Chapter 6
Jason
Sa araw-araw naming pagsasama ni Patricia, natutuwa ako sa tuwing nahihirapan siya. Subalit nang makita ko na puro kupas na ang mga damit ko at pantalon, lalo lang ako nainis sa kaniya.
Ang hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang naramdaman kong konsensya nang marinig ko ang tiyan niya na tumutunog. Sinadya ko talaga kahapon na hating gabi na umuwi. Dumating din kasi si Senorito Daniel, kaya nag-inoman kami.
Sa tuwing nahihirapan si Patricia natutuwa ako, subalit sa kabilang bahagi ng puso ko nasasaktan din ako na hindi ko maunawaan.
Gusto ko mahirapan siya dahil sa ginawa niya sa kapatid ko.
Mapusok ang mga halik ko sa kaniyang labi ngayon.
Sa bawat dampi ng halik ko sa kaniyang katawan, naroon ang pagnanasa na makaganti sa kaniya.
Subalit sa bawat sandali na pinagsasaluhan namin hindi rin maiwasan na mamangha ako sa kaniya. Subalit kailangan kong pigilan ang umuusbong kong damdamin sa kaniya. Dinala ko siya rito upang pahirapan.
Gusto ko siyang magdusa.
Bago pa dumating ang mga magulang ko dinala ko si Patricia, sa silid namin at doon ko siya inangkin.
"Ahh, Jason! Dahan-dahan nasasaktan ako," daing niya sa akin habang malakas ko siyang binabayo.
Hinagkan ko siya sa labi at binayo ng malakas. Iyon ang gusto ko ang nahihirapan siya at nasasaktan.
Wala akong pakialam sa nararamdaman niya. Hanggang sa ipinutok ko sa loob niya ang aking katas.
Nakangiwi siya nang bunutin ko ang alaga ko sa loob ng kaniya. Alam kong tinitiis niya ang sakit at hapdi.
"Thank you, babe. You make me happy this morning," nakangiti kong sabi sa kaniya at hinagkan ang kaniyang noo.
"Habang tumatagal palakas naman nang palakas ang pagbayo mo sa akin, babe. Nasasaktan kaya ako," mahinhin niyang sabi sa akin.
"Ang sarap mo kasi, babe. Maliligo muna ako. Papasok pa ako sa trabaho," sabi ko sa kaniya.
'Yong kape mo malamig na," nakangiti niyang sabi sa akin habang isa-isa niyang sinusuot ang saplot niya.
"Sige, inumin ko na lang muna. Inigiban na kita ng tubig para hindi ka mahirapan sa pag-igib," sabi ko sa kaniya.
Sabay na kami lumabas ng aming silid.
Nagtungo ako sa labas ng bahay. Kinuha naman ni Patricia, ang kape at dinala iyon sa akin sa labas.
Naupo ako sa harap ng lamesa.
"Babe, ito na ang kape mo. Medyo mainit pa," nakangiti niyang sabi sa akin.
Inilapag niya sa lamesa ang kape at napansin ko ang kaniyang kamay na namumula at puro sugat.
Hinawakan ko iyon at tiningnan. "Anong nangyari rito sa kamay mo?" nag-aalala ko na tanong sa kaniya.
"Sa kakakusot ko ng mga damit natin, kaya nasugat 'yong kamay ko. Ang dami ko kasing nilabhan kahapon."
Napabuntong hininga na lang ako ng malalim sa sinabi niyang iyon. Ang makinis niyang kamay nagasgasan.
Dapat matuwa ako dahil nasugatan ang kaniyang kamay subalit parang naawa rin ako sa kaniya.
"Dapat kasi hindi mo na nilabhan ang mga damit. Hayaan mo kapag may sarili na tayong bahay dadalhin ko na lang sa laundry shop ang mga marumi nating damit para hindi na masugatan ang kamay mo," wika ko sa kaniya.
"Okay, lang iyon, babe. Naawa rin kasi ako kay Mama na siya ang maglaba. Hayaan mo sa susunod hindi ko na ibi-bleach 'yong mga de color," nakangiti niya pang sabi sa akin.
Sa tingin ko kay Patricia, siya 'yong tao na kahit hirap na hirap na nakuha niya pa rin ngumiti. Kaya siguro ang bilis niya lang kinalimutan ang nangyari sa kapatid ko. Nagawa niya pa rin ngumiti, kahit nakapatay siya ng tao.
Inubos ko ang kape ko saka tumayo ako para maligo. Nasa pintuan na ako nang magsalita si Patricia
"Babe, magbabaon ka ba ng kanin? Isasangag ko na lang ang natira sa sinaing mo kagabi," tanong at sabi sa akin ni Patricia.
"Huwag na siguro, babe. Pakisangag na lang ng kanin para makakain ako bago ako pumasok sa trabaho," wika ko sa kaniya.
Tumango-tango naman siya at tumuloy na ako sa loob ng bahay at nagtungo sa banyo upang maligo.
Pinuno ko na ang lagayan ng tubig dito sa banyo para hindi na mahirapan sa Patricia sa pag-igib. Alam ko na sinadya ni Mama, na palabahin si Patricia, para mahirapan ito.
Nahihirapan din ako sa tuwing dumadaing sa akin si Mama at umiiyak sa tuwing naalala niya si Lalaine. Palagi niyang sinasabi sa akin na ipaghiganti ko ang pagkawala ng kapatid ko.
Ngayong nasa kamay ko na ang dahilan kung bakit nawala si Lalaine. Hindi ko sasayangin ang panahon para hindi makapaghiganti sa taong naging dahilan kung bakit siya nawala sa amin? Hindi ako dapat makaramdam ng ano pa man kay Patricia.
Naligo na lang ako at nagbihis na. Sakto naman pagkatapos kong magbihis ay luto na ang sinangag ni Patricia.
"Babe kain na tayo," aya nito sa akin.
Nakalatag na ang pagkain sa lamesa. Napabuntong hininga ako ng malalim ng humarap ako sa hapagkainan. Medyo sunog ang sinangag at ang itlog naging toasted egg na sa sobrang itim.
"Mukhang galit ka yata sa itlog. Sana tinusta mo pa ito ng husto," pagbibiro kung sabi sa kaniya subalit naiinis ako.
"Pasensya ka na, babe. Ang lakas kasi ng apoy kaya hindi ko makontrol. Hayaan mo at matututo rin ako. Huwag mo na lang kainin iyan dahil mapait," sabi nito at kinuha ang plato na nilagyan niya ng sunog na itlog.
"It's okay, babe. Kakainin ko na lang kahit sunog. Pinaghirapan mo itong lutuin!" nakangiti ko pang sabi sa kaniya subalit sa loob-loob ko naroon ang pagkamuhi.
Kailangan ko muna siyang pakisamahan, bago ko gawin ang plano ko. Kailangan makuha ko ng husto ang kaniyang tiwala at puso.
"Babe, lutuan na lang kita ulit. Ang pait na kasi niyan. May isa pang itlog na natira kaya iluluto ko na lang iyon," sabi pa nito sa akin.
Hinayaan ko na lang siya. Subalit nagsasayang lang talaga siya ng pagkain. Dinukot ko pa naman ang tatlong itlog na iyon sa limliman ng mga manok ni Papa para may maulam kami ngayong umaga.
Sinadya ko na hindi mag-grocery. Ayaw kong mag-stock ng pagkain para kay Patricia. Gusto ko 'yong mahihirapan siya. Bago pa masunog ulit ang itlog kinuha ko sa kaniya ang sandok.
"Babe, bawasan mo 'yong apoy dahil hindi naman nilaga ang niluluto mo. At huwag kang magluto ng mag-isa ka lang, ha? Baka mamaya masunog ang bahay ni Mama at Papa," wika ko sa kaniya at binaliktad ko na ang itlog.
"Matututo rin ako niyan, babe. Syempre, bago pa lang ako natuto magluto rito sa dapugan. Pero kapag sa kalan ito mabilis lang ako magluto. Iyon nga lang nakaka-enjoy magluto rito sa dapugan," sabi nito sa akin.
Kakaiba yata ang babaeng ito. Kung saan na sinasadya kong pahirapan siya katulad nitong pagluto niya sa dapugan ay parang nacha-challenge pa siya at nag-e-enjoy.
Sinadya ko talaga na hindi palagyan ng laman ang gasol para dito si Patricia magluluto sa dapugan.
Nang maluto na ang itlog ay kinuha ko ito sa kawali at inilagay sa aking plato. Nilagyan ko ng abo ang apoy para mamatay.
Naupo na si Patricia, sa harap ng lamesa. "Hati na lang tayo rito sa itlog," sabi ko at hinati ko ang itlog at ibinigay sa kaniya ang kalahati.
Ngumiti siya sa akin ng matamis. "Thank you, babe. Sa susunod pagbubutihin ko na ang pagluluto. Siya nga pala, babe. Kailan mo ako dadalhin sa bayan? Gusto kong bumili ng mga stock natin dito," malambing niyang sabi sa akin.
"Huwag ka muna pumunta sa bayan. Alam mo naman na maraming kaibigan ang Kuya mo. Baka mamaya may makakita sa'yo. Hayaan mo at bibili ako mamaya ng stock natin dahil bukas magpapagawa tayo ng bahay natin." Bahagya lang siyang sumimangot sa sinabi kong iyon.
"Na-miss ko na gumala sa mall, babe. Pero sige na lang dito na lang muna ako at tama ka baka may makakita sa akin." Mabuti na lang sumang-ayon siya sa sinabi ko.
"Kaunting tiis lang, babe. Unahin muna natin ang makapagpatayo ng sarili nating bahay. Isipin mo na lang na para sa future natin ito at sa ikabubuti natin. Hayaan mo at maipapasyalan kita rito sa San Agustin, paglalambing ko na lang sa kaniya.
Ngumiti lang siya at tumango-tango. Nagpatuloy siya sa kaniyang pagkain.
Pagkatapos namin kumain ni Patricia, umalis na ako sa bahay para pumasok sa trabaho ko.
Sumakay ako sa motorbike na bago kong bili. Mabilis kasi ako makarating sa trabaho ko kapag ito ang ginamit ko.
Pagdating ko naman sa opisina agad akong sinalubong ni Andrea, ang head manager ng kompanya.
"Good morning, Architect," nakangiti nitong bati sa akin.
"Good morning, Miss Andrea," balik kong bati sa kaniya.
"Pumunta ka sa opisina ko dahil may bago tayong client. At kapag ito ang nakuha mo tiyak na tiba-tiba ka rito. By the way pumunta ka muna sa opisina ni Sir Kevin at pagkatapos pumunta ka sa opisina ko," utos nito sa akin.
Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango-tango.
Nagtungo na ako sa opisina ni Kevin, ang matalik kong kaibigan. Dito ako sa kompanya niya nagta-trabaho ngayon pagkatapos kong umalis sa IKS.
Bukas ang kanyang pintuan kaya kumatok ako. Nakaupo ito sa kaniyang shivel chair. Humarap ito sa akin. Pumasok ako sa loob at nakatayong humarap sa kaniya.
"Tawag mo raw ako?" tanong ko.
"Yes, baka sakaling magkaroon ka na ng project ngayon. At hindi lang basta-basta ang magiging client natin, dude! Kundi ang nag-iisang Donia Luna Harris. Siya lang naman ang may-ari ng Luna bank. At mayroon siyang 134 assets. Siya rin ang asawa ni Don Edelfonzo Harris, ang may-ari ng power supply sa buong Holand. Marami rin siyang mga assets. Siya rin ang may-ari ng Wilson gold jewelries sa iba't ibang panig ng bansang Maharlika. Pati na rin ang Wilson mall na mayroong 108 branches dito sa Maharlika at may walong branches sa America at may sampo sa china." Tumango-tango lang ako sa pahayag na iyon ni Kevin.
Noong nag-aaral pa lang kami sa college ay palagi niyang hinahangaan ang mga Harris. Pareho kami ng kursong kinuha na architecture. Nagpatayo siya ng sariling firm habang ako naman nag-apply ng trabaho dahil kapos ako sa kapital. Hanggang nakapasok ako sa kompanya ng IKS, na pagmamay-ari ng ina ni Patricia. At ang kuya nitong si Lorenzo ang nagpapatakbo ng kompanya nila.
Lalo akong naging interesado na makapasok sa IKS nang malaman ko na may kaugnayan sa mga Smith ang kompanya. Dati si Senorito Daniel, ang nagpapatakbo sa kompanya, subalit pinalitan ito ni Lorenzo Anderson. Tumagal ako sa kompanyang iyon at nagkaroon ako ng maraming impormasyon tungkol sa may-ari ng kompanya. Hanggang sa huli nalaman ko na anak pala ni Rosa sa unang asawa nito si Lorenzo.
At ang nakakatuwa naging kaibigan ko si Shany, na kapatid ni Sir Reynold, na siyang may-ari ng malawak na lupa na tinitirikan ng bahay namin ngayon. Si Papa at si Mama, ang naging caretaker ng lupain niya rito sa San Agustin.
At dahil kay Shany, nakilala ko si Patricia. Noong una talagang humanga ako sa ganda ni Patricia. Subalit nang malaman ko na isa siyang Smith, medyo nagbago ang nararamdaman kong paghanga sa kaniya.
At ng malaman ko na siya ang anak ni Rosa at ang banyagang si Patrick, doon umusbong ang galit ko dahil nalaman ko na siya ang pumatay kay Lalaine. Simula noon gumawa na ako ng paraan para mapansin ni Patricia.
Kaya tuwang-tuwa ako noon ng sagutin niya ako. Bumalik siya sa Amerika at nagtiyaga ako na maghintay sa kaniya para lang maisakatuparan ang plano ko.
"Mukhang ang lalim yata ng iniisip mo?" Tanong sa akin ni Kevin ng manahimik ako.
"Wala, namangha lang ako sa mga Harris. Sila yata ang top one na pinakamayaman dito sa Maharlika. Kailan tayo makipag-meeting sa kanila?" tanong ko kay Kevin.
"Mamaya, dude. Pupunta sila rito sa San Agustin. Kaya humanda ka dahil makipag-meeting tayo sa kanila," wika sa akin ni Kevin.
"Okay, ano ba ang ipapagawa ng mga Harris? My idea ka ba?" tanong ko kay Kevin.
"Ang dinig ko restaurant yata at hotel. At parang may resort din. Malalaman natin iyan mamaya kapag nakausap natin sila," sabi pa sa akin ni Kevin.
Ang galing talaga ng mga Harris. Siguro kung may pera lang ako pangkapital marami rin siguro akong negosyo na maipapatayo. Lingid sa kaalaman ng pamilya ko at ni Patricia. Bumili ako ng Franchise ng siomai. Tatlong taon na iyon nag-o-operate at may tao lang ako nà sinasahuran. Balak ko rin na bumili pa ng isa at ilagay rito sa San Agustin.
"Sana hindi magbago ang isip ng mga Harris at makuha natin ang project na ito," sabi ko kay Kevin.
Sana nga mag-close ng deal sa amin ang Harris. Ito ang kaunahang project na hahawakan ko kung sakali, na hindi na under ng IKS.