CHAPTER FOUR

1778 Words
Mercilita’s pov NAPAG-ALAMAN niya rin na bata pa lang ay namatay na ang Daddy nito at muling nag-asawa ang Mommy nito at ayon pa mismo kay Sebastian ay hindi daw nito kasundo noon ang pangalawang asawa ng Mommy nito kaya nagrerebelde ito at isa nga siya sa nakatikim ng kasamaan nito. Lingid din iyon sa mga magulang niya. Buong akala nila ay tunay na anak si Sebastian ni Tito Leo. Masaya siya sa nalaman na tanggap na nito ang amain. Ang totoo pa nga, si Tito Leo daw ang nag-utos dito na bumili ng lupa sa probinsiya nila at iyon ang dahilan ni Sebastian kung bakit ito bumalik sa Pilipinas. TANGHALI na siya nagising dahil sa pag-uusap nila ni Sebastian. Hinanap agad ng mga mata niya ang lalaki. Nakaligpit na ang higaan nito. Nagtali lang siya ng buhok at agad na bumaba. “Mercilita?” tawag sa kanya ni Sebastian. Napangiti siya nang makita ang lalaki. Nasa labas ito ng bahay kaya dumungaw pa siya sa bintana upang makita ito. Nakashort na maong lang ito at nakasando. Hindi niya mapigilang hini humanga sa kakisigan ni Sebastian. Napapanganga na lamang siya. Nakasakay ito sa kabayo ng ama niya. Hindi niya na makapa sa dibdib ang galit na matagal nang namahay sa puso niya para dito. “Come on, we're going somewhere!” tawag pa nito. Saan kaya ang somewhere na tinutukoy nito? Lihim siyang napangiti. Ang dumi talaga ng isip niya kahit kailan at kasalanan ito ni Nessie. “Hindi na, may gagawin pa ako,” tanggi niya. Hindi pa siya nga nakakapaghilamos. “"I'm not leaving here if you don't come with me,” pangungulit pa nito sa kanya. Sana all. “Fine, maliligo lang ako,” wika niya. Wala rin naman siyang magawa dahil tiyak na kukulitin lang siya ni Sebastian. Isa pa ay gustong-gusto niya naman itong makasama. Ika nga, forget about the past. Mabilis siyang naligo at nagmamadaling pumunta kay Sebastian. Tinalo niya pa ang hindi mapakali. “Hindi pa ako kumakain,” turan niya ng makalapit siya kay Sebastian. Mabuti na lamang aty sanay siya sa kabayo kung kaya hindi naman siya takot na lumapit. “Ako na ang bahala sa kakainin mo. Sakay ka’na,” utos pa sa kanya ng lalaki. Natutuwa siya sa tuwing na nagtatagalog ito dahil sa accent nito. Ang cute pakinggan ng boses nito. “Mamaya, ihuhulog mo lang ako,” sagot niya dahil sa takot na baka may plano na naman ito sa kanya. “That will never happen again. I will never let you get mad at me and hurt you anymore,” wika pa sa kanya ni Sebastian. Dahil sa sinabi nito ay parang gusto niyang magwala sa kilig. Mas ramdam niya sana ang kilig kung tagalog ang pakakasabi nito ganun pa man ang  puso niya ay tinatambol sa kilig. Nagulat pa siya nang bumaba ito ng kabayo at bigla siyang bnuhat para makasampa bago ito sumakay. Natigilan siya sa ginawa ni Sebastian. Hindi siya nakakilos sa ginawa nito. Hindi niya iyon inaasahan. Nasa unahan siya ng kabayo at ang mga kamay ni Sebastian ay nasa kanyang bewang. Nakakulong siya sa mga bisig nito nang bigla nitong pinatakbo ang kabayo. Hindi niya mapigilang hindi mapahawak sa kamay nito. Kung nakikita lang nito ang mukha niya tiyak na aasarin na naman siya dahil mapulang-mapula ang mukha niya sa tensiyon na nararamdaman. Naramdaman niya ang pagdantay ng baba ni Sebastian sa batok niya. Kung may makakakita sa kanila tiyak na iisipin na may relasyon silang dalawa. Ang ngiti sa kanyang labi ay hindi maalis-alis. “Matagal kong pinangarap ang araw na ito. Ang araw na hindi ka’na galit sa akin,” bulong ni Seb sa punong tenga niya. Kakaibang init ang hatid ng mainit nitong hininga sa kanyang katawan. Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Siya rin kasi ay minsan niyang hiniling na maging malapit dito. Naalala niya nang mga panahon na para silang aso at pusa. Gusto niya itong maging kaibigan. Mula kasi sa malayo palagi niya itong pinagmamasdan lalo na kapag natatanaw niya ito sa bakuran ng mga ito. Gusto niya itong kausapin dahil sa nakikita niyang lungkot sa mga mata pero kasalungat ang nangyari. Hindi siya pwedeng magtagpo ni Sebastian dahil kung ano-ano ang ginagawa nila sa isat-isa at sa huli uuwi siyang umaatungal ng iyak. Simula nang lumipat ang mga ito sa ibang bansa ay hindi niya maiwasang hindi malungkot. Pakiramdam niya ay may kulang. Nasanay kasi siyang nasa paligid lang ito at palagi siyang inaasar. Kung alam lang nito na may lihim siyang paghanga noong una pa lang ay tiyak na pagtatawanan na naman siya nito. Kahit ano pa ang nangyari ay hindi niya iyon inamin sa binata. Kahit pa tamaan siya ng kidlat. Siguro hindi niya lang matanggap sa sarli na may lalaking namumuhi sa kanya kaya sinuklian niya rin ng galit ang pang-iinis nito sa kanya. Siya ang makakapagpatunay sa kasabihang the more you hate the more you love. Napapitlag siya ng maramdaman niya ang mga kamay nito na kinukuha ang kamay niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi magawang tumutol at bawiin ang mga kamay na hawak nito. Naramdaman niya ang pamamawis ng kamay dahil sa tensiyon na nararamdaman. Muli na naman tumambol ang kanyang puso dahil sa kilig. Huminto sila sa niyugan ng kanyang ama. Nauna itong bumaba ng kabayo at binuhat siya upang makababa. “Gusto kong kumain ng buko,” turan nito sa kanya. “Baka hindi ka pa nag-almusal? Masama ang buko sa umaga,” pigil niya sa lalaki. “Buko lang pala ang kakainin mo dapat nag-utos na lang tayo ng kukuha,” reklamo niyang paiwas ang tingin dahil sa malalagkit nitong titig. “Ayoko,” sagot nito sa kanya. “Gusto ko ako mismo ang kukuha ng kakainin natin,” dagdag pa nito. “Marunong ka?” nanlalaki ang mga matang tanong niya. Sino ba naman ang mag-aakala na marunong itong umakyat ng puno ng niyog samantalangang galing ito ng US “Itigil mo na ‘yan Sebastian baka mamaya ay mahulog ka pa,” saway niya ritong napapakamot sa ulo. “Isa pa hindi pa ako kumakain ng kanin, baka sumakit naman ang tiyan ko kapag kumain ako ng buko,” “Hindi ka pa rin nagbabago. Ang ingay mo pa rin,” natatawang wika sa kanya ng lalaki. “Ang kulit mo kasi,” napapangiwi niyang wika. “Don’t worry may baon akong kanin at ulam para sayo,” sagot nito na ikinagulat niya. Saglit lang itong lumayo sa kanya at kinuha nito ang basket na dala. Hindi niya maiwasang hindi humanga sa ginagawa ni Ezekiel. Naglatag ito ng carpet sa damuhan at inalalayan siyang umupo bago ito nagpaalam na kukuha ng buko. “Baka mahulog ka!” sigaw niya. Mamamatay yata siya sa nerbiyos dahil sa ginagawa nito. Nag-aalala kasi siya na baka hindi ito sanay na umakyat sa niyog. Hindi niya maiwasan hindi magdasal ng makita itong nag-uumpisang umakyat. Hindi rin siya makatingin sa tuktok ng puno nang niyog dahil sa takot. Kulang nalang hindi siya huminga sa nerbiyos. Napapapikit na lamang siya ng mga mata. Nagulat pa siya ng biglang may humalik sa labi niya. Hindi siya nakagalaw sa ginawa nito. Hinampas niya ito sa braso. “Next time ‘wag kang aakyat sa puno. Mamamatay ako sa takot!” naiinis niyang wika. “Salamat sa concern,” sagot sa kanya ni Sebastian. Nagulat pa siya nang bigla siya nitong niyakap. Muling nagwala ang puso niya sa kilig na nararamdaman. At ang halik nito kanina, para saan ang mga ‘yon? “OA ka rin hanggang ngayon,” natatawang wika sa kanya ni Sebastian nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Pinanlakihan niya ito ng mata. “At bakit naman aber?” nakataas ang kilay na tanong niya kahit pa kinikiliti ang puso niya sa yakap nito. “Akala mo naman kasi ang tayog ng niyog na aakyatin ko. Alam mo namang dwarf ‘yan,” wika sa kanya ni Sebastian. Napatingin siya sa puno ng niyog. Napangiwi siya. Kasing tangkad lang pala iyon nang puno ng saging. Kahit siya ay kaya niya iyong akyatin. “See?” nakaangat ang kilay na wika pa ng lalaki. Bigla tuloy siyang napahiya. “Kahit na!” sagot niyang nanlalaki ang mga mata. “Akala mo kasi unggoy ka!” dagdag niya pa para makabawi ng pagkapahiya. Napapailing na lamang sa kanya si Sebastian. Pinagsaluhan nila ang dala nitong pagkain at ang kinuha nitong buko. Nagsinungaling ito nang sabihin nito na kumain na ito dahil ang totoo ay hinintay lang siya nitong magising. “Nabusog ka?” tanong sa kanya ni Sebastian. Nililigpit niya ang mga tupperware na pinagkainan nila at ibinalik iyon sa basket. Napatingin siya kay Sebastian at tumango. “Mabuti at hindi mo nakakalimutang mag tagalog?” hindi niya mapigilang tanong. “Bakit naman makakalimutan na mga pinoy naman ang kasama ko sa bahay? Baka nakakalimutan mo na dito ako lumaki,” paalala pa sa kanya ni Sebastian. “May accent pa rin naman ang pagtatagalog mo. Ang sarap pakinggan,” wika niya pa. Hinakawan siya ni Sebastian sa kamay at pinahiga sa carpet na inilatag nito. Hindi siya tumanggi sa ginawa ng lalaki. Nasa lilim naman sila ng mga puno kung kaya hindi siya naiinitan. Nakatingala lang silang dalawa sa langit. “I’ll tell you something,” wika sa kanya ni Sebastian. Dumapa ito sa carpet at napatingin sa mukha niya. “Ano ‘yon?” nakangitin niyang tanong. “Alam mo bang crush kita noon? ‘Yon nga lang palagi mo akong iniinis,” amin sa kanya ni Sebastian. Hindi siya makatingin ng deretso kay Sebastian. Pakiramdam niya ay naghahabol sa pagtibok ang kanyang puso. Umiwas siya ng tingin sa lalaki. “Gusto rin naman kita noon kaso masungit ka!” natatawa niyang sagot. Napansin niya ang pagluwang ng ngiti nito. “Ngayon ba hindi mo na ako gusto?” tanong nito sa kanya. Nabigla siya sa tanong nito kaya napatitig siya sa lalaki. Hindi niya inaasahan ang magiging tanong nito. Umiwas siya ng tingin dito. Pakiramdam niya kasi tinitingnan nito ang mga mata niya. “Kailangan ba talagang sagutin ko ‘yan ngayon?” tanong niya sa lalaki. “Why not?” “Sa akin na lang ‘yon,” wika niyang inirapan ito. Nagulat pa siya ng umayos ito nang higa at yumakap sa katawan niya. Bigla siyang natigilan. Napaderetso siya ng higa. Walang namagitang salita sa pagitan nila. Tanging mga katawan lang nila ang nag-uusap at nagpapakiramdaman. Hindi niya akalain na magiging ganito kabilis ang mga nangyayari. Inaasahan niya na sa pagbabalik ni Sebastian ay magsisimula na naman ang World War II.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD