Episode 8

2080 Words
Chapter 8 Patricia Ilang linggo na ang nakalipas nakalipat na kami sa sarili naming bahay ni Jason. Kahit mahirap ang buhay dito masaya naman ako. Iyon nga lang kapag wala si Jason, mag-isa lang ako rito. Nililinisan ko na lang ang paligid ng bahay para luminis ito. Tapos tinataniman ko ng mga bulaklak at mga gulay. Dapugan lang ang ginagamit namin. Medyo nasasanay na rin ako magluto sa dapugan. Tulad ngayon maaga pa ako nagising para magsaing. Tulog pa si Jason at mamaya ko na lang siya gisingjn kapag luto na ang sinaing ko. Minsan nag-e-enjoy naman ako sa buhay namin dito kahit malayo sa buhay na kinagisnan ko. Nagprito na rin ako ng itlog at talong na natira sa binili ni Jason, noong isang araw. Minsan naiisip ko rin sina Mommy at Daddy, tiyak na nag-aalala rin sila sa akin. Balak ko silang tawagan kapag pumunta ako sa bayan. Para alam din nila na ayos lang ako at masaya ako sa buhay na pinili ko. Oo, minsan tanga talaga ang pag-ibig, subalit hindi lahat ng bagay ay pera lang ang mahalaga. Na-enjoy ko rin ang masaganang buhay, at ngayon e-enjoy ko rin ang sarili ko na kasama ang taong mahal ko. Sasamahan ko si Jason, sa hirap at ginhawa. Sasamahan ko siya sa kaniyang paghihirap at tagumpay. Nang maluto na ang sinaing gigisingin ko na sana si Jason, subalit nasa pintuan na ito. "Babe, gigisingin sana kita para kumain na," nakangiti kong sabi sa kaniya. Nasa labas kasi ang dapugan namin. "Ang aga mo nagising, Babe. Dapat natulog ka muna," sabi nito sa paos niyang boses. Nagtungo siya sa lababo sa gilid ng dapugan at naghilamos. Kumuha naman ako ng platera para lagyan ng kanin. Dinala ko iyon sa loob at nilagay sa maliit naming lamesa na yari sa kawayan. Binigyan ko si Jason ng towel para ipunas sa kaniyang mukha. "Kumain na tayo. Nakahanda na ang pagkain," sabi ko sa kaniya. "Hindi ako papasok ngayon, babe. Gusto kitang ipasyal sa batis. Saka holiday ngayon, kaya wala akong pasok," sabi nito sa akin. Malawak akong ngumiti sa sinabi niyang iyon. "Ibig sabihin samahan mo ako sa bayan?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Kailan ko pa kasi gustong pumunta sa bayan Pumasok siya sa loob at naupo sa harap ng lamesa. "Babe, pinag-usapan na natin ito, hindi ba? Hindi ka nga muna pwede pumunta sa bayan. Paano kung may makakita sa'yo at isumbong ka nila sa pamilya mo? Babe, ayaw ko mawala ka sa akin. Paano kung paghiwalayin nila tayo? Ipasyal natin sa mall, dito na lang tayo," wika niya sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo. Naupo na rin ako sa harap niya at tipid na ngumiti. "Saan naman tayo mamasyal rito? Eh, puro naman dito kagubatan?" sabi ko sa kaniya. Nilagyan ko ng kanin ang plato niya at ulam saka ako naglagay sa plato ko. "Akala mo puro kagubatan lang dito, pero hindi mo alam na may magandang tanawin din dito? At malapit lang din ang dagat dito, kaya gusto ko mamasyal tayo roon," seryoso niyang sabi sa akin. "Gusto ko sana babe, tumawag kina Mommy at Daddy. Para hindi na sila mag-alala sa akin. Hindi ko rin magamit rito ang cellphone ko dahil wala man lang signal," wika ko sa kaniya. Bumuntong hininga siya ng malalim. "Kung gusto mo tumawag sa kanila pupunta tayo kina Aling Jucy. May telepono sila roon, kaya pwede tayo makitawag doon," sagot niya sa sinabi ko. Hindi na lang ako umimik pa. Subalit okay lang iyon. Ang mahalaga matawagan ko sina Mommy. Pagkatapos nga namin kumain ni Jason, pumunta kami sa sinasabi niyang bahay nila Aling Jucy. Malayo-layo rin ang nilakad namin bago kami nakarating doon sa kanilang bahay. Ito lang yata ang bahay na mas malapit sa bahay namin ni Jason, subalit kailangan pang tumawid ng maliit na sapa bago makarating sa kanila. "Oh, Jason nakapasyal ka? At sino naman itong magandang babae na kasama mo?" tanong ng Ali kay Jason, na kasing edad lang din ni Mama Lote. "Si Patricia po asawa ko. Babe, si Aling Jucy, kapitbahay natin na malayo sa bahay," pakilala naman sa akin ni Jason sa Ali, habang nakangit ito. "Magandang umaga po, Aling Lote. Ang ganda po ng lugar ninyo rito. Malawak ako ang bakuran at malinis," nakangiti kong sabi sa kaniya at nakipagbiso-biso ako sa kaniya. "Nako, iha. Hindi pa ako naligo," naiilang nitong sabi sa akin. "Okay, lang po iyon," nakangiti kong sabi sa kaniya. "Pumunta nga pala kami rito Aling Jucy dahil makikitawag sana kami overseas," sabi ni Jason sa kaniya. "Sige, hali kayo. Pumasok muna kayo sa bahay," aya sa amin ni Aling Juicy. Yari sa half concrete ang kanilang bahay at half na kawayan. Pumasok kami ni Jason sa loob. Maganda ang kanilang bahay maaliwalas at malinis. May dalawa rin itong silid. Agad nagtungo si Manang Jucy, sa harap ng telepono. "Sino ang tatawag sa inyong dalawa?" tanong nito sa amin ni Jason. "Si Patricia po. Tatawag lang siya sa mga magulang niya," sagot naman ni Jason sa tanong ni Aling Jucy. Lumapit naman ako kay Aling Jucy. Ibinigay naman nito sa akin ang telepono. Sinimulan kong i-dial ang number namin sa bahay sa Amerika. "Ang ganda-ganda naman ng asawa mo, Jason. Banyaga ba ang mga magulang niyan?" tanong ni Aling Jucy kay Jason. Kinakabahan ako habang nagre-ring naman ang kabilang linya. "Amerikano, po ang papa niya. Sino po ang kasama niyo rito, Aling Jucy?" tanong naman ni Jason kay Aling Jucy. "Si Danica, subalit naroon siya sa batis naglalaba," sagot naman nito kay Jason. Tumingin naman sa akin si Jason. "Babe, doon na muna ako sa labas, ha?" sabi nito sa akin at tumango-tango lang ako sa kaniya. Ilang sandali pa ang lumipas may sumagot na sa kabilang linya. "Hello?" Sa boses pa lang alam kong si Mommy. "Mom, si Patricia po ito. Kumusta po kayo ni Daddy?" tanong ko sa kaniya. "Patricia? Mabuti naman at tumawag ka. Pinag-aalala mo talaga kami ng Daddy mo. Pati ang Kuya Lorenzo, mo hindi mo man lang tinawagan. Saan ka ba, ha?" nag-aalala nitong tanong sa akin. Halata naman sa boses niya ang pag-aalala sa akin. ''Ang sabi ng Mananger mo, hindi ka na raw nag-renew ng kontrata mo sa pagmo-modelo?" tanong pa sa akin ni Mommy sa kabilang linya. "Hindi na po, Mom. Mag-aasawa na po ako. Hindi na po ako magmo-modelo," sabi ko kay Mommy. "Anong mag-aasawa ka na? At sino naman ang nobyo mo, ha? 'Yong si Jason, ba? Ano ang trabaho niya? At ano ang background ng pamilya niya?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Mommy. "Hindi po si Jason, Mom. Iba po ang boyfriend ko. Okay, lang naman ang pamilya ng nobyo ko. Huwag niyo na po akong alalahanin, Mom. Kaya ko na po ang sarili ko. Tumawag lang po ako sa inyo para huwag kayong mag-alala sa akin ni Daddy. Kayo na lang din po ang magsabi kay Kuya at Daddy. Sabihin niyo po sa kanila na huwag na sila mag-alala sa akin dahil ayos lang ako. Pero na-miss ko na kayo ni Daddy, Mom," wika ko sa aking ina. "Patricia, naman, anak? Ipakilala mo naman sa amin ang nobyo mo, para naman makilala. namin siya," sabi sa akin ni Mommy. Ayaw ko sabihin sa kanila na si Jason, ang nobyo ko dahil alam ko na kilala siya ni Kuya. Hindi naman sa ikinakahiya ko si Jason sa pamilya ko dahil sa estados nila sa buhay. Ayaw ko lang kasi na baka mahusgahan siya. Lalo na kapag nalaman ng mga magulang ko at ni Kuya ang kalagayan ko. Sanay ako sa malaking bahay at hindi sa kubo, subalit masaya ako dahil kasama ko si Jason. Minsan nasasabi ko talaga na sadyang bulag ang pag-ibig. Ang layo ng agwat namin ni Jason sa buhay. Lumaki siya sa mahirap na pamilya samantalang ako lumaki sa maranyang buhay. Subalit para sa akin pantay-pantay lang ang tao. Ang pagmamahal walang pinipili. Wala akong pakialam kung mahirap o mayaman man si Jason. Ang mahalga sa akin nagmamahalan kami. "Hayaan niyo po, Mom. Darating din ang araw na makilala niyo siya. Sa ngayon gusto muna namin mag-focus sa buhay namin. Ipapakilala ko rin po siya sa inyo, Mom. Sige po Mom. Baka malaki na ang babayaran ko sa landline. Kayo na po ang bahala kay Daddy at kay Kuya magsabi na okay lang ako," paalam ko sa kaniya. "Uuwi ako riyan sa Holand nitong taon na ito. Ipapakilala mo sa akin ang boyfriend mo, Patricia!" mariin na sabi sa akin ni Mommy. "Mom, hayaan niyo na po ako. Malaki na po ako. Ipapakilala ko po siya sa inyo kapag handa na ako," sabi ko kay Mommy. Ibinaba ko na ang telepono at bumuntong hininga ng malalim. Ayaw ko munang ipakilala si Jason sa kanila. Kaya ang pera na naipon ko gusto kong inegosyo namin iyon. Para kahit paano naman wala silang masabi na isang empleyado lang ang asawa ko. Pagkatapos kong makipag-usap kay Mommy sa telepono ay lumabas na ako. Naabutan ko naman si Jason at si Aling Jucy na nag-uusap. "Kumusta ang pag-uusap ninyo ng Mommy mo?" tanong sa akin ni Jason nang makalapit ako sa kanila. "Okay, lang. Magkano po pala ang babayaran ko Aling Jucy?" tanong ko. "Okay na, Iha. Nabayaran na ni Jason," sabi ni Aling Jucy sa akin. "Hali ka, babe. Pupunta tayo sa batis," aya ni Jason sa akin. "Salamat po aling, Jucy. Kapag gusto ko pong tumawag ulit sa mga magulang ko pupunta lang ako rito, ha?" nakangiti kong sabi kay Aling Jucy. "Walang anuman, iha. Walang problema kahit anong oras kang pumunta rito dahil dito lang naman ako sa bahay," sabi nito sa akin. Naglakad na kami ni Jason patungo sa batis. "Kumusta ang pag-uusap ninyo ng Mommy mo?" tanong ni Jason sa akin. Medyo matirik ang daan, kaya tudo ingat naman ako ako sa paghakbang. "Ayos lang, babe. Gusto ka sana makilala ni Mommy, pero hindi ko sinabi na ikaw 'yong boyfriend ko kasi kilala ka ni Kuya. Baka mamaya kung ano ang gawin niya sa'yo?" wika ko sa kaniya. "Wala naman akong kasalanan sa Kuya mo. Kaya okay lang kahit harapin ko siya. Isa pa maayos naman akong umalis sa kompanya niya. O, kahit ang Mommy mo wala naman problema sa akin na makilala nila ako," determinadong sabi sa akin ni Jason. "Pero saka na lang kita ipakilala sa kanila kapag nakaahon na tayo. Ibig ko sabihin kapag may sarili na tayong negosyo. Babe, may pera naman ako sa bangko. Naipon ko iyon noong nagmo-model ako. Pwede nating simulan magpatayo ng sarili natin negosyo kahit magsimula lang muna tayo sa maliit na kapital," alok ko sa kaniya. "Bakit ikinakahiya mo ba ako sa kanila dahil sa kalagayan namin sa buhay? Alam ko naman na mayaman ang pamilya mo, pero hindi ko kailangan ang pera mo para panimula ng negosyo. Kung magni-negosyo man ako sarili kong pera iyon. Saka ayaw kong pag-uusapan ang tungkol sa pera. Itabi mo lang muna ang pera mo dahil kaya ko pa naman kumita ng pera para sa ating dalawa," galit niyang sabi sa akin. Huminto ako sa paglakad at tumingin sa kaniya. "Bakit ka nagagalit? Nagsa-suggest lang naman ako sa'yo para sa ikabubuti natin. Wala ka bang balak magnegosyo? Ang gusto ko lang naman kasi makatulong sa'yo. Kuntento ka na ba sa pagiging empleyado? Ang sa akin lang may pang kapital naman tayo. Bakit hindi natin simulan ang magpatayo ng sarili nating negosyo?" Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi kong iyon. Mas lalo pa yata siyang nagalit sa akin. "Mahal ko ang trabaho ko. Magni-negosyo ako kung gusto ko. Alam ko naman ang gusto mong mangyari, eh! Gusto mong magnegosyo ako, para maipagmalaki mo rin ako sa pamilya mo. Hindi ko kailangan ang pera mo, Patricia. At hindi ako magni-negosyo para lang maipagmalaki mo sa pamilya mo. Kung ikinakahiya mo ako dahil isa lang akong empleyado, eh 'di sana hindi mo na lang ako sinagot at hindi ka na lang sana sumama sa akin!" naiinis niyang wika sa akin. Hindi ko akalain na magagalit siya sa naging suggestion ko sa kaniya. Ang gusto ko lang naman makaahon kami sa ganitong buhay. Paano kung magkaroon na kami ng mga anak? Ayaw ko naman palakihin ang mga anak ko sa ganitong buhay. Ang gusto ko, kung ano ang ibinigay ng mga magulang ko sa akin na maraniyang buhay iyon din ang ibibigay ko sa aming mga magiging anak ni Jason. Ayaw kong lumaki sila sa mahirap na buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD