A/N: "Nangyari ito nung buhay pa si Bea at ito ang explanation sa Chapter 1"
Jenny's POV
"Jenny, Punta tayo sa cafeteria!" Painosenteng anyaya ni Bea na tumayo sa harapan ko. "Tara! Ililibre kita!" Dagdag pa niya at laking gulat ko ng bigla niyang hinatak ang aking kamay palabas ng classroom at naglakad patungo sa cafeteria. Kita ang saya sa kanyang mukha nung' sinamahan ko siya.
"Jenny, Ano gusto mo?" Tanong niya sa akin na may dala pang pangiti-ngiti. How plastic! Pftt.. Ginagawa lang naman niya to para mapagtakpan ang nagawa niyang kasalanan! Ako lang kasi yung nakakaalam sa ginawa niya noon eh! Di naman talaga niya ako kinakaibigan.
"Ahh, Kahit ano lang! Ikaw naman ang manlilibre sa akin eh!" Tugon ko sa kanya na sinabayan ko din ng pinakapeke kong ngiti na hindi namang halata na peke.
Bumili nalang siya ng dalawang banana cue para saming dalawa. How cheap! Pero, Okay lang libre niya naman eh, So whatever!
"Jenny oh!" Habang inaabot niya sa akin ang isang banana cue. "Salamat sa libre, Bea!" Wika ko sabay abot sa banana cue na kanyang inabot at ngumiti nalang ako. But fake.
Umupo kami sa isang table at kinain ang banana cue. "Ang sarap no?" Sabi niya sabay subo sa kanyang banana cue. "Oo nga eh.." Hindi ko man gusto pero kinain ko nalang, Kasi kahit kunting respeto maipakita ko sa kanya. Kahit fake lang!
Tatayo na sana kami sa table na inuupuan namin ng biglang dumating si Art at pabigla niyang hinampas ang table. "Oyy!!"
Nagulat kami sa paghampas niya na nagdulot ng pagtawa niya ng malakas sa amin na para bang natutuwa talaga siya. "Parang ganun lang, Nabigla na agad kayo?"
"Really, Art?!" Malakas na pagkakasabi ko na pumipinta ang simangot sa aking mukha. "Hahaha, Sorry na nga eh!" Dagdag pa niya na may dalang ngiti sa kanyang labi.
Ng nakita ko ang ngiti niya ay bigla nalang nawala ang pagkasimangot ko at nginitian nalang siya pabalik. Ewan ko ba? Pero sa t'wing nakikita ko siya na nakangiti, Ay napapangiti rin niya ako... Gusto ko na talaga si Art!
Pagkatapos niyang mag sorry ay tinabihan niya si Bea at inakbayan ito. Ayan na naman! Nakakairita at nakakainit talaga ng ulo yang si Bea! Palagi nalang siya ang atensyon ni Art! Grabe talaga ang kalandian ng babaeng yan! Maximum overload 100%! Ew! Such a b*tch! Selos na kung selos, Pero gusto ko talaga si Art, At ayaw ko talaga kay Bea, Landi landi talaga!
Kahit nagseselos ako sa dalawa na kulang nalang buhatin sila ng mga langgam dahil sa kakasweet nila ay umarte nalang ako ng hindi ako naapektuhan sa mga nakita ko. Agad namang tumabi si Aren sakin. Ang bestfriend ni Art. "Okay ka lang?" Tanong niya sakin na may ngiti sa kanyang labi na nakapinta. "Oo, Okay lang ako! Salamat sa pagtatanong!" Sagot ko at nginitian ko na lang din siya pabalik. Fake pa rin ang ngiti ko, Pero hindi katulad na ngiti pag si Bea ang kasama ko, Kasi kung fake ang ngiti ko ngayon, Mas fake pa talaga pag kasama ko siya!
"Bea, Punta tayo sa mall ngayong sabado. Okay lang ba?" Anyaya ni Art sa kanya na hinigpitan pa niya ang pagkaka-akbay sa malanding babaeng kaharap niya. "Okay lang sakin, Basta libre mo?" Tugon ni Bea na tumawa ng mahina pero dinig na dinig ko ito. Malandi na nga, Pabebe pa! Sobrang Pabebe!
"Ikaw Jenny? Gusto mong sumama?" Sambit sa akin ni Bea. "Hindi, Okay lang ako!" Naging tugon ko at nagsimula ng puminta sa labi ko ang pekeng ngiti na pag si Bea na ang kaharap ko. In short, Ayaw kong sumama dahil magmumukha lang akong tanga!
"Sige ha? Ngayong Sabado, 1:00 pm. Kita nalang tayo sa labas ng mall." Paalala ni Art sa kanya na may pa wink-wink pa. Hayst.. Kung alam mo lang Art... Gusto kita...
Tumango lang si Bea sa kanya na kahit di man makita ay pansin ko talaga na namumula siya. Sobrang landi talaga. Umalis na sila Art at Aren sa aming table at bumili na sila ng kanilang makakain sabay paalam sa amin.
Ilang sandali pa'y tumayo na kami sa inuupuan naming table at naglakad na pabalik sa classroom namin. Ang ingay niya habang naglalakad kami, Pero hindi lang ako kumibo at hinayaan ko lang si Bea na magsalita. Wala akong oras makipag-usap sa isang b*tch!
Pagkapasok namin ng classroom ay nakasimangot ako habang ako'y umupo sa aking armchair. Nakasimangot ako dahil nagseselos ako, Pero di ko ito pinapakita.
"Jenny, Okay ka lang?" Nabigla ako ng biglang lumapit sa akin si Kai at tinapik ang aking balikat. "Parang wala ka sa iyong sarili ah?"
"O-Okay lang ako! No worries!" Paputol kong sagot na sinabayan ko pa ng ngiti kong artificial. Ayaw ko lang talaga makausap mga kaklase ko for short. Sobra nilang ingay, Nakakabingi na sa tainga.
"Okay...." Pabulong ni Kai at bumalik sa kanyang upuan na nagbasa ng w*****d sa kanyang cellphone. Agad naman akong lumabas ng classroom ng dahil sa maiingay na mga bunganga nila. Umupo ako sa hagdanan sa labas ng room namin na patungo sa 6th floor at kinuha ang phone ko para maaliw ko ang aking sarili.
~~~
After class ay agad na akong naglakad patungo sa dorm ko.
"Gusto mo bang pumatay?"
Nabigla ako ng may magsalita sa likod ko habang akoy naglalakad papunta sa aking dorm. Napalingon naman ako sa likod at nakita ko ang isang tao na naka hood ng black. Hindi ko alam kung babae o lalaki ang nasa likod ng hood na black kasi halos ng natakpan ang mukha niya sa pagtatakip ng hood.
Tumindig yung mga balahibo ko nang may dinagdag pa siyang sinabi sa akin.
"Diba galit ka sa Bea na yun? Patayin mo na!"
Pa'no niya nalaman?.. Oo totoong galit nga ako kay Bea dahil sa pagkalandi ng babaeng yun, Pero hindi ko inisip na patayin siya. Ayaw ko kayang mapunta sa impyerno!
"Paano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya na may paghahalong kaba.
"Jenny, Jenny.. Kahit kailan, Ang dali dali mong basahin..." Wika niya at tumawa ng mahina na pero nakakatakot. "Heto oh.. Kunin mo to' kung sakaling magbago man ang isip ng utak mo, Wag kang mag-alala, Tutulungan naman kita!" Inabot niya sa akin ang isang matalim na kutsilyo na kinuha niya sa kanyang backpack. Paano siya nakapasok ng may dala-dalang kutsilyo sa kanyang bag? Diba bawal yun?
At hinagis niya ang kutsilyo sa lupa at tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo sa kinatatayuan ko. Kailangan ko bang gawin to? Para lang kay Art, Dapat ko bang gawin to?
~~~
Kinaumagahan ay pumasok na ako sa school, At dala ko yung kutsilyo na binigay ng misteryosong nakahood na tao kahapon. Inilagay ko siya sa isang secret parchment sa loob ng backpack ko para hindi mapansin ng guard sa entrance gate pag binuksan ko ito.
Hayy... Nakahinga ako ng malalim pagpasok ko sa school at success! Actually, Wala akong planong dalhin ug gamitin ang kutsilyong ito, Para lang pang self defense ko lang ito kung bakit ko to dinala. Duh! Baka anong mangyari sa akin!
Pagkadating ko sa classroom namin ay nakita ko na naman si Bea na nakikipaglandian kay Art! Malandi talaga! Nagngingitngit ang mga ngipin ko sa inis o selos nung nakita ko sila na nagyakapan. Pakshet! At dumiritso ako sa Cr.
Pumasok ako sa 3rd cubicle at doon tahimik akong umiyak sa sakit ng naramdaman ko. Bakit ko ba kailangang magalit? Wala naman akong karapatan!
Nilabas ko ang kutsilyo na nasa bag ko at puminta ang masamang ekspresyon sa mukha ko na para bang pinalitan ng isang demonyo na mukha na nilapit ang kutsilyo sa harapan ng mukha ko at tinitigan ito.
"Maghanda ka nang mamatay, Bea!"