Chapter 2 Take Care

1075 Words
Nagising si Socorro sa isang kwarto na hindi niya alam kung saan. Hindi pamilyar ang lugar na iyon, malamang nasa isang hotel siya. Marahan siyang bumangon at sumandal sa unan, nang makita niyang nakahubo't hubad siya'y doon na siya nakaramdam ng alarma. "s**t! Nasaan ako? s**t! My heavenly—jesus!" bulalas niya nang makitang nasa sahig ang halos damit niya pati ang kaniyang underwear at bra. Hindi siya makapaniwala na may naganap na kababalaghan sa nagdaang sandali. At ang mas nakakawindang pa ay hindi niya alam kung sinong poncio pilato ang gumamit sa kaniya. "Oh my G! Oh my G!" paulit-ulit na sambit niya. She hurrily dressed up and fix herself from mess. Tinungo niya ang banyo at doon naligo at nagsabon. Habang nasa shower siya'y naramdaman na naman niya ang sikip ng kaniyang dibdib. Animo'y pinapadama ulit ang sakit nang nagdaang sandali. Hindi niya inaakalang magagawa niya ang bagay na 'to, for almost six years in their relationship, hindi niyang maatim na magpatukso sa kung sino. Si Lloyd lang ang lalaking minahal niya at sinukuan niya sa tanang buhay niya, but how the hell she made s*x to someone na hindi nga niya matandaan ang mukha. "Oh god!" ani niya saka kinastigo ang sarili. Pinagsusuntok niya ang pader habang tagaktak ang tubig sa shower. Ubod-lakas niyang binuhos ang galit hanggang mapansing humahapdi na ang kaniyang kamay. Namumula na ito at dumurugo. Napasubsob siya sa gilid at niyakap ang sarili, ipiniling niya ang ulo sa pader at ipinikit ang kaniyang mata. For this time, kailangan niyang naging matatag, kailangan niyang ipakita na hindi siya apektado, na kailangang panindigan niya ang sarili na hindi niya kailangan ng sinuman sa buhay niya. Na kaya niyang mag-isa, na kailangan niyang magpatuloy sa buhay. "Kaya ko 'to, kakayanin ko ang lahat ng 'to," ani niya saka pa bumuntong-hininga. Matapos magsintir ay pinatay na niya ang shower at binalot ang katawan sa malambot na roba. Nang makabalik sa kama ay naupo siya roon at tiningnan ang kabuuan ng kwarto. Nang matuon sa bedside table ang mga mata niya'y nakita niya ang isang maliit na papel at doo'y nakita niya ang nakasulat doon. Agad niya itong binasa gamit lamang ang kaniyang mata. I'm sorry, I didn't wake you up. Don't worry I didn't do that thing you might think. I don't force woman, I made love to them gently, so please take care of yourself. Best regards, C Napahawak sa sariling bibig si Socorro sa hindi inaasahang sulat. Hindi siya makapaniwala sa nabasa niya. Hindi pala siya ginalaw ng lalaking iyon, ang mas curious na bagay ay hindi ito nagpakilala sa totoong pangalan niya. "C?" bigkas pa niya sa initials ng lalaking iyon. Ngumiti siya sa kawalan, hindi niya inaasahan sa may mabubuting lalaki pa rin pala sa panahon ngayon, mali ang akala niya. "He is different," sambit pa ni Socorro sa sarili. Nang makapagbihis ay lumabas na siya sa hotel at doo'y tinanong niya ang receptionist kung sino ang nagdala sa kaniya roon, pero hindi nakasulat ang pangalan sa consignee, ang pangalan niya ang nakasulat doon. Pero nasabi ng nga receptionist at ng roomlady doon na nagpatulong pala ang lalaking kasama niya na paliguan siya kagabi dahil sa sobrang kalasingan nito. Kaya pala nagkalat ang mga gamit niya sa sahig dahil siya raw umano ang naghubad at nagtungo sa banyo. Hindi nga niya maalala kung ano ang nangyari, halos mapaso ang pisngi ni Socorro dahil sa nararamdamang hiya sa nalaman. "Oh my g!" pabalik-balik na litanya niya nang makapasok na siya sa loob ng kaniyang sasakyan She messed up so much, parang gusto niya yatang bumalik agad sa States. Kaya ang ending ng umagang iyon, ay nagpa-book siya agad ng flight para sa kasunod na flight going Los Angeles. "I shouldn't be here anymore." Mahinang sambit niya sa kawalan. Hindi na niya kailangang magpaalam sa mga kapatid niya, alam naman niyang busy ang mga iyon at mahirap hagilapin. Nang nasa check in counter na siya sa airport ay nakita niya ang 65missed calls from Lloyd, tumaas ang kanang kilay niya at sa sobrang galit ay ihinampas niya ang telepono sa sahig at inapakan iyon. Nagsanhi iyon ng maraming mata sa direksyon niya, kanina pa pala siya tinitingnan ng mga taong nakahikera sa waiting area. Ngumuti siya at nagsalita. "I guess I need a new one." Ani niya saka pa iniwan ang kalat niya roon. Bahala na ang janitor basta para sa kaniya, malaking tulong ang ginawa niyang iyon upang gumaan ang damdamin niya. Nang nakasakay sa kaniyang intended flight, ay halo-halo ang emosyon na naiisip niya. Nandoon ang posibilidad na ipakasal pa rin siya kay Lloyd dahil sa kasunduan ng kaniyang papa sa papa nito. Nandoon din ang posibilidad na siya ang mamamahala sa kompanya nila, dahil siya ang bunso at inaasahan ng papa niya. Talking to her two siblings, Divina as eldest had rarely interest to hold and manage Hemingway Industry, hindi nito gusto ang ganoong set-up kaya nga siguro at the age of 18 ay naging independent ito as a simple businesswoman to her own field. Sa kaniyang ate Alexandra naman, hindi ito maaasahan sa ganoong bagay dahil nga hindi ito mahagilap at mapirme sa kung saan. Palagi itong nagta-travel at madalas hindi nito gusto ang hassles at stress. Ang bar na pagmamay-ari nito ay isang example sa work ethics nito, hindi ito ang nagma-manage sa bar, kung hindi ang bestfirend ng ate Alexandra niya na si Caloy. They don't even know kung bakit sumang-ayon iyon sa pagiging outgoing ng ate niya. Bumuntong-hininga siya at ipiniling ang ulo sa headrest ng kaniyang upuan. "Rest now, Socorro, it will be okey, soon." Pinayapa niya ang sarili sa mga oras na iyon. Payapa niyang isiniksik sa kaniyang taenga ang earphones na nakakabit sa flat screen monitor ng kaniyang upuan. Pumili siya ng playlist ni Adele. Doon ay tumugtug ang kanta nitong 'When we we're young' kaya mas nanatili siyang tahimik at emosyonal, wari'y ninanamnam ang bawat sandali ng kaniyang pag-iisa. Ngayon lang niya napagtanto na nasa kaniya na nga ang lahat, pero marami pa rin pala ang kulang at wala siya. At isa na doon ang tinatawag na 'pamilya', ramdam niya ang kahungkagan sa loob niya. For now, iisa lang ang dapat niyang sundin, at iyon ay ang isip bago ang puso niya. "Tama ka C, I must take care of myself first, I must.." sabi pa niya na noo'y ihinimlay ang sarili habang papalipad na ang sasakyang panghimpapawid. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD