Chapter 004: The Letter

1366 Words
Halos mga dalawang araw na ang nakakalipas sa pagkamatay ni Bea ng Class 11P1 dahil sa isang Class Murderer na Classmate lang din nila pero di pa nila alam kung sino. Kinaumagahan, Pagkatapos nung nakuha nilang lahat ang Mensahe ng Class Murderer ay agad na nag tipon-tipon lahat ng Class Officers ng 11P1 sa student's lounge para mag meeting tungkol sa nangyayari. "Guys, Sa tingin niyo, Totoo kaya yung sinabi ng Class Murderer?" Pasimula ni Kier na ang Class Secretary. "Totoo ba kayang papatayin niya tayo isa-isa at Classmate lang natin siya?" "Who knows? Siguro?" Di siguradong sagot ni Illie na isang Multimedia Officer. "Bakit Kier? Ba't mo natanong yan? Siguro ikaw yung Class Murderer no?" Sabay titig ng seryosohan kay Kier. "Hindi ah!" Paglalaban ni Kier sa kanyang sarili habang winave niya ang kanyang dalawang kamay in front of him. "Okay guys! Tama na yang pagtatalo niyo!" Patahan na sabi ni Ryle na ang Class Mayor. "Kaya nga tayo nandito para pag-usapan tong nangyayari sa atin, diba?" "So, Ano na naman tong pag-uusapan natin? Ang pag-sikreto na naman sa message na natanggap nating lahat kagabi?" Sambit ni Annie na isang Class Auditor. "Parang ganun na nga!" Sagot ni Rain na ang Class Vice Mayor. "Sana maintindihan niyo kung bakit natin isesecret lang sa ating class ang lahat ng nangyayari sa atin ngayon para di madumihan ang pangalan ng section natin!" Paliwanag niya ng masinsinan. Nanahimik nalang si Annie at nakinig nalang sa sinabi ni Rain. "So, Guys, Sabi nga nung Class Murderer ay classmate lang natin siya, So, Malalaman lang natin kung sino siya!" Wika ni Ryle na parang sigurado sa kanyang sinasabi. "Gaano ka kasigurado?" Tanong ni Ara na isa ding Class Auditor. "Sure kaya ka na makilala lang natin siya ng ganun kadali?" "Oo nga! Sa dami dami ng tao sa room natin, It could be anyone!" Wika ni Jaymee na isang Class Treasurer. "So, Kailangan nalang ba natin pagbintangan lahat?" Dagdag niya pa sabay ayos sa kanyang glasses. "I know it's bad to blame innocent people, But as long as we know na isa sa mga classmates natin o isa sa ating mga officers ay ang Class Murderer, I think na mas maigi pa na di muna tayo lahat magtiwala ni isa sa ating Class!" Paliwanag ni Ryle na may pagka seryoso sabay tingin sa ibang mga Officers. Nanahimik lang sila at nagsitinginan sa bawa't isa maliban kay Kai na isa ding Multimedia Officer. "Okay ka lang ba, Kai?" Tanong ni Illie na medyong nag alala habang hinawakan niya ang kanang balikat nito. "Parang ang lalim ng iniisip mo ah!" Earth to Space at bigla nang bumalik si Kai sa kanyang lalim na pag-iisip at namalayan nalang niya na tinitigan siya ng ibang officers na parang nag-alala na sa kanya. "O-Okay lang ako..." Paputol na sagot niya habang pinipilit na ngumiti ang kanyang mga labi. "It's just that... Naalala ko lang si Bea... Officer din siya katulad natin, Pero in the blink of an eye ay wala na siya... Miss ko na yung mga biruan niya sa atin, Yung mga pambubully niya sa akin na nakakainis na, Miss ko na rin yun. Sana... Di nalang siya nawala..." Wika niya na unti unti nang tumutulo ang kanyang mga luha. "Alam kong it could be anyone sa Class natin yung Class Murderer at pwede rin na maging ako yun, Pero alam ko sa sarili ko na inosente ako at hindi ako yung Class Murderer. Kaya nga, Sa ngayon, Gagawin ko lahat ng makakaya ko mahanap lang yung Class Murderer na isa sa mga classmate natin! Ayaw kong may mamatay ulit ni isa sa atin.." Paliwanag niya na hindi nalang namalayan na umiiyak na pala talaga siya. "Okay lang yan, Kai. Makikilala din natin yung Class Murderer na yun!" Pakalmang sabi ni Illie sabay yakap nito sa kanya. "Lintik na tsismosong yan! Siya siguro ang sisira sa lahat ng plano ko!" Bulong ng isang nakakatakot na tinig. "Pero wag kang mag-alala, Sisiguraduhin kong di mo malalaman kung sino ako na Class Murderer ng 11P1!" ----- At maya-maya pa'y tumunog na ang kanilang bell at lahat ng students ay pumunta at pumasok na sa kanilang mga respetadong classroom. Papasok na sana ang mga Class Officers ng 11P1 ng may narinig silang kaguluhan sa labas ng kanilang classroom at dali-dali nila silang pumasok sa pagtataka. Pagpasok nila ay nakita nila ang lahat ng mga kaklase nila na nagkakagulo na. Merong nagsuntukan, nagwawala, nag aawayan, basta lahat nalang ay magulo at parang wala nang makakapigil pa sa kanila at kaunti lang yung nagsiupo ng maayos habang tumitingin sa kaguluhang nangyayari. "Aray!" Nasasaktang wika ni Aries na napadapa sa sahig pagkatapos siyang itinulak ni Cool. "Tama na, Cool!" Pagmamakaawa niya. "Titigil lang ako pag isasabi mo sa amin yung nalalaman mo!" Wika ng galit na galit na si Cool habang sinusuntok ang kaniyang kaliwang palad gamit ang kaniyang kanang kamao. "SABIHIN MO!" "Sinabi ko na nga sayo na wala akong nalalaman eh... At kung meron man, Di ko talaga isasabi sayo kasi baka ako yung susunod na papatayin.." Wika ng naghihirap na si Aries. "Aba! Sinabing sabihin mo eh!" Sambit ni Cool habang diritso niyang hinawakan ang kwelyo ni Aries sabay suntok dito, suntok doon sa kanya ng patuloy. "COOL, TAMA NAA!!" Sigaw ni Kai na nag-aalala na sa sitwasyon ni Aries. "Nasasaktan na nga siya, Ipagpapatuloy mo pa yung pagsuntok mo? Bakit? Gusto mo ba siyang mamatay?!" Tumigil sa pagsuntok si Cool na nagdulot ng pagbitaw niya sa kwelyo ni Aries na napahiga sa sahig. Tumingin siya kay Kai na may mga mala demonyong mga mata. "Bakit, Kai?!" Pasimula niya sa mababa na tono ng kanyang boses. "May alam ka rin ba sa Class Murderer?!" Wika niya habang palapit ng palapit siya kay Kai. "O di kaya, Ikaw yung Class Murderer? Kasi, Diba sabi na Classmate lang natin? Eh baka ikaw yun!" Sabay turo ng kanyang daliri kay Kai. Ang ibang mga kaklase nila ay nagsitingin tingan lang kung ano ang mga susunod na mga mangyayari at hindi pinigilan ang galit na galit na si Cool. "Hindi ako ang Class Murderer!" Pabagsak na sagot ni Kai sabay sampal sa daliri ni Cool na itinuro sa kanya. "At wag kang mambintang ng ganun-ganun lang! Baka ikaw rin yung Murderer! Kasi nga diba, Classmate natin ang Class Murderer?!" Nilapit ni Cool ang kanyang mukha kay Kai at pinagbantaan niya ito. "Pag nalaman ko na ikaw yung Murderer ng class na ito, Magtago ka na kasi dadalhin kita sa impyerno!" At sandaling lumabas ng classroom si Cool. Kita sa mga mukha ng mga iba nilang kaklase ang mga pag-aalala nila kay Kai kaya nilapitan nila ito. "Uii, Okay ka lang?" Tanong ni Jordan na sobrang nag-alala. "Okay lang ako..." Sagot ni Kai sabay pilit na ngumiti ng kunti. "Si Aries!" Pasigaw niya. "Okay lang ako.. Wala to!" Sagot ni Aries habang tinutulungan siyang buhatin nina Aren at Art. At pagkatapos ng lahat ng nangyari nung kumalma na ang lahat ay agad nilang inayos lahat ng nagkagulo na mga upuan at nilinis ang silid dahil sa mga sandaling oras na ito'y dadating na si Miss Donna. Habang naglilinis ang lahat ay kumatok ang Class Mayor ng 11P2 na si Third sa pinto nila at agad naman itong binuksan ni Ryle at tinanong kung ano ang pakay. "Sa amin to ibinigay." Wika ni Third habang inaabot niya ang isang sobre kay Ryle. "Para sa inyo daw to sabi nung nagpapabigay, Para sa buong klase daw to!" "Sige salamat." Pasalamat ni Ryle sabay tanggap sa binigay ni Third. Pagkatapos niyang ipaabot ang sobre ay umalis na kaagad si Third at bumalik sa classroom nila. "GUYS!" Sigaw ni Ryle na kinuha ang atensyon ng buong klase sa kanya. "Meron daw nagpapabigay sa atin ng sobreng ito!" Habang pinapakita niya ang sobre sa buong klase. "Kanino galing daw?" Tanong ni Kenedy na parang nacucurious. "Walang nakalagay na pangalan eh." Sagot niya habang chinecheck yung sobre. "Buksan mo nalang at basahin kung ano yan!" Pautos na sabi ni Renz. Binuksan ni Ryle ang sobre at kinuha niya ang papel na nasa ilalim nito, At pagkabukas niya sa papel ay biglang nanglaki ang kanyang mata sa kanyang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD