WARNING!!
Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat!
Nanglaki ang mga mata nila sa kanilang nabasa na message na nareceived nila sa mga iba't-ibang unknown numbers.
"Ano ibig sabihin nito?" Panimulang tanong ni Sarah sabay tayo na nanginginig. "Ano ibig sabihin ng 32 Left Alive at 1 Dead?"
"Baka wrong sent lang siguro yung Sender!" Wika ni Cool sabay tawa.
"Maniniwala talaga ako na wrong sent to kapag hindi kaparehas yung message na nareceive nating lahat! Eh, Pare-parehas lang eh! Paano magiging wrong sent to ha? At kapal pa ng sender para gumamit ng iba't-ibang numero! Wow! RK niya ha para magkaroon ng maraming simcards!" Naiinis na sagot ni Sarah sabay ikot sa kanyang mga mata.
"Parang nagets ko ang ibig sabihin ng message na ito!" Sambit ni Ricky na itinaas ang kanyang kamay.
Tumingin ang lahat ng Class sa kanya at nakinig sa kanyang pinaliwanag na teorya.
"Ang nagets ko dito ay baka yung 1 dead ay si Bea yung tinutukoy at yung 32 left alive ay tayo yung tinutukoy. Tayo ngayon! Na nabubuhay pa sa class na ito."
"So, Your point is?" Sambit ni Rain.
"Baka gusto ng killer na patayin tayo isa-isa! Baka ito yung ibig sabihin ng 32 left alive kasi 33 over all naman tayo at nung namatay si Bea, 32 nalang tayo ngayon! Siguro yun ang ibig sabihin ng message na ito!" Paliwanag niya.
Dahil sa narinig na paliwanag na teorya ni Ricky, Natakot ang lahat sa kanyang mga sinabi. Baka nga kasi totoo ang sinasabi nito.
Bigla na namang nanahimik ang buong class at ang lahat ay nasa malalim ang pag-iisip na parang huling araw na lang nila.
"Andy! Jane!" Tawag ni Kai sa kanyang mga katabi na nagdulot sa paglingon nila sa kanya. "Sa tingin niyo, Totoo kaya yung sinabi ni Ricky about sa kanyang teorya?"
"I dunno! Kasi kung mamatay tayo isa-isa edi amazing!" Yolo na sagot ni Andy sabay dab pose na tumawa ng kunti.
"Really?!" Sambit ni Kai na medyo naiinis sa sagot ni Andy. "Ikaw Jane? Naniniwala ka ba? Please wag mo kong ipilosopo katulad ni Andy!" Pakiusap niya.
"Para sa akin no? Parang may point yung teorya niya na kanyang sinabi sa atin kasi may nakalagay kasi sa message na 32 left alive. So baka talaga ang tinutukoy ng message ng yun ay tayo sa class na ito at sa pagkamatay ni Bea. Pero ang hindi ko lang nauunawaan ay, Bakit naman tayo papatayin isa-isa kung sino man yung gustong pumatay sa atin. I mean, Wala naman tayong ginawa sa kanya, diba?" Paliwanag ni Jane ng seryosohan habang nakatingin sa kanyang phone na paulit ulit na tinitignan yung nakakabalabag na mensahe.
"Pero sino naman ang gustong pumatay sa atin?" Wika ni Kai na nagtataka.
"Ewan!" Sagot ni Jane na walang kaalam-alam.
Biglang nag iba yung expresyon sa mukha ni Kai na parang nag aalala habang iniisip kung ano pa ba ang posibleng mangyari, Kung maniniwala ba siya sa sinabi ni Ricky. Nalilito na siya.
Maya-Maya pa'y bumalik na si Miss Donna sa room kasama ang school nurse.
"Class, Andito na ang school nurse natin. Saan na yung nahimatay kanina?" Tugon niya.
"Okay na po ako, Miss!" Sagot ni Illie.
"No, dapat kailangan mong pumunta sa clinic, Baka ano pang mangyari sayo. Sundin mo na lang ang School Nurse natin and have a short check up, Okay?" Paninigurado ng Guro na pinilit si Illie na sumama sa Nurse.
Si Illie na walang magawa at gumalang nalang sa Guro nila ay sumunod nalang sa tugon nito at sinundan ang Nurse palabas sa kanilang classroom patungo sa Clinic.
"Oh, Why so quiet again, Guys?" Tanong ng Guro na nagtataka na naman kung bakit tahimik ang buong klase.
"Wala lang po miss!" Sagot ni Aries ng diritso.
"Okay... Weird, But let's continue our disscussion." Paalala ng guro.
-------
Pagkatapos ng klase nila ay nagsiuwian na silang lahat sa kanilang mga dorms sabay lock sa kanilang mga pintuan para panigurado lang.
Si Kai na sobrang natatakot sa kung anong posibleng mangyari ay sinigurado talaga na nakasarado at naka lock ang kanyang pinto at lahat ng kanyang bintana sa kanyang dorm room.
Handa na siya dapat na patayin ang ilaw na katabi sa kanyang kama upang matulog ng biglang tumunog ang kanyang phone.
"1 unread message."
Dali-dali niyang binuksan ang mensahe at sa kanyang nakita ay bumalot ang kaba at takot sa buo niyang katawan sa kanyang nabasa.
"Nagets niyo na ba ang ibig sabihin ng message ko sa inyo? Oh sadyang naglalabo-labuan lang talaga kayo? Kung hindi niyo pa nagets ay bigyan niyo ko ng ilang minuto para maipaliwanag ang ibig sabihin ng mensahe. Gaya nga ng sinabi ni Ricky tungkol sa kanyang teorya, Ang 1 dead ay tumutukoy kay Bea at ang 32 left alive ay tumutukoy sa inyo "Class of 11P1!" at lahat kayo ay isa-isa kong papatayin! Oo nga pala, Ako pala ang Classmate niyong Class Murderer! But who am I to reveal myself to you? Meron bang murderer na nagpapakilala? At sa sagot ko para sa tanong ni Sarah kanina,Well, Hindi wrong sent ang sinend ko na message sa inyo! Gumamit lang ako ng maraming numbers para malito ko kayo at para di niyo malaman kung sino ako! Speaking of "malaman". Patuloy kayong mamamatay isa-isa pag hindi niyo malaman ang totoong pagkatao ko! So, To stop murdering and killing our classmates, You should know me first, Kasi pag hindi, Alam niyo na ang mangyayari sa inyo! Pero kung posible mang walang makakaalam sa akin, Meron naman akong ibubuhay na isa, At syempre ako yun! HAHAHA! Nakakatawa hindi ba? Ngayon, Tiisin niyo muna ang mangyayari dahil sa mga oras na ito, Isa na naman sa inyo ang mamamatay! Hulaan niyo kung sino?
- Nagmamahal: "Class Murderer" xoxo "
"Ano to?" Wika ni Kai sa kanyang sarili na lumuluha na ang kanyang mga mata na damang dama ang hindi pag galaw ng kanyang mga paa dahil sa takot. "Isa sa amin ang pumatay kay Bea? At isa rin sa amin ang papatay sa aming lahat?"
Dahil sa takot niya na baka totoo ang sinasabi ng Class Murderer sa kanya ay agad siyang nagchat sa Groupchat ng Class nila.
Kai: "Guys, May natanggap akong message sa pumatay kay Bea!"
Gon: "Nakatanggap din ako!"
Illie: "Kung sino man ang Class Murderer, Please wag mo nang ituloy ang ginagawa mo!"
Renz: "Bakit mo ba kami gustong patayin?!"
Carlos: "Kung prank to! Hindi to nakakatuwa!"
Arvie: "Mapupunta ka sa impyerno sa pinag-gagawa mo! Gago!"
Kai: "Please kung sino ka man, Magpakilala ka na please lang, Maawa ka sa mga classmates natin!"
Sarah: "Diba sabi nga niya na ayaw niyang magpakilala? Then let him or her be!"
Kai: "Gusto mo bang meron na namang mamatay, Sarah?"
Sarah: "Ang point ko lang bes... Diba sinabi niya na classmate natin siya? Oh edi malalaman din natin ang tunay na pagkatao niya sooner or later duh!"
Jordan: "Eh, Baka naman ikaw ang Class Murderer, Sarah?!"
Sarah: "Wag kang mambintang, Jordan! Baka ikaw nga yung Class Murderer eh!"
Ryle: "Wag tayong mag away, Okay?! As your Mayor, We will talk about this with the Officers first thing tomorrow, Okay? So, Wag na kayong mag away! At kung nandito man isa sa atin yung Class Murderer, Well, Good Job keeping your identity a secret!"
Kai: *Likezone*
Others: *Seenzone*
Dahil sa seenzone ng iba ay nag out nalang si Kai at nag-isip ng paraan o ideya man lang kung sino ang magiging posible na Class Murderer dahil alam niya sa sarili niya na hindi siya ang Class Murderer.