The great beginning will be today!
Iyon ang nakita ni Socorro sa isang mensahe sa telebisyon, nakatutok lang siya roon habang hawak ang remote control.
Nagkalat sa sahig ang mga tissue at mga supot ng chichirya sa higaan niya, medyo makalat rin ang kama niya na may mangilan-ngilan na chichiryang nahulog.
"Damn him!" pabalang na sambit niya habang winasiwas ang supot ng tetra pack sa kung saan.
Nakaupo siya sa sahig habang hindi mahitsura ang kaniyang damit na parang ginahasa sa kanto. Wala siya sa mood upang mag-ayos, and she's too lazy to go outside. Nasa kasagsagan siya ng pag-iisip nang tumunog ang cellphone niya. It's her friend Cloe.
Nayayamot siyang umupo nang maayos at kinuha ang telepono niya.
"Hello?" ani niya na walang gana sa pagsagot.
"Girl! Hey nasaan ka? nakauwi ka na ba sa apartment mo? I have something, baka gusto mo," kikay na sambit ni Cloe sa kaniya.
"I'm not in the mood to try drugs, Cloe, i have a problem. I need to think alone."
"C'mon girl. Huwag ka namang killjoy!"
"I'm serious!"
"Sure?"
"Dead sure!" sabi pa ni S na halatang naiinis na kay Cloe.
"Okey, fine, as you like! basta kung gusto mo lang ng makakausap, just beep me up, and i'll bring my MJ okey?"
"Okey."
"Sige, bye." At matapos n'on ay binaba na ni S ang telepono niya and lie to her bed. Kung nandito sana ang mga ate niya, mas mababawas-bawasan niya ang pagiging sintir dahil sa pangyayari. She's a hard mover, kaya mahirap din na maka-move on sa gaya niyang hopeless romantic brat. Sumiksik pa sa isipan niya ang sinabi sa sulat ni C.
"I must take care my self," bukambibig pa na sambit niya sa kawalan, tama nga ang sabi ni C sa kaniya, she must start to love herself and left her baggages.
Bumuntong-hininga siya saka pa nag-unat ng balikat. It's past eleven in the evening, so there's no one she can go to. Ang gusto sana niya'y mag-bar hopping kaso wala siyang enough allowance, lalo pa't hindi pa niya nakukuha ang allowance mula sa daddy at mommy niya. She's a great spender, kaya there's no shocking about her hundred of thousand a month to spend for. Halos yata lahat ay nauubos niya nang hindi pa nangangalahati ang buwan, kaya madalas iyon ang issue sa kaniya ng mga magulang niya at parating nahihingan niya ng tulong ay ang mga ate niya.
"Shoot! Wala na akong pera! I need to shop!" litanya pa niya saka nagmaktol.
Naisip niyang humalunkat ng mga gamit niya sa closet, she must dispose her dresses at sandals na hindi naman niya madalas nagagamit.
Wala sa isip niyang binuksan ang closet at nag-isip sandali. Hawak niya ang sariling beywang at isa-isang tiningnan ang nakasabit na mga signature brands na dresses niya.
"Hmm, okey 'to, ito rin, okey..okey.." sabi niya sa sarili na hawak ang mga hanger ng damit niya.
She's in the middle of her thoughts nang mahagip ng paningin niya ang isang box na nasa ilalim ng mga damit niya. It was her secret box kung saan doon niya inilalagay ang mga importanteng gamit, larawan at iba't-ibang bagay na may emotional attachments siya sa nagbigay nito. And it includes the letter given by C.
Dahan-dahan niyang kinuha iyon at hinalungkat. Kinuha niya ang box at umupo sa sahig, she's a mess with her looks holding that dusty box. Nang ma-open iyon ay nakita niya ang mga larawan nila ng kaniyang mga kapatid, doo'y nakita niyang napakasaya niya sa larawan. It was her eight birthday, na kasama niya ang pamilya niya at ang mga ate niya.
Matagal na panahon na rin silang hindi nagkakasama, and the fact na hindi na rin sila nag-uusap nang matagal. Marami na kasi silang mga priorities.
Gaya niya, kahit labag sa kalooban ng mama't-papa niya na doon siya mag-stay sa States ay nasunod pa rin ang layaw niya. She's hiding something and that something is in herself. Medyo aloof siya patungkol sa emotions niya.
Hindi siya showy at madalas, iyon ang weakness niya sa sarili niya, ang galing kasi niyang magtago ng damdamin, and of course, it includes her pain and sadness.
Bumuntong-hininga siya saka naiyak sa iniisip. Hindi niya akalain na tutulo na lang nang kusa ang mga luha niya, she's very weak and emotional.
Gaya nga ng madalas tinutukso sa kaniya ng ate Alexandra niya, iyakin at tulo-sipon siya kung umiyak. She's very unpredictable, at iyon din ang madalas na hindi niya nakakapalagayang-bagay niya sa ate Divina niya, iyon kasi ang may madalas na armalite na bibig. Hindi ito nawawalan ng masasabi sa kaniya, kesyo matigas ang ulo niya, laki sa layaw siya, gastadora, at pre-madona.
"Mom," anas niya nang makita ang larawan ng mama niya. Medyo matagal na rin iyon kasi bata pa siya sa larawang nandoon. Hawak niya ang isang mikropono na tila nakikipag-duet sa mama niya.
Hindi niya malilimutan ang sandaling iyon, iyon kasi ang first time na duet nila ng mama niya sa family day ng school nila. Naaalala pa nga niya ang kantang kinanta niya.
"You had a sad eyes...don't be discourage.. oh i realize..it's hard to take courage..from this world full of people, you can lose sight of it all, and the darkness inside of you.. can make you feel so...small.." ipinikit niya ang sariling mata at dinama ang kaniyang pag-iisa.
Tama nga ang sabi sa kantang iyon, she must be who she is, the way she must stand out into the darkness na nasa sarili niya, ang kadilimang dapat niyang bigyan ng liwanag. At ang oras na dapat niyang ilaan sa sarili niya.
***
Naglalakad siya sa street na madalas niyang daanan, patungo na siya sa cafeteria na madalas nilang puntahan ni Cloe. Nasa San Francisco pa siya ngayon, since marami pa siyang subjects na dapat tapusin, at sa gaya niyang graduating student, she must do every step of the way upang maka-graduate.
Siya pa naman ang bunso, and as far as she remember, nasa bunso palagi ang bigger responsibility how they can prove to their parents na worth it ang pagpapa-aral sa kaniya doon.
Nang makapasok na siya sa loob ng cafeteria ay nakita niya agad si Cloe. Nakangisi lang itong nakaharap sa kaniya habang suot ang pink na headphone.
"Socorro babe!" Tili pa ni Cloe sa kaniya. Naka strapless tube lang ito na kita ang pusod at ang color brown na shorts short nito na bumagay sa kaniyang sexy na katawan, since idol niya si Megan Fox, mala-Megan rin ang awra ng make up niya saka ang long-legged legs nito na pinaresan ng three inches na high heels. Bahagya pa itong naglakad at binungaran siya ng isang yakap.
"Sissy!" tili pa nito sabay hug sa kaniya. Para itong high sa kaniyang medical MJ o m*******a, normally kasi, legal naman ang mga drogang iyon sa states, at sa gaya ni Cloe na anak ng isang politician doon, hindi kataka-taka na lahat ng naisin niya'y nakukuha nito.
"Kanina ka pa?" tanong niya kay Cloe, but the girl just placed her teeth, ngiting kabayo pa ito na medyo sumuray-suray sa paglalakad.
"I'm here as early as i remember, siguro at least three am in the morning...i guess." Ngisi ni Cloe sabay salampak sa puwet nito sa upuan. Kasabay n'on ay ang pagdating ng isang waiter. Dala nito ang isang menu.
Walang pasabi na hinablot ni Cloe ang menu at nagbasa.
"One mocha latte and espresso with butter biscuit." Sabi pa ni Cloe na alam ang gusto niyang orderen. Apat na taon na silang magkakilala ni Cloe, since pareho silang mga taga-pilipinas na nag-aral sa States. Amerikano ang tatay ni Cloe at isa namang pilipina ang mama niya.
"Hey, tell me, kamusta ang pagbalik mo sa Pilipinas? Nakita mo ba ang boylet mo? Ano na? Kailan ang kasal?" usal pa ni Cloe sabay kurot sa balikat niya. Tipid lang siyang ngumiti at patay-malisyang sumagot.
"We're done!" ngiti niya saka nag-crossed legs.
"What?"
"I said.. we're done!" balik pa niyang sambit sa kaibigan.
"What kind of done? Done as in wala na? End.. tapos na?"
"Yes, we're done," balik pa niya saka itinirik ang mata at nag-flip ng hair, as if na hindi apektado sa mga pangyayari.
"Whoah, tell me.. what happened? May new boylet ka ba? Does you cheat?" hindi masakyan na biro ni Cloe na siyang tinirikan niya ng mata.
"Excuse me, hindi ako nag-cheat, and i don't have a boylet..a new one! Siya ang nangaliwa girl!" litanya pa ni S kay Cloe. Tanaw niya ang malalaking mata nito na parang nabigla sa sinabi niya.
"Is it legit? Ikaw? Pinagtaksilan? You have everything.. look at you, maganda, mayaman, matalino, hindi ka naman cheap, and of course you're popular, is he insane? Or maybe you didn't gave him the satisfaction kaya naghanap?" sabi pa ni Cloe na rason upang mangunot ang noo niya.
"What?" takang tanong niya.
"I said.. baka hindi mo na-satisfy? Baka nakulangan sa yugyog at kain? Bakit? Kinain mo ba o hindi?" ngisi pa ni Cloe sa kaniya.
"You're so gross! Cloe! Ewan ko sayo! Hindi naman siguro basehan ang 's*x' sa relasyon, it's not an excuse, you know! Kapag mahal mo, mamahalin mo, hindi..hahanap ng ibang sasakyan kapag wala ang pareha, it's not love..its lust!" pagtatama pa ni Socorro na rason upang mapanganga sa pagkakabigla si Cloe.
"Here's the order ma'am.." pumagitna ang waiter sa pagiging awkward ng dalawa.
...itutuloy.