Episode 7

2039 Words
Chapter 7 3rd Pov Sumapit ang tanghali nakipagkita si Jason at si Kevin sa kanilang kliyente. Sa isang magarang restaurant sila nagkita ni Doña Luna Harris. "How are you, Kevin? You are the son of King Garcia Company, right?" nakangiting tanong ni Mrs. Luna kay Kiven nang dumating ito sa restaurant na pagme-meeting-an nila. "Yes, Doña Luna. My father is King Garcia and my mother is Selvia Garcia. I'm glad to meet you, Doña Luna," nakangiting bati ni kevin sa Doña. Habang si Jason naman nakatayo lang sa gilid ni Kevin. Pinagmamasdan nito si Doña Luna. Parang pakiramdam niya matagal niya ng kilala ang Doña. Titig na titig si Jason sa Doña. Para bang kakaiba ang nararamdaman niya nang makita si Doña Luna. "Yes, kilala ko ang mga magulang mo. Sa katunayan nga ang Mommy mo ang nagsabi sa akin na may sarili kang company at nagsisimula ka pa lang. Ka-klase ko ang Mommy mo noong high school kami. And don't call me Doña Luna. Just call me, Tita Luna," nakangiting sabi ni Doña Luna, kay Kevin. "Ah, yes Tita," nakangiti namang tugon ni Kevin. Napatingin naman si Doña Luna kay Jason. Sa paningin ni Doña Luna kay Jason, parang nakikita niya ang tindig ni Don Edelfonzo, noong kabataan pa nila. "At sino naman itong gwapong kasama mo, Iho?" nakangiti naman na tanong ni Doña Luna kay Kiven. Hindi man lang nito inaalis ang paningin niya kay Jason. "Tita, siya po Si Jason Florida. Siya ang magaling na architect na kasama ko. Jason, siya si Doña Luna Harris. Ang magiging kleyente natin," pagpapakilala ni Kiven sa dalawa. Tipid na ngumiti si Jason kay Doña Luna at nakipagkamay ito. "Ikinararangal ko pong makilala kayo Doña Luna. Sa abot ng aking makakaya gagalingan ko po ang mga ipapagawa ninyo." Kinakabahan man si Jason subalit hindi niya iyon pinapahalata. Hindi niya alam kung bakit ganito ang kaniyang nararamdaman nang makita si Doña Luna? Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Subalit si Doña Luna, naman ang gaan ng loob niya kay Jason. Matamis na ngiti lang ang iginanti ni Doña Luna kay Jason. At ng mahawakan nito ang kamay ni Jason, hindi na maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Tinawag nila ang waiter at nag-order ng pagkain. "By the way gusto ko sana na magpatayo ng restaurant dito sa San Agustin. Subalit gusto ko may swimming pool. Parang 3 in 1. 'Yong habang kumakain ang mga customer may magandang view silang makikita at kapag gusto naman nilang maligo may mga swimming pool sila na maliliguan. At kapag gusto naman nilang mag-bonding may hotel silang matutulugan. Malawak ang lupa ko dito sa San Agustin. Kaysa naman hindi mapapakinabangan, kaya naisipan kong patayuan siya ng hotel, resort, at restaurant. Ang gusto ko sana sa gitna ang swimming pool tapos sa kaliwa ang restaurant at sa kanan naman ang hotel," sabi ng Doña sa dalawa. "Si Jason, po ang bahala riyan, Tita," saad naman sa kaniya ni Kevin. Gusto nitong ipagmalaki si Jason sa harap ng Doña. Tipid lang ngumiti si Jason. Sadyang ganoon talaga ang katauhan niya. Lagi itong seryoso at bihira lang ngumiti. Kaya hindi mo mababasa kung ano ang nasa isip niya. "Pero kailangan ko munang makita ang site. Para madali lang sa akin gumawa ng disenyo," seryosong sabi ni Jason kay Doña Luna. "Sure, Mister Florida, right?" Tumango-tango naman si Jason, sa tanong sa kaniya ni Doña Luna. "Don't worry after natin kumain mamasyal tayo sa lugar ng pagpapatayuan ko ng restaurant at hotel. Ipapangalan ko iyon sa anak kong si Wilson. Tatawagin nila iyon na Wilson Hotel and Restaurant Resort," nakangiting sabi ni Doña Luna kay Jason at Kiven. Matamis man ang mga ngiti na pinapakita niya sa dalawa subalit hindi makakaila ang lungkot sa kanyang mga mata at napansin din iyon ni Jason. Sa 100% percent na pagmamay-ari ni Doña Luna, na mga business niya ay 90% ay ipinapangalan niya sa pangalan ng nag-iisa nilang anak ni Don Eldelfonzo, na si Wilson Jade Harris. Umaasa pa rin si Doña Luna, na makikita niya ang nag-iisa niyang anak at tagapagmana ng kanilang kayamanan. Ilang taong gulang pa lang ang kaniyang anak noon nang mawala ito sa party. May dinaluhan sila noong okasyon, subalit bigla na lang nawala ang bata. Kahit sinasabi ng iba na baka nakasama ito sa mga bata na kinidnap noon at ibinibinta ng mga sindikato sa mga nangangailangan ng transplant, subalit hindi nawawalan ng pag-asa si Doña Luna. Nararamdaman niya na buhay pa ang kaniyang anak. At umaasa siya na darating ang araw na makita nila ito at makasama. Pagkatapos nilang kumain na tatlo ay nagtungo sila sa site kung saan ipapatayo ni Doña Luna, ang restaurant, hotel at resort. Nang makita ni Jason, ang lugar buo na kaagad sa isipan niya ang plano at disenyo ng hotel, restaurant, at resort. Malawak nga ang lupain ni Doña Luna, dito sa San Agustin. Anim na hectare ang lupa. Sa tuwing umaalis si Doña Luna, hindi maaari na wala siyang bodyguard, kaya palagi itong may kasamang tatlong bodyguard. "Ano sa palagay mo, Mr. Florida? Maganda kaya ang location sa ipapatayo kong proyekto?" Magiliw na tanong ni Doña Luna kay Jason. Sobrang napakagaan ng pakiramdam niya habang kinakausap niya ang binata. Hindi siya gaano madaldal sa kahit sino pa man, subalit pagdating kay Jason, pakiramdam niya parang matagal na silang magkakilala ng binata. "Maganda ang lugar, Doña Luna. Lalo na at overlooking siya. Nakikita ang bayan ng San Rafael at ang malawak na karagatan. Pati nga ang Isla del Monte ay matatanaw mula rito," komportable naman na sagot ni Jason kay Doña Luna. Medyo mataas ang lupa ni Doña Luna, dito sa bayan ng San Agustin. Maganda ang lugar dahil daanan talaga ng mga bakasyonista. Malapit pa sa paaralan at sa palengke. Malapit din sa hospital at sa simbahan. Panay ang titig ni Doña Luna kay Jason. Hindi niya maiiwasan na hindi tumingin sa binata. "Salamat, Mr Florida. Kaya nga naisipan ko na patayuan na lang ito ng hotel at resort saka restaurant dahil alam kong maganda ang lugar. May tatanong sana ako sayo, Mr. Florida, ilang taon ka na sa pagiging architect?" tanong ni Doña Luna, kay Jason. "Isang taon lang po ako sa pagiging architecture ko tapos naghanap ako ng ibang trabaho, pero related pa rin sa pagdidisenyo. Hayaan niyo po Doña Luna, kung hindi po kayo sigurado sa kakayahan ko huwag niyo na lang muna lagdaan ang kontrata. Ipapakita ko po muna sa inyo ang blueprint para pwede ninyong hindi ituloy ang kontrata at maghanap kayo ng bagong architect kapag hindi ninyo nagustuhan ang disenyo ko," prangka na sabi ni Jason kay Doña Luna. Sa lahat pa naman ng ayaw ni Jason ay parang ina-under-estimate siya at walang tiwala sa kakayahan niya. Kinalabait naman kaagad ni Kevin si Jason, sa klase ng sagot niyang iyon kay Doña Luna. Kilala kasi nito si Jason. Wala itong pakialam kong sino man ang kaharap niya kung alam niyang nasa tama siya. "I'm sorry to offended you, iho. Pero hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang malaman kung ilang taon ka na sa pagiging architect. Iyon lang naman at walang ibig sabihin iyon. Don't worry dahil gusto ko talaga ang kompanya ninyo ang gumawa ng project na ito," nagawa pa rin ngumiti ni Doña Luna sa binata. "It's okay, Doña Luna. Sisiguraduhin ko na magiging proud ka at magugustuhan mo ang disenyo ng hotel, restaurant, at resort sa lugar na ito," seryosong sabi ni Jason kay Doña Luna. *** Habang abala si Jason sa kaniyang trabaho, pinuntahan naman ni Manang Lote si Patricia sa bahay nila. Gusto talaga nitong nahihirapan ang dalaga. Gusto niya araw-araw pahirapan si Patricia. Araw-araw siyang nangungulila sa sa kaniyang anak na namatay, kaya dapat magdusa din ang pumatay sa kanyang anak. Ilang taon na ang nakalipas subalit sariwa pa rin sa alaala niya ang pagkawala ng kanilang anak nila ni Manong Gorio. "Ano ang ginagawa mo, iha?" tanong ni Manang Lote kay Patricia, nang dumating ito galing sa maisan. "Wala na po akong gagawin Ma, bakit po?" tanong naman ni Patricia sa matanda. Nakaupo siya sa upuang kawayan at nagne-naill file ng kaniyang kuko. "Hali ka, pumunta tayo roon sa titirikan ninyo ng bahay ni Jason. Nagpuputol sila ng kawayan, para sa ipapatayong bahay ninyo ni Jason," aya ni Manang Lote sa dalaga. "Sige po, Ma. Magbibihis lang po ako." Tumayos si Patricia at nagtungo sa kanilang silid at nagbihis. Nag-short lang siya hanggang taas ng tuhod niya. May masama na namang binabalak sa kaniya si Manang Lote. Naglakbay na sila patungo sa titirikan nilang bahay ni Jason. Subalit doon siya dinaan ni Manang ni Lote sa magubat na daan. Tahimik lang si Patricia at mukhang nag-e-enjoy naman siya sa paglalakbay nila, kahit na nasusugatan ang mga hita niya ng matatalas na damo wala siyang pakialam. Hanggang nakarating sila sa pinuputulan ng mga kawayan nila Manong Gorio at sa dalawang kasama nito. "Lote, bakit mo dinala rito si Patricia?" Nag-alalang tanong ni Manong Gorio sa asawa. "Wala naman kasi siyang ginagawa, kaya gusto kong ipakita sa kaniya ang titirikan nilang bahay ni Jason. Saka maghahanap na rin kami ng mga kahoy para panggatong," sagot ni Manang Lote, sa kaniyang asawa. "Okay, lang po ako, Pa! Mabuti nga at dinala ko rito ni Mama, para masanay na rin ako," nakangiti pa rin na sabi ni Patricia kay Manong Gorio. Naaawa si Manong Gorio, sa binabalak na paghihiganti ni Jason at ni Manang Lote kay Patricia. "Dapat doon ka lang muna sa bahay, iha. At hintayin mo na lang si Jason doon," sabi naman ni Manong Gorio sa kaniya. "Malungkot din po kasi kapag mag-isa doon, Pa. Kaya, okay lang po na sumama ako kay Mama," nakangiti pa rin na wika ni Patricia kay Manong Gorio. Sumulirap naman ang mga mata ni Manang Lote dahil sa sinabing iyon ni Manong Gorio kay Patricia. "Hali ka na, iha. Huwag mo ng pansinin ang Papa mo," aya ni Manang Lote kay Patricia at hinawakan niya na ito sa pulsuhan at hinila. Bumuntong hininga na lang ng malalim si Manong Gorio dahil sinamaan siya ng tingin ni Manang Lote. Ipinagpatuloy na nito ang pagputol ng kawayan para gawing bahay nila Jason at Patricia. Dinala naman ni Manang Lote si Patricia, kung saan gagawin ang bahay nila. "Dito kayo sa lugar na ito ni Jason titira, iha. Medyo malayo nga lang sa kabahayan, pero okay lang. Kung ako sa'yo magtanim-tanim ka rito ng mga gulay para hindi kayo bili ng bili. Sa tubig wala kayong problema dito dahil malapit lang ang batis. Pwede ka doon maglaba. Saka dapat matuto ka na maghanap ng panggatong. Alangan naman na iaasa mo pa iyon kay Jason, pagdating niya eh pagod na iyon sa trabaho," sabi ni Manang Lote kay Patricia. Tango lang ang naging tugon ni Patricia sa mga sinabing iyon ni Manang Lote. "Hali ka tulungan mo ako manguha ng panggatong," aya pa sa kaniya ni Manang Lote. Sumunod naman si Patricia kay Manang Lote. Nanguha sila ng mga patay na kahoy at nilagay mo na nila iyon sa isang lugar. Hirap na hirap man si Patricia, subalit lahat kaya niyang gawin alang-alang sa pagmamahal niya sa binata. Hindi niya alintana ang pagod bagkus ay parang challenge lang ito sa kaniya na kailangan niya malampasan. Ang nasa isip niya minahal niya si Jason, kaya kailangan niyang tanggapin kung ano man ang kaya ni Jason, na ibigay sa kaniya na buhay. Ang hindi niya alam lahat ng pinapakitang kabutihan sa kaniya ni Jason ay pawang pakitang tao lamang. Ang hindi niya alam gusto siyang durugin ni Jason. Hindi man physical kundi emotional. "Ma, marami na ang naipon nating kahoy. Kailangan po ba natin ito dalhin sa bahay?" Inosenteng tanong ni Patricia kay Manang Lote. Nag-e-enjoy rin siya sa pagpupulot ng mga kahoy na panggatong. "'Yong iba lang, iha. Iiwan natin ang iba rito dahil gagamitin nila bukas," sagot naman sa kaniya ni Manang Lote. Tumango-tango lang si Patricia. "Marami-rami na itong naipon natin, iha. Pasanin mo iyang kahoy na iyan dahil dadalhin natin sa bahay," turo ni Manang Lote sa kahoy kay Patricia. Bahagya pang umawang ang labi ni Patricia dahil maraming sanga ang patay na kahoy ang gustong ipapasan ni Manang Lote sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD