Mercilita's pov DUMUKWANG si Sebastian upang kantilan siya ng halik. Pangalawang beses na siya nitong hinalikan pero ngayon ay ibang halik ang ipinagkaloob sa kanya ng lalaki. Banayad iyon. Halik na punong-puno ng pag-Iingat. Sa halip na itulak ito ay napapikit siya ng kanyang mga mata. Dinama niya ang paggalaw ng labi ni Sebastian sa kanyang labi. “I miss you Mercilita,” wika sa kanya ni Sebastian nang tapusin nito ang halik na namagitan sa kanilang dalawa. Gusto niya sanang mapangiwi nang marinig niya ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Kahit anong saway niyang Mercy na lang ang itawag sa kanya ay ayaw talaga nitong pumayag. Gusto niya sanang itanong kung para saan ang halik na namagitan sa kanila pero hindi niya iyon maisatinig. “Namiss mo akong asarin,” wika niya upang mawala an