Chapter 12 Patricia Nagising ako na katabi ko na si Jason sa aking higaan. Sadyang sa sala ako natulog dahil akala ko ayaw niya akong katabi. Maaga akong nagising at pinagluto siya ng kaniyang umagahan bago ako nagtungo sa bahay nila Mama at Papa. Hindi na ako nagpaalam pa sa kaniya dahil sa banyo siya kanina. At ayaw ko rin munang makipag-usap sa kaniya. "Pagdating ko sa bahay nila Mama at Papa sakto naman na nagkakape ang mag-asawa sa labas ng kanilang bahay. "Ang aga mo naman yata, iha?" tanong sa akin ni Papa. "Baka po kasi maiwanan ninyo ako," sagot ko sa tanong ni Papa. "Bahagya pang nakunat ang noo ni Papa sa sagot ko sa kaniya. "Tutulong si Patricia, sa pagbubunot ng mani. Kaysa naman nakatunganga lang siya buong araw sa kanila at naghihintay na abutan ni Jason ang pera?