"F-ck the two of you!" singhal ni Socorro sa kawalan nang makitang nakahubad at nakapatong sa hindi inaasahang babae ang kaniyang fiancee na si Lloyd. It was a tragic moment, na akala niya'y maso-surprise ang kaniyang pinakamamahal sa kaniyang pagdating mula sa States, pero parang siya yata ang nagulat sa nakita niya ngayon.
"Let me explain, hon, hon..please!" pag-aalo ni Lloyd sa kabiyak.
"Don't you dare try to touch or even get close to me, nakakadiri ka!" walang humpay na iwinasiwas ni Socorro ang kaniyang dalawang kamay na nandidiri sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan niya.
"You.." turo niya sa babaeng nakatabon sa kumot.
"Magsama kayo ng lalaking 'to, you two deserved each other. A litch and a useless!" galit na binalibag ni Socorro ang pintuan ng kwarto at walang habas na tinungo ang daan papalabas sa apartment na iyon. Kahit pa umuulan ay hindi iyon ininda ni Socorro sa pagdating nararamdaman. Pumaloob siya sa kaniyang kotse at pinaandar ang makina.
"Hon, let me explain, please." Pagsusumamo pa ni Lloyd na animo'y hindi niya nadinig. Diretso ang tingin niya sa daan at noo'y pinaharurot ang sasakyang lulan niya. Hindi niya alam kung saan papunta. Umuwi siya sa pinas para sana makasama ang lalaking ikalawa sa kaniyang ama, ang lalaking minahal niya sa loob ng anim na taon. Childhood sweetheart niya si Lloyd since college, hindi mahirap mahalin ito dahil sa taglay nitong kakisigan at kabaitan, kaya nga madalas ring habulin ito ng chiks. Nagkaton lang siguro ngayon na hindi niya napagtuonan ng pansin ito dahil naging abala siya sa pagsali sa mga pageant sa modelling carrer niya.
"s**t! I'm so stupid!" kastigo pa niya sa sarili habang luhaan. Malayang dumaloy sa pisngi niya ang kaniyang luha na katulad ng pagbuhos ng ulan sa kaniyang salamin. Hating-gabi na sa mga oras na iyon pero hindi niya akalain na makikita niya ang sarili na mag-isa sa gitna ng ulan. Akala niya'y malalasap niya ang init ng yakap ng kabiyak, na akala niya'y magiging komportable siya sa piling nito ngayong gabi.
Ipinarada niya ang kaniyang kotse sa kung saan at hinayaang magparaos ng sana ng loob. Humiyaw, umiyak, at nagwala siya sa pagitan ng sandali.
"God! Bakit ginaganito mo 'ko?" aniya habang nakatingala. Wala siyang maisip sa mga oras na iyon kung hindi ang magsumbong sa mga ate niyang sina Divina at Alexandra. Bukod sa kaniyang papa, alam niyang makakaintindi ang mga ito sa sitwasyon niya kaya nang makadesisyon ay pinaandar na niya ulit ang sasakyan at tinungo ang address ng kaniyang mga kapatid. Uunahin niya si Divina, malamang ay nasa apartment niya ito. Sabado ngayon at walang pasok sa opisina ito kaya alam niyang nandoon lamang ito sa lugar niya. Nang madatnan niya ang dalawang palapag na apartment ay agad siyang bumaba at tinahak papasok ang main door. Nag-door bell siya ngunit walang response ito mula sa loob kaya kinuha niya ang kaniyang telepono at tinawagan ito.
"Please pick up!" ani niya na noo'y naiiyak na.
Nag-ring naman ang numero ni Divina pero hindi ito sinasagot, siguro'y mahimbing na ang tulog nito, kaya kumatok siya nang ubod-lakas. Mayamaya pa ay may nagbukas sa kaniya. Si manang Dadang iyon, ang kasambahay ng ate Divina niya.
"Oy maam, good evening! Nand'yan ka po pala, hala maam wala man po si maam Divina maam oy, nagpunta man siya sa kaibigan kuno niya, dalawang araw na po siyang 'di umuuwi mam ba," paliwanag ng kasambahay nito na isang bisaya.
"Ah gan'on ba, sige, pakisabi na lang na nakauwi na ako," ani niya saka pilit na ngumiti.
"Tuloy kayo maam, parang galing pa kayo sa byahe maam ba, ipaghahanda ko po kayo ng pagkain maam."
"Naku, h'wag na manang aalis na ho ako, pakisabi na lang dumaan ako."
"Ah, eh, sige po. Pero magmamadaling araw na po," ani manang Dadang. Ngumiti pabalik si Socorro at nag-iwas ng tingin.
"Sige ho,alis na ho ako." Pinal na paalam niya Sana pa tumalikod at tinungo ulit ang sasakyan niya. Medyo tumila na ang ulan kaya hindi na niya iyon alintana. Suot niya ang leather jacket na hindi nababasa ng ulan kaya okey lang kung mabasa siya. Nang makapasok sa sasakyan ay binuhay niya ulit ang makina at pinuntahan ang bar na pagmamay-ari ng kapatid niyang si Alexandra. Nagbabakasakali siyang nandoon iyon, alam niyang imposibleng madatnan niya iyon pero bahala na.
Bukod kasi sa pagiging workaholic ng kapatid n'yang iyon, alam niyang hindi ito mapirme sa iisang lugar. Gaya niya ang ate Alexandra niya, adventurous, at outgoing kaya madalas hindi niya ito mahagilap sa kung saan. Nang makarating sa bar ng kapatid niya ay agad niyang tinungo ang entrance. Bumungad sa kaniyang ang iilang empleyado na kilala siya.
"Hello maam, kamusta po? Nakauwi na po pala kayo." Bati ni Bea na isang bartender doon. Ngumiti siya at umupo sa mataas na upuang nandoon at itinukod ang bigat ng kaniyang braso at mahinang bumulong.
"I need a drink, it's been a long night for me tonight." Mapait siyang ngumiti.
"Right away maam," responde naman ni Bea na noo'y tumalima agad sa sinabi niya. Nakita niya itong nagme-mix ng paborito niyang Martini Loco na may lime sa taas.
"Here's your drink, maam." Masiglang saad ni Bea sa kaniya.
"Thanks," tipid na tugon niya saka pa inabot ang glass at sinimsim iyon. Dinig niya ang beat ng music sa loob ng bar na siyang sumasakop sa nakakabinge't nadurog na espasyo sa puso niya. Her heartbeats are beating fast as if it will explode that time. Nanatiling hilam sa kaniyang paningin ang mga luhang natuyo na. Nanatili siyang tahimik habang pre-occupied ang isip, wari'y binabalikan ang mga sandaling nasaksihan niya sa apartment ni Lloyd.
"Damn him!" Litanya niya na halos hindi naman marinig dahil sa sobrang ingay. Mayamaya pa'y may lumapit sa kaniya at nagsalita.
"What brings a beautiful woman alone in this corner?" baritonong boses iyon ng lalaki. Sinipat niya ang direksyon ng nagsalita. Gwapo ito habang suot ang nakangiting mukha. Animo'y nagpapa-impress sa kaniya.
"May I join you?" Dugtong pa nito sa kaniya na hindi niya nirespondehan.
"You looked stress, my dear. May problema ba?" ani nito saka pa nilagok ang dalang baso. Sa huli'y mapait siyang ngumiti bilang pagresponde.
"I don't talk to strangers." Walang emosyong sambit niya saka pa inisang lagok din ang basong inumin niya. Socorro lit her flame of seduction by caressing that man's perfectly shove face. Mariin niyang hinalikan ang labi nito na halos makapugto sa hininga nilang dalawa.
"But I guess, after this kiss we'll be strangers no more, right?" Mapang-akit na sambit niya sa lalaking iyon na hindi man lang niya kilala.
"Can we have a privacy alone? Hmm?" pabalik na tanong ng lalaki na sinang-ayunan niya agad. For this f**k*ng time, bahala na kung anuman ang mangyari sa kaniya. She just want somebody to talked to, at baka ito ang mas magandang gawin...ang makipag-usap sa isang estranghero. Wala siyang masandalan, wala siyang makausap, puro abala ang kapatid niya, nasa malayo rin ang papa't mama niya. She is disappearing right now.
She needs help.
...itutuloy.