Chapter 26 3rd POV Halos hindi makapaniwala si Patricia sa kaniyang mga narinig. Umaalingawngaw pa rin sa pandinig niya ang mga sinabi ni Aling Lote. "Hindi ako ang pumatay sa kaniya. Buhay siya," paulit-ulit niyang sinasabi. "Pinatay mo ang anak ko, Patricia. Iyon ang dahilan kung bakit ka narito sa lugar na ito. Dinala ka rito ni Jason, upang gantihan sa ginawa mo sa kapatid niya. Subalit nagbago ang plano dahil minahal ka niya na hindi naman dapat. Oo, gusto ko makitang nadudurog ka. Gusto kong makita na masasaktan ka ng husto. Masisisi mo ba ako kung gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak ko?" tanong pa ni Aling Lote kay Patricia." Nakakahina at nakakawala ng lakas para kay Patricia, ang mga narinig niya mula kay Aling Lote. Subalit kahit ganoon pa man wala man lan