"Where are we we going, Cloe?" tanong pa ni S kay Cloe habang lulan sila sa kaniyang sasakyan.
Ngumiti lang ito saka pa itinaas ang kaliwang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa manibela.
"We're having a great party for now!"
"Party?"
"Yes! It's your freedom day! Happy Independence day girl!" sambit pa ni Cloe sa kaniya saka pa ngumisi. Kahit medyo weird si Cloe ay mabuti naman itong kaibigan. Marami na silang pinagdaanan na dalawa, from being late and lazy in school. Sa lahat ng outings na hindi naman related sa subjects at sa skwela nila. At ang madalas nilang remedy sa boredom na pag-sa-shopping.
"Cloe, i'm broke!" impit pa niya sa kaibigan saka umismid.
Tiningnan siya ng kaibigan saka nagsalita. "Ano ka ba, sagot kita 'no!" sabi pa ni Cloe saka pa hinampas ang braso niya.
Socorro smiled a bit and continued to stay focus on the road, hindi niya alam kung saan sila patungo, basta ang nakikita lamang nila ngayon ay ang mahabang coast ng San Francisco. Hindi man aminin, pero sa tagal niya sa San Francisco, ay hindi pa niya nakakabisado ang lahat ng lugar doon. Kung hindi siguro kay Cloe ay matagal na siyang na missing in action.
"Cloe, saan ba talaga tayo papunta?"
"Sa kaibigan ko, may party sila ngayon, bachelor birthday party!"
"Wait? We don't have something to wear!" protesta pa niya.
"Don't worry, it's not important, we don't even need to wear anything. It's a naked party, girl!" ngiti pa ni Cloe saka niyugyog ang sariling dibdib.
Ginapangan si Socorro ng kaba, madalas kasing na-fe-feature sa iskandalo si Cloe and of course parati silang tandem sa bawat issues nito, naturingan tuloy silang double-trouble ng school nila.
"What? Bakit natahimik ka? Don't you like it? Maraming daddy doon! Cashing! Cashing!" nag-dirty hand pa si Cloe saka dinilaan ang sariling middle finger nito.
"You're unbelievable, girl!" tinirik pa ni S ang sariling mata at binalik sa labas ang paningin. She don't know how to say 'no' to Cloe, marami na siyang otang na loob dito kaya all she did was stick to her, kahit minsan napapasama na siya.
"Just chill, girl. Hindi naman tayo mapapa-rambol this time, we're gonna hop in into billionaire heir of states!" tili pa ni Cloe na halatang mayroon na namang plano na binabalak.
"How about stop the car and i'll walk to my house?" mahinang sambit ni S pero parang hindi naman iyon narinig ng kaibigan, kaya naman, she just exhale and roll her eyes.
Hindi na talaga mababali ang gusto ni Cloe that time, napaka-bossy pa naman nito, and all she can do is nod, nod and nod.
Mayamaya pa ay nakita na lamang nila ang sarili na papasok sa isang napakalaking mansyon, Cloe said, it is the mansion of Steinfield's, iyon ang isa sa mga sikat na bachelor sa school nila. Varsity din ito at medyo habulin ng chiks, kumbaga--Fuckboy!
"Dali na girl! baba ka na riyan!" sambit pa ni Chloe na parang e-entrance sa isang sagala, pa-ekis ekis siya sa suot niyang iyon na halos kita ang kaluluwa habang hindi inaalis ang malaking pink headphone sa taenga nito.
Kumbaga sa style nito, cool umano siyang tingnan 'pag gan'on.
Obviously, wala sa mood siyang bumaba sa kotse ni Cloe at dahan-dahang nilinga ang paligid.
Maraming mga sasakyan ang nandoon at halatang mga anak mayaman ang kadalasan. Mga nagbibikini ang nandoon, lantaran na naka-two piece silang lahat habang luwa ang mga kaluluwa, gan'on din ang mga lalaking naka-swimming trunks lang at naka-ukupa sa paligid ang malakas na tunog ng isang beat na parang pang-disco.
'Let's get low! Let's get high! Let's party all night! Yeah!'
Iyon ang naririnig ni Socorro sa oras na iyon. Iyon ang tipikal na party ng mga alta-society doon, mas maingay, mas maraming bisita, mas cool!
She roll her eyes and check where Cloe went, sumunod lamang siya roon at tipid na naki-ayon sa agos ng party.
Nang makapunta na sila sa loob ng mansion ay halos mapuno ang sala at ang isang pamusong staircase. Nandoon sa itaas ang isang DJ na abala sa pagmamani-obra ng hockey nito habang patay-sindi naman ang disco lights na nasa sala.
'Yeah!!!' iyon ang narinig ni S habang nahihibang ang karamihan na itinataas ang mga kamay sa ere at lumulundag-lundag pa. The crowd went wild. And it includes her na halos matabunan dahil naipit na siya sa alon ng mga sumasayaw doon sa crowd.
"Cloe! Cloe!" tawag pa niya sa kaibigan na parang nagkakasiyahan na sa may minibar. May ka-chika rin ito na parang close rin niya. She's trapped and if hindi pa siya aalis roon ay talagang madudumog na siya ng mga nagsasayawang tao.
Agad siyang lumayo sa crowd at napunta sa isang banda. Malayo-layo iyon sa disco at sa pool, napunta diya sa isang hallway na parang may mahabang corridor, papunta iyon sa parang library ng tahanan.
Lampas tao kasi ang divider na nakahilera sa daan. Nakalagay roon ang samu't-saring libro na kung tatantyahin ay dinaig pa ang library nila sa school.
"So you're bookworm babe?" napagitla siya nang makita ang isang may katangkarang lalaki na parang nakita na niya sa school.
"Uhm, ah i don't read either." Sabi pa niya saka dumistansya.
Ngumiti lamang ang lalaki at umiling, saka mas niluwangan pa ang ngiti.
"Oh, my bad. So...maybe you're here because you're having agoraphobia?"
"Agora...what?"
The man smiled to her and repeat it. "Scared of some crowd?" sabi pa nito saka naglahad ng kamay.
"Curtis, Curtis D. Steinfield." Sabi oa ng lalaki na parang may dugong pinoy. But, if you looked him closely, parang mexicano ito, may dugong latino.
"Ahm, i am..i am.. Socorro. But you can call me 'S'." Sabi pa niya saka ngumiti.
"And you're family name is?"
Ngiti lang ang sinagot ni S at umiling.
"You shouldn't know," ani niya saka tumalikod.
"Hey! wait!" tawag pa sa kaniya na noo'y patakbong tinungo ang corridor. Ayaw niya ng conversation, and she's not in her mood para magkaroon ng small-talks.
Agad siyang nagtungo sa may labasan at doo'y sumandal sa isang malaking fountain na pwedeng maupuan ang gilid.
"S!" nagulat pa siya nang makita niya ulit si Curtis.
"Ang kulit din 'e!" pagtatagalog niya na rason upang ngumiti ito.
"So you're Filipina?" ngiting sambit ni Curtis saka pa naglahad ng kamay.
"I am Curtis, and i want you to be my acquaintance, it's my birthday today, i hope you can be my escort?" sabi pa nito na ikina-awang ng bibig niya. Hindi niya akalain na ito pala ang may kaarawan that time, since sabit lang naman siya kay Cloe na hindi na nga niya mahagilap kung nasaan na at kung saan na nilagay ng dyos!
"Uhm, but, but.."
"Say please, please?" ngiti ni Curtis na hindi niya matanggihan dahil sa lawak ng ngiti nito.
"F-fine.." ani niya na hindi niya maatim na hindi pagbigyan. Dahan-dahan niyang tinanggap ang kamay nito at doo'y tinahak ang daan papasok ulit sa loob. Kung anuman ang mangyari sa kaniya that night, ito lang ang palatandaan na suot niya. She's wearing a black boho dress with a faded jeans and a stiletto shoes.
Kung sakalaing maghuhubad siya sa kalasingan, at least, sa isang bilyonaryo siya mapupunta!
Dahan-dahan siyang napakapit sa kamay ni Curtis habang tinatahak ang alon ng disco crowd, mayamaya pa ay may nilahad pa itong wine glass habang nakikipag-cheers siya rito. She's pre-occupied and aware to be deceive.
"Dance with me, S!" Sabi pa ni Curtis na dahan-dahang lumingkis sa kaniya at sinasabayan ang indayog niya sa dance floor. Nasa likod niya ito habang tinutungga ang wine glass, ganoon din siya na tinutungga ang basong hawak niya.
She's drinking it as how the beat was, and all she knew that time, is a loud music, a blurry vision and her heavy body falling down the scene. And she passed out.
***
Nang magising si Socorro ay nakita niya ang sarili sa isang sasakyan, parang nakatulog yata siya at kasama rin niya doon si Cloe na gaya niya'y lasing na lasing. Naka-two piece pa ito at halatang nakipagdumog sa kung sino dahil sa mga love bites nito sa leeg at sa may dibdib niya.
She felt panic and checked herself.
Neck, nothing!
Face, nothing!
Breast, totally intact!
Waist, Arms and of course ang pempem niya...gladly, wala namang nangyaring kababalaghan sa kaniya.
Even wasak na siya, at least hindi niya naipamigay sa kung sinu-sino ang sarili niya. Bumuntong-hininga siya saka nasapo ang sariling ulo.
"Cloe! Cloe! Hoy gising!" yugyog pa niya sa kaibigan na agad namang nagmulat.
"The hell! What happened!? Nasaan tayo?" ani Cloe na parang sabog sa kalasingan.
"F-ck! hindi ko alam girl! Nasaan ba tayo?" nilinga-linga ni Socorro ang paningin at doo'y napahawak sa sariling bibig.
"Girl! Tingnan mo sa labas kung nasaan tayo! Dali!" litanya pa niya sa kasama at doo'y kapwa sila napahawak sa mga bibig.
Nandoon lang naman kasi sila sa soccer field ng school nila at naka-park sila sa mismong goal net, animo'y nabangga nila ito, and worst, the field is ruined!
"Patay tayo!" ani Socorro.
"Oh crap!" dugtong naman ni Cloe na tila nahimasmasan sa kabila ng halos hubad na pigura.
...itutuloy.