Chapter 2
Patricia
Isang linggo kaming nanatili ni Jason, sa maliit na apartment na tinutuluyan niya. Hindi ako nakipagkita kay kuya Lorenzo, simula ng dumating ako. Alam ko kasi na pipigilan niya ako kapag nalaman niya nakikipag-live in ako kay Jason. Baka mamaya pag initan niya pa si Jason at ipatanggal sa trabaho. Hindi ko rin sinasagot ang tawag ni Mommy at Daddy. Basta, ang sabi ko sa kanila okay lang ako at huwag nila akong alalahan. Graduate na rin naman ako at wala na silang dapat pang ipag-alala sa akin.
Dahil nagbubugso ang damdamin ko para kay Jason, wala akong ibang inisip kundi ang makasama lang siya. Unang beses kong magmahal subalit tudo bigay ako na halos walang natira sa sarili ko. Ang mahalaga sa akin masaya ako dahil magkasama kaming dalawa. Sapat na iyon sa akin.
Patungo kami ni Jason sa San Agustin, kung saan nakatira ang mga magulang niya. Dala-dala ko rin ang mga pasalubong ko para sa kanila.
Nakasakay kaming dalawa sa tren. Mas mabilis daw kasi ang biyahe kapag dito kami sumakay.
Nakasandal ako sa kanyang balikat. "Excited na ako makita ang mga magulang mo, babe." Nakangiti kong sabi sa kaniya.
Hinagkan niya ako sa tuktok ng aking ulo. Excited na rin sina, Mama at Papa, na makilala ka, babe," nakangiti nitong sabi sa akin.
"Sana magustuhan nila ako para sa iyo," sabi ko sa kaniya.
"Of course, naman, babe! Sigurado ako na magugustuhan ka nila Mama at Papa. Siya nga pala nag-resign na ako sa company ng Kuya mo."
Nang marinig ko ang huling sinabi ni Jason, umalis ako sa pagkasandal sa kanyiang balikat at tumingin sa mga mata niya. Nagulat kasi ako sa ipinahayag niya.
"Bakit ka umalis, babe?" kunot noo na tanong ko sa kaniya.
"Nag-apply kasi ako ng trabaho sa San Agustin, natanggap naman ako, kaya roon na ako magta-trabaho para malapit lang din kina Mama at Papa. Isa pa umiiwas ako sa Kuya mo dahil panay ang tanong niya sa akin kung nagkita raw ba tayo?" sagot niya sa tanong ko.
"Hinahanap ako ni Kuya, sa'yo?" Panigurado kong tanong sa kaniya.
"Oo, syempre sinabi ko naman na hindi tayo nagkita. Alangan naman aminin ko dahil ayaw mo naman ipaalam sa kanila na magkasama tayo," malambing nitong sabi sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag sa sagot niyang iyon. "Mabuti hindi mo sinabi. Nagpalit na nga ako ng sim card at nag-deactivate na rin ako ng social media account ko. Kapag malaman kasi ni Kuya na nakipag-live in ako sa'yo tiyak na papauwiin niya ako sa Amerika," sabi ko kay Jason, habang nakayakap ako sa baywang niya. Wala akong pakialam sa ibang mga tao na nakatingin sa amin.
"Thank you, babe sa pagmamahal mo. Pinili mo ako kaysa career mo," malambing nitong sabi sa akin.
"Dahil ayaw ko na magkawalay tayo, babe. Baka mamaya makahanap ka pa ng iba at palitan mo pa ako," paglalambing na sagot ko sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin. Parang may gustong ipahiwatig ang kaniyang mga mata. Hindi ako nagsisisi na si Jason, ang pinili ko kaysa aking career. May savings naman ako galing sa pagmomodelo ko at sa mga allowance na pinapadala sa akin ni Kuya Lorenzo, at binibigay sa akin ng mga magulang ko. Ano mang oras pwede ako magpatayo ng negosyo na gusto ko. Para sa ganoon makatulong rin ako kay Jason sa mga gastusin namin sa pang araw-araw. Handa na talaga akong ibuhos ang buhay ko sa kaniya.
Masaya ako na kasama si Jason. Simula noong nakilala ko siya mahigit isang taon din ang hinihintay ko para lang muling makasama siya.
Nakarating kami sa station ng tren sa San Agustin ni Jason. Bumaba kaming dalawa at nagpara naman siya ng taxi. Nagpahatid kami sa lugar ng mga magulang niya.
Habang papalapit kami sa lugar nila kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Sobrang excited lang siguro ako, kaya ako kinakabahan. Magsisimula ako sa panibagong yugto ng buhay ko kasama si Jason. Bubuo kami ng sarili naming pamilya.
Ilang sandali pa ang nakalipas huminto kami sa isang malawak na lupain. Sa hindi kalayuan tanaw ang isang bahay na yari sa kawayan. Bumaba kami ni Jason sa tabi ng palayan. Isang matanda ang sumalubong sa amin.
"Anak nandito na pala kayo, ayan na ba ang girlfriend mo?" Malawak na ngiti na tanong ng matanda kay Jason, kung hindi ako magkamali ito siguro ang kaniyang Papa.
"Opo,,Pa. Si Patricia nga pala. Babe, siya ang ama ko, si Papa Gorio," pakilala ni Jason sa kaniyang ama sa akin.
Ngumiti ako sa matanda at nakipagbiso-biso sa kaniya. "Magandang umaga po, Pa," bati ko sa kaniya. Naki-Papa na rin ako dahil para na rin naman kaming mag-asawa ni Jason.
"Magandang umaga rin, iha. Kaya pala lagi kang binibida sa amin ni Jason dahil totoo pala talagang maganda ka. Hali na kayo at may inihanda ang Mama ninyo na pagkain para sa inyo," aya sa amin ng Papa ni Jason.
Tinulungan niya si Jason na dalhin ang iba kong maleta. Hindi na kasi kami babalik sa apartment na inuupahan ni Jason kaya dala namin lahat ng mga damit namin at mahahalaga niyang gamit.
Tumawid kami sa isang pilapil. "Babe, dahan-dahan, baka madulas ka?" wika sa akin ni Jason.
Medyo hindi ako marunong maglakad sa pilapil, kaya bilang ang bawat hakbang ko. Hindi ko inaasahan na ganito kaliit ang daanan patungo sa bahay nila Jason.
Ang bagal kong maglakad. Natatakot kasi ako na baka madulas ako at pulutin ako sa palayan.
"Babe, ano ba ang ginagawa dito sa mga palay?'' inosente kong tanong sa kaniya. Ngayon lang kasi ako nakakita ng palay na tinatawag.
''Syempre, ginagapas iyan, babe," sagot niya sa akin.
"Ang ibig kong sabihin ano ang ginagawa riyan sa palay?" muli kong tanong sa kaniya.
Natawa naman ang Papa niya sa tanong kong iyon, kaya nagtataka ako kung ano ang nakakatawa sa tanong ko.
"Hindi mo ba alam, iha kung ano ang palay?" baling ng Papa ni Jason na tanong sa akin habang bitbit ang dalawa kong maleta.
"Alam ko po 'yong palay Papa. Pero hindi ko alam kung saan siya ginagamit?" sagot ko sa tanong niya.
"Kumakain ka ba ng bigas, iha?" tanong pa nito sa akin.
"Minsan po, pero madalas po tinapay ang kinakain ko at pasta sa Amerika," sagot ko sa tanong na iyon ng ama ni Jason. Nasa unahan ko siya at si Jason, naman nasa likuran ko.
"Babe, diyan galing ang bigas," sagot ni Jason sa akin. Huminto ako at bumaling sa kaniya.
Kulay green ang bunga ng palay, kaya nagtataka ako kung paano nagiging bigas iyon?
"Paano siya nagiging bigas, babe? Binibilad ba siya sa araw?" Muli kong tanong sa kaniya dahil curious talaga ako kung paano naging bigas ang palay.
"Kapag hinog na ang palay ginagapas na iyan tapos iti-treaser. Pagkatapos ibibilad siya at isasalang sa malaking makina at gigilingin, kaya nagiging bigas na siya." Paliwanag naman ni Jason sa akin, kaya tumango-tango ako sa kaniya.
"Ah, gano'n pala iyon? Dito pala galing sa palay ang bigas?" nakangiti kong sabi kay Jason.
Maganda pala kapag dito ka sa probinsya nakatira. Maliban sa maganda ang simoy ng hangin malinis pa. Malayo din sa ingay ng mga sasakyan. At mukhang wala rin silang kapitbahay. Ang lungkot siguro rito kapag gabi?
Ilang sandali pa nakarating na kami sa harap ng bahay nila Jason. Pumasok si Papa Gorio, sa loob dala ang maleta ko.
"Babe, pasensya ka na rito sa bahay namin, ha? Ito lang kasi ang nakayanan ng mga magulang ko na ipatayo. Pasensya ka na kung malayo sa nakasanayan mo," hingi ng paumanhin sa akin ni Jason.
Nakangiti ako na humarap sa kaniya. "Hindi naman mahalaga sa akin kung ano ang bahay niyo, babe. Ang mahalaga sa akin magkasama tayong dalawa kahit sa maliit o malaki mang bahay," sabi ko sa kaniya.
Handa akong talikuran ang lahat para lang kay Jason. Handa kong talikuran ang karangyaan at ang nakasanayan ko basta magkasama lang kaming dalawa.
"Salamat, babe. Tara pumasok na tayo sa loob," aya niya na sa akin.
Pumasok kami ni Jason sa loob. Isang matanda na babae ang lumabas mula sa kusina.
"Iho, nandito na pala kayo. Tamang-tama at nakahanda na ang lamesa," sabi ng matandang babae kay Jason. Humalik naman si Jason sa noo ng matanda.
"Ma si Patricia, nga pala. Siya ang girlfriend ko na sinasabi ko sa inyo ni Papa," pakilala sa akin ni Jason sa kanyang ina.
"Magandang umaga po, Ma," nakangiti kong bati sa kaniyang ina at lumapit ako rito at nagmano. Parang bahagya itong nakatulala habang nakatingin sa akin.
"I-ikaw pala ang girlfriend ng anak ko? Maganda ka, iha. Mukhang lumaki ka ng maayos. Ibig kong sabihin parang galing ka sa mayamang pamilya. Ang ganda kasi ng kutis mo at ang ganda-ganda mo," sabi sa akin ng ina ni Jason.
Bahagya niya pa akong pinagmasdan. Hindi ko maipaliwanag ang klase ng tingin niya sa akin. Parang may galit sa kanyang mga mata. O, baka ganoon lang talaga siya makatingin.
"Salamat po, Ma. May pasalubong po ako sa inyo ni Papa. Ang totoo po galing ako sa Amerika. Doon po kasi ako nag-aral at nagtapos," nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Gano'n ba? Hali ka kumain na tayo siguradong gutom na kayo ng unico, iho ko," aya nito sa akin.
Hinawakan niya pa ang kamay ko at iginiya patungo sa kusina. Maliit lang ang bahay nila Jason, na yari sa kawayan. Subalit malinis at maaliwalas tingnan.
Magkatabi kami ni Jason na umupo sa harap ng lamesa. Sa center table naman nakaupo ang kanyang ama at sa gilid nito ang kaniyang ina.
Maraming pagkain ang nakahanda.
"Pagpasensyahan mo na rito sa amin, iha. Ganito lang kasi ang buhay namin dito sa probinsya. Medyo marami 'yong niluto namin ng Papa ninyo dahil kaarawan ngayon ng panganay naming anak," sabi sa akin ng ina ni Jason.
"Mukhang ang sarap nga po ng mga niluto ninyo. Happy birthday po sa panganay ninyong anak. Saan po siya ngayon, bakit wala po siya rito?" tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan silang tatlo na parang wierd.
"Matagal na siyang patay. Pero kahit ganoon pa man sine-celebrate pa rin namin ang kaarawan niya," sagot sa akin ni Papa Gorio.
Bigla akong nalungkot sa pahayag na iyon ni Papa. "Gano'n po ba?" sambit ko na lang.
Hindi ko naman alam na may kapatid pala si Jason na namatay.
"Kumain ka ng marami, iha. Huwag kang mahihiya dahil welcome ka sa pamilya namin. Ang sabi sa amin ni Jason, dito raw muna kayo titira?" tanong naman sa akin ng Mama ni Jason.
Tumingin ako kay Jason at ngumiti. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. "Tikman mo ang mga niluto ni Mama, masarap iyan," sabi sa akin ni Jason.
Ngumiti lang ako sa kaniya at sinagot ang tanong ng mama niya sa akin.
"Okay lang po ba na dito muna kami tumira ni Jason sa bahay ninyo, Ma?" balik tanong ko sa ina ni Jason.
"Oo naman, iha. Pero okay lang ba talaga sa'yo na tumira rito?"
Nakangiti akong tumango-tango sa tanong na iyon ni Mama. "Opo naman, Ma. Wala namang problema sa akin ang lugar. Basta, kasama ko lang si Jason."
"Oh, 'yan naman pala. Walang problema dahil kay Jason naman ang bahay na ito. Sa gabi doon kami natutulog sa kabilang hacienda. Kaya kayong dalawa lang rito ni Jason, kapag gabi. Marunong ka ba sa mga gawaing bahay?" malambing na tanong sa akin ng Mama ni Jason. Tahimik naman ang mag-ama habang kumakain.
"Hindi pa po masyado, Ma. Pero gusto ko pong matuto dahil gusto kong alagaan si Jason," sagot ko sa Mama ng lalaking mahal ko.
"Dapat lang talaga, iha. Dapat matoto ka sa gawaing bahay. Dito kasi sa amin kailangan maaga ka pang magising at asikasuhin ang asawa mo dahil nagta-trabaho. Para kapag nagkaroon kayo ng anak alam mo na kung paano alagaan ang pamilya mo. Pero huwag muna kayo magkaroon ng anak dahil mga bata pa kayo," sabi sa akin ng ina ni Jason.
Ngumiti ako sa kaniya at tumango-tango. Tinikman ko ang pagkain na inilagay ni Jason sa aking plato.
"Ang sarap niyo pala magluto, Ma. Pwede niyo po ba akong turuan kung paano magluto ng ganito?" nakangiti kong tanong sa kaniya.
"Oo, naman, iha. Huwag kang mag-alala dahil tuturuan kita," magiliw naman nitong sagot sa akin.
Masaya kausap ang Mama ni Jason, subalit ang kanyang ama tahimik lang. Parang si Jason din. Kung hindi mo kausapin parang hindi rin magsasalita.
Pagkatapos namin kumain ni Jason, ipinasyal niya ako sa paligid. Wala man lang akong natanaw na mga kapitbahay.
"Ganito ba talaga rito, babe? Malayo sa mga pamahay?" yanong ko sa kaniya habang nakatayo kami sa gilid ng fish pond.
"Oo, babe malayo ang mga pamahay rito. Sigurado ka ba na okay lang sa'yo na dito tayo? Baka mamaya mahirapan ka," panigurado naman nitong tanong sa akin. Inakbayan niya ako.
"Sabi ko naman sa'yo babe, na walang problema sa akin. Basta magkasama tayo kahit saan lugar mo pa ako dadalhin. Madali lang naman ako mag-adjust sa mga lugar. Saan ba't masasanay rin ako rito?" sabi ko sa kaniya.
Ang layo ng lugar na ito sa nakagisnan ko, subalit wala namang problema sa akin. Pasaan ba at masasanay rin ako.
Niyakap niya ako patalikod. "Hayaan mo mag-iipon ako at magpapatayo ako ng sarili nating bahay. Gusto ko maging komportable ka. Ayaw ko na mahihirapan ang misis ko."
Kinilig naman ako sa tawag na iyon sa akin ni Jason.
"Misis? Hindi pa nga tayo kasal," sabi ko sa kaniya.
"Kahit kasal tayo o hindi nagsasama tayo, kaya misis na rin kita. Pasensya ka na kung ganitong buhay lang muna ang kaya kong ibigay sa'yo. Kapag okay na ang trabaho ko makaluwag-luwag na tayo. Kapag nasa bayan ako si Mama, ang kasama mo rito. Sa tuwing hapon lang ako uuwi," wika niya sa akin.
"Okay, lang iyon, babe. Ano kaya kung maghanap na rin ako ng trabaho? Para makatulong naman ako sa'yo," sabi ko sa kaniya.
"Ayaw kong nagta-trabaho ka, babe. Gusto ko kapag umuwi ako may madatnan ako rito na asawa sa bahay. Ako ang lalaki, kaya ako ang dapat magtrabaho. Ayaw ko na agawin ng trabaho mo ang atensyon mo sa akin, kaya pwede bang dito ka lang sa bahay?" malambing niyang tanong sa akin.
"May magagawa ba ako kung iyan ang gusto mo?" Nakakangiti kong sabi sa kaniya.
Napahalakhak ako ng tawa ng kilitiin niya ang aking leeg ng kanyang bigote. "Haahaha... Babe, nakikiliti ako!" Protesta ko sa kaniya, subalit patuloy pa rin ang pagkikiliti niya sa aking.
Walang tigil ang pagtawa ko. "Babe, hahhaha..." Lalo pa lumakas ang tawa ko. Ang saya-saya ko na kasama si Jason. Nang bitiwan niya ako tumakbo ako.
"Habulin mo ako!" masaya kong sigaw sa kaniya.
Ang ganda rin ng mga ngiti niya. "Kapag nahabol kita ikaw ang maglalaba ng mga marumi kong damit!" sabi niya sa akin at sinimulan niya na akong habulin.
Naghabulan kaming dalawa sa malawak na lupain. Para kaming mga bata na naglalaro ng habulan.
Walang mapagsidlan ang saya at tuwa na nararamdaman ko. Wala akong ibang inisip kundi ang buhay namin ni Jason. Kahit ang mga magulang ko at si Kuya Lorenzo, hindi ko iniisip. Gusto ko na kasing tumayo sa sarili kong mga paa.
Gusto kong maging malaya sa kahit ano mang gagawin ko. Higit sa lahat gusto kong makasama si Jason, na walang kumokontra sa aming dalawa. Kahit ganito lang ang buhay namin dito sa probinsya, walang problema dahil payapa naman ang pamumuhay namin dito.
Nang mahabol ako ni Jason, nagpagulong-gulong kami sa damuhan. Walang tigil ang aming pagtawa.