Chapter 27 3rd POV Naligo si Patricia, upang matanggal sa katawan niya ang amoy ng dumi ng mga manok. Subalit hindi pa rin maalis sa isip ni Patricia, ang mga sinabi sa kaniya ni Aling Lote. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakapatay siya ng tao. Naupo siya sa sahig ng kanilang banyo at umiiyak na naman. Lumaki siya na walang inaalalang problema, subalit hindi niya pala alam na may taong nagluluksa dahil sa kagagawan niya. Hindi niya rin lubos maisip na kung paano siya minahal ni Jason, sa kabila ng ginawa niya sa kapatid nito. Handang tanggapin ni Patricia, kung ano man ang parusang gagawin sa kaniya ni Jason. Wala rin siyang balak na ipaalam kay Jason, ang tungkol sa ipinahayag ni Aling Lote sa kaniya. Binuhusan ni Patricia, ang kaniyang katawan ng tubig, kasabay ng pag-agos ng