Chapter 006: The Answer

1833 Words
Kai's POV Tumunog na ang alarm ng phone ko, Kaya dali-dali akong bumangon sa higaan ko at inayos ang aking higaan. Tiningnan ko ang Phone ko para icheck kung meron na namang message na galing sa Class Murderer. Hindi ko man inaamin, Pero sa totoo lang, Takot na takot na talaga ako sa mga susunod na mga mangyayari sa amin. Bigla kong naalala ang bugtong na binigay sa amin ng Class Murderer at napaisip ako kung ano ang sagot sa bugtong na yun, Pero kahit ano pang isip ko ay wala talaga akong ideya kung anong ibig sabihin nun'. Dali-dali kong binuksan ang Messenger App ko at ichinat si Jane na nagsabi na siya ang hahanap na sagot sa bugtong. Pagkabukas ko palang sa Messenger ay agad na nagchat sa akin si Jane ng una. Coincidence right? At binuksan ko ito. Jane: "Alam ko na ang sagot sa bugtong! I'll explain it later in class. See you there! Dalian mo mamaya bago pa mahuli ang lahat!" Natuwa ako sa ichinat niya sa akin na alam na niya ang sagot sa bugtong. Pero kabado naman ako nung may karugtong sa sinabi niya na bago pa mahuli ang lahat. Hindi ko naiintindihan ibig niyang sabihin. Baka may masamang mangyayari..? Nag likezone lang ako sa kanya as my reply at inilagay ko na ang phone ko sa ibabaw ng drawer ko sabay kuha sa dilaw na tuwalya ko at agad na pumunta sa shower room para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagtoothbrush nalang muna ako dahil wala na akong oras para kumain ng breakfast ko kasi baka malate na naman ako nito at baka mapagalitan na naman ako nito. Agad-agad akong nagbihis sa uniform ko at tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. At agad kong kinuha ang ID ko at sinuot ito at kahit hindi pa naaayos ang buhok ko ay pinabayaan ko nalang ko ito, Kasi I let the wind decide what my hairstyle wants. Anyway, Nagmamadali akong lumabas sa dorm room ko at ini-lock ang pinto. Habang naglalakad ako palabas sa dorm building ko ay may naramdaman akong kaba na para bang hindi ako mapakali. My heart beats fast nervously. Ewan ko ba, At napaisip lang ako sa mga sasabihin ni Jane sa amin mamaya. Dahil what if kung meron talagang masamang mangyayari? Kailangan ko talagang marinig ang sagot sa bugtong na yun kay Jane. Nakalabas na ako sa Dorm Building at naglakad ako ng mabilis papuntang school namin. Kasi kahit dorm school tong paaralan namin ay may kalayuan din ang Dorms at ang School. Kaya, Habang patuloy ako naglalakad, May nakita akong isang pulang notebook sa daan. "Kay Jordan to ah!" Sabay pulot sa notebook. "Ba't to nandito?" Pagtataka ko habang palingon lingon ako sa paligid ko. Bigla na namang tumibok ng mabilis ang puso ko sa takot at kaba pagkakita ko sa notebook ni Jordan. Ewan ko ba kung bakit. "Pero baka nahulog lang niya ito habang papunta siya sa school at di na niya napansin." Pag-iisip ko. Pagkadating ko sa labas ng classroom namin ay rinig ko na ang boses ng mga kaklase ko sa loob na para bang may pinagkakaguluhan. Dali-dali kong binuksan ang pinto kasi baka may nag-aaway na naman sa loob, Pero pagkapasok ko ay nagkakagulo silang lahat sa isang bagay na nakapatong sa Teacher's Table. Hindi ko to makita dahil sila ay nakaharang. "Oyy, Guys! Andiyan na si Kai!" Sigaw ni V na para bang nagulat na kinuha ang atensyon ng iba. Napatingin ang lahat ng kaklase ko sa akin ng para bang nagtataka at para bang kunti na lang at matutunaw na ako sa mga titig nila. "B-Ba't kayo nakatitig sa akin? May ginawa ba ako?" Pagtatakang tanong ko sa kanila. Nakita ko agad na kinuha ni Ryle ang bagay na nasa teacher's table at inabot sakin ito. "Video Camera?.." "Nakasabi kasi dito na dapat i-open mo ang Video Camera." Wika niya na may tinuro na papel na nakadikit sa teacher's table. "At dapat ikaw lang! Hindi pwede ang iba." Binasa ko ang nasa Papel na nakadikit sa teacher's table. "Para kay Kai na palaging late, Buksan mo ang Video Camera pagdating mo, At tanging ikaw lang ang pwede na magbukas nito kung gusto mo pang maligtas ang mga kaibigan mo. Pero bago mo buksan, Kailangan niyo munang sagutan ang bugtong. Sumunod kayo sa rules, Para di maghihirap ng sobra ang isa sa mga kaklase niyo. -Class Murderer ♡" "Ano to?" Napatigil hininga ako sa nabasa ko. "Sinong kaklase tinutukoy niya?" Tanong ko sabay tingin sa mga kaklase ko habang kinakabahan. "Sagutan na natin yung bugtong! Dun lang natin malalaman kung sino ang tinutukoy ng Class Murderer na yun!" Paanyaya ni Kenedy. Napatingin ako kay Jane at napatingin din siya sa akin at tumango sa kanyang ulo. "So, Sa sagot sa bugtong na binigay sa atin ng Class Murderer is too easy, Pero mahirap siya talaga kung di mo i-analyze ang ibig sabihin ng bugtong!" Sabi niya na napatayo sa kanyang upuan at tumayo sa harapan ng lahat. "So if you just analyze it...." Pumunta siya sa white board at kumuha ng Marker para isulat ang bugtong. "January 1, October 4, April 3, December 1, August 1, November 1" "So, Kung titignan niyo ng maigi, Aakalain niyong simpleng dates lang yan." Panimula niya. "So, Ano yan? Ano ibig sabihin niyan?" Tanong ni Sarah na napakameywang. Dumiritso sa pagpapaliwanag si Jane na parang detective talaga siya, Kasi naintindihan ko lahat ng mga sinabi niya. Napabilib niya ako. "When I analyzed the riddle last night, I knew that this riddle is as easy as pie! Kadalasan ito yung mga clue ng mga suspects kung sino sila sa mga crime scenes. At ang bugtong na ito'y tumutukoy sa pangalan sa isa nating classmate na sigurado akong papatayin sunod ng Class Murderer!" Sabi niya ng seryosohan sa amin. "Pangalan? Pa'no?!" Tanong ng naguguluhang si Illie. Ba't pa ba siya nagtanong, Di ba siya nakinig sa paliwanag ni Jane? Haysst.. Talaga naman! Kahit na nakikita sa mukha ni Jane na naiinis siya sa mga tanong ng ibang mga kaklase namin ay pinilit pa rin niya ang kanyang sarili para ipaliwanag sa buong klase. Para ma gets nila! Ba't di pa ba nila nagets? Gets ko na eh! "Didiritso ko nalang kayo, Ang sagot sa bugtong na ito ay-" Putol niya. "Jordan! Si Jordan ang sagot sa bugtong, Diba?" Wika ko na nagpapasigurado sa aking nabanggit na sagot. "Oo tama ka, Kai!" Tugon niya sa akin. "Gaya ng sinabi ko, Pangalan ng isa sa mga kaklase natin ang sagot. Kasi pag sinabing January 1, Ibig sabihin non' ay first letter ng January, October 4 ay ang pang-apat na letter ng October at ganun din sa ibang dates na ibinigay." Napanganga ang mga kaklase ko sa narinig nila na medyo napabilib din, Pero hindi to ang panahon para magsaya kami, Kailangan ko nang buksan ang Video Camera, para makita na namin kung ano ang gustong ipahiwatig sa amin ng Class Murderer. ~~~~~~ Jordan's POV Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko para tingnan kung nasaan ako naroroon. Nung nagkamalay na ako at linaw na linaw na ang mga mata ko para makita kung anong nasa paligid ay agad kong nilibot ang paninigin ko. Nasa isang madilim ako na lugar na may isang ilaw na nasa ibabaw ng kesame pero hindi pa rin yun sapat para makita ko ng buo ang paligid ko. Sobrang dilim talaga at nasa akin lang nakatutok ang ilaw. Pinilit kong tumayo sa upuan na kinauupuan ko pero hindi ko magawa kasi nakatali yung mga kamay ko sa likod ng upuan, At yung mga paa ko naman ay itinali din. Pinilit ko ring magsalita, Pero may nakatakip na tape sa bibig ko. "Saan ba ako?!" Bigla akong nakarinig ng palakpak sa gilid ko at nilingon ko ito at doon ko nakita yung taong nakamaskara na may suot na pitch black na tela na abot tuhod. Siya yung taong humampas ng dos por dos sa akin diba? "Oh, Gising ka na pala?" Panimula niya habang lumapit siya sa akin sabay tanggal sa tape na nakatakip sa bibig ko. "Handa ka na ba sa iyong kamatayan?" Pang-aasar niya sa akin habang hawak hawak ang dos por dos na ginamit niya paghatak sa ulo ko. "Sino ka ba ha?!" Sigaw ko sa kanya habang kumikilos ng marahas sa kinauupuan ko iniisip na matatanggal ang lubid na nakatali sa mga kamay ko. "Di mo ba alam na nagbibintangan na ang buong klase dahil sa pinagagawa mo?!" "Alam ko!" Sagot niya na para bang seryoso siya sa kanyang sinabi. "Eh, Classmate niyo kasi ako, Kaya alam ko!" Habang paikot-ikot siya sa upuan kung saan ako itinali. "Ano ba ang gusto mo ha?!" Sigaw ko muli sa kanya na may halong kaba at takot, Pero di ko na ito pinansin, Kasi ngayon, Gusto ko nang tumakas kung saan man ako dinala ng mokong na to'. "Wala kaming ginawa na masama sayo!" Dagdag ko. Huminto siya sa pag-ikot sa upuan at tiningnan niya ako gamit ang kanyang mala demonyong maskara. "Wala nga ba?" Bulong niya sabay tawa ng mahina pero nakakakilabot. "Inosenteng-inosente! Wala daw ginawa? Lokohin mo aso namin, Baka yun maloko mo!" Dagdag niya pa na sobra na talaga ang pang-aasar niya sakin. Ibinaling niya ang pagtingin sa akin at tumalikod ito sa akin at naglakad siya papunta sa isang madilim na sulok. Di ko masyadong nakikita, Pero kitang-kita ko na may kinuha siyang something. Parang isang water gallon? Nang palapit na siya sa maliwanag, Nabigla ako sa nakita ko dahil hindi tubig ang nakalagay sa water gallon na bitbit niya. Gas? "Mukhang alam mo na mangyayari sayo ah!" Napatawa ang gago habang tumayo muna siya sa harapan ko. "Pero bago mangyari ang kinatatakutan mo, Dapat mo munang aminin ang nagawa mo noon. Diba may ginawa ka na di nalalaman ng iba?" Nabigla ako sa sinabi niya. Pagkarinig ko lang sa mga katagang yun ay tumibok ng malakas ang puso ko sa kaba at takot na naghahalo sa buong katawan ko. Nanginginig ako sa kinauupuan ko at kitang kita ito. Paano niya nalaman? "Oh, Ba't ka nanginginig?" Wika niya. "Siguro, Natatakot kang aminin ano?!" Tumawa siya ng malakas. "Sabi ko na nga ba eh!" Nilagay niya muna ang gallon na may gas na laman sa harapan ko at pumunta na naman siya sa madilim na sulok at kinuha ang isang mesa na inayos niya na parang nakaharap sa akin. Akala ko yun lang yun, Pero may iba pa siyang kinuha. Isang Video Camera at ipinatong niya ito sa mesa at itinutok yung lens ng camera sa akin. "Yan! At maayos na ang preparasyon sa lahat!" Sabi pa niya na para bang sobra siyang natutuwa. "Ngayon, Sabihin mo ang nagawa mong sala, Sa pagtingin sa video camera na ito, Aminin mo lahat!" Pag-uutos niya sa akin na pinepwersa niya talaga ako. Napatulo lang ang mga luha ko at nararamdaman na dumadaloy na ito sa mga pisngi ko. Siguro, Kailangan ko nang aminin lahat bago ako mamatay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD