Jilly's POV
Sumilip ako ng kaunti sa bintana ng dorm room ko at kitang-kita ko kung paano hampasin ng dos por dos na stick ang ulo ni Jordan sa isang nakamaskarang tao. Natakot ako sa nakita kong mga pangyayari, Lalo na nung' bumagsak sa lupa ang nakahandusay na katawan ni Jordan. Alam kong nawalan lang siya ng malay, Pero dumudugo yung ulo niya dahil sa lakas na pagkahampas ng dos por dos.
"How I love to do this everyday!" Rinig ko na sinabi iyon ng nakamaskarang tao na tumawa pa ng sobrang malakas. Nakakatakot ang tunog ng boses niyang tumatawa.
Gusto ko na talaga sanang tumakbo palabas sa dorm room ko upang manghingi ng tulong pero hindi ko magawa, Dahil yung mga paa ko, Hindi sila gumagalaw na para bang nakapako na sila dahil sa takot na nadarama ko.
Habang patuloy pa rin akong nakasilip dito sa likod ng kurtina ng bintana ko, Nakita kong binubuhat ng nakamaskarang tao si Jordan palabas sa gate ng dorms. Di ko alam kong saan niya dadalhin si Jordan, Pero alalang alala ako. Gusto ko na sanang lumabas pero natatakot akong baka bumalik yung nakamaskara at ako na naman ang hampasin niya ng dos por dos. Pero sa pagkakakita ko, Iniwanan niya ang dos por dos kung saan nagkawala ng malay si Jordan, Kung saan ang dugo ni Jordan... Teka... May naiwan pa ding isang bagay dun.... Isang notebook?...
Agad-agad akong bumaba sa dorm ko na nasa 3rd floor papunta sa ground floor. Minamasdan ko muna sa glass door kung nandiyan pa yung nakamaskarang tao, Nilibot ko ang paningin ko at sigurado na ako na wala na talaga yung taong nakamaskara dahil di ko na siya nakita.
Lumabas ako at dali-dali kong kinuha ang pulang notebook na nakahandusay sa daan. Binuksan ko ito, At nakita ko ang pangalan ni Jordan sa first page ng notebook.
"Jordan Kilokilo."
Binasa ko. Sa kanya pala to? At pagbukas ko sa ibang pages ng notebook ay wala namang kakaiba kung di puro mga letterings at drawings niya. Parang normal lang siya kung tawagin man. Tiningnan ko din ang dos por dos na hinampas kay Jordan kanina na nakahandusay din sa daan. Balak ko sanang kunin ito, Pero di ko nalang itinuloy kasi baki mapagbintangan ako sa pamamagitan ng pagcheck ng handprints nito.
Iniwan ko nalang na nakahandusay don ang Dos por dos na stick at tanging ang pulang notebook lang ang dinala ko pabalik sa dorm room ko.
Nag ring bigla yung phone ko at may isang mensahe akong natanggap galing kay Mama.
"Anak, Okay ka na ba diyan? Wala na ba ang lagnat mo? Bibisitahin ka namin diyan ng Papa mo bukas ng hapon para pumunta sa hospital at magpacheck-up."
Hindi man makita na nag-aalala siya, Pero ramdam ko na sobra talaga siyang nag-alala sa akin. Absent kasi ako ng one week dahil sa lagnat ko. Well, Okay na naman ako, Pero nahihilo pa rin ako sa t'wing naglalakad papunta sa campus. Hinahanap na din ako ng adviser namin na si "Miss Aede" dahil hindi ako nakapagbigay ng excuse letter o rason man lang sa kanya kung bakit absent ako.
Umupo ako sa kama ko na dala dala pa rin ang notebook sa kamay ko. Singpula talaga ng dugo ang kulay nito pero maganda naman siya.
Ng dahil sa lagnat ko, Di ko na alam ang nangyayari sa classroom namin ngayon, Pero ang tangi kong alam ay patay na si Bea ng dahil sa isang Class Murderer na kaklase lang namin. Pero wala pang nakakaalam kung sino. Kaya nga nung nakita ko yung nakasmakarang tao na humampas kay Jordan gamit ang Dos por dos ay nanginginig ako sa takot eh. Dahil baka yun ang Class Murderer?
Gusto ko sanang i-chat ang isa mga kaklase namin para malaman ang nangyari kay Jordan, Pero parang ayaw ng kamay kong gumalaw para ichat sila. Nanginig pa rin ako sa takot.
~~
Nakabihis na ako sa aking uniporme at dahil feeling ko na maayos na ako ay lumabas na ako agad sa dorm at nagmamadaling tinahak ang daan patungo sa campus.
Dala-dala ko pa rin ang pulang notebook ni Jordan na nasa loob ng backpack ko dahil baka may matulong to.
Habang patuloy akong naglalakad patungong campus ay may narinig akong nag-uusapan sa isang abandonadong bahay na nadaanan ko. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kukuti ko at sumilip ako sa isang glass window ng bahay na puno ng spider webs. Dahil madilim ang loob ng bahay ay di ko mamukhaan kung sino sino yung nag-uusap at kung ilan sila.
"Anong gagawin mo sa kanya?"
"Simple lang! Ang mga bagay na dapat sunogin ay sunogin!"
"Wow! Parang gusto ko yang plano mo!"
"Aba! Siyempre naman! Kailangan maturuan ng leksyon ang mga taong nagkasala! Diba?"
Mga nakakatakot na mga salita ang mga sinasabi nila na para bang mga demonyong nag-uusapan sa loob ng bahay. Napaatras ako at tatakbo na sana ako pero may dinagdag pa silang sinabi na nakakapagpatindig ng balahibo ko.
"We're the Class Murderers of 11P1!"
"303!"
Teka.. Akala ko ba nag-iisa lang ang Class Murderer. Pero hindi... Marami pala sila...? Napahinga ako ng malalim sa takot at kaba at tumakbo na ng tuluyan palayo sa bahay na yun.
Hinabol ko ang hininga ko ng tumigil ako sa kakatakbo dahil alam kong malayo na ako sa bahay na yun. Ewan ko ba, Pero nanginginig ang mga binti ko, Dahil ba ito sa pagtatakbo ko o dahil sa takot?
Kinuha ko ulit ang notebook ni Jordan mula sa backpack ko at kumuha din ako ng ballpen at isinulat ko ang numbers "303". Hindi ko alam kung bakit isinulat ko ang mga numbers na yun, Para bang kumilos lang ng bigla ang kamay ko ng kanya kanya lang. Pero ang tanging alam ko ay susi ang numerong iyon para malutas ang misteryong ito. Di man ako sigurado pero siguradong sigurado talaga ako!
Pagkatapos kong maisulat ang numero ay nadatnan ko si Kai na nagmamadaling naglakad patungo kung saan ako which is ito yung daan kung saan papunta sa campus. Alam ko na!
Iniwan ko sa daan ang pulang notebook ni Jordan para mapansin ito ni Kai at dali-dali akong nagtago sa damuhan.
"Kay Jordan to ah!" Wika niya sabay pulot sa notebook. Buti at alam niya kung kaninong notebook ang napulot. "Ba't to nandito?" Pagtataka niya habang palingon lingon siya sa paligid. Buti nalang at di niya ako nakita.
Pinasok niya ang notebook sa bag niya at tumalikod nalang at naglakad ng mabilis. May tiwala ako kay Kai! Ikaw lang ang pag-asa ng lahat!
Lumabas na ako sa pinagtataguan kong damuhan kasi nangangati na ang buong katawan ko at mukhang wala na naman si Kai, So tinahak ko na ng patuloy ang daan at nag pretend na walang nangyari.
Nung naglalakad na ako patungo sa campus ay bigla na naman akong nahilo at unti unti akong bumagsak at nawalan ng malay.
Kai's POV
Di pa rin ako makapaniwala ngayon na patay na si Jordan.
Paulit-ulit kong pinapanood ang Video kung saan siya sinunog ng taong nakamaskara na yun. Walang puso ang gumawa sa kanya nun! Bakit pa siya sinunog ng buhay?! At sakit isipin na nakita namin sa video ang pagkamatay ng isang kaklase namin. Talagang walang hiya ang taong yun! Demonyo siya! Ang paulit ulit na inisip ko sa utak ko.
Hindi man ako makapaniwala sa kanyang ginawa sa kanyang pinsan, Pero naglakas siya ng loob na aminin lahat sa amin sa video. Alam kong di niya yun sinasadya dahil mahal niya yung tao eh. Pero ang sakit ding isipin na dun pa niya naamin ang lahat sa kanyang mga natitirang oras.
Tumulo na naman yung mga luha ko at naramdaman ko nang pababa na ito sa mga pisngi ko.
~~"Wag kang mag-alala, Kai! Kung ako man yung Class Murderer, Di kita papatayin kasi ipapa salvage lang kita!"~~
Naalala ko pa ang huling biro niya sa akin na sobra niyang tumawa dahil sa tuwa. Hindi ko alam na yun na pala ang huli naming pag-uusap dalawa. Hindi ko pa nga siya napansin nang mga panahong yun eh. Naalala ko din siyang dala ang kanyang red notebook-- Teka..?
Naalala ko na nasa akin pala ang notebook niya.
Dali-dali kong kinuha ang backpack ko at binuksan ito, At dun nakita ko ang notebook ni Jordan. Kinuha ko ito at binuksan.
Wala namang kakaiba sa notebook niya kung di puro letterings niya at drawing niya. Pero ang nakapagkuha ng atensiyon ko ay ang nakasulat sa last page ng notebook niya. Hindi to katulad ng penmanship na nasa mga letterings niya. At alam kong hindi talaga to penmanship ni Jordan.
"303
Ang numerong nakasulat ay magpapalapit sayo sa mga class murderers."
"303?" Napabulong ako sa sarili ko sa pagtataka kung ano ang ibig sabihin ng numerong nakita ko. Mga Class Murderers?.. Ano ibig sabihin ng "mga"? Di ba siya nag-iisa?
Maraming tanong ang nakabaon sa utak ko sa mga oras na ito, At ang numerong isinulat ng kung sino man ang sumulat ay ano ang ibig sabihin nito? Ano ba ang ibig sabihin ng numerong 303? Naguguluhan ako.
"Kung marami nga ang Class Murderers, Ibig sabihin ba neto ay di ko na dapat talaga pagtiwalaan ang mga kaklase ko?....."