CHAPTER TWENTY-THREE

1655 Words

Mercilita’s pov SA ISANG sikat na village sa Caloocan siya dinala ni Brent. Hindi niya maiwasang hindi humanga sa mga bahay na nakikita. Malalaki iyon at mga maderno ang pagkakagawa. Huminto ang sasakyan ni Brent sa isang malaking bahay na may mataas na bakod at gate. Ang nakikita niya lang ay ang mga nagtataasang puno sa loob ng bakuran. “Ito ang bahay niyo?” tanong niya sa lalaki. “Oo,” sagot ni Brent pagkatapos bumaba ng sasakyan. Umikot ito upang pagbuksan siya ng pinto. Muli siyang napatitig sa bahay ng nobyo. Kahit luma na ang pintura ay hindi pa rin mababawasan ang ganda ng bahay mula sa labas. Sa laki no’n ay tiyak na hindi na nagkikita ang mga tao sa loob. Kitang-kita naman kasi kung gaano kalawak ang bahay ng mga ito. Napansin niyang may security guard pa ang mga ito. Lumapit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD