" Huwag... huwaaaagg! " napabalikwas si Necy sa kanyang pagkakahiga buhat sa kanyang kama. Sa lakas ng kanyang sigaw ay nagising pati ang kanyang mga dorm mates. Humingi siya ng paumanhin sa kanila at sinabing nanaginip siya ng nakakatakot.Pawisan ang kanyang buong katawan kaya minabuti niyang magtungo sa may banyo para tuluyan ng maligo ng makita niyang mag-aalas singko na ng Umaga.
Paglabas niya ng banyo ay nagkumento sa kanya ang isa niyang room mates.
" Halos gabi gabi ka nang ganyan beh baka kung ano na yan, baka kinukulam kana ng nakaalitan mo sa School niyo " pagbibiro nito kay Necy.
" Luh hindi no, wala naman akong kagalit sa School at saka ano kamo kulam? uso pa ba sa panahon natin ngayon yan." nakatawang sabi ni Necy.
" Oo naman, nasa bibliya yan hindi mo ba alam?, ay hindi ka nga pala mahilig magbasa ng bibliya noh, basa basa naman kung may time beh." nakangiting sabi ni Mildred.
" sige hayaan mo beh at magbabasa ako ng bibliya pagdating ko mamaya galing sa School." nag thumbs up sa kanya si mildred. Mag-aalas sais na ng umaga ng lisanin ni Necy ang kanilang dormitory. Nilakad na lamang niya ang daan papunta sa UST. Nagulat pa siya ng buhat sa kung saan ay biglang sumulpot sa likuran niya si Dandred.
" Hi ness good morning how's your day? bakit nakasimangot ka don't tell me na nag away kayo ng pinsan ko. Ako ba ang dahilan? " tila pang aasar na sabi ng kanyang ex- boyfriend.
" Puwede ba Dandred tapos na tayo at lalong hindi kami nag away ng pinsan mo. " maikling sabi nito.
" Eh bat parang iba ang sinasabi ng puso mo sa binibigkas ng bibig mo. " nakatawang sabi pa ni Dandred.
" Kapal naman ng mukha mo, mismong pinsan mo tinatalo mo. Buti nga hindi nakuha ng pinsan mo ang ugali mong yan manloloko. " bulyaw sa kanya ni Necy. Sakto namang dumating si Elmer at kaagad na lumapit sa kanila ni Necy. Kinuha nito ang dala niyang bag at saka nagyaya sa canteen para doon na sila mag breakfast. Sinulyapan lamang niya si Dandred na nag iba na ng direksyon.
" Inaasar ka na naman ba ng pinsan kong iyon? hindi na talaga siya nagbago. Pero hayaan mo kakausapin ko siya para tigilan na niya ang pang aasar sayo. " seryosong sabi ni Elmer.
" Uy wag na baka mag away pa kayo " awat naman ni Necy.
" Never pa kaming nag away ng pinsan ko na yun since birth magkadikit na kami niyan. Remember magbest friend din tayo dati at naging kayo nung una pero ni minsan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. " kalmadong sabi ni Elmer.
" just stay there mahal ko at ako na lamang ang mag oorder ng pagkain natin, same parin ba tulad ng dati? " tanong ni Elmer.
" Fried egg and skinless longanisa with fried rice and ice tea? " sabay pang nag duet ang dalawa dahil iyon ang paborito nilang breakfast meal every monday. Sabay din silang nagkatawanan ng makita ang reactions ng bawat isa. Maya maya ay lumapit sa kanila ang dalawa pang member ng FC na sina Ruth at Shiela.
" Hello Necy " bati ng dalawang bagong dating.
" Hi " maikling bati naman ni Necy. Dumiretso naman si Ruth sa may counter para mag order ng kanilang pagkain. Umupo naman si Shiela sa tabi ni Necy para makipag kuwentuhan sa kanya. Hindi napigilan ni Necy na mag confide ng nagiging experience niya gabi gabi sa kanyang panaginip. Almost a week na simula ng mangyari ang insidente sa pinuntahan nilang beach resort sa pangasinan.
" What ? almost every night ay napapanaginipan mo siya? " nanlaki ang mga mata ni Shiela dahil sa nalaman niyang kuwento buhat kay Necy.
" Alam na ba ito ni Elmer ? " napailing si Necy katunayang hindi pa niya ito nasasabi sa kanya.
" Sayo ko palang ito nasabi Shiela and I'm so afraid. Minsan parang ayaw ko ng matulog pag sumasapit ang gabi." napansin ni Shiela ang tila nangangalumata niyang mga mata.
" Madalas kang puyat kung ganun, and what exactly did you see in your dreams Necy ? " she closed her eyes briefly and she managed to tell her dream shortly but precisely.
" Laging nasa dagat ang eksena Shiela, sa panaginip ko ay lagi kong nakikita ang aking sariling mga paa na nakalubog sa tubig habang ako ay nakaupo sa may batuhan. All of a sudden ay nariyan na ang alon, pilitin ko mang tumayo pero hindi ko magawa. Pagtingin ko sa aking mga paa ay may nakahawak doon na mga kamay ng isang lalaki na halos buto at balat nalang. The more na pinipilit kong tumayo ay lalo naman niya akong hinihila palayo sa pampang. And believe it or not Shiela kitang kita ko sa aking panaginip ang mukha ni Ibarra nagngangalit ang kanyang mga ngipin na para bang gusto niya akong lunurin. " may kahabaang kuwento ni Necy.
" Shock's, ito na ba ang kapalit ng ginawa nating lihim Necy? " tanong ni Shiela sa kanya.
" Ewan ko Shiela pero natatakot na talaga ako paano kung hindi na ako magising at mauwi ito sa bangungot." natigil lamang ang usapan ng dalawa ng magkasamang dumating sa kanilang kinaroroon sina Elmer at Ruth dala ang kanilang paboritong almusal.
Sa kabilang dako ay abala naman sa kanyang ginagawang project si U na may kaugnayan sa plano niyang pag tour ng Friends Club sa isang bagong museum na binuksan kamakailan lamang sa University Of Santo Tomas Annex B na matatagpuan sa Lipa Batangas and this time ay talagang tototohanin na niya ang kanyang pangako na makikilala na siya ng personal ng mga member ng FRIENDS CLUB na pawang mga
graduating student ng nursing department.
Samantala ay hindi naman nakapasok sa School si Benjo dahil sa magkatulad na dahilan. Lagi niyang idinadaing sa kanila ang sakit ng kanyang Ina ay patuloy na lumalala sa paglipas ng panahon. At kung siya lamang ang masusunod ay gusto na niyang umuwi para personal niyang maalagaan ang kanyang inang may sakit. Pero hindi niya magawang umuwi dahil nalalapit na ang kanilang pagtatapos, halos isang Linggo na lamang ay graduation na nila kung kaya't kailangan niyang magtiis na hindi muna makapiling ang kanyang nanay na may taning na ang buhay.