Chapter 8 " THE DISARRAY "

1287 Words
Nahintakutan si Christian sa kanyang nakita sa reflection ng salamin. Dahan- dahan itong lumapit sa kanya and he is about to scream ng magsalita ang taong nasa likuran niya. " Oh Christian bakit parang nakakita ka diyan ng multo at mukhang takot na takot ka? " si Dandred, nagtungo ito sa urinary station para makapagbawas. Nakahinga ng maluwag si Christian ng mapagtanto niyang namamalikmata lang pala siya. "Jusko akala ko naman kung sino na " kinakabahan parin si Christian habang ito'y nagsasalita. " Nakita mo rin ba si Ibarra sa iyong pag iisa? well hindi lang pala ako ang nag-iisa na nakakaranas nito kung ganoon, parang gusto ko tuloy paniwalaan ang mga kuwento niya noon na pinatay ang kanyang mga magulang dahil napagkamalan silang mga mangkukulam sa kanilang probinsiya." pagkatapos niyang umihi ay nagpunta ito sa kinaroroonan ni Christian upang sipatin din ang kanyang sarili. " Jusko naman Dandred huwag mo nga akong takutin diyan, hindi ako naniniwala sa mga kulam kulam na yan, sa panahon pa yan ng mga ninuno natin yan. " seryosong komento ni Christian. " Kung hindi ka naniniwala puwes ako naniniwala diyan kasi danas na yan dati ng kapatid kong babae, kinulam siya ng isang matanda sa amin. At kung hindi ka talaga naniniwala sa kulam eh bakit parang takot na takot ka, ah siguro nakokonsensiya ka ano? naikuwento kasi sa akin ni Ruth na nakita niya kayo sa Isla na kasama mo si Ibarra at ano nga ba yung ginagawa mo sa kanya? hala ka yak kadiri bakit mo yun nagawa sa kanya?" nagulat si Christian sa bagong rebelasyon na kanyang natuklasan. Ang buong akala niya ay walang nakakita sa ginawa nila ni Ibarra sa Isla pero nagkamali pala siya. " Walang baho na hindi sisingaw Christian at lalong walang lihim na hindi naibubunyag, kaya hindi na ako magtataka kung isang araw ay mahayag sa publiko ang sekreto ng FC na pinagsisihan ko kung bakit ako pumayag sa mga panukala niyo. Ngayon ko lang na realized kung bakit niyo gustong ilihim ito, simple logic lang naman ang kailangan eh hindi na kailangan ng talino logic lang maiintindihan mo na." Batid ni Christian na lasing na si Dandred pero tiyak din niyang alam nito ang kanyang mga sinasabi. Lumabas si Dandred sa comfort room at naiwang mag isa si Christian na patuloy paring binabagabag ang kanyang konsensiya. Sa CR naman ng mga babae ay magkasamang pumunta doon si Ruth at Shiela. Hindi nila maiwasan na mapag- usapan ang tungkol sa attitude ni Inez na nagsisimula ng magdaldal. " Sabi ko na nga ba at hindi talaga natin puwedeng pagkatiwalaan ang babaeng iyan, dapat kasi hinayaan nalang ni Lyndon na umalis yan kanina." talak ni Ruth. Pero hindi nagkomento si Shiela at tahimik lamang na nakikinig sa mga sinasabi ni Ruth.Natahimik lamang si Ruth sa kakasalita ng biglang pumasok doon si Inez. " Hello, ako ba ang pinaguusapan niyo? narinig ko kasi ang pangalan ko " prangkang sabi ni Inez. " Ah yun ba? nabanggit lang namin ang pangalan mo kasi hindi namin akalain na maganda pala ang boses mo, puwede kang sumali sa the voice o kaya ay sa TNT." pagdadahilan ni Ruth na sinang ayunan naman ni Shiela. Napangiti si Inez sa kanyang narinig. Hindi maarok ng dalawa kung anong naglalaro sa isip ni Inez ng mga sandaling iyon. " Sa totoo lang Shiela, Ruth ay dati na akong sumali sa the voice pero hindi ako pinalad, siguro ng mga time na yun eh hindi pa ako ganun kagaling." nakatawang sabi ni Inez. " Anong season ka sumali Inez? kasi hindi mo naitatanong eh avid fan ako ng the Voice simula pa noong First season talagang inaabangan ko na yan." singit naman ni Shiela. Pero hindi na sumagot si Inez at dumiretso na lamang ito sa may lababo at doon na nagduduwal para ilabas ang kanyang mga nainom na alak. Inilalayan siya ni Ruth ng mapansin niyang para siyang matutumba. "Are you okay?" tanong ni Ruth habang ito'y nakaalalay sa kanya. Umakbay naman sa kanya si Inez at inilapit pa ang kanyang mukha kay Ruth habang nagsasalita ito. " Thank you Ruth, medyo nahihilo nga ako baka puwede mo akong ihatid sa may labas i need to take a seat gosh napa sobra yata ang inom ko." napatingin pa si Ruth kay Shiela na parang nagtatanong kung okay lang ba sa kanya na alalayan niya si Inez. Pero sa halip na tumugon si Shiela ay nauna na siyang lumabas at sumunod na lamang ang mga ito. Sumunod namang pumunta si Lyndon sa may CR ng lumabas si Christian. " Grabeh naman bakit ang tagal mo sa CR, ano ginawa niyo ni Dandred diyan sa loob? " nakangising sabi ni Lyndon. " Baliw, sa totoo lang ikaw talaga ang hinihintay ko na pumasok sa loob kaso busy ka sa pagtitig kay Inez." seryosong sabi ni Christian. " Luh, grabeh siya oh never akong pumatol sa bakla no, kahit bigyan mo pa ako ng 5k gaya ng offer mo kay Ibarra. Between you and Inez hmmn kay Shiela nalang ako hehehe." nakatawang sabi ni Lyndon sabay pasok sa Comfortroom at naglock ito ng pintuan. Dumiretso siya sa pinakadulo at muli niyang inilock ang pintuan ng CR. Dali-dali niyang inilabas ang isang pakete ng m*******a at saka niya ito sinindihan. ' Tamang trip lang dude hehe' bulong niya sa sarili. Habang hinihitit niya ang m*******a ay saglit na naglakbay ang kanyang diwa... "Kailangan mo ba ng pera Ibarra? may sasabihin ako sayo na tiyak na pagkakaperahan mo huwag ka lang mag inarte. " saad ni Lyndon. Nasabi sa kanila ni Ibarra na tinanggal na siya sa trabaho dahil sa ilang araw niya na pagliban sa kanyang duty. Ngayon ay pinuprublema niya ang pambayad sa kanyang inuupahang boarding house, wala na rin siyang pera para tustusan ang kanyang pagaaral. "Ano namang raket yang sinasabi mo Lyndon?" tanong naman ni Ruth. Ibinulong sa kanya ni Lyndon ang paraan na sinasabi niya. " ew yack, pero siya baka gusto niya, galante naman siya magbigay eh noong nakaraan nga naikuwento niya nagbigay siya 3k dun sa nai-booking niya last week, bakit Ibarra daks ba yung sayo?" nakatawang sabi ni Ruth. " Ano ba kasi yun? " muling tanong ni Ibarra. Ibinulong sa kanya ni Lyndon ang kanyang sinasabing paraan para siya ay magkapera. Noong una ay panay pa ang tutol niya pero kalaunan ay nakumbinsi rin siya. Panay ang tawa ni Ruth sa nakikita niyang pagkadesperado ni Ibarra, gusto talaga niyang makatapos ng pagaaral. " Atleast si Christian hindi yan pumapatol sa kung sino sino lang, pogi ka naman tapos malinis ang katawan pasok na pasok kana sa panlasa niya and besides matagal na siyang may pagnanasa sayo. Mamaya kausapin mo siya I'm sure papayag yun at saka hindi nawawalan ng pera ang kanyang ATM card kasi panay Padala ng papa at mama niya sa London." eksplika ni Lyndon. " Yeah maging practical ka Ibarra, bakit ka pa magpapakahirap kung may mas madali namang paraan, dami nga akong kilala sa School natin na mga babae na yun ang gawain." kumento naman ni Ruth. Nasa gayun silang paguusap ng mapansin nilang tumatakbo habang papalapit sa kanilang kinaroroonan si Felmer at ng ito'y makarating doon ay mayroon siyang ipinakita sa kanilang tatlo na ikinagulat nila ng husto. " Where did you get this? Luh patingin nga? " sinuri iyon ni Lyndon at ipinasa rin iyon kay Ruth pati narin kay Ibarra. " Ssshh huwag kayong maingay baka marinig tayo ng mga girls, andami nito doon sa banda roon, gusto niyo bang makita? tara sumunod kayo sa akin. " nagkatinginan ang tatlo pagtalikod ni Felmer at pagkatapos ay sama sama silang sumunod kay Felmer upang tignan ang Lugar na kanyang nadiskubre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD