Chapter 9
Patricia
Nakarating kami sa batis ni Jason. May isang babae na naglalaba roon.
"Danica, ang dami mo yatang labahan, ah!" wika ni jason sa babaeng naglalaba sa batis. Napakalinaw ng tubig at umaagos lang ito.
Tumingin naman sa amin ang babae na nagsasabon ng kaniyang mga labahan.
"Jason, ikaw pala. Kailan ka dumating?" nakangiti nitong tanong kay Jason. "Sino siya?" dugtong pa nitong tanong kay Jason.
"Mahigit dalawang buwan na ako dumating. Namasyal kami sa inyo dahil nakitawag sa telepono.. Si Patricia pala, girlfriend ko," pakilala ni Jason sa akin sa babae. "Babe, si Danica pala, anak ni Aling Jucy," baling naman sa akin ni Jason.
Ngumiti ako kay Danica. "Hi, parang ang ganda naman maglaba rito?" Nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Mukhang naka-jackpot si Jason sa'yo. Ang ganda mo," nakangiti nitong sabi sa akin.
"Thank you, ikaw rin ang ganda mo," nakangiti ko rin na sabi sa kaniya.
Tipid lang siyang ngumiti at ipinagpatuloy ang paglalaban niya.
"Babe, gusto mong maligo? Tara maligo tayo," nakangiting aya sa akin ni Jason.
"Wala tayong dalang pang-bihis," wika ko kay Jason, habang nakangiti naman na nakatingin sa amin si Danica. Nakapatong kami sa malaking bato.
Hinubad ni Jason, ang kaniyang t-shirt. "Eh 'di sa bahay na tayo magbihis," sabi ni Jason at bigla na lang siyang tumalon sa tubig.
Medyo malalim doon sa tinalunan niyà.
"Matagal na kayo ni Jason?" nakangiting tanong sa akin ni Danica.
"Oo, ldr ang relasyon namin. Sa Amerika kasi ako, kaya noog umuwi ako rito sumama na ako sa kaniya," sabi ko kay Danica.
"Nagsasama na kayong dalawa?" Tumango-tango naman ako sa tanong na iyon sa akin ni Danica.
"May bahay kami doon kaso tatawid pa ng saoa. Dati doon kami nakatira sa bahay ng mga magulang niya, pero gusto ni Jason na magbukod kaming dalawa kaya nagpatayo kami ng sarili naming bahay. Iyon nga lang malayo sa lahat at kayo lang yata ang pinakamalapit na kapitbahay namin," nakangiti kong sabi kay Danica.
Ngiti lang ang isinukli nito sa akin.
"Tinatawag ka na ni Jason, maligo ka na. Masarap ang tubig malamig," sabi sa akin ni Danica.
Kinakawayan na ako ni Jason. Mabuti na lang nawala ang galit niya sa akin kanina. Akala ko mag-aaway kami.
Lumusong na lang ako sa tubig at lumangoy ako patungo sa kaniya. Napakalamig ng tubig at napakalinaw.
"Babe, 'di ba sabi mo may malapit din na batis sa atin?" nakangiti kong tanong kay Jason, habang palutang-lutang kami sa tubig.
"Oo, babe. Kaso hindi pa malinis ang daan. Baka mamaya matuklaw pa tayo ng ahas," wika nito sa akin.
Kung sa bagay tama naman siya. Masaya kaming naligo ni Jason sa batis. Natutuwa akong pagmasdan si Danica, habang binabanlawan niya ang mga labahan niya sa batis. Ang bilis niya lang magbanlaw.
"Tara umahon na tayo. Uwi na tayo sa bahay baka lalamigin ka na," aya na sa akin ni Jason.
Umahon na nga kami sa tubig at sakto naman na tapos na si Danica sa paglalaba.
"Ito ang tuwalya gamitin mo muna. Sa bahay na lang ako maliligo. Itakip mo sa katawan mo para hindi ka ginawin." Nakangiting inabot sa akin ni Danica ang kaniyang tuwalya nang makalapit ako sa kaniya.
Kinuha ko iyon at itinakip sa katawan ko. Umalis na kami sa batis. Naglakbay na kami patungo sa bahay nila Danica at Aling Jucy.
Si Jason, na nga ang nagbuhat ng palanggana na may lamang mga labahan ni Danica.
Pagkadating namin sa bahay nila Danica, nilapag naman ni Jason ang langgana sa lupa.
"Ito ang tuwalya mo salamat, ha? Kapag wala kang ginagawa pumunta ka sa bahay," nakangiti kong sabi kay Danica at ibinigay sa kaniya ang kaniyang tuwalya.
"Sige, bukas pupunta ako sa inyo. Mabuti at may kapitbahay na kami rito," nakangiti naman sabi sa akin na Danica. Ngayon lang kami nagkakilala subalit parang ang gaan ng loob ko sa kaniya.
Nagpaalam na kami sa kaniya ni Jason. Giniginaw na ako habang naglalakad kami ni Jason, patungo sa bahay.
"Babe, ang lamig!" wika ko sa kaniya.
"Gusto mo paiinitin kita?" pilyo nitong sabi sa akin habang nakangisi.
"At paano mo naman ako papainitin, hmm?" baling ko sa kaniya.
"Come here," sabay hatak niya sa akin at isinandal niya ako sa malaking puno ng mahogany.
Hinalikan niya ako sa aking labi ng mapusok na halik. Hanggang bumaba ang halik niya sa aking leeg.
"Babe, baka may makakita sa atin rito," saway ko kay Jason.
Ipinagpatuloy niya pa rin ang kaniyang ginagawang paghalik sa aking leeg.
"Jason, ano ba? Huwag dito, baka may makakita sa atin nakakahiya." sabay tulak ko sa kaniya, kaya tumigil siya sa kaniyang ginagawa.
Salubong ang kilay niya na tumingin sa akin. "Ang dami mong arte!' galit niyang sabi sa akin at humakbang na siya. Minsan hindi ko talaga maintindihan ang ugali ni Jason. May pagkakataon na malambing siya sa akin, subalit may pagkakataon din na parang cold siya.
Nauna na siyang maglakad sa akin, kaya sumunod na lang ako sa kaniya. "May bahay naman tayo, kaya pwede mong sa bahay gawin iyon!" naiinis kong sabi sa kaniya. Hindi ko naman siya tinatanggahan kapag gusto niya akong angkinin.
Huminto siya at bumaling sa akin at masakit na tumingin.
"You know what? You're boring!" galit niyang sabi sa akin.
Nakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon.
"What? I am boring? Where, in bed? Kung ginagawa mo iyan sa ibang babae pwes huwag mong gawin sa akin!" naiinis kong sabi sa kaniya.
"Oo, boring ka sa kama. Look, gusto ko lang naman na mas lalong excitement ang pagtatalik natin pero masyado kang, Manang!"
Tumawa ako ng pagak sa sinabi niyang iyon.
"Ikaw ba talaga 'yan, Jason? Sa dalawang buwan mahigit nating pagsasama ngayon mo lang talaga sasabihin iyan sa akin, boring ako sa kama?" hindi ko makapaniwalang sabi sa kaniya.
"Talaga naman! At least, sinasabi ko sa'yo ang totoo!'' naiinis niyang sabi sa akin at nagpatuloy siya sa paglakad.
Parang gusto ko na lang maiyak dahil sa inasal niyang iyon sa akin. Sumunod na lang ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung paano tumawid sa sapa.
Isang kawayan lang kasi ang tulay na tawiran at may hawakan naman. Inalalayan niya lang ako kanina para lang makatawid sa sapa.
Hindi na lang ako umiimik at patuloy lang din siya sa kaniyang paglalakad. Subalit pagdating namin sa sapa hindi niya man lang ako hinintay. Tumawid na siya sa tulay at hinayaan niya ako.
"Jason, hintayin mo ako. Alam mo naman hindi ako marunong tumawid sa tulay," sabi ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin at namaywang. "Matuto kang tumawid mag-isa mo. Bahala ka riyan. Kung hindi ka matutong tumawid bumalik ka roon kina, Aling Jucy!" sabi niya sa akin at tinalikuran niya na ako.
Parang wala talaga siyang balak na tulungan akong patawirin sa kawayan na tulay.
"Babe, ano ba? Tulungan mo ako!" sigaw ko sa kaniya, ngunit patuloy pa rin siya sa paglalakad. Parang wala siyang naririnig.
"Jason, ano ba? Huwag mo akong iwan dito!" sigaw ko sa kaniya, subalit parang wala talaga siyang naririnig.
Sinubukan ko i-hakbang ang aking paa sa tulay na kawayan ngunit nanginginig ang aking tuhod. Dagdagan pa na giniginaw na ako dahil malamig ang ihip ng hangin. Hindi ko na nakita si Jason. Talagang iniwan niya ako rito.
Mangiyak-ngiyak na lang ako na nakatayo sa gilid ng tulay. Muli kung sinubukan na humakbang at humawak sa kawayan na hawakan. Nanginginig ang aking mga tuhod. Dahan-dahan lang ako sa paghakbang at baka mahulog ako. Dahil sa pangangatog ng tuhod ko bumalik na lang ako at hindi ko pinapatuloy ang pagtawid.
Inabot ako ng mahigit isang oras na nakatayo rito sa gilid ng tulay. Natuyo na nga ang damit ko subalit giniginaw pa rin ako.
Sinubukan ko muling tumawid sa tulay. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko tudo hawak ako sa hawakan na kawayan. Para akong tumutulay sa maliit na lubid.
Nang nasa gitna na ako ng tulay bigla na lang akong nadulas at nahulog sa tubig.
Nakainom pa ako ng tubig. Mabuti na lang marunong akong lumangoy kung hindi baka nalunod na ako.
Lumangoy ako sa gilid at umahon. Inis na inis ako kay Jason. Tiniis niya talaga akong iwanan.
Pagdating ko sa bahay pangiti-ngiti pa siya. "Congrats, at natutunan mong tumawid sa kawayan na tulay," mapang-asar niya pang sabi sa akin.
Hindi ko siya pinansin sinimangutan ko lang siya. Nagtungo ako sa silid namin. Kumuha ako ng tuwalya at padubog na nagtungo sa banyo.
Nagsabon ako ng aking katawan at nagbanlaw. Pakatapos nagtapis ako ng tuwalya at lumabas sa banyo. Nasa labas din ng kubo namin ang banyo.
Paglabas ko ng banyo pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakaupo si Jason, habang nakaharap sa kaniyang laptop.
Naiinis ko siyang tiningnan na para bang wala lang sa kaniya na naiwan ako roon sa tulay.
Pumasok ako sa aming silid at nagbihis. "Patricia magsaing ka na," utos niya sa akin.
Tinapos ko ang pagbihis ko at lumabas sa aming silid.
"Magluto ka rin ng ulam natin dahil kailangan matapos ko itong trabaho ko. Bukas ko na ito ipapasa,"
Hindi ko siya pinansin at hindi rin ako nagsaing. Iniwan ko siya sa aming bahay. Nagtungo ako sa bahay nila Mama. Kahit medyo malayo ang bahay nila Mama tiniis ko na maglakad.
Pagdating ko sa bahay nila Mama, naabutan ko si Papa sa labas nagsisiga ng mga tuyong dahon na winalis ni Mama.
"Patricia, anong ginagawa mo rito?" tanong sa akin ni Papa nang makita niya ako.
Nakasimangot ako habang tumutulo ang mga luha ko. Ilan sandali naman lumabas si Mama sa pintuan.
"Sino ang kasama mo, Patricia? Bakit ka umiiyak?" tanong naman sa akin ni Mama.
"Ako lang po, Ma? Si Jason, po kasi iniwan niya ako sa tulay. Alam naman niyang hindi ako marunong tumawid sa tulay na kawayan iniwan niya pa rin ako," umiiyak kong sumbong kay Mama.
Bumuntong hininga naman ng malalim si Papa.
"Saan ba kayo pumunta at bakit tumawid kayo sa tulay?" tanong naman ni Mama sa akin.
"Pumunta po kasi kami kina, Aling Jucy," sagot ko sa tanong ni Mama.
"Baka naman may ginawa ka na hindi nagustuhan ni Jason, kaya ka iniwan sa tulay?" sabi ni Mama sa akin.
"May hindi lang po kami pagkakaunawaan, Ma. May pinagtalunan lang po kami, pero hindi niya dapat ako iniwan doon. Nahulog po ako sa tulay. Paano kung hindi ako marunong lumangoy? Eh 'di, nalunod na ako?" wika ko pa sa kanila.
"Nasaan na si Jason ngayon?" tanong naman ni Papa sa akin.
"Naroon po siya sa bahay iniwan ko," sagot ko sa tanong ni Papa.
"Pinapasaing niya ako, pero hindi ako nagsaing dahil pumunta ako rito," dugtong ko pang sabi kay Papa.
"Mas lalong magagalit iyon sa'yo. Mabuti pa umuwi ka na at pagsaingan mo ang asawa mo," utos naman sa akin ni Mama.
"Hayaan mo na muna dito si Patricia, Lote!" sabi ni Papa kay Mama.
"Pabayaan mo iyan si Jason, Patricia. Dito ka na lang kumain. Magpalipas ka muna rito ng oras," sabi pa sa akin ni Papa.
Pumasok naman si Mama sa loob. Umupo ako sa upuan at tinitingnan na lang ang ginagawa ni Papa.
Masama talaga ang loob ko kay Jason dahil iniwan niya ako sa tulay.
"Bakit ka ba nagtitiis dito, iha? Hindi ito ang lugar na nakasanayan mo. Bakit hindi mo na lang iwanan si Jason? Ang alam ko mayaman ang pamilya mo. Walang magulang na gustuhing makita na nahihirapan ang kanilang anak," seryosong sabi sa akin ni Papa.
"Mahal ko po si Jason, Pa. Kaya ko naman po magtiis sa piling niya. Hindi ko po kayang mawala sa buhay ko si Jason. Isinakripisyo ko po ang career ko para sa kaniya. At hindi po ako nagsisisi na sumama ako sa kaniya. I'm sorry, Pa. Mahal ko po si Jason. Hindi ba, kapag mahal mo ang tao kaya mo magtiis sa piling niya kahit mahirap ang buhay?" seryoso kong sabi kay Papa.
Bumuntong-hininga naman siya ng malalim. "Hindi mo alam kung sino ang minahal mo, iha. Hanggang hindi pa dumating ang araw na pagsisihan mo ang pagsama mo kay Jason, hiwalayan mo na siya," sabi sa akin ni Papa na parang may ibig siyang sabihin.
"Kilala ko po si Jason, Pa. Mahal ko siya at hindi ko kayang mawala sa kaniya," determinado pang sabi ni Papa Gorio.
"Pero hindi ito ang kinagisnan mong buhay, iha!" Mariin pang sabi sa akin ni Papa.
"Nasanay na rin ako, Pa. Hindi naman mahalaga sa akin kung mahirap man ang kalagayan namin ni Jason. Kahit maliit lang ang bahay namin, masaya naman ako na kasama ang anak ninyo. Mahal ko si Jason, Pa, kaya kahit ano ang sabihin ninyo hindi ko siya hihiwalayan. Hindi ko kayang mabuhay na wala siya," wika ko pa kay Papa.
Hindi ko naman alintana ang hirap ng buhay. Nakakain naman kami ng tatlong beses o mahigit pa sa loob ng isang araw. Napagkasya naman niya ang sahod niya sa aming dalawa kahit na nagbibigay siya sa mga magulang niya.