Chapter 005: Riddle Of Death

1501 Words
"Ano to?!" Pagtatakang tanong ni Ryle habang nanlalaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita sa papel. Isang bugtong na nakasulat gamit ang dugo. "Bakit, Ryle?" Wika ni Kai na nag-aalala. "Guys, galing sa Class Murderer to!" Sambit niya na nanginginig na ang boses. "Bugtong to ng Class Murderer!" Nagulat ang lahat sa narinig nila na nagpatindig sa mga balahibo nilang lahat, Na halos lahat ay nakanganga sa takot at parang di na sila makasalita. "Riddle Of Death....." Sinimulan niyang basahin ang mensahe. "January 1, October 4, April 3, December 1, August 1, November 1. Lutasin niyo ang ibig sabihin ng bugtong na yan', Dahil isa sa buhay ng inyong mga kaklase ang nakataya. -Class Murderer. " Nanlaki ang mga mata ng buong klase pagkarinig nila sa bugtong na binasa ni Ryle sa kanila sa harapan. "Anong klaseng bugtong yan?!" Wika ni Ken ng pabagsak na tono. "Kakalito yung putang Class Murderer na yan!" Dagdag ni Carlos sabay kamot sa kanyang ulo na naiinis ang kanyang ekspresyon sa mukha. "Kung sino man sa atin ang Class Murderer na yan! Pwede bang magpakilala nalang kayo?! Di na to nakakatuwa ah!" Sabi niya habang minamasdan niya ang buong kaklase sa kanyang mga unti-unti nang maging demonyo na mga mata. Nagsitinginan ang lahat na para bang iba na ang kanilang mga tutok sa isa't-isa. Parang demonyo na sila. "Guys!" Tawag ni Kai sa lahat. "Wag muna tayong magsitinginan ngayon na parang mga demonyo! Kailangan muna nating lutasin ang bugtong na ibinigay niya sa atin, Kung di, Meron na naman sa atin ang mamamatay!" Paliwanag niya. "Ano nga ulit yung bugtong?" Tanong ni Jane na napatayo sa kanyang kinauupuan. Iniabot ni Ryle kay Jane ang papel kung saan nakasulat ang bugtong ng Class Murderer. Binasa niya ito ulit at kumuha ng permiso kay Ryle kung pwede ba siya yung sasagot sa nakakalitong bugtong at pinayagan naman siya ni Ryle. At maya-maya pa'y pumasok na si Miss Donna sa classroom nila na naweweirdohan na sa buong klase dahil ang lahat ay nakasimangot nalang sa kani-kanilang mga upuan, Yung iba tulala, at yung iba naman ay sobrang tahimik. Parang hindi na ramdam ng guro ang dating 11P1 na sobrang maingay at masayahin noon. "Class, I don't really know what's going to all of you." Pasimula niya sabay ngiti sa klase ng napakatamis na ngiti. "But, If there's something going on, You better tell it to an adult, Okay?" Napatango nalang ang lahat sa kanilang mga ulo ng walang imik na boses at nakasimangot pa rin ang kanilang mga mukha. Ilang sandali pa'y sinimulan ng buksan ng guro ang bago niyang leksyon para sa kanila. ~~Lunch break Pumunta ng mag isa si Kai sa library nila upang mapag-isa isa muna at para malaman niya kung ano ang sagot sa bugtong na ibinigay sa kanila ng class murderer. Habang hawak-hawak ang strap ng kanyang backpack while naghahanap siya ng komportable na upuan para makapag-isip ay nakabangga niya si Jordan na may hawak-hawak na isang pulang notebook sa kanyang kaliwang kamay. "Jordan...?" Wika ni Kai na nabigla. "Oh, Kai, Ba't ka naririto?" Tanong niya sa nabiglang si Kai. "Wala lang..." Sagot ni Kai sabay punta sa may empty table at empty seat sa likod ng isang bookshelf. "May gagawin lang ako dito!" Sabi niya sabay lagay sa kanyang backpack sa mesa. "Teka! Ano bang gagawin mo dito?" Pagtataka ni Jordan. "Magbabasa ka ba ng mga libro ha?" "Ba't ang dami mong tanong, Jordan?" Wika ni Kai na umupo sa isang upuan habang may kinukuha siya sa kanyang backpack at yun ang kanilang Attendance Book na hiniram niya kay Rain. "Ano bang gagawin mo sa Attendance Book, Kai?" Tanong ulit niya sabay upo sa upuang katabi kay Kai. Biglang napakamot sa kanyang ulo si Kai na para bang naiinis na sa kakatanung ni Jordan at napalingon siya dito. "Alam mo, Tanong ka ng tanong sa akin, Eh andito ka din sa library eh! Anong ginagawa mo dito ah?!" Dahil sa lakas ng pagkakasabi ni Kai sa mga salitang iyon ay winarningan siya sa Class Librarian na wag mag usap ng malakas dahil maraming nag-aaral. Napatakip lang si Kai sa kanyang bibig at nag sorry at kinausap niya ng mahinhin si Jordan. "Ano din ba ang ginagawa mo dito?" "A-Ah, Eh wala!" Paputol na sagot nito na para bang kinakaba. "May gusto lang kasi akong hiramin na libro dito eh." "Ano naman yang notebook na yan?" Pagtatakang turo ni Kai sa dala ni Jordan na pulang notebook. "Wala lang din..." Sagot ni Jordan na halong may pagka misteryoso at suspicious. "Anyway, Ano ba ang gagawin mo sa Attendance Book na yan'?" Bumalik ang atensyon ni Kai sa Attendance Book at binuksan niya ito at inisa-isa niyang chineck lahat ng Birthdates ng mga Classmates niya. "Uyy, Kai, Sagutin mo ako! Ano bang ginagawa mo?!" Inis na tanong niya dahil sa pag snob sa kanya ni Kai na parang hindi siya nabubuhay. "Pwede ba... Manahimik ka lang muna? Hinahanap ko ang sagot sa bugtong na binigay sa atin ng Class Murderer." Paliwanag niya habang patuloy pa rin na tinitingnan ang mga Birthdates. "Oo nga! Ano kaya sagot sa bugtong na yun?" Bulong ni Jordan na tinitigan ang kesame. "Parang wala akong maisip kung ano ang sagot sa bugtong na yun eh!" Tumawa siya ng kunti pero di pa rin siya pinansin ni Kai. At mga ilang sandaling minuto na ang nakakalipas at isinara na ni Kai ang Attendance Book at ibinalik ito sa kanyang backpack na may disappointed na ekspresyon sa kanyang mukha na nangingibabaw. "Kahit anong gawin ko... Wala talaga akong maisip.. Wala talaga ang sagot sa Birthdates nila..." Wika pa niya na inilibing ang kanyang mukha sa mesa. "Buti naman at natapos ka na sa pagchecheck-up mo na yan!" Sabi ni Jordan na naglabas ng magaang hininga. "Akala ko kasi, I-snobbin mo na ako dito eh!" "Ahh, Jordan, Andiyan ka pa pala?" Pagtataka ni Kai. "OO!" Sagot ni Jordan. "Kanina ko pa nga tinatawag pangalan mo eh, Pero parang wala kang narinig!" "Ahh... Pasensiya na..." Ngumiti si Kai ng kunti. "Napabusy kasi ako dito sa pagchecheck isa isa sa mga birthdates niyo eh, Kasi baka ang sagot sa bugtong na yun ay andito pala sa birthdates niyo, Pero nabigo ako, Hindi pala.." Napahinga siya ng mabigat. "Ayaw ko na kasing may mamatay pa na isa sa atin eh." "Astig ka pala no?" Komplimento nito ng seryosohan kay Kai. "Alam kong kahit may nangyayari na na kababalaghan sa Section natin ay lumalaban ka pa rin kahit mahirap tong ikinakaharap nating lahat!" Wika niya sabay ngiti. "Gusto ko lang naman kasi na malaman kung sino man ang may kagagawan sa lahat ng ito... Yun lang... Para matigil ang lahat ng mga kababalaghang nangyayari sa atin eh... Kahit isakripisyo ko pa yung buhay ko, Basta di ako susuko, Maalam ko lang kung sino ang Class Murderer!" Pagpapaliwanag ni Kai na para bang motivated siya sa kanyang mga sinabi. "Kaya, Jordan, Ihanda mo yang sarili mo pag nalaman ko na ikaw yung Class Murderer kasi aapakan talaga kita!" Sabi niya sabay tayo sa kanyang inuupuan at tinuro si Jordan. Bigla lang tumawa si Jordan ng mahina at tumayo din siya sa kanyang kinauupuan. "Wag kang mag-alala, Kai! Kung ako man yung Class Murderer, Di kita papatayin kasi ipapa salvage lang kita!" Biro nito na tumawa pa ng tawa. "Makilala mo nga kayo ako, Kai?!" Bulong ng isang nakakakilabot na tinig sa kanyang sarili. Di na namalayan ni Kai at Jordan ang oras na 1:30 pm na pala at Research subject nila sa mga oras na ito. Kinuha nila ang mga gamit nila at nagmamadali na lumabas sa library at tumakbo ng mabilis dahil late na silang dalawa. Pagkaabot ng dalawa sa kanilang room ay nagsimula na yung klase nila at humingi sila ng patawad kay Miss Donna which to be happen na Research teacher din nila. "Sorry, Were late, Miss.." Wika nila ng sabay na nakayuko ang ulo. "Pagbibigyan ko pa kayo, Kasi you guys are still 13 mins late, Sit down you two and listen!" ~~~ Pagkatapos ng kanilang last subject ay nagsiuwian na silang lahat sa kani-kanilang mga dorms. Habang naglalakad pauwi si Jordan sa kanyang dorm na hawak hawak pa rin ang kanyang pulang notebook ay naramdaman niyang may parang sumusunod sa kanya sa bawat galaw niya sa kanyang mga paa para maglakad. Di niya ito pinansin at inisip nalang na baka may ibang estudyante sa likoran niya na pareho niya na dorm building. "Say goodbye for now, Jordan!" Lumingon si Jordan sa likod niya sa pagkakarinig niya sa kanyang pangalan at dun nakita niya isang nakamaskara na tao na nakasuot ng pitch black na tela na abot tuhod ang taas nito. Bigla nalang napansin ni Jordan na may dala itong dos por dos at malakas na hinampas ito sa kanyang ulo na nagdulot ng pagkatumba niya sa lupa at pagkawala ng kanyang malay na duguan ang kanyang ulo. "How I love to do this everyday!" At tumawa siya ng nakakatakot na boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD