Chapter 4 " THE HOST "

1296 Words
" Marahil ay itinatanong niyo kung ako ba ang Author ng FC na si 'U' at ang sagot ko ay HINDI! " " napag utusan lang ako dito upang ibigay sa inyo ang mga ipinangako niyang advanced birthday gift's para sa inyo." inilabas ng lalaki ang isang malaking kahon na nakalagay sa likurang bahagi ng kanyang upuan.Ang laman ng malaking kahon ay mga maliliit na kahon na nakabalot sa isang eleganteng wrapper. " By the way my name is Laurence Alcantara, personal secretary ni author 'U' at binabati ko kayo ng congratulations dahil isa kayo sa mapalad na napili bilang member ng Friends Club." nakangiting pahayag ni Mr.Laurence Alcantara. " Bilang pagpapatuloy ay nais kong ipaalam sa inyo na walang ibang hinangad si Author 'U' kundi ang lumikha ng mga magiging successful nurses sa pamantasang ito.Ang paglahok niyo sa FC ay isang oppurtunidad para sa inyo at hindi namimili ang FC kung ikaw ay mayaman o mahirap dahil ang lahat sa loob ng FC ay pantay pantay." Dagdag na paliwanag ni Mr.Alcantara.May naglakas ng loob na magtanong na isang member ng FC. "Sir nasaan po ngayon si author 'U' gusto sana namin siyang makita ng personal " malakas na sabi ni Lyndon. " don't worry iho makikilala niyo rin si Author ' U ' sa takdang panahon " nagbulungan ang ibang naroon at tila naboboring sa nangyayaring palabas. " para na tayong nasa big brother house he-he-he " pabulong na sabi ni Ruth na tinawanan naman ni Christian. " shhh tumigil nga kayo mga pasaway talaga kayo." seryosong sabi ni Shiela. Mga ilang sandali pa ay may pumasok na dalawang lalaki at isang babae na may mga bitbit na mga plastic bag at mga kahon.Nahiwatigan ng mga naroon na iyon na marahil ang kanilang pagsasaluhang pagkain.Matapos ang ilang sandaling pakikipag usap ni Mr. Alcantara sa babae ay isa isang inihain sa kani kanilang harapan ang mga pagkain. " okey guys kung sakaling nagugutom na kayo please feel free to eat your meal dahil katulad ng sabi ni author 'U' ay para lang tayong magkakapatid dito.Agad namang tumugon si Felmer at Benjo para kainin ang mga inihain doong pagkain ang iba naman ay nagpapakiramdaman pa dahil nakakaramdam ng awkwardness sa sitting arrangements.Ang hindi alam ng bawat isa sa kanila ay naka-monitor sa kanila si Author 'U' at masayang pinapanood sila habang sila ay nakaupo at abalang kumakain. Pagkatapos nilang kumain ay muling nagsalita si Mr. Alcantara. " ngayon naman ay magkakaroon tayo ng ilang simpleng games para naman mabawasan ang ating mga wrinkles sa noo.Sabi nga nila laughter's is the best medicine.Sino sa inyo ang nakakaalam sa larong ' THE BOAT IS SINKING ' " itinaas ni Christian ang kanyang kamay. " okay Christian pangunahan mo ang game at bigyan mo sila ng kaunting briefing sa mechanics ng Laro." saad ng host.Agad namang tumugon si Christian at ipinaliwag niya sa FC member ang mechanics ng Laro at ang matitirang dalawang hindi ma out ay bibigyan ng gantimpla.Matapos maibigay sa kanila ang instruction ay agad ng pinasimulan ang laro at sinabihan sila na mag ready ang lahat.Nang senyasan siya ng host na simulan na nila ang laro ay agad namang tumalima si Christian. " okay Simon say's the boat is sinking group yourselves into two! " nagyakapan sina Ruth at Shiela, nagkasama naman si Felmer at Benjo,Necy at Elmer,Lyndon at Dandred.Sa first round ay walang na out sa kanila.Muling itinuloy ni Christian ang laro.Halos nakangiti ang lahat at attentive na hinihintay ang sasabihin ni Christian. " Simon say's the boat is sinking...group yourselves into three! " agad nagyakapan muli sina Shiela at Ruth and this time ay sumali sa grupo nila si Lyndon.Magkasama naman sina Felmer,Benjo at dandred, na out naman sina Necy at Elmer. " so anim nalang kayo,okay mag separate muna kayong lahat " sigaw ni Christian na ang pinapatungkulan ay sina Ruth at Shiela na halos ayaw ng bumitaw sa isa't isa. " okay Simon say's group yourselves into one! " muling nagyakapan sina Ruth at Shiela pero bigla din silang naghiwalay na siyang naging dahilan ng kanilang pagka out sa laro.Umaapela pa si Ruth na hindi silydapat i-out pero tinawanan lang siya ni Lyndon na parang nang aasar. " so ngayon apat nalang kayong natitira ready na ba kayong apat? " malakas na sabi ni Christian. " ready na! " parang bata namang sagot ng mga ito. " okay Simon say's the boat is sinking...group yourselves into three! " nagkaroon pa ng tulakan pero nanaig parin sina Ruth at Shiela kasama parin si Lyndon na out naman si dandred.Tinawanan nila ang higanteng si Lyndon na mag give way nalang dahil tiyak namang si Ruth ang pipiliin ni Shiela na makakasama sa palubog na barko.Natapos ang laro ay halos napagod ang lahat sa kakatawa. " now our next game ay ang tinatawag na TEAM BUILDING,kung saan ay magpapahabaan kayo ng lubid using your own things,you have to choose your team by three's." paliwanag ng host.Muling nagsanib puwersa sina Ruth at Shiela kasama si Christian.Magkakasama naman sina Necy,Elmer at Dandred.Sina Felmer,Benjo at Lyndon naman ang pangatlong grupo. " okay simulan na natin ang laro,ang kailangan lang natin ay dalawang minuto para makabuo ng isang mahabang lubid gamit ang inyong sariling kagamitan,and the time starts now..." mabilis na kumilos ang team Nina Felmer.Hinubad nito ang kordon ng kanyang sapatos at kanya itong pinagbuhol pagkatapos ay isinama naman ni Benjo ang kanyang jacket at damit pati na belt ganun din ang ginawa ni Benjo at sila ngayon ang nangunguna pumapangalawa ang grupo ni Elmer na halos pareho rin sila ng ginamit sa team ni Felmer.Gumamit din sila ng kordon ng sapatos at maging ng belt.Naging kulelat namin ang grupo ni Ruth at Shiela at silay napilitang mag give way.Five...Four...Three...Two...One... panalo sina Felmer ng halos isang ruler lang o 12 inches.Nagpalakpakan ang lahat at maski napagod ang mga ito ay bakas parin sa kanilang mukha ang kasiyahan. Marami pang sumunod na isinagawa ang FC na halatang kinagiliwan ng lahat. Natuwa rin si "U" sa nakikita niyang pangyayari na tila bumalik sila sa makalumang panahon na pansamantalang iniwan ng mga ito ang makabagong mundo ng teknolohiya na nagpawalang saysay sa mga dating masasayang kinasanayang libangan. " Ngayon naman ay puwede na ninyong buksan ang inyo inyong regalong natanggap buhat kay author "U".nagpalakpan pa ang lahat ng naroon dahil halos pare parehong mamahaling cellphone ang kanilang natanggap.Muling nagsalita ang host sa kanilang kalagitnaan." " ang mga cellphone na inyong natanggap buhat kay author 'U' ay exclu sive na ibinibigay sa inyo.Nakalagay narin sa phone na yan ang lahat ng info na inyong maaaring tawagan sakaling mangailangan kayo tulong at maaari din kayong magrequest at agad kaming darating para kayo ay aming saklolohan. May kahabaang paliwanag ng host.Maya maya ay muling tumayo si Mr. Laurence Alcantara at may sinabi siya na ikinagulat ng lahat. " okay guys bago ko pala makalimutan ay may isa sa inyo na nagrequest na magsalita upang bigyan tayo ng maikling paglalarawan sa isang Secret Island Beach Resort na matatagpuan sa isang bahagi ng Pangasinan, and in order for us to have a glimpse how special the place is ay tinatawagan ko ang isang member ng FC na siyang nagpanukala na doon mas mainam na i-held ang kaarawan ni author 'U' ay mangyaring tumayo siya at ipaliwanag sa atin kung gaano ito ka-ganda at kung ano ang dapat nating makita sa lugar na iyon." Tumayo naman si Felmer at pagkatapos ay buong sigasig niyang kinumbinsi ang mga naroon para doon ganapin ang kanilang first ever outing of the year ng FRIENDS CLUB. " Mga kasama, ang naturang isla ay isang paraiso na puno ng misteryo at kababalaghan ayon sa mga kuwento, ang Isla ay tinatawag din ng marami na CITY OF BIRINGAN sa bahagi ng Ilocos Region."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD