungkol kay Ibarra. " Speaking of Ibarra? ano pala ang nangyari sa kanya? at bigla na lamang siyang nawala? hindi niyo ba kasama si Ibarra noong magpunta kayo sa Isla sa pangasinan? " sunod sunod na tanong sa kanila ni Inez na medyo lasing narin at nagsisimula nang dumaldal. Patda ang lahat ng marinig ang mga katanungang iyon. Halos kalampagin ni Inez ang kanilang natutulog na isipan. Walang nangahas na magsalita dahil naunahan sila ng Shock at hindi nila iyon napaghandaan. Matalas ang pakiramdam ni Inez at sa nakikita niyang reactions ng grupo ay hindi niya maiwasang mag isip ng kung ano ano. " Well forget it, I dont want to ruin your night, our night " nakangiting sabi ni Inez at pagkatapos ay kinuha ang microphone at pumailanlang ang pinindot niyang kanta na may pamagat na ' That's what friends are for '. Habang kumakanta si Inez ay humingi ng paumanhin si Christian para magtungo sa comfort room ng mga lalaki. Pagtapat pa lamang niya sa may lababo ay isinuka ng kanyang bibig ang kanyang mga nainom na alak na kanina pa niya gustong ilabas. Pagkatapos ay napatingin siya sa salamin at nanlaki ang kanyang mga mata, buhat sa reflection ng salamin ay kitang kita niya si Ibarra na nasa kanyang likuran nanlilisik ang kanyang mga mata habang ito'y nakatitig sa kanya na wari'y nanguusig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD