CHAPTER TWENTY-FOUR

1851 Words

Mercilita's pov KANINA niya pa kinakausap si Nessie pero tila wala ito sa sarili. Nakatitig lang ito sa kanya at mukhang malalim ang iniisip. Ang mga mata nito ay hindi kumukurap. "Hello!! May kausap ba ako?" untag niya sa kaibigan na nanlalaki ang mga mata. "Ha? Ano nga ulit ang sinasabi mo?" tanong sa kanya ni Nessie. "Pambihira ka naman Nessie, ngawit na ngawit na ang dila ko sa kakasalita wala ka man lang maintindihan," reklamo niya. Kumakain sila ng hapunan nang mga oras na iyon. Tapos na siyang kumain samantalang ito ay hindi man lang nagagalaw ang ang pagkain sa pinggan. “Inlove ka ba?” “Sana nga,” tugon ni Nessie sa kanya na inirapan siya. “Ano nga ulit ang sinasabi mo?” “From the beginning te?” nanlalaki ang mga mata na tanong niya. Tumango si Nessie sa kanyang tanong.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD