Chapter 001: Bloody Knife

1662 Words
P.S. Mangmang pa po ako noong sinusulat ko ang kwentong ito. It was back in 2017 nung sinimulan ko ito kaya wag niyo saktan ang self ko noon. And this unedited by the way. Please I hope you enjoy reading this :> WARNING!! Amateur writer po ang nagsulat ng kwentong ito at expected na marami ang mga GRAMMAR ISSUES kesa sa typos at Wrong spellings. Sana'y hindi niyo siya tusukin ng mga mararahas na mga salita. Char lang! Yun lang po! Magbasa nalang ng tahimik at wag kang magbasa sa comments section. Salamat! ~~ Nagmamadaling sumakay si Kai sa elevator ng ito'y nagbukas dahil siya ay 30 minutes late na para sa first period, which is English pa naman na favorite subject niya. "5th floor lang po ako, Guard." Wika niya sa gwardiyang nagkokontrola sa elevator na sinasakyan niya. At tumango lang ang gwardiya sa kanya. Habang umaandar ang elevator patungo sa 5th floor kung saan ang classroom niya. Napansin niya na ang kanyang katabi sa elevator na nakasuot nang black hoodie ay may suot na ID ng kanilang school. Napatitig si Kai sa misteryosong taong katabi niya kasi di niya makita kung ano ang itsura nito dahil nakatakip ang hoodie nito sa kanyang mukha. Titig na titig parin siya nito at napansin niya na hinawakan nito ng maagi ang kanyang bag na parang may tinatago. "Ano kaya laman sa kanyang bag?" Natanong niya sa kanyang isipan na parang hindi niya na napapansin na nasa 5th floor na pala siya at tinatawag na siya ng guard para bumaba na sa elevator. "Hoy!" Sinorpresa siya ng guard habang tinapik ang kanyang balikat. "Ay anak ng tiyanak!" Napagulat si Kai habang namalayan na niya na nasa 5th floor na siya. "Anong anak ng tiyanak ka diyan?! Anyway, Kanina pa kita tinatawag bata, Pero parang nagbibingi bingihan ka eh!" Sambit ng guard sa kanya. "Pasensiya na po at salamat!" Sabi niya habang nagmamadaling lumabas sa elevator. Pagkalabas niya sa elevator, Tumakbo agad siya ng mabilis patungo sa kanyang classroom. Ng palapit na siya ng palapit sa classroom, Dun nakita niya ang kanilang English Teacher na si "Miss Donna" na busy sa pagdidiscuss sa harapan. "Pasensiya po late ako!" Wika niya sabay yuko ng kanyang ulo at tila nadistorbo niya ang pagleleksiyon ng kanyang guro. "You're 30 mins late!" Sabi ni Miss Donna. "Saan ka ba galing? Ba't ka ba late?" Tanong niya nito. "Traffic po kasi, Miss eh. Sorry po." Wika niya habang tiningnan sa mukha ang kanilang guro. "Anong traffic? May dorm na nga kayo tapos may traffic pa?! Anong klaseng rason yan?! Pakita nga ng ID mo." Wika ng guro na nais makita ang kanyang ID. "Heto po..." Wika niya ng mahinhin sabay pakita ng kanyang ID. "Last warning mo na eto, Llaneta! Maliwanag ba?" Pakompirma ng guro. "Opo, Miss.." Tumango lang siya. "Sige, Umupo ka na sa upuan mo." Utos ng kanyang guro habang bumalik ang konsetrasyon nito sa pagleleksiyon. Ng umupo si Kai sa kanyang upuan, Guminhawa siya ng malalim na parang may dala na kaba at saya. "Ba't ka naman kasi nagpalate?" Pahinang tanong ni Andy na katabi niya. "Eh, Traffic nga eh. Marami kasing naglalakad sa daanan eh." Sabi niya. "Uii makinig kayo, Mamaya na kayo mag usap, Baka mapagalitan pa tayo ni Miss niyan!" Pabulong na sabi ni Jane na katabi ni Andy. Biglang napatango lang ang dalawa at nakinig na sa leksiyon ng kanilang guro. ~~~~~~~After First Period~~~~~~~ Pagkatapos ng kanilang First Period, Kanya kanya ng gawa ng bagay bagay ang lahat ng mga tao sa Class. Ang iba pumunta sa canteen para kumain, Ang iba nagsilabasan, At ang iba din ay nagdrawing, nag kekwentuhan at iba pa. "Illie, Samahan mo nga ako sa CR. Naiihi kasi ako eh." Pakiusap na sabi ni Bea sabay hawak sa kamay ni Illie papuntang Girls Bathroom. "Sasamahan naman kita eh. Wag mo naman akong hilahin ng todo, Bea." Pa upset na sabi ni Illie. Pagpasok ng dalawa sa CR, Biglang may nahulog na kutsilyo galing sa itaas na may dugo pa. "Bea, Mag ingat ka!" Alalang sambit ni Illie sabay hila sa uniform ni Bea palabas ng CR. "Aray ko!" Wika ni Bea habang napaupo silang dalawa ni Illie sa sahig. Napansin sila ng ibang mga kaklase nila at agad naman silang pinuntahan para tulungang makatayo. "Uii, Anong nangyari?" Tanong ni Kenedy habang tinutulungan si Bea. "Okay ka lang ba?" Pag-alalang dagdag ni Aren habang tunutulungan si Illie na makatayo. "Oo, Okay lang ako!" Wika ni Illie. "Ano bang nangyari sa inyo at nadapa kayo sa sahig?" Tanong ni Kenedy na sobrang alala. "May nahulog kasi na duguang kutsilyo sa itaas ng CR kaya ayun hinila ko si Bea palabas para di siya matamaan." Eksplenadong sabi ni Illie. "Anong duguang kutsilyo?" Tanong ni Aren na parang hindi naintindihan ang sinabi ni Illie. "May kutsilyo nga oh-" Paputol na sambit ni Bea sabay turo sa sahig ng CR para makita nila Kenedy at Aren ang sinasabi nilang kutsilyo, Pero ito'y nawala na. "Huh? Saan? Mukhang namamalikmata lang ata kayong dalawa eh!" Sambit ni Aren na napakamot sa kanyang ulo. "Parang nga! Eh wala naman kasing kutsilyong nahuhulog mula sa itaas eh, Imposible kaya non! At isa pa, Bawal magdala ng mga matutulis na mga bagay dito sa school natin no, kaya nga palaging chinecheck bag natin tuwing papasok tayo dito diba." Karagdagang sabi ni Kenedy. "Ewan ko! Baka nga namamalikmata lang tayo!" Naguguluhang wika ni Illie habang napatingin kay Bea. "Siguro." Pa hindi sigurong sagot ni Bea. At pagkatapos non ay pumasok na sina Bea at Illie sa CR para umihi. Sa classroom naman nila na dun makikita sina Jaymee at Aya na nagdadrawing ng mga Original Characters nila sa kanilang mga sketchpad ay biglang napansin nila ang duguang kutsilyo na nakasabit sa ibabaw ng board nila. "Nakikita mo ba nakikita ko?" Pasiguradong tanong ni Jaymee kay Aya habang inaayos ang kanyang eyeglasses para manigurado sa kanyang nakita. "Oo nakikita ko." Sagot ni Aya na nagtataka. "Bakit parang walang nakakapansin?" Ang katabi ni Jaymee ay si Annie at bigla niya itong tinapik sa balikat at napalingon ito sa kanya. "Bakit Jaymee?" Tanong ni Annie. "Nakikita mo ba yun?" Turo ni Jaymee sa board. "Ang alin?" Takang tanong niya. "Yun oh-" Naputol ni Jaymee ang kanyang dapat isagot nung nakita niya na wala na ang nakasabit na duguang kutsilyo sa ibabaw ng board. "Teka! Saan yun nagpunta?" "Ewan ko!" Nagugulohang sagot ni Aya. "Bigla nalang nawala eh." "Ano bang pinagsasabi niyo?" Mausisang tanong ni Annie habang nakatingin siya sa dalawa. "Ahh wala joke lang, never mind mo nalang yun." Wika ni Jaymee na dinaan nalang sa tawa. "Okay! Akala ko ano na." Sagot ni Annie habang patuloy na nag scroll up and down sa kanyang newsfeed tumitingin ng K-pop group gamit ang kanyang phone. Sina Jaymee at Aya naman ay parang na weirdohan sa kanilang nakita kanina at di nalang nila ito pinansin at bumalik nalang sa kanilang ginagawa. Laking gulat naman nina Joshua at Arvie na naglalaro ng chess nung napansin nila na may dalang duguang kutsilyo ang paparating na si Jessie. "Jessie, Ba't ka may dala niyan?" Kinakabahang tanong ni Joshua. "Bitawan mo yan! Makakasakit ka ng ibang tao niyan!" Takot na sabi ni Arvie. "Ang alin?" Sambit ni Jessie. "Yang dala mong Kut-" Napaputol si Arvie sa kanyang gustong isagot nung nakita niyang walang dalang kutsilyo si Jessie. "Teka!" Napapigil si Joshua at tumayo. "Diba may dala kang kutsilyo, Jessie?" Tanong niya. "Huh? Wala no! Bakit naman ako magdadala ng kutsilyo dito sa school natin? Bawal kaya yun!" Sambit niya. Habang nagtataka sina Joshua at Arvie, Hindi nalang nila pinansin yun at pinagpatuloy na lamang nila ang paglalaro ng chess. Habang sina Kai, Jane at Andy naman na papunta sa Canteen ay nakasulubong ang naka hoodie na tao na nakasabay ni Kai sa elevator. "Siya yun!" Sambit ni Kai na napaturo sa naka hoodie na tao. "Huh? Sino?" Takang tanong ni Jane habang napatingin kay Kai. "Yung weird na tao na nakasabay ko sa elevator kanina na nakahood!" Sagot niya sabay tingin kay Jane. "Pero wala namang tao na nakahood dito!" Wika ni Andy na napatingin kay Kai. "Eh andun lang naman-" Bigla niyang naputol nang makita niya na wala na ang taong nakahood sa kinatatayuan nito. "Eh? Ang weird naman." Dagdag niya sabay kamot sa kanyang ulo. At pinagpatuloy nalang nila ang pagpunta sa canteen. ~~~ Pagkatapos ng kanilang last period, which is Social Science class ay nagsiuwian na silang lahat. Si Bea na naiihi na naman ay pumunta muli sa CR. Habang inaantay nila Ryle, Annie, Jaymee at Kenedy si Bea sa labas ng CR ay bigla nilang narinig ang sigaw nito na napakalakas. "Ahhhhhh!!" Nakuha ang atensiyon ng ibang mga tao at estudyante sa pagsigaw nito kaya pumasok si Annie na nagmamadali dahil sa kanyang pag alala kay Bea sa CR. Sa pagpasok niya, Doon nakita niya sa sahig ng 3rd Cubicle ng CR na maraming dugo na gumagapang palabas na naging dahilan para manlaki ang kanyang mga mata. "Bea!" Tawag niya na may halong kaba at takot sabay punta sa 3rd Cubicle at pagbukas niya sa pinto ay nakita niya dun ang katawan ni Bea na nakaupo na sa sahig na duguan ang uniform nito habang ang ulo ay humiwalay sa katawan at nilagay sa loob ng bowl. "Ahhhhhhhh!!!!" Napasigaw ng malakas si Annie na naging dahilan sa pilit na pagpasok nila Ryle sa Girls Bathroom at nabigla sila sa kanilang nakita na naging dahilan din sa panglaki ng kanilang mga mata. "Anong nangyari?!" Tanong ni Jaymee habang nagmamadaling pumunta kay Annie. "Ba't ang daming dugo dito?!" Tanong niya ulit na may halong kaba at takot. Napatakip ng bibig si Kenedy dahil parang nasusuka ito sa kanyang nakita na tila ba nandidiri ito sa takot. Doon nakita din nila na may dalang kutsilyo ang kanang kamay ni Bea. "Ngayon,simulan na natin ang laro." Sambit ng isang boses na animo'y ngumingisi ng nakakatakot na mala demonyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD