Chapter 007: Confession

2052 Words
Jordan's POV Ilang saglit lang ay kinuha ng nakamaskarang Class Murderer ang gallon na may gas na iniwan niya sa sahig sa harapan ko, Binuksan niya ito at ibinuhos sa aking katawan, Mula ulo hanggang paa, Basta, Sa buong katawan ko ibinuhos niya at nagbuhos din siya ng kunti sa sahig. Pinalibot niya ang pagbuhos ng gas sa akin ng pabilog. Mukha alam ko na talagang gustong gawin niya. Susunogin niya ako? "Oh yan! At nakaligo ka na din!" Pabirong wika niya at lumakad pabalik sa mesa at tumayo katabi nito. "Ngayon, Aminin mo na ang salang nagawa mo noon bago ka dalhin sa impyerno ng mga magbabagang apoy mamaya!" Dagdag pa niya na nagdulot ng sobrang pagkainis ko. "Sunogin mo nalang ako! Gago ka!" Sigaw ko sa kanya na sobrang galit na galit. "Wala akong aaminin na kahit ano sayo!" Dagdag ko pa na napatingin ang mga mata ko sa sahig na para bang may gusto akong lubayan. "Ahh, Kung ayaw mong sabihin, Edi ihanda mo na sarili mo dahil sa mga sandaling ito ay pupunta ka na sa impyerno kasama ang mga nagbabagang apoy!" Sambit pa niya na parang nananakot sa akin habang kumuha siya ng posporo sa bulsa ng kanyang pantalon sa ilalim ng maitim na tela na suot niya. "Uulitin ko, Aamin mo ba ang sala na nagawa mo? O hindi?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya at patuloy na tumingin lang sa sahig. Bahala na kung ano mangyari sakin, Bahala na kung susunogin pa niya ako, Basta kung sa impyerno man ako ilagay, Edi sa impyerno! Paki ko? "Ahh kung ayaw mo, Edi simulan na natin ang pag Video sayo kung paano ka mamatay!" Sabi niya na sabay pa nito ay tumawa siya ng malakas na parang demonyo talaga na tawa at kita ko na sinimulan niya ng mag-video sa akin. "Sinimulan ko ng mag-record ng video sa'yo! Tutal, Hindi mo naman aaminin ang nagawa mong pagkakasala, So, wag na nating ipatagal pa ang palabas!" Dagdag pa niya sabay kuha ng isang stick ng posporo at hinanda niya ng sindihan ito. Natatakot ako ngayon, Sa totoo lang. Pero wala na talaga akong paki. Nagsimula na akong pagpawisan sa takot at kaba at tumulo na ang mga ito sa sahig. ~~"Kahit isakripisyo ko pa yung buhay ko, Basta di ako susuko, Maalam ko lang kung sino ang Class Murderer!"~~ Naalala ko bigla yung sinabi ni Kai na lulutusin niya ang lahat ng ito, Hindi man matibay pinagsasabi niya dahil alam kong baka sa mga oras na ito, Ay siya na ang isusunod sa gagong class murderer na to, Pero may tiwala ako sa kanya na kaya niya talagang lutasin lahat ng ito hangga't maaga pa! Sisindihan na dapat niya ang posporong hawak niya pero pinigilan ko siya. "Teka!!" Sigaw ko na inangat ang ulo ko sa pagkakayuko sabay tingin sa kanya. "Wag mo munang ituloy kung ano man ang gagawin mo!" Dagdag ko pa na naiinis nang tiningnan ko ang maskara niya. "Ayan! Sasabihin mo na sala mo? Yan gusto ko! Sige! Patuloy mo!" Nakuha pa niyang mang-asar sa akin habang nilagay ang posporo sa ibabaw ng mesa. Kahit takot at kaba man ang naghahari sa kalooban ko ay hindi ko pinansin ito at tumingin nalang ako sa Video Camera ng taas noo at nagsimula ng magsalita. Kahit nahihirapan ako dahil sa nakatali ang kamay at paa ko ay nagsalita na ako. Aaminin ko na ang lahat... "Sa lahat ng makakapanood sa videong ito, Sana ay wag kayong mandiri sa akin... May aaminin ako sa inyo... May nagawa akong hindi tama, Nagkasala ako." 2 years ago Nandito kami sa park kasama ang girlfriend ko at nakaupo kami dito sa isang bench kung saan kami palagi nagtatambay tuwing kami lang dalawa. Parang ito na nga yung special place para sa amin eh. "Yes! Malapit na tayong mag 1 year, babe!" Sabi ko sa girlfriend ko habang hawak-hawak ang kanyang malalambot na mga kamay. "Stay strong sa ating dalawa." Kitang-kita ang galak na ekspresyon sa aking mukha habang sinabi ko ang mga katagang yun sa kanya. "Babe...." Bulong niya at binitawan ang mga kamay kong nakahawak sa mga kamay niya at tinignan niya ako sa mata na may dalang pag-aalala sa kanyang mukha. "Hindi pwede to... Baka malaman to ng mga Parents natin. Sigurado akong di nila aaprobahan ang tungkol sa atin, Kasi di pwede to..." Dagdag niya at napakagat ako sa labi ko sabay kamot sa ulo ko. "Di nila malalaman. Pangako ko yan sayo! Wag kang mag-alala." Pakalmang sabi ko sa kanya at ipinilit ko ang sarili ko na ngumiti para mawala ang pagkabado niya. You see, 11 months na kaming on ng Girlfriend ko at sa paparating na 26 ngayong buwan ng desyembre ay magwa-1 year na kami. Excited na nga ako eh. Excited na akong isorpresa na naman siya ng mga pink roses at isaw dahil favorite niya yun. Di siya maarte, Di katulad ng ibang mga babae na gusto ng bonggang sorpresa at minsan dedemand pa ng mamahaling bagay. Anyway, Wala na akong paki sa iba, Dahil sapat na akong kasama siya. Pero may isang bagay na kinatatakutan ko, At yun ang baka malaman ng mga parents namin na "Kami" ng Girlfriend ko. Alam ko namang bawal eh, Pero mahal namin ang isa't-isa eh kaya ganun. Okay, Fast forward.... Okay, Heto na! Monthsary na namin at magwa-1 year na kami, Talagang di ako mapakali ngayon sa nararamdaman ko, Gusto ko talagang tumalon sa saya na nararamdaman ko ngayon! Isinelebrate namin ang aming pang 1 year monthsary sa 2nd special place namin, Dito sa itaas ng bundok kung saan makikita namin ang mga nagniningningang mga stars. Kami lang dalawa nagcelebrate sa aming pang 1 year monthsary, Kasi bawal ipaalam sa iba eh. Nakatuxedo ako sa mga panahong yun at siya naman ay nagsuot ng pink na dress na may rose na disenyo sa dibdiban dito. Sobrang ganda talaga sa gabing ito. I mean, Maganda naman talaga siya, Pero ngayon, Sobrang ganda talaga niya. "Happy 1 year monthsary, Babe!" Bati ko sa kanya sabay inaabot ko ang aking mga kamay sa kanya at yumuko na para bang isang prinsipe. "Happy 1 year monthsary din babe!" Sabi niya ng may ngiti sa labi at inabot ang kamay ko. Humiga kami sa picnic cloth na prinepare ko kanina lamang at tiningnan naming dalawa ang makikinang at kumikislap na mga bituin na nasa langit. "Ikaw na siguro yung pinakamagandang falling star na nakuha ko, Babe!" Sabi ko na nakatingin sa kanya. Nginitian lang niya ako sa pinakamatamis niyang ngiti at sinabi. "Binibiro mo naman ako eh!" Tumawa siya ng kunti na nagdulot ng pamumula ng pisngi ko dahil sa kilig. "Pero... Di talaga pwede to eh... Patagal ng Patagal, Baka malaman to ng Parents natin.." Bumalik ang pagkaalala niya habang tinitigan niya ako sa kanyang maluluhang mga mata. Talagang hindi namin matatago ang relasyon naming dalawa, Nag-aalala na nga ako baka malaman na to ng mga parents namin eh.. Pero.. Ayaw ko talagang mawala siya sa buhay ko... Siya ang mundo ko at sa kanya lang talaga... "Diba, Sabi ko naman sayo na wag kang mag-alala?" Tumayo ako sa pagkakahiga at umupo nalang. "Diba nangako ako sayo na di nila malalaman ang tungkol sa atin? Kaya wag kang mag-alala." Nginitian ko siya sabay halik sa kanyang noo. Ngumiti lang siya bilang sagot niya sa sinabi ko, Pero kita pa rin ang pagkabado sa mukha niya. ~~ Di ko namalayan na sa bahay pala ako nila nakatulog, Pagkagising ko ay katabi na kami sa kanyang kama ng.... Nakahubad? Teka? May nangyari ba samin kagabi? Hindi pwede to! Baka talaga may nangyari? Bigla akong nakarinig na may kumatok sa pintoan sa labas ng kwarto ng Girlfriend ko. "Anak, Umaga na, Gising ka na ba?" Tawag sa kanya ng kanyang Mama. Patay! Si Tita ang kumatok! Paano to? Gigisingin ko kaya siya? Pero ang himbing ng tulog niya. Para na talaga akong natataranta kung ano na ang gagawin ko ngayon! "Anak! Mahuhuli ka na sa klase mo! Gising na!" Tugon muli ni Tita na parang pinipilit na buksan ang doorknob ng kwarto niya pero mabuti nalang at nakalock ito, Dahil kung hindi, Baka mabisto kami nito. Nagising na ang Gf ko dahil sa kakatawag sa kanya ni Tita at nagulat siya sa lahat ng kanyang nakita na kaming dalawa ay nakahubad ng pareho at tanging ang kanyang kumot lang ang nagsilbing takip sa pribadong parte ng aming katawan. "Gising na po ako, Ma!" Tugon niya kay Tita. "Bilisan mo, Baka malate ka!" Paalala niya at pansing umalis na siya sa labas ng pintoan ng kwarto ng Gf ko. "Totoo ba to? May nangyari ba?" Pagtatakang tanong niya sa akin. "Sagutin mo ako, Jordan! May nangyari ba sa ating dalawa?!" Wala talaga akong natandaan kung anong nangyari kagabi at bakit nandito na ako dito sa kama niya at sa bahay pa mismo nila. "Wala akong maalala, Babe... Di ko talaga matandaan...." Paliwanag ko sa kanya. Huminga lang siya ng malalim at tumayo na sa higaan. Gustohin ko mang makita ang pribado niya ay rumespeto nalang ako at tumalikod ako at humarap sa pintuan niya at habang siyay nagsusuot ng kanyang damit. "Kailangan mo nang umalis dito baka makita ka pa nila Mama at Papa." Paalala niya sakin at lumabas na siya sa kwarto niya habang ako nalang ang naiwan sa kwarto niya ng nag-iisa at dali-daling nagbihis. ~~~ "Jordan!" Tawag niya sa akin na lumuluha ang kanyang mga mata na para bang gusto niyang umiyak. "Bakit, Babe?" "May sasabihin ako sayo!" Hinatak niya ang kamay ko papunta sa likod ng school namin at doon niya sinabi ang balitang nagpalaki sa mga mata ko. "Jordan, Buntis ako! At ikaw ang ama nito!" Sabi niya habang hinawak ang kanyang tiyan. Alam kong maliit pa ang tiyan niya, Pero parang hindi siya nagbibiro sa kanyang sinabi dahil muka talagang seryoso siya. "Paano yan ngayon?!" Habang kinamot ko ang ulo ko sa kainis. "Wag mong sabihin pananagutan ko yan?! Hindi pwede to!" Napasigaw ako sa kainis, Pero kahit ano pang inis ang gawin ko, Nangyari na ang lahat eh. Pero ayaw ko talaga to! Paano na to? "Pero paano na yan?! PINSAN TAYO! PINSAN!" Napalakas ko ang pagsigaw ko na kulang nalang para marinig ng lahat ang sinabi ko, Mabuti nalang at Soundproof yung mga classrooms. "Di naba pwedeng ipa abort mo yan?!" Dagdag ko pa. Pagkasabi ko sa kanya ng mga katagang iyon ay tumakbo siya palayo sa akin ng mabilis. At simula nang araw na yun' ay di na siya nagpakita sa akin, At bigla nalang nawala ang koneksiyon naming dalawa kasi ayaw na rin ng Mama at Papa niya na bumisita ako sa bahay nila. Ewan ko kung nalaman nila ang katotohanan saming dalawa. Nirelasyon ko ang Pinsan ko. Hanggang ngayon di ko na alam kong ano ng nangyari sa kanya..." ~~~ Sa pagtatapos kong iamin at isabi lahat ay tumulo na ang mga luha ko habang ako'y tumitingin sa Video Camera. Pero nang maamin ko lahat ng "pagkakasala" ko ay biglang gumaan ng kunti ang damdamin ko. Pinalakpakan ako ng gago at parang tuwang tuwa talaga siya sa kanyang narinig na inamin ko ang nagawa kong pagkakamali noon. "Magaling! Magaling!" Patuloy lang siya sa kanyang pagsasaya habang ako naghihirap na dito sa kinauupuan ko na nakatali pa rin ako. "Well, Dahil dun', May reward ka nang matatanggap! Baka ngayon ay mapupunta ka na sa langit niyan!" Pabiro pa niya na hindi naman talaga nakakatuwa. Inis na inis na talaga ako. At dun, Kinuha na niya ang posporo at sinindihan niya na ito. "Mamaalam ka na, Jordan!" Sabi niya at hinagis ang sinindihang posporo sa parte ng sahig na may gas na nilagyan niya. Nakikita ko na ang mga nagbabagang apoy na palapit na palapit sa akin. Gusto kong sumigaw pero wala na lang, Wala namang makakarinig sa akin eh. Hinanda ko na lang ang sarili ko ng ako'y masunog ng buhay na parang isang letchon. Umabot na ang apoy sa buong katawan ko at kinalbo na ang mga buhok ng ulo ko at habang ang gagong nakamaskara ay tumawa ng malakas sa kanyang ginawa. Nagbabaga na talaga ang apoy... Ang init... Ang init... Ganito pala ang feeling kung lulutuin ka.... Paalam na... Paalam.... At ako'y nasunog na talaga ng tuluyan at naging abo na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD