Chapter 002: Suicide or Murdered?

1830 Words
WARNING!! Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat! Kinabukasan, Nalaman ng buong class ang nangyari kay Bea na lubos na ikinalungkot ng lahat. "Bakit ba nagawa ni Bea yun?!" Wika ni Illie habang umiiyak na yinuko ang kanyang ulo. "Baka may rason naman kung bakit niya ginawa yun." Sagot ni Ara na tinatahan si Illie sa pag iyak na patungo ng tutulo ang kaniyang mga luha. "Wala naman siyang sinabi na kakaiba, Kaya alam kung hindi niya yun kayang gawin sa kanyang sarili." Dagdag ni Illie na nahihirapang magsalita dahil sa kakaiyak na napayakap nalang bigla kay Ara. Tumayo sa harapan sina Ryle na ang Class Mayor at si Rain na ang Class Vice Mayor para mag anunsyo tungkol sa nangyari kay Bea. "Guys, Magsi-upuan muna kayo sa inyong mga upuan at manahimik." Panimula ni Rain. "May sasabihin muna kami ni Vice, Kaya makinig kayo!" Wika ni Ryle na may halong kaba ang kanyang tinig. "Kailangan nating alamin kung ano ang totoong nangyari kay Bea, At habang hindi pa nalalabas ang katotohan, Kailangan muna nating itago ito sa ating Class lang, Dapat tayo lang nakakaalam nito habang tayo'y mag-iimbestiga muna sa nangyari sa kanya!" "So, For short, You want us to just act like nothing happened as long as this case is not cleared yet?" Wika ni Sarah na sabay tayo sa kanyang upuan. "Parang ganun na nga talaga!" Sagot ni Rain. "Eh ang tanga tanga pala natin no?!" Panimula ni Annie sabay hampas sa kanyang armchair gamit ang kanyang kamay habang tumayo. "Paano naman natin maitatago ang pagkamatay ng isang kaklase natin ha?!" Wika niya habang tumutulo na ang mga luha. "Siguro sa inyo, Kaya niyong matago kasi baka wala kayong pakialam kung anong nangyari sa kanya! Ano ang isasagot natin sa pamilya ni Bea pag sila'y magsuspetsiya na kung ano ang nangyari ha?!" "Kaya nga itatago muna natin diba?!" Sambit ni Ryle. "Para hindi sila mabigla! Isasabi naman natin ang totoo pag nalaman na natin ang tunay na nangyari sa kay Bea. Kung nag suicide nga ba talaga siya, O pinatay siya sa isa sa atin dito!" Patapos na paliwanag niya. "May point si Mayor guys! Makinig nalang tayo para wala nang kaguluhan ang mangyayari pa!" Dagdag na sabi ni Cristopher. "Anong kaguluhan pinagsasabi mo, Cristopher?" Pagtatakang tanong ni Renz. "Kaguluhan! Mga pagtatalo natin ngayon! Diba kaguluhan tawag dito?" Paliwanag ni Cristopher na parang nanginginig ang tinig. Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok na si Miss Donna, At ang lahat ay nagsiupuan ng maayos at nanahimik nalang. "Oh.. Ba't ang tahimik niyo?" Tanong ng guro na nagtataka kung bakit napakatahimik ng klaseng pinakamaingay sa buong campus. "Okay... So, I want you to take out your books and open page 19." Tugon niya. Sinunod ng lahat ang utos ng kanilang guro at kinuha nila ang mga libro nila. "Ano kaya totoong nangyari sa pagkamatay ni Bea?" Tanong ni Kai sa kanyang isipan. Sa kalagitnaan ng klase, Nagpaumanhing lumabas si Illie para pumunta sa CR para umihi. Pagpasok niya sa Girls Bathroom, Nakikita pa niya ang ibang bakas ng dugo sa sahig ng 3rd Cubicle at bigla nalang siyang pumunta doon. "Sana masaya ka na kung saan ka ngayon naroroon, Bea." Pabulong niyang sabi habang umiiyak. "Pangako, Ipaghihiganti kita, Wag kang mag-alala." At pumunta siya sa 1st Cubicle para umihi. Pagkatapos niyang umihi ay tiningnan niya sarili niya sa harapan ng salamin sa loob ng CR. Habang hinihilamos niya ang kanyang mukha para di mahalatang umiyak siya ay napansin niyang unti unting bumubukas ang pinto ng 3rd Cubicle na dapat ay isinara niya kaina. Habang patuloy niyang sinusubaybayan ang lahat sa repleksiyon ng salamin ay bigla niyang nakita katawan ni Bea na nakatayo sa loob ng 3rd Cubicle na hawak nito ang kanyang ulo at dahan dahan itong lumalapit sa kanya. Si Illie na gustong tumakbo ay hindi maigalaw ang kanyang mga paa habang tiningnan lang niya ang nangyayari sa repleksiyon ng salamin. "Hindi.... ito totoo...." Pabulong na sabi niya. Palapit ng palapit sa kanya ang patay na katawan ni Bea at habang palapit na palapit ito ay unti unti nitong inabot ang kamay sa leeg ni Illie at kusa niya itong sinakal. "B-Bitawan mo ako..... Di ka totoo...." Wika ni Illie na nahihirapang magsalita dahil sa pagsasakal ng katawan ni Bea sa kanya. "Ba't mo to ginagawa..... sa akin...?" Dagdag niya habang ginagawa ang makakaya mabitawan lang siya sa pagsasakal ni Bea. "Ikaw ang pumatay sa akin, Illie!" Sambit sa ulo ni Bea na may nagagalit na tinig. "Kaya kailangan mo ring mamatay!" "H-Hindi.... Ako ang pumatay sayo.... Bea..." Sabi niya na parang ilang segundo nalang at mawawalan na siya ng malay. Bigla nalang pumasok sina Sarah at Ara sa CR at dun nakita nila na nakahiga sa sahig si Illie at tinulungan naman nila ito. "Illie!" Tawag ni Ara habang pumunta siya kaagad kay Illie na parang nag alala. "Sarah! Tawagin mo ang ibang mga kaklase natin! Bilis!" Pautos niya. Nagmamadaling pumunta si Sarah sa kanilang room at sinabi ang nangyari. "Guys! Si Illie....." Nagsingtinginan sa kanya ang buong klase na parang nagtataka na may halong pag alala, At lahat ng kanyang mga kaklase ay nagsilabasan at pumunta kaagad sa Cr upang tingnan kung ano ang nangyari. "Guys! Tulungan niyo akong buhatin si Illie!" Wika ni Ara na nag aalala. Nagmatapang na pumasok ai Cristopher sa Girls Bathroom at binuhat si Illie sa kanyang mga kamay at bumalik sa kanilang classroom. "Anong nangyari?" Tanong ni Miss Donna na nag aalala. "Di po namin alam, Miss. Nakita nalang namin siya na nawalan ng malay at nakahiga sa sahig ng Cr pagpasok namin kanina." Sagot ni Ara. "Sige. Dito muna kayo, Pupunta muna ako sa clinic para manghingi ng tulong." Tugon ng guro sabay labas sa classroom. Pagkalabas ng kanilang guro ay biglang nagkagulo ang buong class. "Anong nangyari kay Illie?" Tanong ni V na nag alala. "Ba't siya nawalan ng malay?" "Hindi nga namin alam, Okay!" Pabagsak na sagot ni Sarah na parang nakukulitan. "Okay!" Sambit ni V sabay balik sa kanyang upuan. Maya-maya'y bumabalik na ang malay ni Illie at dahan dahan niyang binukas ang kanyang mga mata. "Huh?" Bulong niya. "SI BEA!!" Bigla nalang siyang napasigaw. "Gusto niya akong patayin! Sinakal niya ako!" Dagdag niya habang tumutulo na ang kanyang luha. "Gusto niya akong patayin! Gusto niya akong patayin!" Paulit ulit na sabi ni Illie habang nagwawala sa loob ng classroom nila. "Illie!" Tawag ni Ryle. "Kumalma ka!" Wika niya. "Paano ako makakalma kung ang kaluluwa ni Bea gusto akong patayin?! Huh?! Paano?!! Gusto niya akong patayin!" Habang patuloy siyang nagwawala sa loob. Nagsitayuan ang lahat ng kaklase nila baka mapahamak sila kasi binabato ni Illie ang mga bagay na makikita niya kahit saan sa kanyang pagwawala. "Illie! Mag ingat ka! Matatamaan mo mga kaklase natin!" Wika ni Rain na parang nag alala. "Wala na akong paki!" Pasigaw na sabi ni Illie habang hinagis ang phone ni Art na nasa teacher's table ng malakas sa sahig na nagdulot ng pagkabasag nito. Nagalit si Art sa nakita niya na parang kumukulo na ang kanyang dugo nung nakita niyang nabasag ang kanyang phone. "Tang'*na! Putchaa!" Sigaw niya habang pinupulot ang nabasag na phone. "Alam mo! Kung sino man yung killer na pumatay kay Bea..." At tumingin siya kay Illie na may mala demonyong mga mata na nagdulot ng pagtindig sa balahibo ni Illie. "Sana ikaw nalang yung pinatay at hindi siya! Nakakainis ka na talaga ha!" Sabay turo ng kanyang daliri kay Illie habang sinipa niya ang isang armchair sabay balik sa kanyang upuan. "Guys! Tama na!" Tahang wika ni Kai na sobrang nag alala kay Illie at sa mga kaklase niya. "Alam niyo, May gusto akong sabihin!" Sambit ni Jenny sabay tayo na nakuha ang atensiyon ng kanyang mga kaklase. "Ano yun, Jenny?" Tanong ni Carlos na parang nagtataka. "Hindi ko alam kung magiging masaya ako o magiging malungkot, Pero para sa akin, Masaya at komportable ako ngayon na wala na si Bea! Ayaw ko talaga sa babaeng yun to be honest lang! No offense ha? Pero sinabi ko lang ang gusto kong sabihin! Pero ang ayaw na ayaw ko sa lahat at ang ikinagalit ko ay bakit siya namatay ng walang dahilan?! I mean, Oo hate ko siya, Pero gusto ko na ako lang dapat ang papatay sa babaeng yun at hindi ang ibang tao! Yun lang!" Paliwanag niya at umupo pagkatapos. "Ano bang pinagsasabi mo, Jenny? So, Gusto mo pala na patay na si Bea?!" Galit na tanong ni Jordan. "Hindi dahil sa gusto ko, Pero dahil wala na siya, Ano pang magagawa ko?! Edi magsaya! Duh!" Sagot niya kasabay ikot sa kanyang mata. "Sana mamatay ka rin, Jenny!" Dagdag ni Jaymee sabay turo kay Jenny ng isang matulis na lapis. "Hindi ko rin gusto yang fake na attitude mo!" "Bakit mo ko tinuturo ng lapis, Jaymee?!" Sarcastic na tanong ni Jenny. "Siguro, Ikaw yung pumatay kay Bea no?" "Hindi ibig sabihin na tinuturuan kita ng lapis ay ako ang pumatay sa kay Bea! Ni hindi pa nga natin alam kung pinatay ba siya o nagpakamatay eh! Wag kang mambintang, Pwede kang makulong niyan!" Paliwanag ni Jaymee habang binaba niya ang kanyang lapis at umupo. "Teka! Kier, Diba nag-away kayo kahapon ni Bea? Baka may kinalaman ka sa nangyari sa kanya?" Tanong ni Mike na napatingin kay Kier. Tiningnan muna ni Kier ang mga mata ng kanyang mga kaklase na nakatingin sa kanya bago siya makasagot. "Oo! Meron kaming away kahapon pero nagbati naman kami pagkatapos non. Joke lang namin yun no, Ano ba kayo?!" Wika ni Kier sabay ngiti ng kakaiba na nanginginig ang boses sa kaba. "Guys stop! Wag tayong mambintang ng kahit sino sa atin dito!" Sambit ni Kai habang tinahan ang lahat. "Bakit Kai? May kinalaman ka ba ha?" Tanong ni Kenedy na napatingin siya kay Kai. "Baka naman ikaw yung pumatay kay Bea!" "H-Hindi ako!" Paputol na wika ni Kai na may halong kaba at nginig ang boses. "Hindi naman kase natin alam kung ano ang totoong nangyari sa pagkamatay ni Bea eh! Ang alam lang natin ay pinutol ni Bea ang kanyang ulo at nag suicide siya. Pero di pa natin alam kung totoo ba yun, Kailangan muna nating i-sure ang tunay na nangyari." Paliwanag niya. "May point si Kai!" Dagdag ni Jane. Sandaling nanahimik ang buong class at tumahan na rin si Illie sa kanyang pagwawala at umupo na siya sa kanyang upuan ng biglang nag ring ang lahat ng phones nila. At may nareceive ang lahat na isang message galing sa iba't-ibang numero, Pero iisa lang ang message na nakalagay. "1 Dead. 32 Left Alive!" Nanglaki ang mga mata ng lahat pagkabasa nila sa nareceived na message na nagdulot sa pagkatayo ng kanilang mga balahibo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD