MASAYANG nag-uusap ang kanyang mga magulang kasama si Sebastian. Nakikinig lang si Mercilita sa pinag-uusapan ng mga ito at iwan niya kung bakit kinikilig siya sa boses ni Sebastian. Lalaking-lalaki kasi ang dating ng tinig nito dagdagan pa ng accent nito sa pagsasalita. Pinagmamasdan niya ang lalaki. Malayo ito sa kanya kaya malaya niya itong napagmamasdan.
Hindi niya alam kung ano ang trip nito noon dahil siya ang palaging napagtritripan gayong napakabait naman nito sa mga magulang niya. Alam niya rin na mahal na mahal nito ang mga magulang niya.
Tahimik siya sa likod bahay habang pinapakain si Chow nang biglang may nagsalita sa likurann niya. Hindi niya na kailangan pang lumingon dahil pamilyar sa kanya ang boses ni Sebastian.
Hindi niya maintidihan ang sarili kung bakit ganito ang dating sa kanya ng lalaki ngayon. Ang lakas ng t***k ng kanyang puso. Hindi naman siya dating ganito noon kapag naririnig niya ang boses nito pero ngayon parang tambol ang pagtibok ng puso niya. Alam niyang kokomprontahin siya nito dahil sa ginawa niya pero nagpatay-malisya siya. Tahimik pa rin siya habang pinagmamasdan si Chow. Hindi niya pinansin ang lalaki.
“Kumusta kana?” tanong sa kanya ni Sebastian.
“Hindi mo ba nakikita? Buhay na buhay pa ako! Nakasurvive naman ako sa sapa ng kalabaw!” pauyam niyang sagot dito.
“Pwede bang kalimutan na natin ang noon dahil matagal na ‘yon. Mga bata pa tayo noon at sa pagkakatanda ko mahigit isang dekada na yata ang nakaraan,” pakiusap nito sa kanya pero iba ang dating ng mga salita nito sa kanya.
“Bata? Bakit hindi ka pa ba tuli sa panahon na yon?” tanong niya. Napansin niyang pinamulahan ito ng mukha dahil sa sinabi niya.
“Anong dapat kung gawin para mapatawad mo na ako?” tanong sa kanya ni Sebastian.
“Wala kang dapat gawin dahil wala na akong tiwala sayo. Mamaya kung ano na naman itong pakulo mo sa pagbalik sa lugar na ito. And please Sebastian, lubayan mo na ako dahil kapag nakikita ko ang mukha mo kumukulo ang dugo ko,” Masungit niyang sagot dito.
“Pero nasa iisang bahay lang tayo?” wika pa nito.
“So? Anong masama? Eh di iwasan mo ako. Wag kang haharang sa daraanan ko. Ganun lang kasimple,” wika niya pa habang kinukumpas-kumpas ang mga kamay.
“Hindi pa ba sapat ang pagbutas mo sa gulong ko at pagbudbud mo ng sili sa sopas ko para patawarin mo ako?” tanong pa nito sa kanya.
“Wag kang mangbintang!” sigaw niya dito.
“Hindi kita pinagbinibintangan. I'm just telling the truth. Inamin na sa akin ni Ernesto na ikaw ang bumutas sa gulong ko at sigurado rin ako na binudburan mo ng sili ang sopas ko dahil alam kong hindi ‘yon kayang gawin ng mga magulang mo,” pambubuking nito sa kanya.
“Lintik kang Ernesto ka! Lagot ka mamaya!” galit niyang turan sa isip.
“Kulang pa ang lahat ng yan!” bulyaw niya dito bago niya ito iniwan. Malakas ang t***k ng puso niya nang makapasok siya sa sariling silid. Napasandal siya sa pinto bago bumuntong-hininga ng malalim.
“Bakit bumalik ka pa Sebastian? At bakit ganito ang nararamdaman ko sayo?” tanong niya sa sarili. Matagal niya ring pinaghandaan ang pagbabalik nito para makaganti pero bakit ngayon parang nag-iba na ang plano niya? At bakit pakiramdam niya kasali na ang puso niya sa pagbabalik nito?
Hindi niya namalayan ang oras dahil nakatulog siya sa labis na pag-iisip. Agad niyang sinulyapan ang pambisig na orasan. Nagulat pa siya ng makitang alas-siyet na ng gabi. Tahimik na ang paligid tanda na tulog na ang mga tao. Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit hindi siya ginising ng mga magulang samantalang ayaw ng mga ito na hindi siya kumakain sa gabi.
Dahan-dahan siyang umupo sa kama niya. Akmang tatayo na siya nang may napansin siya folding bed sa tabi. Muntikan pa siyang sumigaw sa takot na baka may ibang tao sa bahay nila pero nang alisin nito ang kumot sa ulo ay namukhaan niya agad ito kahit na madilim sa silid niya.
“Bakit ka nandito?” gulat na gulat niyang tanong dito. Pupungas-pungas itong bumangon. Pilit nitong pinagkakasya ang sarili sa folding bed. Hindi na siya nagtataka kung bakit sa silid niya natulog ang lalaki. Malaki kasi ang kanyang silid. Pwede ang dalawang kama samantalang ang silid ng kanyang magulang ay maliit lamang at maraming gamit.
“Dito na ako pinatulog ni Tito,” Sagot nito na ikinagulat niya.
“At kailan pa pumayag si Tatay na may matulog na lalaki sa silid ko?” hindi mapakaniwala niyang tanong sa lalaki. Masyado naman yatang kampanti ang ama niya para pumayag na matulog ito sa silid niya.
“Wala kasi akong ibang matulugan. Ito lang daw kasi ang silid mo ang malaki kaya nakiusap siya na kung pwede sa folding bed na lang ako matulog. Wag kang mag-alala nangako ako sa mga magulang mo na wala akong gagawin sayo na ikakagalit nila at kung gusto mo pa gisingin mo sila para lang masiguro na nagsasabi ako ng totoo at isa pa matino akong tao. Hindi ako gagawa ng isang bagay na ikapapahamak ko,” paliwanag nito sa kanya. Dalawang silid lang kasi ang kwarto sa bahay nila at ang sala naman nila ay ginagawa pa kaya wala talaga itong matutulugan. Pinamulahan siya ng mukha sa naisip na baka pinagmamasdan siya nito habang natutulog. Malikot pa naman siya matulog at ang masakit maiksi ang short niya at wala siyang suot na bra. Hindi pa naman siya nakapagkumot dahil wala naman sa plano niyang matulog kaagad.
“Ano pa nga ba ang magagawa ko eh nakahiga ka na diyan. Sige na matulog kana!” naiinis niyang sagot dito.
“Wait! Hindi ka pa pala kumain. May inakyat akong snack dito para kung sakaling magising ka may pagkain kang makakain,” turan nito sa kanya. Nagulat pa siya ng bigla itong tumayo at kinuha ang pagkaing sinasabi nito. Dalawang burger, at gatas ang inabot nito sa kanya na nakalagay sa tray. May napansin din siyang maliit na jag sa gilid ng pinto.
“Baka may lason yan?” Nanlalaki ang mga mata niyang tanong dito bago sinipat ang bigay nitong burger. “Oh di kaya ay sumakit ang tiyan ko niyan?” dagdag niya pa. Nagulat pa siya sa ginawa nito nang bigla nitong kinuha ang burger sa kamay niya at agad na kinagatan.
“Patunay yan na wala akong lason na nilagay sa pagkain mo,” sagot nito sa kanya bago bumalik sa higaan nito. Pinagkasya nito ang kumot sa buong katawan para hindi niya makita.
“Hoy!” hindi niya mapigilang tawag dito pero hindi ito sumagot. Lumapit siya dito at niyugyog niya ito pero hindi pa rin siya pinansin. “Saluhan mo naman ako,” may halong pakiusap ang boses niya.
Ibinaba niya ang tray at umupo sa sahig malapit sa higaan nito. Ang kumot niya ay binalot niya sa kanyang dibdib.
“Busog pa ako,” tanggi nito sa kanya. Hindi man lang ito gumalaw sa pagkakahiga kaya tahimik nalang niyang kinain ang bigay nito.
“Salamat nga pala sa burger,” turan niya dahil alam niyang gising pa ito. Bahagya niya itong kinalabit nang matapos siyang kumain sa pag-aakalang tulog na ito. Nagulat pa siya ng bigla itong humarap. Napahawak siya sa dibdib sa nerbiyos.
“Bakit ka ba nanggugulat?” tanong niya sa lalaki.
“Bakit?” tanong nito sa kanya.
“Hindi ako makatulog,” pagdadahilan niya.
“Ang haba kasi ng tulog mo,” sagot sa kanya ni Sebastian. Akala niya babalik na uli ito sa tulog kaya napangiti siya nang sumagot ito.
“Di ba kanina tinatanong mo ako kung kumusta na ako?” tanong niya kay Sebastian. “Ito okay naman ako. May sarili na kaming business kami Ernesto kapag natuloy ang pagbubukas ng salon naming. May trabaho din ako bilang accountant. Ikaw?” pagbubukas niya ng usapan. Bumangon sa folding bed si Sebastian. Nagulat pa siya nang umupo ito sa lapag at tinitigan siya.
Huminga nang malalim si Sebastian. Natitigan niya ng malapitan ang mukha ng lalaki. Naisip niya tuloy kung ilang babae na kaya ang nagdaan sa buhay nito.
“I'm glad na hindi ka’na galit sa akin. I’m really sorry kung naging demonyo ako sayo noon. Napagtripan lang kita noon kaya kita pinahabol sa aso. Ang tungkol naman sa pagtalon mo sa sapa ng kalabaw ay totoong may nakita akong ahas noon kaya ako napasigaw ako sa takot, at iniwan kitang naliligo sa putikan,” paliwanag nito sa kanya kaya napangiti nalang siya. Nababasa niya naman sa mga mata nito na sincere ito sa sinasabi.
“Kung alam mo lang ang inabot ko noong pinahabol mo ako sa aso. Kulang na lang ay maihi ako sa nerbiyos at nang mahulog ako sa liguan ng kalabaw isang araw akong nagbabad sa batya mawala lang ang amoy ng kalabaw sa katawan ko. Kaya siguro ganun nalang ang galit ko sayo,” nakangiti niyang kwento dito.
“Don’t worry hindi ka naman makakagat ng aso ko dahil wala na siyang ngipin. Matanda na kasi ‘yon. Ang bilis mo ngang tumakbo eh at isa pa hindi ko naman hahayaan na makagat ka niya ng tuluyan,” nakangiti nitong sagot sa kanya. Kinilig na naman siya ng masulyapan ang magkabila nitong biloy sa pisngi. Dagdagan pa ng pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin na lalong nagpapawala sa puso niya.
“Ibang –iba kana ngayon Sebastian. Nang una nga kitang nakita kanina sa bahay ni Nessie akala ko nga isa kang artista na naligaw sa probinsiya namin. Isipin mo ha, ang Sebastian na patpatin noon, ngayon punong-puno na ng muscles ang katawan. Ang laki ng transformation mo,” humahanga niyang pahayag dito.
“Ikaw rin naman eh. Lalo ka ring gumanda, tumangkad ka pa at kahit napakasimple mo pa ring manamit walang sinabi si Anne Curtis sa ganda mo. Ang hindi nga lang nagbago sayo ay ang pagiging mataray mo. Ikaw na ikaw pa rin ang Mercilitang madaldal at masungit na nakilala ko noon. Hindi pa rin kumukupas ang kasungitan mo,” natatawa nitong turan sa kanya.
“Ayan tayo eh, magbobolahan nalang ba tayo?” humahagikhik niyang tanong dito. Panatag na ang loob niya habang nakikipag-usap siya sa lalaki. Hindi na demonyo ang tingin niya dito kundi isang adonis na naligaw sa silid niya.
“Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko. Bakit hindi ka ba pinupuri ng nobyo mo?” tanong nito sa kanya kaya natigilan siya.
“Nobyo? Naku Sebastian wala pa yan sa isip ko. Carrerwoman ako sa ngayon,” nakangiti niyang sagot dito. Hindi naman siya NBSB at lalong hindi naman siya nagagalit kung may nanliligaw sa kanya. Siguro dahil wala rin siyang panahon mag-entertain ng lalaki sa buhay niya at kahit marami namang nagpapalipad-hangin sa kanya sa opisina. Wa epek sa kanya lahat. Masasabi niyang hindi pa siya tinatamaan ni kupido.
“Inspirasyon naman ang pagkakaroon ng nobyo ah? Ayaw mo non gaganahan ka sa pagtratrabaho kapag may nobyong nag-aalala sayo at nagmamahal?” dagdag pa nito.
“Wag muna ngayon. Mahirap din magkamali. Gusto ko kapag nagmahal ako sigurado na ako sa nararamdaman ko at gusto ko panghabang-buhay na. Iyon bang matatawag mo na siya na talaga ang gusto mong makasama habang buhay,” pahayag niya sa lalaki.
Halos magdamag silang nagkwentuhan ni Sebastian nang gabing ‘yon. Bigla ay naging malapit siya sa lalaki.