Mercilita’s pov NAPANGITI siya habang pinagmamasdan si Sebastian. Nakangiti ito habang nakikipaglaro sa dalawang bata na anak ng kanyang kapitbahay. Ang mga halakhak ni Sebastian ay kahali-halina. Naghahabulan ang mga ito sa ulan. Basang-basa na ang katawan nito sa malakas na buhos ng ulan at wala itong pakialam. Ilang araw pa lang sila nagkakamabutihan at walang malinaw na relasyon. Walang nililinaw si Sebastian kung ano ba talaga sila. Isa lang ang alam niya. Masaya siya sa lalaki. Napapasaya siya nito. “Mercilita, sali ka’na! Masarap ang tubig!” yaya sa kanya ng lalaki. Nakangiti ito sa kanya at ang t-shirt nitong kulay puti ay bakat na sa makisig nitong katawan. Hindi niya mapigilang hindi mapalunok nang mapasadahan niya ng tingin ang makisig nitong katawan. Hindi naman siya kal