Chapter 011: Behind The Bloody Knife

1740 Words
Class Murderer's POV Ihinagis ko ang matalim na kutsilyo sa lupa at tumalikod na ako at naglakad papuntang dorm room ko. Wala namang nakakita sa akin. So okay lang! Kahit na may makakita pa ay malalampasan ko pa rin sila, Ninja kaya ako! "Sigurado ka bang kaya niyang patayin si Bea?" Tanong niya sa akin habang ako'y umupo sa sofa na like a boss. "Of course naman! Siguradong-sigurado ako! Alam ko kaya lahat ng sikreto nila, At alam ko rin ang mga panlaban sa mga kahinaan nila!" Sambit ko sa kanya na napangiti ako bigla. Isang mademonyong ngiti. "At isa pa, Di rin magtatagal, Mamamatay din yung Jenny na yun! Kung papatayin niya si Bea, Edi magkakasala din siya, So lahat ng magkasala ay dapat patayin! May koneksiyon man o wala! Kailangan nilang mawala!" Napangisi ako ng bigla habang sinasabi ko ang mga niyon sa kanya. "Dapat lang! Kailangan na talagang mamatay ng lahat ng nagkasala!" Suporta niya sa sinabi ko. Hindi ba niya alam na ginagamit ko lang siya? Sobrang bobo talaga! Parang siya na siguro ang taong pinakabobo sa lahat ng tao na nasa lupa. "Malapit lapit na at di rin magtatagal ay makilala niyo naman ako! Tiisin niyo muna ngayon at iisa-isahin ko lahat ng nagkasala!" Wika ko na ang kasabay pa nito ay napinta ang mala demonyong ngisi na nasa labi ko. Jenny's POV Hindi ako pumasok sa first period namin at nag stay lang ako dito sa 3rd cubicle ng girl's CR habang tinatali ang hawakan ng kutsilyo ng isang puting yarn at pinunasan ko din ang kutsilyo ng artificial blood para parang totoo. Alam ko na kasi kung ano ang gagawin ko mamaya. Magpakasaya ka muna ngayon, Bea! Lumabas ako sa cubicle na pinagtataguan ko at isinabit ang kutsilyo sa isang nakakurba na wire sa itaas ng pinto ng CR, Para ang hahawakan ko nalang ay ang dulo ng yarn para pag pumasok ang malanding babae na si Bea dito sa CR mamaya pagkatapos ng first period ay bibitawan ko ang dulo ng lubid upang diritso hulog to sa ulo niya. Oh diba? Maganda ang pagkaplano ko? ~~ Ayan na! Natapos na rin ang first period namin, Dali-dali naman akong nagtago sa 1st cubicle at inantayan ko ang pagpasok ni Bea, Habang hawak ko pa rin ang dulo ng yarn na naghahanda para sa pagbitaw ko nito. At doon, Tama ang prediksyon ko, Andiyan na si Bea sa labas ng Cr at kasama pa si Illie na hinawakan ng maigi ni Bea ang kamay ni Illie. Papasok na sila at unti unti kong binitawan ang dulo ng yarn na nasa kamay ko at naghanda nalang ako sa pagtusok nito sa ulo ni Bea. Matatawa talaga ako! Nung pabagsak na ang kutsilyo ay narinig ko si Illie na sumigaw dahil napinsan niya ito na pabagsak. "Bea, Mag ingat ka!" Sabay hila sa uniform ni Bea palabas at bumagsak na bahagya silang nakaupo sa sahig sa labas ng CR. Nakakairita tong si Illie! Nakikialam! Napansin ng iba naming mga kaklase ang pagbagsak ng dalawa sa sahig at dali-dali ko namang itinaas ang lubid para di nila makita ang kutsilyo na hinulog ko. "s**t!" Bulong ko. Muntik na ako dun' ah! Pano ba kasi? Kung hindi pa nakialam ang Illie na yun! Dapat nagtagumpay na ako! Bumalik nalang sina Bea at Illie sa classroom kasama ang iba pa naming mga kaklase. Hayst! Ano ba ito? Di ako nagtagumpay! Tss... Dahan-dahan ko nalang hinila pabalik ang yarn kung saan nakatali ang kutsilyo at ibinalik nalang to sa backpack ko. Nakasimangot man ang mukha ko ay wala nalang akong ibang magawa kung di pumasok nalang sa classroom namin. Nag isip ako ng paraan para di nila makita ang kutsilyo sa bag ko dahil minsan binubuksan ni Bea ang bag ko ng walang paalam sa akin. Malandi na nga, Di pa nagpapaalam kung may gustong kunin sa bag ko! Napag-isipan ko na lang na sa itinaas nalang ng board ilagay ang kutsilyo. Wala namang makakapansin kung ilagay ko yun sa itaas eh. Dali-dali kong kinuha ang kutsilyo na itinago ko sa bag ko at tsinempohan ko ang pagkakataon habang ang lahat ng mga kaklase ko ay kanya kanyang may ginagawa na kahit ano. Inilapag ko dun sa itaas at perfect! Wala talagang makakakita. Mamaya ko nalang itutuloy ang plano kong patayin ang malanding babaeng yun! Nung pabalik na ako sa upuan ko ay biglang kumibit sa kinalalagyan ang kutsilyo at bigla nalang to nahulog. Pero mabuti naman at hindi sa sahig kung di mapapansin talaga ng lahat kung nagkataon man, Sumabit lang siya sa kurbang wire. Pero di pa rin ako mapakali, Dahil sa mga oras na ito ay mapapansin din nila ang nakasabit na kutsilyo. At napansin nga talaga ito nila Jaymee at Aya. Bumilis ang t***k ng puso ko ng dahil sa kaba, Like di ko na talaga kung ano pa man ang gagawin. Paano to? At muli, Kinuha ko ang pagkakataon na kunin ang kutsilyo nung kinuha nila Jaymee at Aya ang atensiyon ni Annie. Dali dali na nag-iingat kong kinuha ang kutsilyo at pinasok sa bag ko. Talagang malapit na ako dun ah! Kunti nalang at mapapansin na talaga nila. s**t! Napahinga ako ng malalim habang umupo sa armchair ko ng lumapit si Jessie sa akin. "Jenny, Gagamitin ko sana yung ruler ko na pinahiram ko sayo. Pwede ko bang kunin?" Paumanhin niya sabay pakita sa kamay niya na nagpapahiwatig na gusto na niya ang kanyang ruler na kunin. "Heto oh!" Bumulot lang ako randomly sa bag ko basta matulis at straight, Ruler na yun. Hindi naman pinansin ni Jessie ang ibinigay ko at dinala nalang niya ito. Tiningnan ko muli ang bag ko... Pero teka, Andito pa ang ruler ni Jessie ah. Ano ba ang nabigay ko sa kanya? Napansin ko..... Nawala ko na naman ang kutsilyo. Ngayon ko lang napagtanto na ang nabigay ko kay Jessie ay ang.... kutsilyo? "Talaga naman oh..." Bulong ko at huminga ng kinakabahan na hininga at dali kong ibinaling ang mga mata ko kay Jessie na lumapit kina Arvie at Joshua na naglalaro ng chess. Nakita nila ang dala ni Jessie at kinabahan na talaga ako ng sobra. Mabuti nalang at kinurap ng dalawa ang kanilang mga mata ng ilang ulit at agad kong hinablot ang kutsilyo na nasa kamay ni Jessie at pinalitan ito ng kanyang ruler. Di din naman napansin ni Jessie ang nangyari. Mabuti naman.... Napabuntong hininga ako na pinagpawisan ng sobra at lumabas nalang ng classroom na nilagay ang kutsilyo sa bag ko. Napagpasiyahan ko nalang na wag nalang akong pumasok sa 2nd at 3rd period at mag cutting classes na lang at napagpasiyahan ko rin na hindi nalang ituloy ang plano ko. ~~ Habang ako'y pababa sa hagdanan patungo ground floor, Nakasalubong ko na naman yung nakahood na tao sa daan. "Parang hindi mo kaya ah!" Panimula niya na kita kong ngumisi ang bibig niya. "Ako nalang kaya?" Dagdag pa niya na sobrang nagpatindig ng balahibo ko. "Diba gusto mo siyang mawala? Gusto mong mamatay nalang siya? Para masolo mo nalang ang pinakakamahal mo? Diba gusto mo yun?" "Ang gusto ko lang... Pansinin ako ni Art! Ayaw kong pumatay ng tao! Nagseselos man ako, Pero wala na akong ibang magawa!" Pasigaw ko na tono na parang galit ako sa kanya. "Oh heto!" Binalik ko ang kutsilyo na ibinigay niya sa akin. "Munting na akong mapahamak dahil sa kutsilyong yan! Ayaw ko niyan! Isa yang demonyo! Ikaw din! Kung sino ka man sa loob ng hood na yan, Demonyo ka din!" Tinanggap niya ang kutsilyo at muli akong naglakad pababa sa ground floor at iniwanan ko siya doon sa kinatatayuan niya. Class Murderer's POV Tinanggap ko nalang ang kutsilyo at di nagdalawang isip. Naiwan ako dito sa kinatatayuan ko sa isa sa mga hagdanan na bitbit pa rin ang patalim. "Nagsisimula pa lang naman ang lahat eh!" Pabulong ko sa sarili ko na ngumisi ng mala demonyo. Tinahak ko muli ang hagdanan at nagsimula ng maglakad pataas patungo sa 5th floor at doon ko nadatnan sina Kai, Jane, at Andy na parang papunta sila sa cafeteria. Napansin kong nakita ako ni Kai at agad naman akong nagtago. Mahirap na pag nakita na niya naman ako! ~~ Hinintay ko talaga ang lahat ng pagkakataon na ito. Ang matapos ang last period. Nagmamadali akong pumunta ng Cr sa 3rd cubicle at naghihintay kay Bea... Para tapusin ang buhay niya... Ng papasok na si Bea dito sa loob ng Cr ay hinatak ko ang buhok niya at tinakpan ang kanyang bibig patungo sa loob ng 3rd cubicle. Itinapat ko ang kutsilyo sa leeg niya. "Sige, Subukan mong gumawa ng ingay." Pabulong ko na pagtatangka sa kanya. Lumuha nalang siya at di gumawa ng ingay. Ganyan nga.. Ganyan nga... Dapat mong umiyak.. Kagaya ng pag-iyak ko noon dahil sa mga ginawa niyo... "Mamaalam ka na, Bea!" Wika ko sabay saksak sa kanyang leeg na nagdulot ng pagsirit sa kanyang mga namumulang dugo at tinakpan ko pa rin ang bibig niya dahil pilit niyang sumigaw dahil sa sakit ng pagsaksak. Hindi.. Hindi pa ito sapat sa mga ginawa nila sakin noon... Kailangan magdusa ang lahat ng may sala... At idiniin ko pa ng idiin ang kutsilyo sa leeg niya at bigla niyang kinagat ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya na nagdulot ng pagbitaw ko sa bibig niya at sumigaw nalang siya ng napakalakas. "Ahhhhhh!!" "Sabi kong wag kang mag ingay eh!" Kinuha ko ang kutsilyo na nakadiin at hiniwa ko ang leeg niya at naputol ang ulo niya. Tumalsik ang mga dugo niya sa mukha ko, sa suot ko, at sa iba-iba pang bahagi ng katawan ko na pwede matalsikan sa dugo. Wala akong naramdaman na pandidiri o kahit na ano pa, Ang alam ko lang ay magsaya dahil pinatay ko na ang isa sa mga may sala. Biglang may bakas ng paa ang narinig ko mula sa labas ng Cr na nagmamadali. Dali-dali ko ding inilagay ang ulo ni Bea sa loob ng bowl at pinaupo ko siya sa sahig na inilagay ko sa kanang kamay niya ang kutsilyong ginamit ko na pagpatay sa kanya. Tumakas ako sa bintana ng CR at napansin ko ang pagpasok ni Annie na may pag-alalang ekspresyon sa kanyang mukha. Pero wala na akong pake don! Basta patay na si Bea! Isa sa mga nagkasala! "Ngayon, Simulan na natin ang laro." Bulong ko na ngumisi ng nakakatakot na ngiti na mala demonyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD