Chapter 3 " THE ANNOUNCEMENT "

1248 Words
Nakareceived ang bawat member ng Friends Club ng notification letter buhat sa author ng FC na si "U" at ipinababatid ang kanilang nakatakdang 'GTP' or Get Together Party. ANNOUNCEMENT: TO ALL MEMBERS OF FRIENDS CLUB WE WILL BE HAVING OUR FIRST EVER GET TOGETHER PARTY ON MAY 16, 2023 AT THE UNIVERSITY WING-VIP HALL @ 5 O'CLOCK SHARP IN THE AFTERNOON. ALL LEGITIMATE MEMBERS OF FRIENDS CLUB ARE PERSUADED TO ATTEND ON THIS VERY MOMENTOUS EVENT.SURPRISE GIFT'S FROM ME AWAITS TO EVERY PARTICIPANTS AND NO DRESS CODE IS REQUIRED. YOU MAY COME AND FEEL THE EXCITING PERKS AND BENIFITS OF BEING AN EXCLUSIVE MEMBER OF FRIENDS CLUB AS IF WE ARE JUST ONE BIG FAMILY. SEE YOU SOON. FRIENDS CLUB AUTHOR " U " Medyo nagkaroon ng kalituhan ang mga member ng FC kung ang get together ba na gaganapin sa May 16, ay yaon narin ang kaarawan ni 'U'. " sa palagay ko ay hindi pa yun ang final venue,at kaya tayo magkakaroon ng GTP ay para maging close tayo sa isa't isa before tayo magdaos ng formal occasion kung saan idaraos narin ang kaarawan ni Author U'." paliwanag ni Shiela na inayunan naman ni Christian. " oh no look who's coming " si Lyndon na tila nakakita ng multo. " hi guys! " malakas na bati ni IBARRA ang pangatlo sa mga official member ng FC.Si Ibarra ang pinaka mahirap na estudyante sa Nursing Department subalit sa kabila nito ay siya'y nagsisikap na makapagtapos ng pag-aaral dahil noon pa man ay pangarap na niyang maging nurse balang araw. " Uy Ibarra akalain mo nakasama ka rin pala sa FC namin " tila may pagka sarcastic na pahayag ni Lyndon sa bagong dating na si Ibarra. " No choice kasi si Author ' U ' kasi siya lang naman ang mayroon initial na ' I ' sa hanay ng mga nursing student dito sa campus " wari ay pangangantiyaw naman na sabi ni Ruth.Pero dinedma lamang iyon ni Ibarra at minabuting lumayo na lamang ito sa kanila at dumiretso sa kinaroroonan naman ng magpinsan na sina Felmer at Benjo. " grabe naman kayo gusto lang namang makipag close yung pobre ginanun niyo pa " sabi naman ni Shiela na sinang ayunan naman ni Christian. " wala lang trip ko lang haha " sabi pa ni Lyndon. " wooh ang sabihin mo panis ka sa kanya pagdating sa mga subjects dahil ilalampaso ka niya palibhasa sa basketball kalang magaling! " kantiyaw ulit ni Ruth. " Uy atleast ako may talent hindi tulad ng iba diyan na kahit mag jackol ay hindi niya kayang gawin, puro dribble lang pero sablay parin hahaha" pang aasar namang sabi ni Lyndon. " ano ka mas magaling yata akong mag-basketball sayo noh maski nga madilim shoot parin ring less pa nga eh " sagot naman ni Ruth na ayaw patalo kay Lyndon.Tumawa ng malakas si Lyndon sabay sulyap kay Shiela habang ito'y nakasimangot na mukhang siya ang napipikon sa palitan ng dalawa ng mga litanya.Paglapit naman ni Ibarra kina Felmer at Benjo ay pinansin naman nila ito kaagad. " O Ibarra kasama ka rin pala sa FC na in-organize ng author na si 'U' a-attend ka ba sa GTP mamaya? " tanong sa kanya ni felmer. " hindi ko sure eh,May pasok pa kasi ako mamaya sa trabaho " napapailing na sagot ni Ibarra.Working student kasi ito at nagtatrabaho sa gabi bilang waiter upang may magagamit sa kanyang pagaaral at iba pang mga expenses.Palibhasa ay ulila na itong lubos sa mga magulang. " umabsent kana lang muna kaya para maka attend ka sa GPT natin " suggestion sa kanya ni Benjo. " alanganin kasi mga brod. conflict of schedule at saka last chance ko na kasi sa work dahil ilang beses narin akong na late dahil nagkaroon dati ng conflict sa exam kaya di na ako puwedeng umabsent " malungkot na sabi ni Ibarra. " yun lang! kaso sayang din kasi diba may surprised gift's daw na ibibigay si author malay natin baka brand new cellphone para mapalitan narin yang obsolete na ginagamit mong phone na ano ba yan? 1gig ang memory? umabsent ka nalang marami pa namang puwedeng aplayan na trabaho diyan " saad naman ni Felmer. " uy siyanga pala suportahan niyo ako ha sa GTP kasi natin ay personal kong ipo-proposed kay Author 'U' ang location kung saan magandang ganapin ang kanyang kaarawan kasi mas exciting at mas may thrill kung sa medyo malayo ang venue.Nakakasawa narin kasi kung palagi nalang tayo dito around Metro Manila medyo, lumayo naman tayo ng kaunti diba? " nakangiting pahayag ni Felmer. " oh pano Ibarra sakaling mag botohan in person or online sa amin ka ba ni Benjo? " usisa ni Felmer. " sa inyo ako siyempre." sagot naman ni ibarra. Sa kabilang dako naman ay nag usap usap sina Dandred at Elmer. " paradise resort o 5 star hotel? " tanong ni Dandred kay Elmer. " paradise resort siyempre " nakangiting sabi ni Elmer. " ikaw Ness saan naman ang gusto mo? " hindi sumagot ng tuwiran si necy sa tanong na iyon ni Dandred lalo na ng tawagin siya nito na Ness na siyang tawag niya sa kanya noong sila pa ang magkasintahan. " kahit saan bahala na si author ang magpasya kahit saan puwede ako! " sabi nito sabay talikod at nagtungo sa may malapit na canteen.Sumunod sa kanya si Elmer at naiwan si Dandred sa may garden park na mag isa habang sinusundan ng tingin si necy na batid niyang apektado parin at ramdam niyang may nalalabi paring pagtingin sa kanya. Sumapit ang takdang oras ng GTP ng Friends Club at isa isang nagsidatingan ang mga official member nito.Unang dumating doon ang grupo ng mga tinatawag ni Felmer na mga rich kids na sina Ruth, Shiela,Christian at Lyndon.Sumunod namang dumating sa kanila sina Felmer at Benjo.Pang huling dumating doon sina Dandred,Elmer at Necy,ngunit gaya ng inaasahan narin nina Felmer at Benjo ay wala doon si Ibarra. " holy s**t Benjo wala talaga si Ibarra mababawasan tayo ng supporter sakaling mag botohan ng venue " pabulong na sabi ni Felmer na masidhi talaga ang pagnanais na sa secret island beach resort ang gusto niyang venue para pagdausan nila ng kanilang outing of the year palibhasa ay mahilig ito sa mga adventures. " yaan mo na,may trabaho kasi yung tao di na bale maski sa 5 star hotel o kahit pa sa paradise resort basta ang importante ay LIBRE he-he-he " bulong naman ni Benjo. Nadatnan nila doon ang isang may edad ng lalaki na nakaupo sa gitna ng long table kung saan idinaraos ang mga mahahalagang usapin sa VIP HALL-Uníversity Wing.Kapansin pansin na isa itong simpleng salo salo o dili kaya ay isang informal meeting.Nagkaroon ng mga bulong bulungan sa pagitan ng mga bagong dating na miyembro ng FC. " Siya na nga kaya ang author ng FC Shiela? bakit matanda? akala ko pa naman guwapo at macho." tanong ni Christian. " shhh manahimik ka bakla baka marinig ka niya at saka hindi pa naman sure kung siya yun malay mo nasa likuran lang siya ng VIP Room." sagot naman ni Shiela.Halos lahat ng naroon ay tahimik na naghihintay sa sasabihin ng lalaking nakaupo sa may center chair.Nang sumenyas ito na umupo na ang lahat sa kanilang seating arrangement na may nakalagay ng pangalan ay hindi maiwasan ng mga ito na sila ay magkahiwa-hiwalay.Tumayo ang may edad ng lalaki at saka nagpasimulang magsalita.Tahimik namang nakinig ang lahat ng mga naroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD